Mad Love Series 1: Gresso

Mad Love Series 1: Gresso

last updateTerakhir Diperbarui : 2021-03-26
Oleh:  Celestine_LemoirTamat
Bahasa: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
153 Peringkat. 153 Ulasan-ulasan
36Bab
30.1KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Curiosity kills the cat, at iyon yata ang magiging cause of death ni Dra. Jobaira o Yrah sa mga nakakakilala sa kanya. The first time she saw the abusive older brother of her brother-in-law, something inside her was triggered. That dangerous curiosity she had towards Gresso led her to sending her application letter to the Maximum Security Prison in Italy. Will her innocence be enough to tame him? Or she'll regret unbuttoning her clothes for the abuser? WARNING: STORY CONTAINS DARK THEMES THAT ARE NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG READERS. PLEASE FLIP THE PAGES OF GRESSO AND YRAH'S STORY WITH CAUTION.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Prologue

EMERY

“Congratulations, Mrs. Montenegro. Positive ang result. Twins ang dinadala mo.”

Parang tumigil ang mundo ko.

Napatitig ako sa monitor, sa maliliit na anyong kumikislap sa itim na screen, habang nanginginig ang mga daliri kong nakahawak sa gilid ng examination bed.

“Twins? Tama ba ang narinig ko, Doc Hidalgo?” wika ko, halos hindi makapaniwala.

Ngumiti ang doktor at tumango. “Yes, Mrs. Montenegro, successful ang IVF procedure. Malakas ang kapit ng mga anak mo at healthy sila.”

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko.

Sa wakas.

Sa loob ng limang taon, ito ang unang pagkakataong nakaramdam ako ng pag-asa. Limang taon ng pagtitiyaga. Limang taon ng pagtitiis. Limang taon ng pagkapit sa isang lalaking paulit-ulit akong sinasaktan. Tinanggap ko si Weston kahit alam kong niloloko niya ako at ng bestfriend kong si Ravia Salvador

At ngayon, heto na, may anak na kami.

Hindi man sa paraang pinangarap ko noon, hindi man bunga ng pagmamahal na kusa niyang ibinigay, pero anak pa rin namin ito.

Baka ito na ang simula ng lahat.

Baka kapag nakita niyang kaya kong dalhin ang tagapagmana ng pamilyang Montenegro, tuluyan na niya akong piliin.

“Pwede na po kayong magbihis,” magaan na sabi ng nurse.

Tumango ako at marahang hinaplos ang tiyan ko kahit alam kong wala pang umbok roon.

Mabilis kong kinuha ang phone ko mula sa bag at tiningnan ang screen. Walang tawag. Walang text. Huling mensahe pa rin ni Weston ang nakita ko, tatlong oras na ang nakalipas.

From: Weston

Sorry, hindi kita masasamahan sa clinic. Busy pa sa office.

Napasulyap ako sa oras ng cellphone ko. Lampas alas singko na pala ng hapon.

Sinabi ko kay Weston na ngayon ang follow-up scan ko. Sinabi kong gusto ko siyang makasama sa araw na ito. Pero gaya ng dati, wala pa rin siyang pakialam sa akin.

Pinilit kong lunukin ang pait na bumara sa lalamunan ko. Ayokong sirain ang araw na ito. Hindi sa araw na unang beses kong narinig ang tibok ng mga anak ko.

Kaya ngumiti ako sa harap ng salamin habang inaayos ang buhok ko.

Okay lang, Emery. Sabihin mo na lang sa kanya mamaya. Kapag nakita niya ang ultrasound. Kapag nalaman niyang kambal ang anak niyo. Baka matuwa siya. Baka yakapin ka niya. Baka—

“Ma'am, may naiwan po kayo.”

Lumingon ako. Inabot ng nurse ang brown envelope na dala ko kanina—nandoon ang copies ng laboratory requests, resibo, at ang maliit na gift box na binili ko kahapon. Isang pares ng puting baby shoes. Napakaliit, kasya lang halos sa palad ko. Siguro kailangan kong bumili pa ng isa para sa isa kong kambal.

Ibibigay ko ang mga iyon kay Weston para surpresahin siya.

Ngumiti ako at tinanggap iyon. “Thank you.”

Paglabas ko ng fertility clinic, sinalubong ako ng malamig na hangin sa labas, pero hindi nito kayang patayin ang init na bumabalot sa dibdib ko. Huminto ako sa tapat ng building at muling tiningnan ang ultrasound printout.

Muli akong napangiti.

Isang mahina, marupok, at halos hindi ko na kilalang ngiti ang kusang sumilay sa mga labi ko. Hindi ko akalain makakabuo kami ng kambal. Sulit ang lahat ng sakit sa pinagdaanan kong procedure. Marami na rin akong natamong pasa sa katawan ko, mairaos lang ito.

Mahigpit kong niyakap ang envelope sa dibdib ko bago ako sumakay sa kotse at tahimik na nagmaneho patungo sa Montenegro Grand Tower.

Doon ang opisina ni Weston. Siya ang CEO ng Montenegro Group. Hawak rin niya ang kompanyang iniwan ng daddy ko—ang Armani Group. Kailangan ko raw muna magpahinga at mag-focus sa pagbubuntis kahit gusto kong magtrabaho. Ngunit ngayon na alam kong kambal ang dinadala ko, ipagliliban ko muna ang paghawak sa kompanya.

Sa Montenegro tower kami madalas maghapunan ni Weston kapag hindi siya “busy,” kapag nagkakaroon siya ng kahit kaunting oras para gampanan ang papel bilang asawa ko. Ilang beses ko nang sinubukang kumbinsihin ang sarili kong sapat na ang mumunting sandaling iyon—ang mga hapunang bihira, ang maiikling usapan, ang malamig niyang pagtingin sa akin.

Pagdating ko sa penthouse floor ng tower, pamilyar na pamilyar na sa akin ang katahimikan. Napatingin si Secretary Lydia sa akin at agad na tumayo.

“Ma’am Emery, good evening po. Kanina pa po kayo?”

“Kararating ko lang. Nasaan pala si Weston?” tanong ko.

Bahagyang nag-atubili ang babae. “He’s inside the lounge, ma’am. May kausap po.”

Ngumiti ako. Alam kong sa ganitong oras, tapos na ang trabaho ni Weston. Siguro kausap lang nito ang kliyente niya.

“Ayos lang, Lydia. I’ll surprise him,” excited kong sabi.

“Uhm, okay po,” may alinlangan sa sabi ng secretary. Napayuko ito at hindi na nagsalita.

Saglit akong natahimik sa nakita ko, doon ako nanghinala. Ngunit abala akong hawak-hawak ang maliit na gift box at ultrasound envelope sa dibdib ko, parang batang sabik ipakita ang regalong matagal ko nang itinago.

Tahimik akong lumapit sa private lounge. Bahagyang nakaawang ang pinto, at mula roon ay lumalabas ang malamig na ilaw mula sa loob. Mahigpit kong hawak ang maliit na gift box at ang ultrasound envelope.

At bago ko pa man tuluyang maitulak ang pinto, narinig ko na ang boses ni Ravia.

Napahinto ako.

Parang biglang nanigas ang buo kong katawan sa kinatatayuan ko. Halos hindi ako makahinga. Hindi na rin ako nakagalaw.

“Sure ka bang wala talaga siyang alam?” tanong ni Ravia, may bahagyang tawa sa dulo.

Humigpit ang hawak ko sa envelope at sa maliit na kahon.

Kasunod noon ang boses ni Weston—malamig at kampante.

“Emery believes whatever I tell her.”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko, inaabangan ko rin ang sunod nilang sasabihin.

“Hindi ba ito risky?” muling sabi ni Ravia. “Paano kung malaman niya ang tungkol sa egg cell?”

Hindi ko alam pero parang tumigil ang tibok ng puso ko.

Egg cell?

Napadiin ang mga daliri ko sa pinto. Tapos narinig ko ang mahinang pagtawa ni Weston.

“Don’t worry, I’ll tell her the truth kapag nanganak na siya.”

“Na anak natin ang dinadala niya?” sunod sa sabi ni Ravia.

“Of course. At ano namang magagawa niya? She’s already pregnant,” dagdag pa ni Weston.

Umiling ako. Hindi. Mali lang siguro ako ng narinig.

Hindi puwedeng ang mga batang nasa sinapupunan ko na ilang taon kong ipinagdasal, iniyakan, at pinangarap—ay basta na lamang gawing laruan sa maruming lihim nilang dalawa.

Hindi ko matatanggap iyon.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

Peringkat

10
100%(153)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
153 Peringkat · 153 Ulasan-ulasan
Tulis Ulasan

Ulasan-ulasanLebih banyak

Racks Basilio
Racks Basilio
ow wow meron pala yes!! maumpisahan na nga basahin......
2023-09-28 17:43:35
0
0
Ychin Remaxia
Ychin Remaxia
nice one so beautiful
2022-01-08 00:51:18
0
0
Nhor Guilly
Nhor Guilly
nakaabang na sa lahat ng stories mo miss Celestine_Lemoir
2021-11-30 13:56:46
2
0
Ychin Remaxia
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2021-11-02 01:58:10
0
0
lucifer
lucifer
bakit naging gie c yrah
2021-10-28 19:41:45
0
0
36 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status