Masuk"Ang hirap magpalaki ng magulang, di ba?Minsan, naiisip ko nga na huwag nang umuwi, tumira na lang sa bangketa o sa ilalim ng tulay? At least sarili ko lang ang aasikasuhin, ang kaso kahit anong subok ko, 'di ko magawang iwan ang Itay." Sabi ko na lang.
"Hay naku so, ano? Titiisin mo na lang, alam mo, sa pagkahayok sa alak niya at pagkasugapa sa sugal, baka pati kaluluwa niyang isanla para lang makapunta sa casino. Naku, Abby, obserbahan mo ’yang tatay mo, baka bila na lang ’yan damputin ng mga pulis sa bahay nyo. Kaso parang mas okay nga yata yun at least di ka na makokonsensya kapag wala na siya, di ba?" sabi ni Rita.
Natahimik ako sa sinabing iyon ng kapitbahay namin. Posible nga iyon. Paano nga kaya kapag makagawa ng labag sa batas ang Itay dahil sa pagkalulong sa sugal, nag-aalala ko pang sabi. Ngunit hindi ko akalain na ang alalahanin iyon tungkol sa itay ay mangyayari. Isang buwan ang lumipas matapos naming mag-usap ni Rita sa ihawan. Umuwi ako saglit sa bahay bandang alas tres ng hapon. Maaga kasing naubos ang paninda kong siomai. Balak ko sana ay umuwi saglit at magluto ng kahit 50 pcs pa para may maitinda ako sa gilid ng school mamayang hapon na sakto sa labasan ng mga eskuwela. Papasok na ako sa eskanilya nang biglang may tumawag sa akin.
“Abby, naku, mabuti naman at umuwi ka na?" sabi sa akin ng kapitbahay naming hindi lamang presidente ng homeowners kundi presidente rin ng samahan ng mga marites at marisol sa Pilipinas, kaya palaging updated tulad ngayon.
"Bakit ho? May problema ho ba Aling Minda? Usisa ko, kunwari, kahit hindi naman ako interesado dahil baka tungkol lamang ito sa monthly dues. Dire-diretso lang akong naglakad papasok sa iskinita namin. Sumunod, ito pala sa akin."Naku, kase eh may mga dumating na mga lalaki diyan sa bahay nyo, mga naka-all black nga eh, pero mukha namang sanggano," daldal ni Aling Minda. "Naku, eh kinaladkad ang tatay mo at isinakay sa kotse sa labasan." balita pa nito. Kahit papaano, natuwa siyang may silbi pala ang tsismosa sa lugar nila.
"Baka naman ho exaggerated lang ang kuwento ninyo, malamang, mga taga-casino lang iyon o kaya ay tauhan noong kaibigan ni Itay na si ... Ano nga bang pangalan nun? Ah, baka tauhan ni Uncle Drake," pagtanggi ni Abby."Naku, hindi, tinutukan ng baril ang tatay mo eh, saka sa hitsura ng tatay mo na namumutla eh mukhang takot ang tatay mo," sabi pa nito. "Sige ho, Aling Minda, kakausapin ko ang Itay pag-uwi. Salamat ho sa balita," sabi ko na lang, pero kinabahan na rin ako noong mga oras na iyon." Minsan, may dulot din naman na maganda ang mga living cctv sa lugar namin, dahil kahit papaano, nalalaman ko ang latest na tsismis at naaalarma ako kung kinakailangan, tulad ngayon.
Nagluto ako ng siomai at muling umalis. Plano ko na kausapin si Itay, ngunit mahirap maghanap ng pagkakataon. Kadalasan kase inaabot ako ng alas sais sa pagtitinda. Sakto lang na maiuwi ko ang mga gamit, sabay ligo at pasok na agad sa karaoke bar. Natatapos ako sa bar ng alas-una ng madaling-araw, at kadalasan tulog na ang itay dahil madalas ngang lasing. Lumipas ang buong linggo. Isang hapon ay himalang naabutan niya ang ama sa bahay. Mukhang maganda ang mood nito at inalok pa siya ng nilagang mais.
