LIKE 👍
Akala ko ay ihahatid kami nila Laxus sa bahay, pero hindi pala. Dinala niya kami ni Mumu sa isang bahay-bakasyunan dito sa Batangas. Medyo liblib ito at napapaligiran ng mga bodyguards. Pagkatapos nitong magpaalam ay naghanda na itong umalis kasama sila Jigs. Kumapit ako sa damit nito. Nang makita nito ang takot at pag aalala sa mukha ko ay lumambot ang ekspresyon nito. “P-Pwede bang wag ka nalang umalis? May mga tao ka naman na mauutusan di’ba? Sila nalang ang utusan mo na puntahan ang kapatid mo. A-ayokong umalis ka, Laxus. Natatakot ako.” Ang daming “paano” sa isipan ko. Naniniwala ako kay Laxus pero hindi ko maiwasan na mag alala. Alam ko na matapang at handa siyang ibuwis ang buhay para sa aming mag ina. At iyon ang kinababahala ko. Ayokong ilagay nito ang isang paa sa hukay. Paano kung mapahamak ito at malagay sa panganib ang buhay? Paano kung hindi na ito makabalik ng ligtas sa aming mag ina? “Hindi ito matatapos dito kung hahayaan kong buhay ang gag0ng ‘yon. Ha
(Kiray pov) Hindi ako mapakali habang buhat ko si Mumu. Kahapon pa nakaalis si Laxus at hanggang ngayon ay wala pa ring balita rito. "Madam, maupo ka. Wag kang mag alala dahil sigurado ako na ligtas sila." Sabi sa akin ni Manang. Kahapon pa ako nito pinapakalma simula no’ng umalis sila Laxus. Pero imbes na mabawasan ang pag aalala ko ay lalo lamang akong kinakabahan. Ewan ko ba. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Tumingin ako kay Mumu na ngayon ay natutulog na buhat ko. Wala itong kamalay-malay na nasa panganib na ang ama nito para sa amin. "A-Ay diyos ko!" "M-Manang!" Napahiyaw kami sa gulat ng makarinig ng malakas na pagsabog. Agad kaming lumabas ni Manang para tingnan ang nangyari sa labas. Nanlaki ang mata namin pareho ng makita na marami ang mga tauhan ni Laxus ang nakahandusay na at duguan, nagkalat ang kanilang mga katawan na parang wala ng mga buhay. D-Diyos ko po... ano ang nangyari?! Nagulat ako ng hilahin ako ni Manang sa braso. "Madam, kaila
Napahiyaw ako sa gulat ng maramdaman kong may tumama sa binti ko. Natumba ako at sumubsob sa buhangin ng kumalat ang kirot ng tama ng baril sa aking binti. May tama ako ng baril sa binti! Mabuti nalang at natukod ko ang isa kong kamay kaya hindi ko nadaganan si Mumu ng matumba ako. Nilukob ng takot ang katawan ko ng makarinig ng yabag sa likuran ko. Niyakap ko ang anak ko at humarap para makita ito. “I-ikaw…” ito ang ina ni Zack na si Mary. Nakilala ko ito noong kasal namin noon ni Laxus. “Ako nga my dear.” May malademonyong ngiti na wika nito habang hawak ang isang baril. Sumenyas ito sa kasamang mga lalaki. “Dalhin ang babaeng iyan. Iwanan niyo ang bata… sigurado naman ako na tatangayin ng malakas na alon iyan at mamamatay.” Nanlaki ang mata ko ng sapilitang kunin ng mga lalaki sa bisig ko si Mumu. Hindi! “Bitiwan niyo ako! W-wag, nakikiusap ako sa inyo wag niyong sasaktan anak ko!” Niyakap ko si Mumu ng mahigpit ngunit sinabunutan ako ng lalaki sa ulo habang ang kasam
Nagkalat ang dugo sa ibabaw ng kama galing sa sugat ko sa binti at sa ulo ko. Bawat palahaw ko ng iyak ay lalo akong nanghihina. Hindi pa patay si Laxus—ito ang tinatatak ko sa isip ko. Hindi pa sila patay ng anak ko. Hindi nagtagal ay pumasok sila Zack kasama ang dalawang tao na kilalang-kilala ko. Sila si Tita Alexa at Cesar. Ang kamag anak nila Mommy Nissa. Nang makita ako ng mag asawa ay nabalot ng poot ang kanilang mga mata. Hindi ko alam ang nagawa ko sa kanila para tingnan nila ako na parang napakalaki ng kasalanan na nagawa ko sa kanila. “Salamat sa pagligtas mo sa amin ni Cesar, Zack. Tatanawin naming malaking utang na loob ang ginawa mo.” Panimula ni Alexa. Bumaling itong muli sa akin. “Mabuti naman at dinala mo rito ang babaeng ito. Ang akala ko talaga ay gusto lang akong gatasan nila Rita at Norman noon ng sabihin nila sa akin na buhay pa ang batang ito.” Rita at Norman? Sa pagkakatanda ko iyon ang pangalan ng magulang ko. Madalas ko kasi iyong marinig kay Brando
