LOGINPitong taon ang inaksaya sa kanyang buhay ni Gailyn Espinoza upang piliin lang na manatili sa tabi ng kanyang asawang si Leon Lombardi. Hindi dahil sa may anak sila kung hindi dahil naniniwala siyang hindi magtatagal ay makikita rin ng asawa ang halaga niya. Subalit taliwas at hindi iyon ang nangyari dahil biglang nahulog ang lalaki sa ibang babae na harap-harapang pinakita niya kay Gailyn. Sa mismong araw ng kaarawan niya ay piniling umuwi ng Isla ni Gailyn upang makasama ang kanyang mag-ama na doon nakatira, ngunit sa halip na salubungin ng mainit na pagbati at yakap, isang malutong na sampal ng katotohanan ang natuklasan. Ito ang naging wake up call kay Gailyn para magising. Sawang-sawa na siya sa paulit-ulit na pagtitiis kaya sa araw na iyon ay naging buo ang desisyon ni Gailyn na palayain na ang kanyang asawa. She drafted divorce papers, signed away custody of their son, and walked away without a backward glance. Returning to her career, Gailyn chose to silently build a fortune for herself. Sa puntong ito ay sarili naman niya ang uunahing piliin bukod sa mga nagpapasakit sa kanya. Kung kailan handa na ang puso, katawan at kaluluwa ni Gailyn na makipaghiwalay saka naman noon bumaliktad ang ikot ng mundo. Tila nagising siya sa matagal na niyang pangarap dahil ang mag-ama niyang ayaw sa kanya noon ngayon ay humahabol na. “Divorce is not an option, Mrs. Lombardi. Kailanman ay hindi ako papayag sa gusto mong mangyari. Hindi kita hihiwalayan. Walang sinuman ang makakapalit sa papel mo bilang ina sa buhay ng ating anak.”
View MorePAGOD NA NAPATINGALA ang mga mata ni Gail sa madilim na langit na walang habas ang patak ng ulan. Ilang beses na iginala niya ang mga mata sa paligid ng port kung saan ay kakadaong lang ng barkong sinakyan niya. Umuulan kung kaya naman ibang-iba ang pakiramdam niya kung ikukumpara iyon sa mga nakaraang pagpunta niya sa lugar. Buti na lang at hindi sila inabutan ng malakas na alon habang naglalayag patungo sa Isla ng Mindoro. Nakasaklob na sa ulo niya ang hood ng suot niyang jacket. Dinukot niya sa bulsa nito ang cellphone. Ilang segundo siyang napapikit nang magliwanag ang screen noon. Pasado alas-nuwebe na iyon ng gabi, malinaw sa digital clock sa screen ng cellphone niya.
“Gabi na, gising pa kaya sila?” Sunod-sunod ang naging pagtunog ng notification ng cellphone. Gumalaw ang mga mata ni Gail upang isa-isahin lang iyong basahin at kapag nabasa na niya ay agad niyang tinatanggal. Purong birthday greetings and wishes iyon mula sa mga kaibigan niya at kakilala sa social media. Wala siyang post about dito, pero marahil ay nag-notify pa rin iyon sa kanila. “Hindi na naman niya ako naalala.” malat ang boses na tila may bikig ang lalamunan ni Gail nang sabihin ang katagang iyon. “Well, ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? Hindi pa ba ako sanay? Sa loob ng maraming taon, wala naman siyang improvement.” Tuloy-tuloy siyang lumulan sa naghihintay na taxi. Surprise visit ang ginawa niyang iyon sa kanyang mag-ama kung kaya naman hindi niya sila ini-inform na pupunta kaya wala silang kaalam-alam na nagbiyahe siya ng araw na iyon upang makasama sila. Dahil sa pagiging madulas ng daan at sa pag-iingat ng taxi driver na magmaneho ay lampas alas-diyes na ng gabi nang sapitin nila ang villa. Isang sulyap at pakiramdam agad ni Gail ay masyadong tahimik yata ang villa nila ng gabing ito. “Huwag niyo na po akong tulungan, pakibaba na lang ang nagahe ko at ako na po ang bahalang humila papasok sa loob ng aming villa.” Hindi pa rin nawawala ang surprise sa idea ni Gail sa pagpunta dito. Gulat na gulat si Aurin, ang personal na Yaya ng anak nilang si Jax nang makita siyang bumungad at walang imik na pumasok sa nakabukas pa noong pinto. Medyo namutla pa ang babae na napalingon na sa ilang maid na kasama niya na para bang may tinatago sa kanya. Basang-basa ni Gail ang mga titig na may kahulugan sa kanila. Naroon