"Nak, mais oh, masarap at bagong laga. Bilis kain na," alok ni Itay. Sinulyapan ko ito at nakita ko nga ang malalantik na buti ng mais. Kumuha ako. Pagyuko, nasulyapan ko ang dalawang bote ng alak na paborito ni Itay. Hindi ako kumibo at kunwari ay nagtanong.
"Naka-jackpot ka ba sa casino kagabi, Itay? Balato naman diyan," sabi ko na lang kahit hindi ako umaasa.
"Ah, hindi. Ang totoo talo nga ako. Malas na naman, pero babawi ako mamaya.' sabi ni Itay. "Talo kayo? Pero himala, may bangbili kayo ng alak at mais? Nagtataka kong sabi. Kadalasan kase kapag talo ito, umuuwi itong lasing na. Malamang, nakiburaot sa inuman kung saan-saan. Ikalawa, kung hindi lasing, ay tiyak na kukutungan siya ng piso pangbili ng sigarilyo at kung ano pa. Pero himala, may alak na ito; may meryenda pa."Ah, kase nakadiskarte ako ng pera, kaya may panaya ako mamaya. Medyo binawasan ko lang ng pang-alak at meryenda. Oh, ito ang isang libo. Bumili ka ng masarap na ulam ha." Sabi pa nito sa akin, sabay abot ng malutong na isang libo.
"Saan ka dumiskarte, Itay? Baka naman po itay sa ilegal na 'yan. Baka ikapahamak nyo 'yan," usisa ko na sa kanya. Kinabahan na kase ako lalo pa at naalala ko ang sinabi ni Rita noong isang buwan, pagkatapos ay ang sinabi ni Aling Minda nitong nakaraang linggo lamang.
"Aba, hindi ito galing sa masama, anak. Naalala mo ba yung kwento ko sa'yo dati na nagbigay sa akin ng imported na alak, may chocolate pa nga, si Drake, yung kinakapatid ni Andeng, di ba sabi ko dumating na siya galing Saudi. Siya ang nagpahiram sa akin ng panaya. Napakabait talaga ng uncle Drake mo na iyon. Pinahihiram niya ako ng panaya at ang bayad ay kapag nanalo ako. Di ba ang bait talaga?" masiglang kuwento ng itay . Pero ewan ko ba, parang masigla naman ang boses ng Itay ko pero parang may nahihimig akong pagkabalisa. Parang may hindi totoo.
"Ganun ho ba? Sige ho, mamimili ako ng masarap na ulam. Magkita na lang ho tayo mamaya." Paalam ko na. Nang makalipas ang ilang gabi, napansin kong parang palaging maganda ang mood ni Itay. Isang gabi, bigla akong nagulat nang kalabitin ako ng isang waitress sa karaoke bar.
"Hoy, Abby, hinahanap ka ng tatay mo,nandun sa labas. Labasin mo daw siya agad. May sasabihin daw sa'yo. Labasin mo na daw agad," sabi rin ni Madam. Sabi ni Monica.
"Anong ginagawa ng Itay, dito?" nalilitong tanong ko at agad na nilabas ang tatay ko."Tay! Ano'ng ginagawa niyo rito? Huwag ninyong sabihing magkakabaret kayo?' medyo inis kong tanong. Bukod sa hindi ko gustong gawin yun ni Itay, malamang pa na i-charge nito sa 'kin ang bill nito, kaya lalo akong nainis. "Meron lang akong kakatagpuin dito, Abby. Eh, nak, meron ka bang limang daan diyan? Pahiramin mo nga muna ako, kailangan ko ng pambili ng yosi," sabi ni Itay. Napasimangot ako. Tama ang hinala ko. May sadya itong napasyal roon sa kanya. "Limang daan para lamang ho sa sigarilyo? Ang mahal naman ho! Ano na ho ba ang brand ng sigarilyo niyo ngayon, Ginto?"inis kong sabi."Ah, hindi, kase anak, mamahalin ang sigarilyo ni Uncle Drake mo. Magkikita kami ngayon, eh. Ang sabi ko, dito na lang dahil malapit ako dito. Siya naman ay may sasakyan. Nakakahiya naman bilhan ko ng mumurahing sigarilyo, eh imported ang brand niya, di ba?"
"Eh bakit nyo kase bibilhan, mamahalin pala?" giit ko.
"Pasasalamat lang anak," sabi ni Itay.