Humalakhak ang asawa nitong si Cesar. “Kami nga. Nakipagsabwatan kami kay Zack at ginamit namin sila Maureen at Joffrey para gumawa ng lahat. Alam namin na si Karina talaga ang kasama ni Nissa at hindi ikaw. Pinapatay ka na kasi namin. Naisip namin na hahati pa sa yaman ng Solante ang batang iyon kaya nagplano kami. Binalak din namin na ipapatay si Nissa pero naunahan niya kaming kumilos…” tumalim ang mga mata nito. “Kinuha niya sa amin ang mga anak ko! Kaya ngayon ay gaganti kami sa ginawa niya sa pamilya namin!” Natigilan sila ng tumawa ako sa kabila ng pag iyak ko. “Kayo ang unang gumawa ng masama sa kapwa niyo, ngayong nakatanggap kayo ng karma ay hindi niyo matanggap?” “Tumahimik ka! Anong karma?” Galit na bulyaw sa akin ni Tita Alexa. “Ang mommy mo ang kumuha sa mga anak ko! Siya ang dahilan kaya… kaya nawawala ang mga anak ko!” Humagulhol ito ng iyak habang nanlilisik ang matang nakatingin sa akin. “P-Pinadala niya sa ibang bansa para gawing prostitute ang mga anak ko… ahh
(Laxus pov) Hinawakan ko ang kamay ni Kiray. Marahan ko itong pinisil habang nakatingin rito. Tumiim-bagang ako ng mapatingin sa ulo nito na halos mabalot ng benda. Dalawang araw na ang nakakalipas ngunit wala pa rin itong malay. Ayon sa Doctor ay baka abutin pa ng tatlong araw bago ito magising dahil sa pinsalang natamo at gamot na tinurok dito. Kung hindi daw ito agad nadala sa hospital ay baka naubusan na ito ng dugo at hindi maaagapan ang pagputok ng ugat sa ulo nito. "Boss, kanina pa umiiyak si Mumu. Mukhang hinahanap kayo." Lumapit si Jigs sa akin at inabot ang anak namin na umiiyak. Binitiwan ko muna ang kamay ni Kiray bago kinandong si Mumu. Napangiti ako ng bigla itong ngumiti ng makita ang mommy nito. "M-Myyy! M-Myyy!" Tila may nagbara sa lalamunan ko ng marinig ang tawag nito sa ina nito. Tumingala ako at nagsimulang manlabo ang mata ko. 'This is all my fault. Kung dumating ako ng maaga ay hindi mahihiga dito si Kiray.' Hindi ko mabilang kung ilang beses kong sinisi a
Hindi ito ang unang beses na umiyak ako dahil kay Kiray. At kahit sinuman ang makakita sa akin na umiyak dahil sa kanya ay wala akong pakialam. Tama nga si Tita Julian. Kapag nagmahal ka ay lalabas ang mga emosyon na hindi mo aakalain na mayro’n ka. "Sir Kingkong---" Napalunok ng laway si Manang ng tingnan ko ng masama. "Sige, Sir nalang." bumuntonghininga ito. "Magpahinga ka muna. Hindi matutuyo ang mga sugat mo kung hindi ka magpapalagay ng gamot." "It was nothing, Manang." Sanay akong hindi kumain ng ilang araw, sanay sa sakit ng katawan. Balewala ang mga sugat na ito sa mga sugat na mayron ako noon. Pinalaki akong matibay at matatag, hindi ako kayang patumbahin ng mga sugat na ito. "D-Dada!" Tumingin ako kay Mumu. Nagulat ako ng abutin nito ang pisngi kong nasunog sa malakas na pagsabog. Hindi ko ininda ang hapdi ng hawakan ito ng anak ko. "Da-dada..." Naalala ko noong lumabas si Mumu, naluha din ako ng unang beses kong marinig ang boses nito. Hanggang ngayon ay may
“Nangako ka sa akin—“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng yakapin niya ako. “I don’t care whoever you are, Queen. Si Kiray ka man o si Rayana ay wala na ‘yung halaga. Basta ikaw ang gusto kong makasama at magiging ina ng mga anak ko. Handa akong protektahan kayong dalawa.” Alam ko ‘yon… simula ng patawarin ko siya at pinapasok sa buhay namin ni Mumu ay pinadama niya sa amin kung gaano niya kami kamahal. Sinapo niya ang mukha ko at malamlam ang mata na tumingin sa akin. “But I do happy to see you again, kid. Ang lakas mo sa taas. Dati pangarap mo lang ako, pero ngayon abot kamay mo na ako.” Kumikislap ang mata sa luha na biro nito. Parehong luha ng kaliagayahan ang luhang pumapatak sa mata naming dalawa. Natawa ito ng irapan ko. Kid kasi ang tawag nito sa akin noon. “Ang yabang mo naman. Bata pa ako noon ‘noh. Saka kasalanan mo ang gwapo mo kasi.” Oo, pinangarap ko siya noong bata pa ako. Nagustuhan ko siya noong unang araw na nakita ko siya. Ang nakakatawa ay sampong tao
Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako nito pabalik. “TULONG! Parang awa niyo na ‘tulungan niyo ako!” Hinawakan ko ang kamay nitong nasa ulo ko para tanggalin ito. Pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nitong NASA ulo ko. “Wag ka ng umasa na may makakarinig sayo, Saddie! Walang ibang tao sa islang ito kundi tayo lang at mga tauhan ko! Mapapaos ka lang sa kakasigaw mo!” Alam ko… pero umaasa pa rin ako na may makakarinig sa pagmamakaawa ko. Hindi ako huminto sa pagsigaw kaya nainis ito at binilisan ang paghila sa buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdiin ng kuko nito sa anit ko. Napakasakit! Isabay pa na wala akong tsinelas kaya tumatama ang talampakan ko sa mga sirang shell sa buhangin kaya puro sugat ang paa ko. “Tama na, Navy! Maawa ka pakawalan mo ako! Bitiwan mo ako nasasaktan ako! M-maawa ka parang awa mo na! B-buntis ako maawa ka!” Pero imbes na maawa ay tinawanan lamang ako nito. “Maawa? Sana inisip mo ‘yan bago mo ako tinakasan! Kung may utak ka hi
(Saddie pov) Sinanay ko muna ang mata ko sa daan. Ilang beses kong kinabisado ang daan bago ako naghanda sa pagtakas. Mahirap na dahil baka mabulilyaso ako kaya hinintay ko muna gumabi bago ako tumakas. “Wag kang mag alala dahil makakauwi rin tayo. Sa ngayon dito muna tayo para hindi tayo maabutan ng mga taong naghahabol sayo.” ‘Talaga? Ang sabihin mo lang gusto mo akong mapaniwala na may naghahabol sa akin! Pakana mo ang lahat!’ Ngumiti ako bago tumango rito kahit gusto kong basagin ito. Ang galing talaga magsinungaling ni Navy… sanay na sanay ito. “Salamat, Navy. Sige papasok na ako sa kwarto, nahihilo na naman kasi ako. Sana nga bukas makauwi na tayo. Ayoko na kasi dito… sigurado kasi ako na nag aalala na sila mama sa akin, saka ang asawa ko.” Panandaliang nawala ang ngiti nito. “Hayaan mo, sigurado na magkikita din kayo.” Ngumiti ito ng pilit. “Salamat.” Akmang papasok na ako ng pogilan nito ang braso ko. “Paano kung… kung patayin si Morgan ng mga humahabol sayo?
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala
“Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magbi
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morga
(Saddie pov) Akala ko sa yate kami sasakay pero sa speed boat pala kami sasakay. May ilaw naman mula rito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi sapat ‘yon para makita namin ng maayos ang dinadaanan namin, lalo na at bumuhos pa ang malakas na ulan. ‘Diyos ko!’ Kulang kailan naman tumatakas kami ay saka pa umulan! Niyakap ko ang tiyan ko. Di bale. Konteng tiis nalang ay makakaalis na kami. Ang mahalaga ay natakasan na namin yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla akong kinabahan ng biglang huminto ang speed boat na sinasakyan namin. Hindi sana totoo ang hinala ko. “Ngayon pa talaga nasira!” Nanlumo ako. Bakit ngayon pa kung kailan nasa dagat kami at tumatakas? Hindi nga kami napahamak sa kamay ng mga dumukot sa amin pero mukhang dito naman kami sa gitna ng karagatan mapapahamak. Niyakap ko ang tiyan ko. Nag aalala ako sa dinadala ko. Siguro ay nilalamig na rin ang baby ko ngayon. Kanina pa kasi kami basa ng ulan at nanginginig sa lamig ng ulan at simoy ng hangin. Ka
Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Nav
(Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.