ang mga ito at pinasama niya upang siguraduhin lamang na maalagaan ang kanyang mag-ama habang narito. “M-Madam? Bakit po kayo narito?” Sensitive lang ba siya o hindi lang siya sanay na tanungin ng isang maid kung bakit naroon gayong bahay niya rin naman ito at bahagi pa rin ng pamilya? Hindi lang siya kasama ng mag-ama niya dahil sa trabahong maiiwan sa Laguna kung sasama siya rito. “Nasaan si Leon at Jax?” balik-tanong ni Gail sa halip na sagutin ang nakakabastos na tanong ng katulong. “Hindi pa po umuuwi si Sir, pero si Jax po ay nasa kanyang silid na. Kanina pa po siya doon umakyat.” Walang imik na binigay ni Gail ang handle ng dala niyang maleta sa maid at walang lingon na umakyat sa ikalawang palapag. Wala namang naging reklamo ang maid na sinundan lang siya ng tingin. Natagpuan niya sa silid ang anak na nakapangtulog na. Buong akala niya ay nakahiga na ito sa kama, ngunit hindi. Pasalampak itong nakaupo sa ibabaw noon at abalang-abala. Kalat-kalat ang lalagyan ng kanyang bago pang crayola. Makikita sa mga mata ng bata ang labis na focus sa hawak na papel na na may drawing na cake na nilalapatan niya ng iba’t-ibang kulay. Sa sobrang busy dito ng anak ay hindi nito namalayan ang pagpasok ng bulto ng katawan sa silid ng sarili niyang ina hanggang sa tuluyang makalapit. “Jax?” Napalingon ang bata nang marinig ang boses ni Gail. Mabilis siyang napatayo habang nanlalaki ang mga mata. Ilang segundo pang napatulala bago nagsalita. “Mommy?!” Saglit lang namayani ang mga ngiting iyon, sigla at excitement sa mukha ng batang lalaki. Tila pundidong ilaw na agad napawi iyon pagkaraan ng ilang minuto na hindi pinag-ukulan ng pansin ng ina. Buong akala pa naman ni Gail ay tatalon ang anak ng kama upang salubungin siya dala ng labis na pananabik, ngunit hindi iyon nangyari sa gaya ng inaasahan. Muli itong naupo at dinampot ang color pencil na binitawan niya kanina. Dala ng pananabik ay si Gail na mismo ang kusang lumapit sa anak. Musmos pa ito kung kaya hindi niya hinanapan. Walang paalam na niyakap niya ang bata at pinupog ng halik na puno ng labis na pananabik. Humalay ang nakikiliti nitong mga hagikhik sa loob ng apat na sulok ng silid. Saglit lang din iyon gaya sa excitement kanina dahil maya-maya lang ay marahas na siyang tinulak ng mga munting kamay ng bata upang palayuin. Sobrang masakit na iyon para kay Gail. “Mommy, tama na ang kiss…hindi mo ba nakikitang busy ako? Ayan, gusot na ang ginagawa ko. Kailangang maayos ang pagkakakulay ko sa cake eh.” Dalawang buwan halos na hindi nakasama ni Gail ang kanyang anak kung kaya naman ganun na lang ang pangungulila niya. Sa videocall lang sila madalas na nagkikita at hindi naman din iyon palaging nangyayari. Pakiramdam niya ay hiniwa ang kanyang puso nang makitang parang ang laki na ng distansya nito sa kanya kumpara noong huli nilang pagkikita. “S-Sobrang na-miss lang kita, Jax…” Gusto niya itong muling yakapin, hagkan at sabihin gaano siya na-miss, ngunit kada may pagtatangka si Gail na gawin iyon ay marahas na tinutulak na siya ng bata palayo sa katawan niya. Kahibangan man kung iisipin niya, ngunit parang na-brainwashed yata ang anak niya na ngayon ay parang ayaw na sa kanya. “Ano ba ‘yang ginagawa mo anak? Para kanino ang drawing na iyan na kinukulayan mo? Mukhang parang sa importanteng tao sa buhay mo yata ‘yan ah?” excited na silip ni Gail upang makita lang iyon. Nahigit na ng babae ang hininga nang parang birthday card ang nakita niya, naisip niya na baka para sa kanya iyon kasi birthday niya ng araw na iyon at isu-surpresa siya marahil ng handmade card nito. “Coloring this cake, Mommy. Ngayong Linggo na raw kasi ang birthday ni Tita Nica at ang sabi ni Daddy ay ito ang isa sa magiging gift namin sa kanya dahil maraming effort nag nilagay ko dito.”NAPIPILITANG ITINANGO NA ni Jaxon ang ulo upang ipakita na kumbinsido siya sa sagot ng kanyang ina. Pinagmasdan niya ang mukha ng ina nang tahimik. Para sa bata, hindi naman mukhang pagod ang kanyang ina eh. The wind was particularly cold and sharp that night. As they stepped out of the hotel lobby, the cold wind stung their cheeks. Malapit sa entrance ang napagkasunduan nila ni Leon hindi sa mismong parking lot kung kaya naman naroon ang mag-ina. Jaxon was clearly cold and didn't want to leave. Hinila niya ang kamay ng ina, umikot ito upang isubsob lang ang mukha sa tiyan ni Gail. Mahinang natawa si Gail sa reaction na iyon ng kanyang anak. “Ang ginaw, Mommy…karga mo ako…” taas nito ng dalawang kamay sa tonong naglalambing. Pinagbigyan ni Gail ang anak. Nahirapan pa nga siyang buhatin ito ngunit sa huli ay nakarga niya pa rin. Niyakap na ni Jaxon ang kanyang leeg at ibinaon ang mukha sa leeg ng ina niya. Gail's clothes were soft and warm. Jaxon nestled against his mother's neck, en
SA KABILANG BANDA, sa main table ng birthday banquet, tahimik na nakaupo pa rin si Leon at hindi na napigilan na sulyapan ang asawang si Gail. Abala ang kanilang anak na kalaro ang mga pinsan niya kung kaya naman hindi siya nakikigulo sa mga magulang. Sa totoo lang ay hindi pa rin noon nakakabawi si Gail sa pagpunta ni Leon. Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Nang mapansin ang ginawang tingin ni Leon, inayos ni Gaila ng kanyang upo at nilingon na rin ang asawa. “May kailangan ka ba sa akin?” Binawi ni Leon ang kanyang tingin at iniiling ang ulo. “Wala.” “Kung may gusto ka pang ibang pagkain, sabihin mo lang sa akin.” Gail’s two cousins had really never met Leon before. Now that they've seen the real person, they look over with some curiosity. Having been in a position of power for many years, Leon, even without deliberately showing it, exuded an air of authority in his every move. Nang makita ni Leon ang kanilang paninitig, pinantayan niya na iyon at tiningnan na rin sila. Leo
WALANG KAMALAY-MALAY DOON si Caden. Ngayon lang nila nalaman ang tungkol doon.“Ibig sabihin, kaunti lang ang naiwang mga guest sa birthday party at pinili ang housewarming?” “Siguro.” kibit-balikat ni Yohan, “It's said that three-quarters of the banquets were empty.”Ibinaba ni Caden ang kanyang hawak na kubyertos. Tumawa naman bahagya si Yohan.“Nakakaawa nga ang pamilya nila dahil iyong mga inimbitahan nila ay narito at—”Biglang tumayo si Caden na nagbago bigla ang hilatsa ng mukha. “What’s wrong, Caden?” “Lalabas lang ako sandali, may kailangan lang akong tawagan.” Pagkasabi noon ay mabilis na siyang umalis ng kanilang table upang lumabas ng venue. Hindi nakaligtas iyon sa paningin ni Nica at Aya. Siniko ni Aya si Nica para magtanong na ito.“Yohan, saan pupunta si Caden?” “He has an emergency, lumabas lang upang saglit na mayroong tawagan.” Tumango lang si Nica at kampanteng hindi na nagtanong ng iba pa kay Yohan. Nilingon na ni Nica ang bakanteng upuan sa kanyang tabi na
PINAUNA NILANG DALHAN ng pagkain ang ibang guest at ihuhuli na ang ain table. Just as a few dishes were served, Nicolas checked his phone, pulled Gail aside. “Nasa labas na siya. Halika, samahan mo akong sunduin siya.” Tumango si Gail na akmang sasama na kay Nicolas nang bigla silang matigilan. “Hindi na kailangang sunduin niyo ako, narito na ako.” Gulantang na nandilat ang mata ni Gail nang makilala ang boses. “T-Teacher Lane?!” Ngumiti lang sa kanya si Mr. Lane. Those who stayed behind were stunned when they saw Kaida, wondering if they had seen anything wrong. Sikat na sikat si Mr. Lane at kilala sa pagiging mailap kaya naman hindi nila inaasahan na makikita ito sa party ng mga Buencamino. Sino ba namang hindi nakakakilala sa negosyante na minsan lang magpakita?How could such a high-ranking national figure attend Mrs. Buencamino's birthday banquet?Kung nagulat si Gail, gulantang din ang matandang Buencamino at ang iba nilang kapamilya. After realizing what was happening, he




![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore