Share

126.

“Mr. X, alam na namin kung nasaan ang mga bata!” Imporma ni Lomer. “Nagpadala ng signal sila Adius at Axel kung nasaan sila. Kailangan natin bilisan dahil sa ngayon ay nakalabas na sila ng district!”

“Prepare the fastest car, susundan natin sila sa mabilis na paraan.” Utos rito ni Xerxes.

Nakasakay na sina Alena at Kairo ng sasakyan. Napaamang si Alena ng may hilahin si Kairo mula sa ilalim.

Mga baril?! B-bakit ang daming ganito ni Kairo?

Una si Apol binigyan siya ng baril, tapos ngayon si Kairo mayro’n din?

Napasinghap siya sa gulat ng biglang humarurot ng napakabilis ang sinasakyan nila. Pakiramdam niya naiwan ang kaluluwa niya sa bilis ng pagpapatakbo ni Bene.

Ilang minuto lang ang lumipas at nagsalita si Xerxes sa kabilang linya, rinig nila ang boses ng mag asawa dahil naka-connect sila sa phone ni Kairo.

“They’re near…”

Malayo pa lang ay huminto na sila para hindi mabulabog ang mga kumuha sa mga bata.

Tumingala sila sa abandonadong gusali.

“Nasa loob ang mga bata.” Kinasa ni Apo
SEENMORE

♥️

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status