"Ha ganun ho ba? Magkikita kayo ni Uncle Drake? Bakit naman ho?' "Eh, anak, meron lang kaming pag-uusapan.' 'Oh, sige ho, pero kung iinuman kayo, siya ang pagbayarin niyo ha! Baka naman pati ang iinumin niyo ay mamahalin din at icharge niyo sa 'kin,' paalala ko pa sa kanya "Sige na ho, Itay, magpabalik na ako sa kusina. Marami pa akong hugasin. Eto ho ang limang daan," abot ko ng pera sa kanya."Sige, anak, salamat. Mag-uusap lang kami tsaka baka medyo tumagay ng konti."
"Sige ho,"sabi ko na lang at bumalik na ako sa kusina. Pero sa paglipas ng mga sandali, hindi ako napakalalarawan kasi ang pagnanais kong makita ang Uncle Drake na ikinukuwento ni Itay. Binibida niya ito halos mag-iisang buwan na."
Gaya ng karagatan, hindi mananatiling payapa at walang alon ang lahat ng bagay sa mundo. Gaya rin ng panahon, hindi maaaring laging maaraw, maliwanag, at walang ulan. Darating at darating pa rin ang mga pagbabago at pagsubok na susubok sa tibay ng lahat. Sa nakalipas na ilang buwan, tila napawi na ang lahat ng lungkot at katahimikan sa mansyon ni Drake. Ang dating madilim at seryosong kapaligiran ay napalitan ng kulay at sigla dahil sa presensya ni Abby. Malaki ang naging pagbabago ng dalaga. Ito ang nagbigay ng buhay at tamis sa tahanan at puso niya. Para kay Drake, naging mas magaan at makulay ang bawat araw na kasama niya. Isang hapon, nakatayo si Abby sa terrace ng malaking mansyon habang nakatanaw sa malayo at hindi mapakali sa paghihintay. Nagpaalam kasi sa kanya si Drake na pupunta lang saglit sa isa pang casino nito sa Pangasinan, at sinabi nitong baka gabi na rin siya makabalik. Kahit alam niyang may dahilan ang pag-alis nito at hindi naman dapat mag-alala, hindi pa rin n
Ngunit gaya ng lahat ng magagandang panahon, kailangan din itong magwakas balang araw. Dumating ang araw na kailangan na nilang bumalik sa siyudad. Natapos na ang mala-paraiso niyang sandali ni Drake sa napakagandang lugar na iyon. Isang lugar na tatak sa alaala ni Abby at marahil isa sa mga masasayang sandali na hindi niya makakalimutan. Bago sila umalis, tumayo sila sa may dalampasigan at muling tumingin sa paligid na naging saksi sa kanilang masasayang araw.“Tapos na ang ating pahinga,” sabi ni Drake habang inilalagay ang braso sa balikat ni Abby. “Pero huwag kang mag-alala. Kahit bumalik tayo sa magulong mundo, dala natin ang kapayapaang naramdaman natin dito. At basta magkasama tayo, kakayanin natin ang lahat.”Tumingala si Abby sa kanya at tumango nang may kumpiyansa.“Oo, kakayanin natin. Kahit anong mangyari, magkasama tayo,” sagot niya.Sumakay na sila sa sasakyan pauwi, dala ang magagandang alaala, ang matibay na pangako, at ang pag-asa na sa kabila ng mga pagsubok na nagh
Pumasok sila sa loob ng kwarto. Mahina lang ang ilaw, nagbibigay ng mainit at maaliwalas na paligid. Marahang inilapag ni Drake si Abby sa malambot na kama at sumandal siya sa tabi nito, hindi mabilis o padalos-dalos, kundi puno ng pag-iingat.Nanginginig nang kaunti ang katawan ni Abby, hindi sa takot kundi sa halo-halong kaba at tuwa. Napansin ito ni Drake, kaya hinaplos niya ang kanyang pisngi para kumalma siya. “Huwag kang kabahan, Abby. Hindi kita pipilitin sa anumang bagay. Kung kailangan mo ng panahon, hihintayin kita. Gusto ko lang iparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal,” malumanay na wika ni Drake. Ngumiti si Abby at hinawakan ang mukha ng asawa.“Alam ko ‘yan, Drake. At gusto ko rin… gusto kong ibigay ang sarili ko sa’yo nang buong-buo. Ikaw lang ang lalaking pinagkakatiwalaan ko nang lubos,” sagot niya nang mahina pero tapat. Dahan-dahang hinalikan ni Drake ang bawat bahagi ng mukha ni Abby. Ang noo, ang mga mata, ang pisngi, at ang mga labi. Ang bawat haplos ng kany
