Mag-log in"Kailangan ko ng anak, ibibigay mo sa akin iyun sa ayaw at gusto mo!" Elijah Villarama Valdez! Mula sa mayamang angkan ng mga Villarama Clan at walong taon nang hinahanap ang kanyang pag-ibig sa katauhan ni Ethel Angeles! Subalit nang matagpuan niya ito pagkatapos ng walong taon, napag-alaman niyang mayroon na itong ibang lalaking iniibig! Para makabawi sa lahat ng pagkakamali na kanyang nagawa dito, pinili niya na lang na magpaubaya pero sa isang kondisyon, kukunin niya ang kustudiya ng anak nilang si Ezekiel! Papayag lang si Ethel na ibigay ang kustudiya ng kanilang anak kung magbabayad siya ng dalampung milyon na kaagad namang sinang-ayunan ni Elijah! Para sa anakm na gusto niyang makapiling, gagawin niya ang lahat pero bago pa niya nakuha ang bata, isang trahedya ang hindi niya inaasahan na nangyari! Nalunod ang kanyang anak at ang itinuturo ni Ethel na may kasalanan ay ang maganda at sexy na life guard na si Jennifer Madlang-awa! "Hindi ako Yaya ng anak mo para twenty four seven ko siyang bantayan!" katagang lumabas sa bibig ng magandang si Jennifer habang kaharap ang umiiyak at galit na si Ethel! Paano matatangap ng isang bilyonaryo na si Elijah ang isang hindi inaasahang trahedya na siyang dahilan kung bakit biglang umusbong ang galit sa puso niya? Malalagpasan niya ba ang pighati na dulot ng matinding kabiguan lalo na kapag malaman niya na ang anak na inaasam niyang makasama ay tuluyan na siyang iniwan dahil sa kapabayaan ng mga taong nakapaligid dito or mananaig ang galit sa puso niya at pagbabayarin niya ang lahat ng naging sangkot kung bakit napahamak ang anak niya? Sabay-sabay nating tunghayan ang kahihinatnan ng buhay pag-ibig at kabiguan ng isang Elijah Villarama Valdez!
view moreBILLIONAIRES TRUE LOVE BOOK 2:
MINAMAHAL KITA (ELIJAH VILLARAMA VALDEZ STORY) "Ang anak ko! Tulungan niyo ang anak ko!" umiiyak na sigaw ni Ethel habang pilit na nire-revived ng isang life guard ang anak niyang si Ezekiel na nangingitim na dulot ng pagkalunod! Kung kailan makikilala niya na ang tunay niyang ama tsaka naman nangyari ang trahedyang ito! Iniwan niya lang saglit ang anak niya dito sa gilid na dagat para bumalik sa trabaho pero pagbalik niya pinagkakaguluhan na siya ng mga tao habang pilit na isinasalba ng life guard sa pamamgitan ng pag CPR "Iligtas niyo ang anak ko! Maawa kayo sa kanya! Iligtas niyo siya!" muling sigaw ni Ethel! Tigmak ang luha sa kanyang mga mata at para na siyang mababaliw sa sobrang sakit at pag-aalala para sa kaisa-isa niyang anak! "Pasensya na Ethel pero wala na talaga eh! Wala na siyang pulso at nangingitim na siya!" walang pakundangan namang sagot ni Jennifer! isa siya sa mga life guard dito sa beach resort at siya din ang unang nakakita sa pagkalunod ng bata! Ni-rescue niya naman ito kaagad pero huli na! Nangingitim na ang bata dulot ng pagkalunod at kahit na ano ang gawin iya tuluyan na din itong nawalan ng pulso Magkakilala silang dalawa ni Ethel dahil pareho silang nagtatrabaho sa naturang beach resort na pag-aari ng mga Villarama at Santillan! "A-ano? Anong sabi mo? Hindi! Hindi totoo iyan! Hindi pa patay ang anak ko!" naghihinagpis na bigkas ni Ethel at mabilis na dinaluhan ang anak niyang wala nang buhay! Kaagad na umalingawngaw sa buong paligid ang kanyang pagtangis! Hindi niya akalain na isa isang iglap mawawala sa kanya ang anak niya! "Hindi totoo ito! Eze, anak! Ezekiel!' palahaw na iyak ni Ethel! Ramdam ng mga taong nakapaligid ang sakit