READ AT YOUR OWN RISK!!! MAFIA BOSS SERIES 2. Laxus King - Mr. King Dahil lumaki si Kiray ng hindi kagandahan, akala niya ay pagiging panget at kapos sa pera lang ang malaking problema na kahaharapin niya sa mundo ngunit mali siya. Mas mahirap pala magpanggap na ibang tao sa katauhan ng iba, lalo na kung pagiging soon to be wife ng isang MAFIA BOSS ang magiging papel niya. Matutunan kaya nilang mahalin ni Laxus King ang isa't isa? Matatanggap pa rin kaya siya nito kapag nalaman nito ang totoo tungkol sa kanyang pagkatao? O pipiliin siya nitong itaboy at saktan dahil isa siyang impostor?
View More(Laxus king)Abala ako sa pag-aayos ng aking kurbata ng biglang may kumatok sa pintuan ng aking opisina. Tumango ako sa kanang kamay kong si Jigs para buksan ang pinto.
Nang makita ako nitong tumango ay lumapit ito sa pintuan para papasukin ang kumakatok. Nang makapasok ang nasa labas ay sumalubong rito ang malamig kong tingin. Magalang na bumati ‘to sa akin, habang nakatungo ang ulo na upang hindi ako masalubong ang aking tingin. Natural na sa akin ang pagkakaroon ng malamig na personalidad. Ayon nga sa iba ay may dinudulot ako na kakaibang awra. Ito daw ay nakakakilabot at nakakatakot… isa daw iyon sa dahilan kaya kahit sino ay pinapangilagan ako. Pero batid kong isa sa dahilan ng pag-iwas nila sa akin ay dahil sa pamilyang pinagmulan ko. “Nahanap na ba siya?” Tanong ko agad. “M-Mr. King, hanggang ngayon ay hindi pa rin namin siya natatagpuan. P-pero ginagawa na namin ang lahat ng makakaya namin para matunton siya sa lalong madaling panahon.” Takot na sagot nito sa akin. Nagtagis ang aking bagang. “Sa palagay mo makakapaghintay pa ako ng matagal hanggang sa mahanap siya?! Pinahanap ko siya sa inyo dahil kailangan ko siya… I need her as soon as possible!” Galit na wika ko. Lumuhod ito sa takot. “Mr. King, nakikiusap ako, bigyan niyo pa kami ng oras para hanapin siya!” Pakiusap nito. “Binigyan ko kayo ng limang buwan pero hanggang ngayon ay hindi ninyo pa rin nadadala sa akin ang babaeng iyon! Sinasayang niyo ang oras ko!” “P-patawad, Mr. King. Pagbigyan niyo pa kami, pakiusap! Hindi pa kami nahihirapan maghanap ng impormasyon noon. Sa tingin namin ng mga kasama ko ay alam niya kung paano kami tatakasan. Matinik magtago si Madam.” Dagdag nito. “Mr. King, malapit na magsimula ang meeting.” Paalala ni Jigs sa akin. May meeting pa kasi kami na dadalohan ngayon. Tumingin ako sa lalaki na nakaluhod sa aking harapan. Bumalik sa pagiging blanko ang aking ekspresyon. “Bibigyan kita ng dalawang buwan para hanapin ang babaeng iyon at dalhin sa akin, Sa oras na hindi ninyo siya madala sa akin, ako mismo ang magbabaon sa inyo sa ilalim ng lupa ng buhay.” Malamig na aking banta rito bago lumisan kasama si Jigs. ***** Nagtaas-baba ang dibdib ng lalaki na naiwan sa kwarto dahil sa takot. Kilala nila si Mr. King, hindi nito bumabale ng salita. Sa oras na hindi nila magawa ng mga kasama ang utos nito ay sigurado na magagalit ito sa kanila na hahantong sa kamatayan nila. Tumayo ito at umalis para kumilos at gawin ang inutos ng amo. Kailangan nilang mahanap ang babae na pinapahanap nito sa kanila sa lalong madaling panahon. Kung hindi ay malalagay ang buhay nila ng mga kasama sa peligro. ********** (Laxus King) Pagkalabas ko ng mansion na pag-aari ng aking pamilya ay mayron ng sasakyan na naghihintay sa amin sa labas. Nakita ng driver na sumenyas sa kanya si Jigs, kaya naman agad nitong pinaandar ang sasakyan ng sumakay ako para ihatid kami sa aming pupuntahan. Habang nasa biyahe kami ay nakatingin ako sa labas ng bintana habang nag-iisip ng malalim. “May balita na ba sa pinapahanap ko?” Tanong ko. Bukod sa lalaki na kausap ko kanina at sa iba pa nitong mga kasama ay inutusan ko ito na maghanap para madali na matunton ang babae na matagal ko nang pinapahanap. Kung marami kasi sila na maghahanap ay mas mabilis itong makikita. Saka malaki ang tiwala ko kay Jigs. Magaling din ito sa paghahanap. Umiling ito sa akin. “Maging kami ay hindi rin siya mahanap, boss. Sa palagay ko ay gumagamit din siya ng connection o kaya naman ay may tumutulong sa kanya para namin hindi siya matunton.” Sagot nito sa