Share

Chapter 5

Jorge's

"I want all the corners of the house surrounded. No one can get in without me knowing and best of all, I don't want her leaving this place without me", utos ko sa head ng security na ibinigay ng Hive sa akin; Donovan's security company.

Nagawi ang aking tingin sa aking likod. Nasa ancestral home kami ng Mama'. Kung paano nito iniwan sa akin ay ganuon pa rin ang itsura niyon. Isang all white two story mansion na may malawak na bakuran at fountain sa harap. Tahanang minsang napuno ng masasayang ala-ala hanggang sa mamatay ang Papa' at sumunod na rin ito.

Nasa malalim akong pag-iisip ng habol hiningang natakbo papalapit sa akin ang isang security, duguan ang labi nito.

"Sir, gising na po siya"

Why am I not shocked?

Dagliang naglakad ako papasok ng bahay at inakyat ang kwarto kung asaan ito naroon at di pa man ako nakapasok ay rinig ko na ang bagsakan ng mga gamit.

Pagkapasok ko ay kamuntikan na akong tamaan ng plorerang ibinato nalang nitong bigla.

"Stop it, woman!",

"Saan mo na naman ako dinala?"

Ang dalawang lalaking nautusang magbantay doon ay duguan ang ilong at putok ang gilid ng kilay, hawak ang kanyang mga bewang D*******g sa mahinang boses habang nakasalampak sa gilid.

I almost irked looking at them. Alam kong kaya makipaglaban ni Jacintha, pero hindi ko iniiexpect na magiging ganito ito kalala.

"Get out. Ako na ang bahala sa kanya"

Gapang takbo ang ginawa ng mga ito bago isinara ang pinto.

"Asaan ako?", may hawak na itong bangko.

"Can't you remember?", biglaan kong tanong.

"Ano?", napalingo-lingo ako.

"Never mind. Ibaba mo muna iyan saka tayo mag-usap. You've been asleep for two days"

"Ayoko, gusto kong umalis!"

"You are being unreasonable, Cina", may diin sa boses kulong wika pero hindi ito nagpatinag.

"Pinatay mo ang boyfriend ko ng ganun nalang, at dinala ako sa lugar na hindi ko alam", she scoff.

"Ngayon ay sasabihin mong ako ang unreasonable? Damuho ka!", ibinato nito sa akin ang bangko, napailag ako na siya namang kinuha nitong tsansa upang tumakbk at lumabas ng kwarto.

Pero di pa man ay agad kong nahuli ang bewang nito at isang kamay na inangat at binuhat ito. Nagpupumiglas ito at ipinapadyak ang mga paa.

"Bitiwan mo ako!"

"You are in danger-- aah!", sigaw ang lumabas sa bibig ko ng harapin ako nito at kagatin anb balikat ko kaya nabitawan ko ito. May mga guards na susunod sana rito.

"Let her be. I can handle her".

Mabilis ang aking paghinga at madali bumaba ng hagdan. She can run wherever she wants but this is my province. There is nowhere she can ran without me coming to her first.

Hawak ko ang aking balikat ng pagkababa ko ay nakita ko sa living area si Jacintha. Nakatunghay ito sa kung ano

Dahan-dahan akong naglakad patungo rito upang makita sa malapitan kung ano ang nakakuha ng atensyon nito.

Hindi ito natakbo ngayon kundi nakatunghay lang sa portrait na iyon. May namumuong mga luha sa mga mata nito na tila nagniningning na tinatamaan ng tanghaling araw.

"Lahat ng iyon, para lang matigil ka sa larawan ng Mama'?", mahina kong sabi na paniguradong hindi nito narinig.

Hindi naalis ang mga tingin nito sa larawan hanggang sa kusang tumulo ang mga luha nito sa pisngi

"Jacintha", dahan dahan akong hinarap nito.

Nabigla ito sa mga luha niya at dali iyong pinahid.

"Sino siya?"

Inilang hakbang ko ang pagitan namin.

"She's Audrey Desjardin", muli nitong ibinalik ang tingin sa portrait na siyang nagdala rin sa akin upang tingnan ito.

"My mother", wika ko sa mahinang boses.

"Asaan siya?"

"She died a long time ago", kalungkutan ang nangibabaw sa mga mata nito na aking binalewala.

"Kailangan natin mag-usap, and this time, let us both be reasonable"

Tumawag ako ng mga katulong para ihanda siya. Isang oras ang lumipas ay nasa ayos na ito. Nakaupo kami ngayon sa dining area, nasa gitna ako habang nasa gilid ko naman siya. Bagsak ang mga balikat at hindi makatingin sa akin ng deritso. Malalim akong napabuntong hininga at nag simulang magsalita.

"We killed him; now the other organization for sure blames you for it and want you dead", panimula ko.

"Sinabi ko sayong patayin mo nalang ako di ba?",

"How can I do that?"

"I'm no special, Mr. Desjardin", hindi ito natingin sa akin.

"Snap out of this, Jacintha. You're no stupid woman, you can't be this dejected over a man"

Mabilis na ibinaling nito sa akin ang tingin. Now I got your attention.