Nang sumunod na mga araw, naging masigla at puno ng lambingan ang vacation house na iyon ni Drake. Pansamantala ay parang nalimutan naman ni Abby ang mga alalahanin.Pakiramdam pa nga niha, sinasadyan ni Drake na umaga nang maaga mula sa mga pagbisita sa negosyo nito, lalo na sa dalawang branch ng casino nito. Hindi katulad dati na inaabot ito ng madaling-araw kapag galing sa casino.Sa loob ng isang linggo ay hindi nabanggit ni Drake ang kanyang ama o kung anuman ang alalahanin nito. Sa gabi naman ay hindi na muling narinig ni Abby ang pangalang iyon kahit sa pamamagitan ni Drake. Ang mga araw na nagdaan ay naging napakahaaga at nagpasaya kay Abby. Hanggang sa isang linggo pa ang lumipas, nasurpresa si Abby sa kanyang paggising. Wala si Drake sa kanyang tabi, ngunit naroon si Manang at bitbit ang kanyang almusal. "Manang, bakit nyo pa 'yan dinala dito? Bababa lang po ako para kumain. Nasa ibaba na po ba si Drake."Senyorita, dito na daw po kayo kumain ng breakfast in bed. Pagkatap
Kaya sa halip na ibunyag ang masakit na katotohanan, pinili niyang bumuo ng kwentong sapat upang mapatahan ang dalaga, kahit na ibig sabihin nito ay dadalhin niya ang lihim habambuhay sa kanyang dibdib. "Hindi ko na kayang ikuwento pa nang mas detalyado, Abby," garalgal na sabi niya habang nakayuko pa rin, pinipigilan ang panginginig ng kanyang boses. "Sapat na ang malaman mong matagal na siyang wala sa buhay ko. Ang nakaraan na iyon ay puno ng sakit at pagtataksil, at ayaw kong ibahagi pa iyon sa iyo dahil hindi mo karapat-dapat na madamay sa dumi ng nakaraan ng iba. Ang mahalaga... ikaw ang narito ngayon. Ikaw ang aking pipiliin araw-araw mula ngayon." Dahan-dahan siyang tumingin kay Abby, at pilit niyang tinatago ang pait sa kanyang mga mata. "Patawarin mo ako kung nabigla ako at nabalisa kanina. Pangako... hindi na muling mababanggit ang pangalang iyon. Wala na siyang puwang sa puso ko. Ikaw na lang, Abby. Ikaw na lang ang mahalaga sa akin." Lumapit siya at dahan-dahang niyakap
Naiwang nakatulala si Abby sa gitna ng magulong kumot, habang ang lamig ng hangin na pumapasok mula sa nakabukas na pinto ng balkonahe ay tila tumatagos sa kanyang buong pagkatao. Ang ligaya at kapanatagang naramdaman niya ilang sandali pa lamang ay biglang naglaho, napalitan ng matinding kirot at pagdududa. Ang pangalang hindi niya lubos na marinig nang malinaw, ngunit sapat na upang gunitain ang parehong pangalan mula sa nakaraan, ay umuulit-ulit sa kanyang isipan na parang isang sumpa. "Sino siya, bakit nababbggit ka niya.Ilang ulit na. Ikaw ba ang nakaraan?Ikaw ba ang dahilan kaya mailap siya?"nabalot ng mga tanong ang isip ni Abby. Hindi siya maaaring magkamali. Ang tono ng boses ni Drake, ang takot at sakit na halos hindi marinig sa kanyang bulong at lahat iyon ay nagpapatunay na may puwang pa rin ang babaeng iyon sa pinakailalim ng puso nito. Isang puwang na kahit anong gawin ni Abby, ay tila hindi niya mapupunan. Dahan-dahan siyang bumangon at binalot ang sarili ng kumot. A