akin. Nag-igtingan ang aking panga sa balitang sinabi niya sa akin. Talagang nagtatago ng mabuti sa akin ang babaeng iyon. Kung sa palagay nito ay makakatakas siya sa akin habang buhay. Pwes, nagkakamali ito. "Ipagpatuloy ninyo ang paghahanap sa kanya. Kailangan na mahanap siya sa lalong madaling panahon.” "Sige, Mr. King. Wag kayong mag alala, gagawin namin ang lahat para mahanap siya.” Pangakong sagot nito sa akin Hindi nagtagal ay huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng isang mataas na gusali. Pinagbuksan ako ni Jigs ng pintuan, nang makalabas ako ay sinundan ako ng labing-limang bodyguards na pawang naglalakihan ang mga katawan. Ang kanilang mga mata ay sumusuri sa paligid, alerto sila sa paligid dala ang kani-kanilang mga dekalidad na baril. Lumaki ako sa makapangyarihan na pamilya. Ang pagkakaroon ng mga bodyguards ay normal na sa amin, kaya sanay na ako rito. Kung tutuusin, ang mga kasama ko ngayon ay kakaunti pa. Ang ilan sa mga ito ay nasa kalayuan at nagmamanman lang. Sumakay ako ng VIP elevator at nagtungo sa pinakamataas na floor. Pagdating dito ay lumabas ako at pumunta agad sa boardroom. Nang makita ako ng mga board members ay tumayo sila at nagbigay-galang sa akin, kasama na tumayo sila Zack at ang kanyang ina na si Mary. Matapos ang mahaba-habang meeting tungkol sa kumpanya ay tumayo na ako. Aalis na sana kami ng biglang tumayo si Zack at nagsalita. "Laxus, nakita mo na ba ang fiancee mo?" Tanong nito na medyo nakangisi pa. Halatang natuwa ito ng makita ang inis sa aking mukha. “Mukhang ayaw ka niyang pakasalan, Laxus. Paano ba iyan, hindi ka makakasal bago sumapit ang ika-30 na kaarawan mo. Paano na ang last will and testament na iniwan ni dad para sayo kung hindi ka naman maikakasal.“ Nang makita ng lahat ng naroon sa silid kung gaano kadilim ang aking ekspresyon at kung gaano kabigat ang tensyon sa paligid ay dali-dali ng mga ‘tong nilisan ang silid, takot na madamay sa away namin. Ang tanging naiwan lamang ay ang mag-inang sina Mary at Zack. "Isang taon na siyang umalis, Laxus. Malinaw na ayaw ka niyang pakasalan. Bakit mo pinipilit ang sarili sa babaeng hindi ka naman gustong makasama?" May panunuya na dagdag pa ni Zack. “Malinaw naman na nagpakalayo-layo siya dahil ayaw niya sayo. Tanggapin mo nalang kasi ang katotohanan na hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo.” May panunuya ko din siyang pinagsabihan. "Maraming taon na rin ang lumipas, Zack. Bakit hindi ang sarili mo ang sabihan mo na tigilan na ang paghahangad ng lahat ng mayro'n ako? Na hindi ang lahat ng mayro'n ang lehitimong anak ay mayro'n din ang katulad mong bastardo?” Nabura ang ngisi sa labi ni Zack, at ang ina naman nitong si Mary ay pinamulahan ng mukha dahil sa hiya sa sinabi ko. Tsk. Totoo naman ang sinabi ko. Bastardo naman talaga itong si Zack. Ang mommy nitong si Mary ay kabet ng daddy ko noong nabubuhay pa ito. Nakaramdam ako ng galit ng maalala ang last will and testament ng daddy ko. Kapag hindi daw ako nakapagpakasal sa aking pagtuntong ng ika-30 ng akong kaarawan ay mapupunta ang lahat sa bastardo niyang anak na si Zack ang lahat ng mayron ako, pati ang posisyon na mapupunta sa akin bilang lider ng aming organization ay mapupunta dito. Fvck… hindi ako papayag! Kaya ginagawa ko ang lahat para mahanap siya. Dahil ito ang gusto ni dad, ang makasal ako sa isang Solante. Marami ang mga babae na gustong makasal sa akin. Kaya kung tutuusin ay hindi problema sa akin ang maghanap ng mapapangasawa. Pero ito ang hiling aking ama… at ito din kagustuhan ko. Nakita kong galit na galit na silang mag-ina sa akin. Kaya lalo ko pang inasar si Zack. "Mahahanap ko siya, Zack. At kapag nahanap ko siya, wag ka nang umasa na aangat ka sa kinaroroonan mo ngayon kasama ang mommy mo… hanggang diyan lang kayo dahil sampid lang naman kayo sa pamilya namin." Hindi sila nakahuma sa aking sinabi hanggang sa makaalis kami. ******* “N-napayayabang talaga ng Laxus na iyan!” Malakas na sabi ni Mary na namumula parin ang mukha sa galit ng makalabas si Laxus. “Zack, wag kang papayag na makuha niya ang lahat ng para sayo! Wag mo siyang hayaan na magtagumpay!” Sulsol pa nito sa kanyang anak