Kabanata 1
"Good girls often get attracted to bad boys."
Natulala si Gie sa screen ng kanyang laptop nang marinig ang sinabi ng bida sa pelikulang pinanonood niya. She can't believe that the first person that will come inside her head after hearing it would be the dangerous older brother of her Kuya Trojan.
Simula noong araw na lumaya ang asawa ng ate Bella niya, hindi na talaga niya nakalimutan si Gresso. Nag-camping na ito nang tuluyan sa kanyang isipan dahilan para mapatanong siya sa kanyang sarili kung buo pa ba siya nang umalis sila sa supermax. Naiwan ba ang lahat ng pinag-aralan niya roon kaya parang napaka-irasyonal na niyang mag-isip? Really? She's letting that psychopath stay in her system? Hindi niya yata matanggap.
Naiinis niyang isinara ang kanyang laptop dahil wala na rin siyang naintindihan sa pinanonood dahil inokupa na naman ni Gresso ang isip niya. She placed her laptop on the side and laid down. Niyakap niya ang malaking unan saka niya sinubukang pumikit, ngunit sa pagsara ng kanyang mga mata, muling rumehistro ang mukha ng lintik na si Gresso, makahulugang nakakurba ang mga labi at may kakaibang ningning ang mapanganib na mga mata.
Gie pursed her lips together. Alam niyang mali na hanggang ngayon ay naiisip niya ito. Mapanganib na tao si Gresso gaya nga ng sinabi ng partner ng kuya Trojan niya at siya mismo ang nakasaksi no'n nang nakawin nito ang first kiss niya.
First kiss. She can't believe an inmate stole her first kiss, and worse, iyong kapatid pa ng bayaw niyang saksakan ng yabang!
She groaned when she remembered him again and how he treated her like a little girl he could tease. The memory played inside her head like a broken tape, and when she remembered how he pressed his lips against hers, nagwala nang husto ang kanyang dibdib.
Napabalikwas siya ng bangon at inis na sinabunutan ang kanyang sarili bago pinakawalan ang hangin sa kanyang dibdib. Ano bang klaseng mahika ang ginamit sa kanya ng lintik na iyon at kahit ilang buwan na, tenant pa rin ito sa kanyang sistema?
Illegal tenant. Perwisyo na nga ang dala ay hindi pa rin niya nagagawang mapalayas.
Nakakainis. Dapat yata kasi ay hindi na lang siya nanatili noon sa silid. Dapat bumuntot na lang siya sa kapatid niya. Hindi sana siya namomroblema nang ganito ngayon.
Puyat, stress, at hindi maipaliwanag na mga pakiramdam. She cannot even accept her diagnosis to herself. Nakakahiya! Magdodoktor siya ngunit sarili niya ay hindi niya magamot mula sa epekto ni Gresso.
Palaging ganoon. Kapag tinatanong naman siya ng ate niya ay hindi niya maikwento. Nahihiya siya. Isa pa, baka magsumbong ang ate niya kay Trojan. Ayaw naman niyang pagsimulan pa siya ng away ng magkapatid na iyon.
She blew out the few strands of her hair that went on her face. Pipilitin na lang na naman niyang matulog, pinapanalanging kahit ngayong gabi man lang, lubayan siya ni Gresso sa kanyang panaginip.
HUMIHIKAB na binuhat ni Gie ang box papasok sa bagong bahay ng ate Bella niya. Binili ng asawa nito ang bakanteng bahay sa tabi nila at ngayong tapos na ang renovation ay inililipat na nila ang ibang gamit ng mag-asawa.
She likes the glow she sees in her sister's face. Malayo na sa bersyon ng ate niya ilang buwan na ang nakararaan. Dati ay lagi itong umiiyak at kahit sa pagtulog, tinatawag ang pangalan ng kuya Trojan niya, ngunit bilib siya sa mag-asawa. Ang daming nalagpasan ng mga ito para lang magkasama.
Iba talaga ang nagagawa ng matinong klase ng pag-ibig sa tao. Nakakaganda. Nasabi na lamang niya sa kanyang isip bago tinulungan ang kanyang ate na ikabit ang wedding portrait sa pader.
Ngumiti silang pareho pagtapos at pinagmasdan ang larawan saka siya nagkumento.
"Ang ganda mo diyan, ate kahit rushed ang kasal niyo."
Inakbayan siya ng kanyang kapatid saka ito muling tumingin sa ibang kahon. "Nambola ka pa. Oo na ibibili na kita ng bagong art mats kapag nagpunta akong mall."
Mahina siyang natawa. "Oo nga pala, ate. Natanggap na pala application ko sa medical school na pinasahan ko."
"Congrats. Ibalita natin sa kuya Trojan mo sigurado matutuwa 'yon para sayo. Teka, tatawagan ko."
"Bakit, ate nasaan ba si kuya Trojan? Akala ko nasa field pa siya?"
Tumikhim ang ate Bella. "Nasa Italy sila ngayon. Ang alam ko dadaan din siya kay Gresso ngayon kaya baka nandoon 'yon ngayon sa kulungan."
Medyo namula si Gie. Sa may Maximum Security Prison kasama ang kapatid nito? Tama ba ang dinig niya? Teka bakit parang imbes kabahan ay na-excite pa siya?
The danger signs appeared in her head once again. Ano bang problema ng puso niya at parang laging nagpa-palpitate kapag nasasali sa usapan ang kapatid ng bayaw niya?
"Sweetcake..."
She snapped when she heard his deep voice in her head again. Nang magsimulang uminit ang pisngi niya ay tinanggal niya ang pagkakaakbay ng kanyang kapatid. Tinungo niya ang isa sa mga kahon at inabala roon ang sarili nang hindi mahalata ng ate niya ang pagiging uneasy niya dahil kay Gresso.
Wrong. So wrong. Kahit saang anggulo tignan ay mali. Her curiosity towards that mean isn't healthy in her system.
But why can't she help being this curious? Bakit ba kasi ganoon ang naging buhay ng taong iyon? The irrational part of her brain always itch for answer, yet she chose to keep her mouth shut. Hindi siya pinalaking chismosa ng ate at tatay niya kaya—
She paused when she opened one of the boxes. Nakita niya sa lumang photo frame ang dalawang batang lalake. Ang mas bata, pasan ng mas matanda sa likod nito habang nasa isang swing.
She found herself staring at the young boy who seems to be gazing back at her. Sa mga labi nito ay nakaukit ang klase ng ngiting napakagandang pagmasdan.
Innocent. Happy. Pure...
Far from the one she saw in Gresso's face when they met.
Did life sketch it out of his memory? Nalimutan na ba nito ang tunay na depinisyon ng ngiti dahil sa mga nangyari sa buhay nito?
Nagbalik siya sa reyalidad nang tawagin siya ng kanyang ate. Inaabot sa kanya nito ang cellphone at sinasabing nais siyang kausapin ng asawa nito. Close sila ng kuya Trojan niya dahil tinuring siyang parang tunay na kapatid pero nang matitigan niya ang ate niya, hindi niya alam kung bakit muling nagwala ang puso niya.
Napalunok si Gie. "S—Sure ka ate si kuya?"
Tumango ang kanyang kapatid. Nahiya naman siyang hindi sagutin. Ano ba kasing iniisip niya? Imposible naman sigurong ang kapatid nito ang makakausap niya, 'di ba? He's probably forgotten about her already. Sino ba naman kasi siya para matandaan nito? Baka pinaglalaruan lang siya ng tukmol na iyon noon.
She cleared her throat and put the phone in front of her ear. "Hello, kuya?"
The line was silent for a moment, until she heard someone breathed out. Nagsitindigan amg kanyang mga balahibo sa batok. Bakit parang kilala niya ultimo ang pagbuntong hiningang iyon?
She tried to push away the idea, but when she finally heard the man spoke, her heart put her whole system in total chaos.
"Hey, Doc. My lips feel dry. I've had enough water so I think it needs something else. Hmm maybe it's best if you'll moist it with yours or else I might die. You don't want your very first patient to die, do you, sweetcake?" He chuckled softly that woke up the stupid butterflies in her belly.
Sweetcake. Kilala niya ang kausap at hindi iyon ang kuya Trojan niya kung hindi ang magaling nitong kapatid na si Gresso!
Gresso, the first kiss stealer.
The walking danger sign.The illegal tenant in her head!Napasinghap siya at dali-daling binalik sa kanyang ate Bella ang cellphone. Uminit na ang pisngi niya kaya bago makita ng kapatid ay agad siyang tumalikod.
Water. She needs water. Tama. To the kitchen she must go or else she'd faint. Diyos mio, Marimar! Ano bang klaseng hormones ang nabubuhay sa katawan niya dahil sa lintik na iyon?!
Tinawag siya ng nagtatakang kapatid ngunit hindi niya na ito nilingon, takot na makita ang epekto sa kanya ng bayaw nitong siraulo.
"W—Wait lang, ate!" Iinom lang ako ng pesticide. May mga insektong nabuhay sa tiyan ko.
"Bakit, Gie?" Puno ng pagtatakang tanong ng kanyang ate.
Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. She got to think a good excuse. Piniga niya ang isip niyang ayaw ring makisama.
Come on, brain! Work! Or I will uninstall you!
"'Yong apdo ko parang puputok!"
Oh God. She almost face palmed herself. Really, brain? Ang laki ng nacoconsume mong fluid sa katawan ko pero tuyo ka ngayon? Really?!
Binilisan niya ang lakad patungo ng kusina at pagdating doon, sinampal-sampal niya ang kanyang sarili bago hopeless na bumuga ng hangin. This is making her sad. Now she wanted to question herself if she really deserves to be a doctor.
Dahil hindi pa man siya ganap na Anesthesiologist, heto na siya, gusto nang i-overdose ang sariling puso ng anesthesia nang kumalma.
She sighed again and shook her head. Kailangan niya yatang magrefill ng tubig sa katawan niya. Nakakahiya naman sa natuyo niyang utak dahil sa lintik na bayaw ng ate niya.
KUMUNOT ang noo ni Trojan kay Gresso nang matapos ang tawag, at kahit hindi pa ito nagsasalita, alam na niya ang dahilan. His brother heard everything anyway and he isn't at the court to deny what he said.
He is, after all, guilty of the crime of flirting with Bella's little sister.
"Bro, what the hell?" Seryosong ani ni Trojan sa kanya.
Umismid siya, ang ngisi ay lumawak pa. "What?"
Bumuntong hininga ang kanyang kapatid. "I didn't let you talk to Gie so you can have the liberty to say words like that." Tinuro siya nito. "I am warning you. She ain't someone you can just toy."
Humalakhak siya at piniga ang balikat ng kanyang kapatid. "Relax." He gently bit his lower lip while thinking about that sweet innocent girl named Gie. "It was just a phone call. It's not like I could touch her or something."
Oh he already did, and he remembers how sweet her lips tasted like everything just happened yesterday. That cute doctor-wannabe, how could he forget such adorable woman?
"Just don't do that again." Bumuntong hininga ito. "I'm planning to join MI6. If I'll be lucky, they'll give me the salvation bullet, too which I can use to help you but once you're free, I'm begging you, Gresso. Don't mess with my wife's sister. She's not the kind of woman who'll play along with you."
"I know." Naging makahulugan ang ngiting pilit niyang tinago. "I know it's impossible to have her anyway."
"Yeah. Good thing you know that." Sinulyapan nito ang wrist watch na suot saka tumayo. "I gotta go. Don't get in too much trouble."
"Yes, Dad." Biro niya.
Humalakhak lamang ang kapatid saka tinapik ang balikat niya. Pinanood niya itong lumabas ng silid, at nang sumara ang pinto, prente siyang sumandal sa backrest ng silya at pinasadahan ng dila ang kanyang ibabang labi.
Nang maisip na naman ang kapatid ni Bella ay napaismid siya. Nakangisi niyang iniling ang kanyang ulo saka siya lumunok.
"Ah, of course it's impossible." His eyes flickered with desire. "But I'll have that doctor-wannabe in any way possible..."
