Share

Chapter 3

 Chapter 3

Tanya POV

I'm Tanya Snow. Isa rin akong assassin/agent. Habang nag-eehersisyo ako ay biglang nag-ring ang private number ko kaya agad ko itong inabot at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Pagtingin ko ay kay Ana ang number kaya agad ko itong sinasagot habang nagpupunas ako ng pawis sa aking mukha.

"He....!" hindi ko pa nga natatapos ang aking sasabihin ay agad nang nagsalita ang nasa kabilang linya.

"Tawag raw po kayo mamaya sabi ni Mommy, after this call ninang," sabi ni Baby Enno sa akin na wala man lang halong emosyon.

‘Kahit kaylan talaga ay napaka-cold nito kung iba ang kausap at kasama. Pero kung silang mag-iina lang ang nagba-bonding ay sobrang sweet nito,’ sabi ko sa aking isipan habang nakataas ang kilay ko.

"Okay, I'll call h...." hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil pinatayan na niya ako ng tawag.

Napailing na lang ako sa nangyari. Pero palaisipan sa akin kung bakit gusto akong patawagin ni Ana kaya dali-dali akong pumunta sa banyo upang maligo. Pagkatapos ay agad kong dinampot ang phone ko upang matawagan si Ana.

Apat na ring ay may sumagot na ito pero hindi si Ana ang sumagot. Hindi ko alam kung si Enna ba o si Enno ang nagpindot ng answer button. Ngunit narinig ni Tanya na tinawag ang kanyang ina at walang ibang may ari ng boses kundi si Enno at sinabing nito na tumawag ang kanyang ninang Tanya. Hindi pa nga na ka pag Salita ay naunahan na ako ni Ana.

"Hello! Tanya." sabi ni Ana na serious na boses, pag ganito may seryosong nagaganap kaya kailangan ko rin mag seryoso.

"Hello too Ana! bakit mo  ako pinapatawag? " ani ko dito dahil umandar na naman ang aking curiousity.

"May ipaasikaso ako sayong important matters. " sabi nito sa akin na mas lalo akong nahiwagaan.

"Say it! " anas ko dito, dahil ayaw ko talaga ang pinapasabik ako ng maigi.

"Alamin mo kung kaylang ang general meeting sa isa kong Company. " sabi nya sa akin

'May kutod ako na ang AC COMPANY ang tinutukoy nito,' sabi sa isip ni Tanya.

"Alin sa kumpanyang aalamin ko Ana? Sa dami dami mong kumpanya ay di ko matukoy kung saan doon," sabi ko dito kahit na may idea na ako kung saan.

"Ang AC company."

'Sabi ko na nga ba, may nalalaman na siguro itong kaibigan ko na may anomalyang nang yayari sa loob ng kumpanya nya,’ dagdag pa sa isipan nito.

"Oh! Tamang-tama dahil may meeting ang lahat mga share holder, alam mo ba ang Balita? Alam ko hindi pa, may gustong pabagsakin ka at paalisin sa sarili mong kumpanya? at balita ko gusto ni Mr Mercado ang ma-ging  CEO dahil never ka raw niya o nila nakikita ang CEO ever since, which is ikaw yung lage na lang raw secretary ang pinapunta mo sa lahat na mga ka meeting at mga important na bussiness deal,” pag papaliwanag ko dito.

"Be ready mayroon tayong pababag sakin ngayong taon," kinangiti ko dahil sa wakas ay makakauwi na rin ako sa Pilipinas. Alam ko na ang lahat na bagay nang yayari sa kanyang kumpanya pero mag hanap pa ako ng malaking ebedensya para walang kawala si Mr Mercado sa lahat na nagawang kasalanan.

"Ohhhh i love it! So, ano? dating gawi?” tanong ko dito na may ngiti sa labi.

"Yes! We surprise all, tingnan natin kung hindi sila manginig sa takot pag malaman nila kung sinong may ari ng kumpanyang gusto akong pabagsakin, may files akong ipadala sa iyo, pag aralan mo at gumawa ka ng report tungkol dito. " sabi nito sa akin.

"Okey dokey! Mayroon ka pa bang ipag uutos?" ani ko dito.

"Wala na! Bye Tanya," pag papaalam nito sa akin.

"Bye!" ani ko, papatayin ko na sana ang phone ngunit may sinasabi pa si Ana sa akin na kina bigla ko.

"Wait Tanya, alam ko na kahit kaylan na never ako nag papasalamat. Pero nais kong sabihin sa iyo na Thank you for everything na lagi kang nasa aking tabi. Kahit na matagal na akong umalis sa dating trabaho ko sa organisasyon ay andyan ka parin, kayo dati kong kasama ay hindi nyo ako pina pabayaan. Salamat ulit sa iyo," ani nito sabay patay sa phone. Kinikilabutan ako sa pag papasalamat nya sa akin at sa dati nyang kasamahan sa asssine. Kung na rinig lang nila ni Black 01 na si Sky at agent P ay siguradong maloloka sila.

Ilang minutes lang dumating na ang files na sesent ni Ana kaya agad ko itong pinag aralan doon ko nakita ang malaking halagang mawawala at iisa lang ang taong may gawa,walang iba kundi si Mr Mercado. Napataas lang ang kilay ko sa na malaman ko sabay sabing.

"Tsk!Kawawang nilalang," sabi ko dito na may ngiti sa labi, akala siguro nila na maiisahan si Anastasia Clinton sa kanilang ginawa, nag kakamali sila sa kanilang binabangga.

Maaga akong na tulog para maaga akong makapunta sa page sundo nila. Excited na akong makita ang kambal. Hindi nag tagal ay nagising ako sa alarm clock kay nag mamadali akong bumangun at naligo pagkatapos kung maligo ay nag bihis na ako saka dinala ang lahat na ibidensya.

"Ringggggg!" Tunog sa aking phone kaya agad ko itong sinagot.

"Hello!" sabi ko dito.

"Miss Snow ready na po ang sasakyan," sabi sa kabilang linya.

"Oh thank you!" pag papasalamat ko dito.

"Welcome Miss Snow," sagot naman nito sa akin.

Kaya bumaba na ako at pumunta sa kotse, kung saan nag hintay ang sasakyan sa akin. Nakita ko si manong doon nag hintay sa akin.

"Good morning manong," bati ko dito, matagal na si manong na personal driver ko at tulad ko pinoy rin ito. Nakita ko ito nag palaboy laboy sa daan dahil ang agency na inap apply nya ay isang illegal buti na lang at na ka takas si Manong sa mga ito.

"Good morning too iha," Pinagbuksan nya ako ng pinto sa kotse.

"Salamat manong," pag papasalamat ko ulit dito.

"Wala anoman, oh! sya alis na tayo," sabi nito sa akin saka pina andar ang sasakyan.

"Yes! po manong, bye the way manong sasama ka sa amin pag alis ngayong, uuwi tayo sa Pilipinas upang maka bakasyon rin po kayo, dadaanan natin ang iyong mga gamit. Okay lang po ba manong," sabi ko dito.

"Maraming salamat iha, at sa wakas makaka uwi rin ako sa aking pamilya. Malaking tulong ito sa akin dahil matagal ko na silang hindi makasama," sabi ni manong sa akin.

"Walang anoman Manong masaya ako at kahit papaano ay napasaya kita sa simpleng bagay.  Ngiti kung sabi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status