na nararamdaman ng isang Ina na nawalan ng anak! Pero ano pa ba ang pwedeng gawin gayung tuluyan nang nalagutan ng hininga ang kaawa-awang bata! "Ano ang nangyari dito?" nasa matinding pagluluksa na si Ethel nang marinig niya ang isang familiar na boses! Kaagad napaangat ang tingin niya at direktang tumitig sa paparating pa lang na si Elijah na kitang kita ang pagkagulat sa mga mata nito "Ezekiel? A-ano ang nangyari sa anak ko?" galit na sigaw ni Elijah! Umalis lang siya saglit para kumuha ng pera para ibigay kay Ethel dahil iyun ang napagkasunduan nilang dalawa para tuluyang ibigay sa kanya ang kustudiya ng bata pero hindi niya akalain na sa pagbabalik niya ay madatnan niya ang anak nya sa kalunos-lunos na sitwasyon! "Elijah...I am sorry! I am sorry, nalunod siya! Nalunod ang anak natin!" humahagulhol ng bikgas ni Ethel! Hilam ang luha sa mga matang tumitig siya kay Elijah at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagbalasik ng hitsura nito. "No! Hindi totoo iyan! Hindi totoo iyan! Ezekiel!" galit at puno ng paghihinagpis na sigaw ni Elijah. Nanginginig ang mga kamay na akmang hahawakan niya sana ang wala nang buhay na katawan ng anak niya pero hindi niya kaya! Wala sariling bigla siyang napatayo habang nakakuyom ang kanyang mga kamao! Hindi niya kayang makita ito sa hindi kaaya-ayang sitwasyon! Hindi pa nga sila masyadong nakakapag-bonding tapos malalaman niya na wala na ito? Ang saklap! Sobrang sakit! "Ano ang ginawa mo? Bakit mo siya pinabayaan?" hindi na napigilan pa ang bugso ng kanyang damdamin. Mariin niyang hinawakan sa braso ang babaeng minsan niyang minahal at pilit na pinapatayo! "Hindi ko alam kung paano nangyari! Wa-wala akong kasalanan! Hindi ko ginusto na mapahamak ang anak natin Elijah!" umiiyak na sagot ni Ethel! Hindi niya din maiwasan na makaramdam ng takot lalo na at nakikita niya sa mga mata ni Elijah ang galit at paghihinagpis! Alam niyang habang buhay siya nitong kamuhian dahil sa nangyari sa anak nilang dalawa "Hindi mo kasalanan? PInabayan mo ang anak ko na mapahamak tapos sasabihin mo sa akin na wala kang kasalan? Fuck Ethel! Fuck you!" galit na sigaw ni Elijah! Wala na siyang pakialam pa sa mga taong nanonood sa kanila ngayun! Ang importante lang naman sa kanya ngayun ay ang mailabas ang sakit at paghihinagpis na nararamdaman ng puso niya! "Elijah, hindi lang ang nasasaktan sa nangyari sa anak ko! Mas masakit sa akin ito dahil ako ang Ina at ako ang nagpalaki sa kanya!" umiiyak ni bigkas ni Ethel! "Hindi mo siya kayang saktan? Wala kang kwenta...kung hindi dahil sa pagiging ganid at sigurista mo, hinayaan mo na lang sana na isama ko si Ezekiel sa Manila! Hindi sana siya napahamak ngayun!" galit na sigaw ni Elijah at hindi niya napigilan pa ang sarili niya! Malakas niyang itinulak si Ethel na siyang dahilan kaya ito natumba sa buhanginan! Sa mismong tabi ng wala nang buhay na katawan ng anak niya!JILLIAN SANTILLAN POV "So, ready ka na? Sabay na tayong pumunta doon, Tita." nakangiting namang tanong ni Russell sa akin. Tita kasi talaga ang tawag nito sa akin kahit na mas matanda ito sa akin eh. Hindi na talaga siguro maiko-correct iyun kaya hayaan na lang. "Okay, wait for me here. Maglalagay lang ako ng moisturizing cream and sunblock and ready na ako." nakangiting sagot ko dito at muli akong pumasok sa loob ng kwarto. Pagkapasok ko, kaagad na din akong naglagay ng moisturizing cream sa aking mukha. Nag lotion na din ako tapos nag spray ng pabango at pagkatapos noon, dinampot ko ang aking cellphone at nagpasya nang lumabas ng silid kung saan, nadatnan ko din sin Russell na matiyagang naghihintay pa rin sa akin. Maasahan din talaga ang pamangkin kong ito. Nagawa kasi ako nitong hintayin eh. "Ready?" nakangiting tanong nito sa akin. Tumango naman ako. "Yes, well, let's go!"excited kong sagot at nagpatiuna na akong naglakad palabas ng bahay. Mukhang nasa labas na ang
JILLIAN SANTILLAN POV "Tsk, okay, apology accepted, but next time, mag-ingat ha? Ayaw ko nang maulit ito." serysong bigkas nito at wala sa sariling tumango ako. "Thank you, Kuya. Mabuti na lang talaga nandiyan ka. Sorry, kung--kung pati po kayo, na hassle ko." Nginitian lang din naman ako nito at akmang magsasalita sana ito pero dumating na si Manang. Bitbit nito ang first aide kit na hihihingi dito ni Kuya Ralph. Ginamot na nga ako ni Kuya Ralph. Nilinis nito ang sugat ko bago nito nilagyan ng band aide. Okay naman, hindi naman masakit masyado lalo na at gentle lang naman ang pagamot nitong si Kuya. Na para bang ingat na ingat din ito na masaktan ako. Mabait naman pala talaga sa kung mabait at feeling ko itong si Kuya Ralph na ang favorite kong pinsan. Charr! Ngayun ko lang napatunayan sa sarili ko na masarap pala itong mag-alaga. Istrikto pero maalalahanin naman pala. "It's done. You can rest now. Kung masakit talaga,.sabihin mo sa akin para madala kita sa hospital
JILLIAN POV Nakahawak pa rin sa kamay ko si Kuya Ralph hangang sa nakarating kami ng bahay. Ewan ko ba, naging kumportable na ako sa presensya nito at wala din akong lakas ng loob para pigilan ito Sabagay, pinsan ko naman ito kaya walang problema. Siguro, naninibago lang ako dito kasi nga, hindi naman kami nagpapansinan noon. eh. Pero sa mga ipinapakita nitong pag-uugali sa akin ngayun, feeling ko magkakasundo kami. Mainit na ang sikat ng araw kaya direcho kami ng kusina para sana uminom ng tubig. Kaya lang pagkadating namin ng kusina, nadatnan namin ang mag-asawang caretaker na abala sa pagluluto ng mga seafoods? Bigla tuloy akong natakam at nakaramdam ng pagkagutom. "Wow, ang sarap niyan." nakangiti kong wika at pasimpleng bumitaw sa pagkakahawak ni Kuya Ralph sa kamay ko. Lumapit ako sa mesa kung saan nakapatong ang mga sari-saring hilaw na seafoods. May shrimp, crabs,. lobster at iba't -ibang klaseng laman dagat. Dahil nga sa curiousity, dinampot ko ang isang crabs at
JILLIAN SANTILLAN POV "Ha, Ah, thank you, Kuya. Ang---ang bait mo naman pala eh." hilaw ang ngiti sa labi na bigkas ko. Ano ba ang nangyayari dito kay Kuya Ralph? Bakit parang bigla yatang naging maalalahanin sa akin ngayun? Hindi naman ito dating ganito eh. May lagnat ba ito or baka naman may nararamdaman na kakaiba sa sarili? "Yeah, mabait talaga ako hindi lang masyadong halata. By the way, give me your phone." Seryosong wika nito. Wala sa sariling napatingin ako sa hawak kong cellphone bago ko ito sinagot "Bakit? " Basta, akin na iyang cellphone mo.".muli nitong wika sabay lahad ng kamay nito sa harap ko. Nag-aalangan man, wala na akong nagawa pa kundi ang ibigay dito ang hawak kong cellphone. Kaya lang nagulat na lang ako sa sunod nitong ginawa. "Selfie, smile, Jillian." Nakangiting wika nito sa akin.. Awtomatiko naman akong napangiti. Hindi lang isang selfie, dalawang selfie or tatlong selfie ang ginawa nito. Gamit ang camera ng phone ko, wala itong ginawa kundi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Ratings
RebyuMore