Epilogue A CALMING WIND. She's like the wind that calmed his raging waves, the gentle breeze who brought peace in his wrecked soul and tamed his wild heart. Ilang taon na, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Gresso na kanya na ang babaeng abalang mag-advice sa maraming pasyenteng dumalo sa kanilang medical mission. Ah, that magnetic eyes that seems to smile when she laughs, who wouldn't love to stare at it forever? Those eyes captured him since the very beginning, and he regret not even a second in his life that he stared at it and took the risk of getting drowned in the emotions only her was able to make him feel.
Kabanata 34 TAHIMIK na pinanood ni Gresso kung papaanong pinarangalan ng buong MI6 ang isa sa pinakamagiting na taong nakilala niya. Everyone who knew Frodo in the organization or personally, wept when they found out the heroic act he did for thousands of people. Even the whole world cried and praised him, and the French government even honored his death and called him the young hero of the new generation. He was celebrated as the brave agent, but Gresso praised him more for his beautiful heart. Napakaraming alaalang iniwan ni Gresso sa kanyang puso, at hinding-hindi niya makalilimutan kailanman ni isa sa mga iyon. "Frodo the brave, the David who saved thousands. But I remember more the Frenchie who pulled me up when I was so down." He laughed softly as he stared at the newly built
Kabanata 33 NAGPUYOS ang dibdib ni Gresso sa galit, takot at matinding pangamba para kay Frodo matapos sabihin ni Tejano ang natitirang paraang naiisip ni Frodo upang hindi matuloy ang launching ng missiles. "He told me to get something he left on my Pharaoh but the moment I stepped out of the control room, he fucking shut the door and locked it from the inside! Walang silbi ang baril ko, putangina hindi mabuksan ang pinto mula sa labas!" Nanlamig ang katawan ni Gresso.Fuck! Fuck! God damn it, Frodo! What the fuck! Buhat ang kanyang anak, tumakbo siya palabas kasama ang mga kaibigan patungo sa control room. Dumadagundong sa kaba ang puso ni Gresso at pakiramdam niya, sasabog ang dibdib niya sa halo-halong emosyong s
Kabanata 32 EVERYONE was in total awe when they arrived at Tejano's house. Si Frodo na hirap pang humakbang, namimilog ang mga mata habang nakaawang ang bibig. "Bozz Tejano your houze iz more than beautiful and very very crazy!" Umismid si Tejano. Sanay na siya sa ganoong reaksyon dahil sa structure ng kanyang bahay. He rarely goes home for the past year because of the memories it bring at hindi rin niya nami-maintain ngunit sa labas pa lamang ng bahay, kita na ang detalye. It is a three-storey house with an upside-down viking ship for the roof, and bullet-proof glass walls. Malawak ang bakuran at ang damo, hindi man halata, peke.
Kabanata 31 PINASADAHAN ni Gresso ng kanyang palad ang kanyang panga habang mariing nakapikit. Nagngingitngit na ang mga ngipin niya sa galit, at kung maaari lamang na hablutin niya mula sa screen ng laptop ang lintik na kumuha sa anak niya, kanina pa niya nagawa. "I knew it! I knew there's really something wrong with that guy! Siya rin ang kasama sa lahat ng paghahatid sa mga preso sa ospital noong nasa Italy pa!" Asik ni Tejano. Nagsama-sama na silang lahat na involved sa case noon sa kulungan para malaman kung may kakaiba bang kilos noon pa ang taong may hawak ngayon kay Francia. "S—Siya rin ang napagtanungan ko noon tungkol sa underground fights, Gresso." Pag-amin ni Gie. Na
Kabanata 30 GIE COULDN'T believe she let herself get consumed again by her own desires. Nang makatulog siya matapos ang nangyari sa kanila ni Gresso, pakiramdam niya ay iyon na ang pinakamahimbing na tulog na nakuha niya matapos ang ilang taon. When she woke up with Gresso's gentle kisses on her head, mahina siyang umungol at kinurap ang kanyang mga mata. Gresso greeted her with an inward smile, and when he kissed her lips before he said "good morning", Gie felt like someone poured a bucket on ice water on her body. Nanlaki ang mga mata niya at napalayo siya bigla rito. Hinilamos niya ang kanyang mga palad sa mukha nang mahimasmasan saka niya ito matalim na tinitigan. "Get out."