na si Zack. Galit na hinampas naman nito ang kamao sa mesa. “Hindi ako papayag, mommy. Hindi ako papayag!” (Laxus King pov) Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay kalmadong sumandal ako at pumikit. Napalunok naman ng laway si Jigs, hindi man magsalita ang kanyang amo, batid niya ang nagpupuyos na galit nito. Sumenyas siya sa driver na paandarin na ang sasakyan. Pagkalipas ng ilang sandaling pananahimik ay bumaling ako sa kanya. "Jigs, magdagdag ka ng mga tauhan na maghahanap sa babaeng iyon. Gamitin ang lahat ng koneksyon para mahanap siya, walang titigil sa paghahanap sa kanya, umaga man o gabi. Manmanan ang kilos ng pamilya niya, lalo na ang kilos ng mommy niya. Baka alam niya kung nasaan ang anak niya. Kailangan na siyang manahap sa lalong madaling panahon.” “Masusunod, Mr. King!”“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala
“Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magbi
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morga
(Saddie pov) Akala ko sa yate kami sasakay pero sa speed boat pala kami sasakay. May ilaw naman mula rito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi sapat ‘yon para makita namin ng maayos ang dinadaanan namin, lalo na at bumuhos pa ang malakas na ulan. ‘Diyos ko!’ Kulang kailan naman tumatakas kami ay saka pa umulan! Niyakap ko ang tiyan ko. Di bale. Konteng tiis nalang ay makakaalis na kami. Ang mahalaga ay natakasan na namin yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla akong kinabahan ng biglang huminto ang speed boat na sinasakyan namin. Hindi sana totoo ang hinala ko. “Ngayon pa talaga nasira!” Nanlumo ako. Bakit ngayon pa kung kailan nasa dagat kami at tumatakas? Hindi nga kami napahamak sa kamay ng mga dumukot sa amin pero mukhang dito naman kami sa gitna ng karagatan mapapahamak. Niyakap ko ang tiyan ko. Nag aalala ako sa dinadala ko. Siguro ay nilalamig na rin ang baby ko ngayon. Kanina pa kasi kami basa ng ulan at nanginginig sa lamig ng ulan at simoy ng hangin. Ka
Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Nav
(Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.
Malakas na binagsak ni Morgan ang kamao sa bumper ng sasakyan ng malaman ang nangyari. “Fvck! Fvck! Fvck!” Halos maglabasan ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit ng malaman ang nangyari sa asawa. Kanina pa siya pinapakalma ng kapatid pero bigo ito. “Paano ko magagawang kumalma ngayong nasa panganib ang mag ina ko?! Fvck!!!” Hindi lamang ‘yon, nasa panganib din ang buhay ng ina nito na malubha ang tama sa ulo. Wala pang isang araw ng magpasimula siya ng imbestigasyon ngunit nalagay na sa panganib ang buhay ng asawa niya. Nalaman ba nito ang plano niya na pag alam kung sino ito? Umiling si Morgan. That’s impossible! Sigurado na hindi iyon makakalabas sa kanilang pamilya. Tiyak na kagagawan ito ng taong nagtatangka sa buhay niya. Pagdating sa presinto ay umiling si Laxus ng makita ang galit na galit na anak. “Wala kayong malaman? Are fvcking kidding me? Anong silbi niyo kung wala kayong makuhang lead kahit isa kung nasaan ang asawa ko?!” Nang makita ng mga pulis si Lax
Tumawa ito ng makita ang walang patid na pagtulo ng luha ko. “Ano? Natatakot ka na ba ngayong gaga ka! Dapat lang! Pagkatapos ng ginawa mo ay sisiguraduhin ko na magkikita kayo ng anak ko sa impiyerno! Dante, dalian mo ang pagmamaneho! Gusto ko ng makaganti sa babaeng ‘to!” “Sige, manoy—“ masakit sa tenga na lumangitngit ang gulong na sinasakyan namin. “Anong problema?! Bakit ka huminto?!” “M-may sasakyang humarang sa daan, kuya!” Sumbong ng nagmamaneho ng sinasakyan nila. “Humarang?! Ano pa ang hinihintay mo, sagasaan mo!” “Pero, kuya—“ “Inutil! Sundin mo nalang ang utos ko!” Walang nagawa ang lalaki kundi ang sundin ang kapatid. Pero biglang sumabog ang sasakyan nito ng may bumaril sa gulong ng sasakyan “Anak ng…” halos umusok ang ilong ng lalaki sa galit. May dinukot ito sa tagiliran. Nanlaki ang mata ko ng makitang baril ito. ‘No!’ Gusto ko itong saktan pero binalaan ako nito sa pamamagitan ng tingin na babarilin kung kikilos ako ng masama. Pagkatapos mag uto
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments