Share

Kabanata 2

Kabanata 2

NAPABALING si Gie sa pinto ng kanyang silid nang marinig ang ilang katok. Nang makita ang kuya Trojan niya ay kaagad siyang tumayo saka ito nginitian. "Kuya, kailan ka umuwi?"

"I just got home an hour ago, Gie. We got withdrawn from the last mission since we got compromised." Ngumiti ito sa kanya saka mahinang tinapik ang kanyang balikat. "Sorry, I didn't make it on your oath-taking. I'm really happy for you, thou."

"Thank you, kuya. So how long are you gonna stay this time?"

"I'll have a new assignment six months in six months and uhm, actually about that, kaya kita pinuntahan dahil may importante akong gustong sabihin."

Napakunot siya ng noo nang mahimigan ang pagkaseryoso ng tinig nito. "Ano 'yon, kuya?"

Trojan took in a deep breath then released it. "Listen, Gie. Most of the agents who have medical backgrounds got exposed to our enemies and we really need a set of physicians that could work with us in my next assignment. This is a very important case. A terrorist agenda to be precise."

Napalunok si Gie at may bahagi ng kanyang puso na medyo na-excite. Natutuwa kasi talaga siya sa trabaho ng kanyang bayaw. Now that he's dropping hints that he's considering her to be part of the mission, she couldn't help but get excited.

"Uhm, do you want me to be part of the team, kuya?"

Problemado itong tumango. "But only if your ate Bella will let you. I don't really have a choice. We need people we can trust to do the mission with MI6 Pacific."

"It's okay, kuya. I uh, I'm actually happy that you consider me kahit wala pa akong gaanong experience."

"Hey, we will only do this if, and only if, your ate Bella will agree, Gie. I don't wanna spend the next few months sleeping in the garage. You know your ate Bella." 

Natatawa na lamang na tumango si Gie. "Saan nga pala ang magiging misyon kung sakali, kuya?"

"Oh, it's gonna be in Italy."

Napawi ang kurba sa mga labi ni Gie at ang dibdib niya ay nagwala. "I--Italy, kuya?" Napahugot siya ng matalim na hininga. "W--Where exactly?"

"At the Supermax where my brother is locked up, Gie."

MATAGAL ding pinag-isipan ni Gie ang desisyon niya tungkol sa offer ng kanyang kuya Trojan. Natatakot siyang mag-krus ang landas nila ni Gresso sa Supermax ngunit nang maalala niyang isa si Gresso sa mga kinukunsiderang pinakamapanganib na preso roon, napagtanto niyang imposible nga ring mangyaring magkita sila dahil hindi naman ito hahayaan ng prison guards na magpagala-gala lamang na parang turista, hindi ba?

In the end, she talked to her ate Bella and explained her decision. Noong una ay ayaw pa nitong pumayag dahil delikado raw masyado, ngunit nang siguruhin ni Trojan na magiging ligtas siya kasama sina Ysiah, napapayag na rin nila ito.

She stared at the documents she needed to sign to make everything final. Hinila naman ni Trojan ang silya sa kanyang tapat habang si Agent Romani ay nakasangkal ang mga palad sa malaking mesa. 

"You sure about this, Gie? Do you think you can stay sane while you're there?" tanong ni Agent Romani.

Si Gresso lang naman ang posibleng makapagtaboy ng katinuan ng isip ko. As long as we won't bump into each other, I know I'll be fine.

Pilit siyang ngumiti saka tumango. "I will be fine."

Umayos ng upo si Trojan saka tumikhim. "The doctors that will be sent to the Maximum Security Prison will be undercovers. We have to find out who among the inmates are planted with self-destructive bombs."

"Once we file the application, you're going to train self-defense for three months. That is very short for someone who never had a background about combat. You'll also learn how to protect yourself with a gun. Do you think you'll get comfortable with that?"

Gie pursed her lips together. Isang buwan niyang tinapon ang kagustuhang panoorin ang mga tear-jerker at romantic movies para lang manood ng madudugong bakbakan kaya handa na ang isip niya. Katawan na lamang niya ang kailangan niyang i-ready kung sakali kung sakaling kampihan ng langit si Gresso at mabigyan ito ng laya na magkita sila.

Napatuwid siya ng upo sa naisip. Why does she even think that Gresso would want to see her? Ilang taon na rin ang nakalipas at mukha namang pinagtitripan lamang siya nito noon. Hindi niya dapat masyadong iniisip na natatandaan pa siya nito. Besides, he doesn't seem like the sentimental type. Baka nga hindi na rin siya nito maalala oras na magkabungguan sila sa Supermax.

SI YSIAH ang naging pinaka-dikit niya palibhasa at ilang taon na niyang kaibigan. Madalas niya rin itong sparring partner.

Ysiah is a lean and tall guy but his combat skills are superb. Idagdag pang gwapo at natural na maamo ang mukha kaya madalas gawing distraction sa mga babaeng doktor. Good thing Gie had already grown familiar with him since they met when her kuya Trojan got out of prison. Hindi na siya tinatablan ng effortless charm na taglay ng teammate niya.

When the program was finished, of course her spy gadgets were given. They gave her a set of weapons and beacons she can use in case things get compromised.

"The last doctors who were assigned to the Maximum Security Prison were confirmed to be part of a group of terrorist. The Chizer, a modern-day Nazi group that is responsible for mass killing." Paliwanag ni Agent Tejano.

Nasa conference room sila ng kanyang mga kasama. Pitong magpapanggap na gwardya at apat na doktor—siya, si Ysiah, si Dra. Jaz, at Dr. Zinc. She doesn't really know why someone will name their after an element but he's cool. Geek, a really big guy but cool. He shares his food to her so they're good.

Tejano folded his sleeves up to his elbows. Sumeryoso ang mukha nitong tinatamaan ng projector, ang kilay ay tuluyan nang nagsalubong. "This team will be given a month to find out who among the inmates were given the bombs. It's a small chip planted on the lower spine that once activated, will explode. Do not underestimate the chip. It was already used countless times and the casualties were all unbelievable."

Napalunok si Gie. Wala na talagang atrasan ang kanyang application. Bukas ay lilipad na sila ng kanyang team patungo sa Maximum Security Prison ngunit sa tuwing naiisip niya ang kulungang iyon, hindi ang panganib ng misyon ang nagpapataas sa kanyang mga balahibo... kung hindi ang taong maaari niya muling makita makalipas ang ilang taong binubulabog nito ang kanyang isipan nang hindi nito nalalaman.

NAKAGAT ni Gie ang pang-ibaba niyang labi nang matanaw sa labas ng sasakyan ang higanteng pader ng kulungan. Pangalawang punta na niya ito rito, ngunit ang kilabot na dala ng lugar ay hindi nagbago.

Nang dumaan sila sa inspection ay lalong tumindi ang kanyang kaba. Only the Warden knows about their mission, kaya ang mga bantay, hindi rin sila pinakitaan ng special treatment.

Good thing her stuff are all well-made to deceive people. Ang ballpen, kung hindi iinspeksyunin ay hindi mahahalatang kayang magpatulog ninoman sa isang mantsa lamang ng tinta.

Her stethoscope was made to record vital signs of a suspected inmate. Her thermal scanner may look normal, but it's a freaking gun that shoots specially made slim bullets. Tiny but still deadly.

Nagkatinginan sila ni Ysiah nang kapain ang kanyang bulsa kung nasaan ang kanyang lipstick. Nati-tense siya ngunit dinistract siya ni Ysiah. He made weird facial expressions while his hands were thrown in the air. Hindi tuloy niya napigilang bumungisngis.

The jail guard shot a deadly glare at her. Napawi agad ang kanyang ngisi at mabilis na tumikhim. "Sorry."

Nang matapos ang inspection, siniko niya si Ysiah habang naglalakad sila papasok ng kulungan. Inmates are flooding the open field, doing their now mundane stuff. Some plays basketball, some does lifting, and are, well, she didn't know it's allowed but they look like they're gambling.

"This place is crazy." Bulong ni Gie.

Mahinang tumawa si Ysiah bago isinangkal ang siko sa kanyang balikat. "Wait 'til you see what happens in the underground cells."

Tiningala niya ang kasamahan ng may pagtataka. "Anong meron doon?"

"Where's the fun if I'll spoil it on our first day?" Mahina itong tumawa saka ginulo ang kanyang buhok na nakatali.

She groaned and removed her ponytail. Bumagsak ang itim at mahaba niyang buhok kasabay ng pagpasok nila sa hallway, ngunit agad siyang napahinto nang makitang nagkakagulo roon dahil sa tila dalawang grupong nagbubugbugan.

Namilog ang kanyang mga mata. Panay ang pito ng mga jail guard sa mga ito ngunit halos wala nang nagpapaawat. The jail guards were left with no choice. Kinuryente ang iba, ang iba ay ginamitan ng high impact ball guns.

"Hala." Gie snapped when she saw how the inmates groaned. Mukhang laruan ang mga baril ngunit base sa nakapintang ekspresyon sa mga tinamaan, alam niyang hinding-hindi niya hahayaang maglaro ang mga pamangkin niya ng ganoong baril-barilan.

Isa sa mga inmates na unang nakabawi ang tumindig. Nabaling sa kanya ang mga mata nito, ang labing may dalawang hikaw sa ibaba at kanang bahagi, unti-unting kumurba.

Napalunok si Gie nang pasadahan siya ng tingin ng lalake. Nakakakilabot. Nakakatindig balahibo, ngunit hindi siya nagtraining para masindak nang basta lang.

"Ooh, what do we have here, hmm?"

As if those words were a cue, nabaling din sa kanilang direksyon ang tingin ng iba pang inmates na naroroon. Ang iba ay tumayo at sinubukang lumapit sa kanila na tila gusto silang pagtripan ngunit agad humarang ang mga gwardya, tinatakot ang mga presong kung hindi pa magsisibalik sa selda ay kukuryentehin.

But some were persistent. May ilang nakalusot at akmang lalapit sa kanila nang isang malakas at malutong na mura ang umalingawngaw.

"Don't you fucking move you fucking sons of bitches! Get back to your fucking cells before I fucking cut you into pieces, you stupid hooligans!"

Natigilan si Gie. Ang bibig niya ay umawang at ang mga mata niya ay namilog nang nahawing parang alon ang mga presso, at nang makita niya ang lalakeng may bitbit na baseball batsa balikat, nakabukas ang orange uniform at lantad ang magandang itaas na katawan, halos bumigay ang tuhod niya. He's even carrying a huge bottle of whisky and he walks like a drunken master with a body of a freaking Olympian.

The familiar man's sleepy eyes gazed at her, sucking her strength to tear away from his intense stare. Ang mga lintik na paru-paro, nagbunyi at tila nais kumawala! At ang puso niya, bakit tila kapanalig ng mga paru-paro sa kanyang sikmura. Nakikilala ba siya nito? Did he... remember her?

Nalunok niya ang kanyang laway nang makita kung paanong unti-unting kumurba pataas ang isang sulok ng mga labi nito. Humakbang ito palapit sa kanya nang bahagyang sumusuray. Halos makalimutan naman niya kung papaano huminga nang hindi pinutol ang makahulugang titig, ngunit nang tangkain itong harangin ng mga gwardya, gumapang ang kaba sa puso ni Gie nang huminto ito sa paglakad.

He lifted his chin and let out a dramatic sigh. "Ah, you never really learned your lesson." He made a series of tss sound before he smirked.

Mayamaya'y bigla na lamang nitong hinampas ng baseball bat ang dalawang gwardya saka muling tinungga ang bote ng alak. Nang muling sugurin ay muling nanghambalos ng bat. Tinadyakan nito at pinalo ang gwardya bago nito muling nilagok ang alak. He even made a sound as if soothing the burning effect his throat felt. 

Gie froze on her spot as she watched how he wiped his lips with the back of his palm. Ngumisi naman ito sa kanya nang makita na nakatitig siya rito. Lalo lamang tuloy nagwala ang kanyang dibdib. Why? Why is his presence this powerful?

Nagsitakbuhan patungo rito ang iba pang gwardya ngunit bago nalapitan ng mga ito ang pamilyar na lalake, dinuro na nito ang baseball bat sa mga gwardya.

"Move away, skunks." Napasinghap si Gie nang lingunin siya nitong muli. His eyes twinkled with desire as the corner of his lips curved to form his devilish smile.

"That doctor is mine..."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nhor Guilly
bakit iba name ni Gie dito? Jobaira na
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status