MasukWala nang rason si Elysse Diaz para ipagpatuloy pa ang kanyang buhay magmula nang magkakasunod na pagsubok ang dumating sa kaniya. Nalaglag ang anak sa kaniyang sinapupunan, at sa nalaman niyang niloloko siya ng asawang si Kyle. Wala siyang mahingian nang tulong dahil ilang taon siyang in-isolate sa lahat ng kilala kahit dating kaibigan at kakilala noong magkasintahan pa sila ng kaniyang asawa. Hindi na niya alam kung saan kukuha ng lakas ng loob. Isang gabi, pumunta si Elysse sa tulay upang doon tapusin ang kaniyang buhay. Nasaksihan ni Nikolai Hawthorne ang pagtalon ng isang babae mula sa tulay kaya agad siyang tumalon sa tubig para sagipin ito. Nalaman niya na ang kaniyang iniligtas ay si Elysse, ang asawa ng ipinalit sa kaniya ng fiancée niya kaya sinabi ni Nikolai kay Elysse na maaari siyang magpagamit at gawin na rason para magpatuloy pa sa buhay. Nagdesisyon si Nikolai na gagamitin niya ang pangalan niya bilang tagapagmana ng H&T Global Holdings at kilalang “Youngest Tycoon of the New Century” upang matulungan si Elysse na makapaghiganti. Kasabay ng pagkilala kay Elysse bilang Painter na may million dollar-worth na obra, ay hindi niya namalayan na nahuhulog na si Nikolai. Nang umattend sila sa Most World’s Prestigious Event, may humigit ng malakas sa braso ni Elysse, ang Ex-Husband na si Kyle. Inakala niyang nag-gate crash sa Event si Elysse para sundan siya at ganito ka-desperada para lang makipagbalikan. Nakita iyon ni Nikolai at nakaisip ng magandang idea para makaaalis si Elysse sa pamamahiya sa kanya. “There you are, my beloved Bride.” paglapit ni Nikolai sa kanila. "Bride?" Naguguluhan na tanong ni Kyle. "Got a problem? I'll marry her to become my Mrs. Hawthorne."
Lihat lebih banyakELYSSE POV
May nagpadala sa akin ng email na naglalaman ng compilation ng pagtataksil ng asawa kong si Kyle. Ang ilan sa mga pag-uusap ay mula pa noong tatlong taon na ang nakalilipas. Makikita roon ang pakikipagpalitan niya ng mga mensahe sa ilang babaeng nag-bibigay aliw kapalit ng salapi.
"Have fun reading, Elysse Diaz." Iyon ang nakasulat na caption sa email.
Halos gumuho ang mundo ko nang malaman kong ilang taon na pala akong niloloko ni Kyle. Hindi ko man lang ito nalaman o nahalata dahil kapag magkasama kami ay maayos naman katulad sa mga normal na mag-asawa.
Nakatala roon ang mga petsa at oras ng pakikipagtalik niya sa iba't ibang babae. May mga video rin na nagsisilbing ebidensiya ng kanyang pagtataksil. Inisa-isa kong tinignan ang mga screenshot ng pakikipagusap niya sa iba't ibang babae.
"Ang sarap mo kanina, walang kupas! Iba talaga ang sarap kapag asawa ng iba." Message ‘yon ng isang babae na may pangalang Angel.
Nanikip ang dibdib ko nang mapansin ko na ang nasa timestamp ay ang araw bago ang birthday ko. Nag-celebrate pa kami noong araw na iyon, na para bang walang nangyayari sa likod ko.
"Gusto mo ng eighteen? Magugustuhan mo ang performance no'n. Bibigyan ka namin ng discount." Isa pang babae na may pangalang Yumi, Mensahe iyon mula kay Yumi, isa sa mga babaeng nag-aalok ng mga bayarang babae sa asawa ko.
"Wala bang mas bata? 'Yung below eighteen kung meron." Iyon ang nireply ng asawa ko sa babae.
Ito naman ang araw na hiniling kong samahan niya ako sa prenatal checkup matapos kong malaman na buntis ako. Ngunit hindi niya ako nasamahan dahil inimbitahan daw siya ng mga kasamahan sa trabaho na uminom. Hindi ko akalaing ganito pala ang tunay na pagkatao ng lalaking pinakasalan ko.
"Mahal, kailan mo ba ipa-file ang divorce papers Ninyo ng asawa mo? Two years na tayo. Ayoko nang maging kabit mo lang." Message mula sa babae na S lang ang nakalagay.
"Don't worry, Mahal. Medyo mahirap lang na mag-file ng divorce papers pero alam mo naming ikaw lang ang laman ng puso ko. Hindi ko kayo pababayaan ng anak mo dahil itinuring ko na rin siyang sarili kong anak."
Ang huling message naman ay mula dalawang linggo na ang nakalipas, pagkatapos niya akong samahan sa pagpapatingin sa OB-GYN. Para pa ngang napilitan lang siya. Kung hindi pa ako nagalit at nagtampo, hindi niya kusang maiisip na samahan ako.
Nangingilid na ang mga luha ko habang nanginginig sa galit sa lahat ng mga nabasa ko sa inisend sa akin. Hindi ko alam kung sino ang nagpadala dahil mukha itong spam na may random letters at number sa email address.
Pinatay ko na ang screen ng smartphone ko at humiga sa kama. Ngayon din ang unang araw ng tatlong araw nilang outing sa trabaho, na kamakailan lang niya ipinaalam sa akin. Lalo akong kinabahan. Paano kung hindi naman talaga outing ang pinuntahan niya?
Napakasakit. Hindi ko na alam kung anong magiging kinabukasan namin ng magiging anak ko. Hindi ko rin alam kung paano ko siya kukumprontahin. Sana, kayanin kong ayusin ang lahat pagbalik niya.
Ipinatong ko ang palad ko sa tiyan at marahang hinaplos nang paikot, umaasang mapanatag ang batang dinadala ko. Nag-aalala akong baka makaapekto sa akin at sa ipinagbubuntis ko ang matinding stress. Pinili ko na lang na kumalma, lalo na't maselan ang pagbubuntis ko. Ipinikit ko na lang ang mata ko para makatulog.
After two days, bigla akong nakaramdam ng matinding pananakit sa puson. Hindi normal na sakit na parang may kakaiba lang na nakain. Parang may humahalukay sa matress ko sa sobrang sakit. Nang mapansin ko ang matinding pagdurugo, tumawag na ako ng ambulansya.
Pagkasakay ko sa ambulansya, paulit-ulit kong sinubukang tawagan si Kyle. Kailangan niyang malaman ang nangyayari sa akin, ngunit kahit ilang beses akong tumawag ay hindi ko pa rin siya makontak. Kaya nagiwan nalang ako ng message para mabasa niya kapag nagkaroon siya ng oras.
"Sorry, Misis. Wala na po ang batang dinadala niyo."
Halos gumuho ang mundo ko nang marinig ko sa doktor ang balitang iyon.
“Wala na...?” mahina kong tanong habang hawak ang tiyan ko.
Tama ba ang narinig ko?
Nawala na raw ang magiging anak ko. Wala na ang batang ilang linggo kong iningatan sa loob ko. Ang batang iniisip ko na ang magiging mukha, pangalan, at ang buhay na bubuuin namin ni Kyle.
Tinawagan ko ulit si Kyle, ngunit hindi ko na siya makontak. Posibleng pinatay niya ang cellphone niya o wala siyang signal. Nagpadala ako sa kanya ng message tungkol sa nangyari sa anak namin at sinabi ko rin kung saang ospital ako naka-confine.
Lumipas ang ilang oras, ngunit wala pa rin siyang sagot sa mga message ko. Kinabukasan pa naman ang balik niya mula sa outing kaya umaasa akong pupuntahan niya ako sa ospital pag-uwi niya.
Kinailangan kong manatili sa ospital nang dalawang araw upang mabantayan ng mga doctor ang kalagayan ko matapos ang matinding pagdurugo.
Kinabukasan ay nakita kong nabasa na niya ang huling message ko ngunit hindi pa rin siya dumadalaw sa akin kahit alam kong sa mga oras na ito ay nakauwi na siya mula sa outing.
Na-discharge na lang ako nang hindi man lang dumalaw o tumawag sa akin si Kyle.
Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si Kyle na nakaupo sa couch, May isang babae na nakasuot lang ng underwear at nakapatong sa kaniyang kandungan, nakaharap sa kaniya. Lumingon silang pareho sa p***o nang marinig na may pumasok.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa nasaksihan ko. Nanghihina pa ako matapos ang pananatili ko sa ospital at nagluluksa sa anak ko. Ngunit ngayon, nadatnan ko mismo ang asawa kong nangangaliwa.
"Oops. We caught on act." Nakangising sabi ng babaeng kasama ni Kyle.
Hinawi ng babae ang buhok na tumabing sa mukha niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at ngumiti nang mapang-asar nang magtama ang aming tingin.
"Ikaw…?" Laking gulat ko nang makilala ang babae na nasa harap ko.
Lumingon din si Kyle. Wala akong nakitang pagsisisi sa mukha niya na para bang wala siyang pakialam kahit nahuli ko silang dalawa sa akto.
"Surprise." Napatawa ang babaeng na tila ba’y natutuwa sa pagkagulat ko.
ELYSSE POV "Here." Mula sa kanyang coat, kinuha ni Nikolai bagong box ng smartphone at inilapag sa dining table ng restaurant na pinuntahan namin. Binuksan niya ito at inilabas ang pinaka-latest model na kulay burgundy na smartphone. Napatingin ako sa kaniya, nagtataka kung bakit niya iyon ibinibigay sa akin. "I bought it because you lost your phone when you fell into the river. Naka-save na dyan ang contact number ko, just in case you need me when we're not home. You'll also need it for your future clients." Kinuha ko ang phone at ang kahon nito mula sa kaniya. "And this…" Inilapag naman niya sa dining table ang isang black card at itinulak iyon palapit sa akin. "That's yours. Buy whatever you want." "Nikolai…" sambit ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag na sobra-sobra na ang ginagawa niya para sa akin. Ngumiti siya na para bang alam niya ang iniisip ko. "Just take it. You might need some pocket money anytime. Don't worry about
ELYSSE POVNaalala ko ang sinabi niya sa akin noong nakaraang linggo habang pinagmamasdan ang mga gamit sa pagpipinta na ibinigay niya sa akin.Nasa harap ko ang isang canvas na may halong kulay kahel at dilaw na langit, kasama ang mga ilaw ng siyudad na palagi kong nakikita mula sa bintana ng kuwarto ko.Bakit nga ba interesado siya sa mga painting na gagawin ko? Hindi naman ako ganoon kagaling magpinta, at matagal na rin mula nang itigil ko ang nakasanayan kong gawin noon.Ang bilis nang panahon. Tatlong buwan na pala mula nang matagpuan niya ako sa Crestloir River at tulungan akong makapagsimula ulit.Knock, knock.Napalingon ako sa pinto nang makarinig ng katok. Ibinaba ko ang brush at palette na hawak ko bago pumunta sa pinto at buksan iyon.“Doctor will be here in a minute,” bungad ni Nikolai.Napatingin ako sa wall clock. Sampung minuto na lang bago mag-alas-diyes.Sabado nga pala. Schedule ko ngayon ng counselling session.Muli akong napatingin sa kanya nang pumasok ang tingin
NIKOLAI POVI didn't get any fish.But I ended up taking home a woman instead.She almost fainted after what happened on my yacht earlier, kaya agad ko siyang dinala sa penthouse. I called my butler to prepare some clothes for her and get the guest room ready. Then I dialed my private physician's number to check on her condition.I settled her on the guestroom bed and asked a maid to help her change her clothes. The physician arrived shortly afterward to check on her while I waited outside the room.My hunch was right. That's why she looked so familiar to me. Akala ko guni-guni ko lang.She looked thinner now, and the youthful beauty I remembered seemed to have faded. She looked so different from the woman I used to know.I entered the room, and the physician explained her condition. He told me that she needed proper treatment and follow-up care after her recent miscarriage. She might also need iron supplements because of the heavy bleeding she had experienced. The doctor suggested th
NIKOLAI POV“Nick, let’s go to Mirth Pub! I wanted to introduce you to someone.”A loud, playful voice echoed through my office as a man barged in and sat onto my couch. I didn’t even bother looking at him. I already knew that silly voice belonged to. My grandpa’s best friend’s son and a childhood friend of mine, Nathaniel.Narito na naman para baguhin ang isip ko na i-consider na ang marriage bago raw ako lumampas sa kalendaryo.Twenty-five years old pa lang ako, for Pete's sake. Maaga pa para mag-decide ng ganiyang bagay.I smirked and shook my head, keeping my eyes on my tablet. Several folders and presentation slides were open on the screen for next week’s board meeting.“If you’re here because Pops again, it’s not gonna work, Nate. Hindi ako makikipag-blind date.”I continue reading through my tablet to prepare a discussion for the upcoming board meeting next week. The sales have increased by a decent percentage but it’s not enough. I want higher than this. I marked a few figures


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.