"Kung papatayin ka namin ay isa ka lang casualty at alam mong you're too valuable to Pacific"

"At ano ang ipino-punto mo doon?",

"An example, an example that we can never be shaken by their cheap tricks, Jacintha"

Nagtiim ang mga bagang nito. Pakiramdam siguro nito ay mababa ang tingin ko sa kanya.

"I'm trying to help you, Jacintha and at the same time show how unconcerned Pacific is to their silly games. They are out to get you, so might as well show them that you are still alive and well"

"Kung ganun ay babalik ako sa Pacific, ganun ba? I will continue serving you?"

"Yes and a no. You will no longer be just a member of Pacific"

"Anong ibig mong sabihin?"

"You will be its mistress", I stared at her intently, "A Mrs. Desjardin", bahagyang nagparte ang bibig nito at nanlaki ang mga mata sa gulat.

"Sabi mo maging reasonable tayo. Kabaliwan ito!", tumayo ito sa kinauupuan at napahawak ang dalawang kamay sa mesa.

"The Mafia's have rules, Jacintha. They cannot touch our woman. At kung papakasalan mo ako, ay magiging ikaw iyon"

Ibinaba nito ang tingin saka bumalik sa pagkakaupo. Nakagat nito ang kanyang mga labi ang isang kamay nitong nasa mesa ay nilalaro ang hintuturo at hinlalaki. She is anxious. Hinawakan ko ito dahilan para mapatingin ito sa akin, inalis ko naman agad iyon.

"I will give you time to think but know that there is no other better option, but choosing to be with me"

Hindi ito nagsalita.

"Matalino ka, Jacintha. That man was never worth it"

"Hindi ka naiiba kung iyon ang inaakala mo"

I stared at her as she stared back with the same intensity.

"Why did you cry?",pag-iiba ko nalang sa usapan.

"Bakit ka napaiyak sa portrait ng Mama'?"

Lumamlam ang ekspresyon ng mukha nito.

"Masakit sa dibdib", rebelasyon nito.

"Dahil habang tinitingnan ko siya, ay parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko alam kong bakit"

Hindi ako nagsalita.

"May pagkakataon ba noon na nagkita kami ng Mama' mo?", puno ng kuryusidad nitong tanong

"No", daliang sagot ko rito. "Wala na siya bago ka pa dumating sa mansyon"

Natango lang ito at mukhang dismayado. Lihim kong naikuyom ang aking mga kamay. Nanginginig pa ito pero kailangan ko iyong itago. Hindi pa ngayon, masyadong maaga. Hindi pa ako sigurado.

~~

"What?", pagpapaulit nito.

Nasa man cave ako ngayon ng Uncle Cillian, naglalaro ng end of the months chess game namin.

"I am marrying, Jacintha", wika ko ng nakatingin sa ginagalaw na piece. I expected this from him.

"Where is she?"

"Somewhere..."

Pikit matang malalim itong napabuntong-hininga at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"I told you to keep her in her place. I did not tell you to marry her"

"We're not...at least not yet. It's your turn", iginaya ko ang kamay rito.

"Pinaglololoko mo ba ako, Jorge?"

"No, andito ako para ipaalam sayo at sa Lola. I'm marrying her"

"I just need you to trust me on this. That's the only way I knew I can salvage Pacific"

Ebidensiya ang mga naniningkit nitong mga mata na hindi ito nagtitiwala sa ginagawa ko. Ni move nito ang piece niya. Typical Uncle Cillian, cynic and skeptic even with his own nephew, the Don of Pacific.

"At anong kinalaman ng Pacific sa katangahan ng babaeng iyon?", nagpanting ang tenga ko sa sinabi nito. Iginalaw ko ang piece ko, iyong magtatapos sa laro at usapang ito.

"Matagal na tayong hinahanom ng iba. They want us to crumble. At ito ang sagot ko. I will not let Jacintha die; and instead use her to Pacific's advantage. What happened was just a few tricks of their sleeves, Uncle. I wouldn't let them have their way with us"

"Pero--"

"I am Pacific's Don, Uncle", seryoso ang mukhang tiningnan ko ito.

Binitiwan ang mga salitang iyon para malaman nito na kahit tiyuhin ko siya ay daoat alam niya kung hanggang saan siya pwede makapagbigay ng opinyon sa mga bagay bagay.

"What I say, is done. I came here to inform you not attain a blessing from you, but it helps though"

Kukunin na sana nito ang susunod na piece ng makitang checkmate na pala ito.

"Oh, my bad, checkmate", I smirked at him.

Tumayo na ako at inayos ang inayos ang butones ng suot kung suit. Ng tingnan ko ito ay nakatingin lang ito sa board habang ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa upuan nito.

"Kung andito lang sana si Juanco. He--"

"Well Juanco's in jail, in another country, Uncle. You can visit him any time you want", may paghahamon sa boses ko.

I hate it when he mentions Juanco. He's a son of a bitch who only thinks of himself.

"Hindi na ako magtatagal. Kailangan ko pang ipaalam sa Lola ang plano ko. Nice game, Uncle until next time"

Bago pa ako tuluyang makalabas ay nagbigay ako rito ng isang paalala.

"And I expect that as soon as she's my wife you're to respect her, Uncle", may babala sa boses ko "as she will be a Desjardin by then"

I take no disrespect from anyone, especially if its my soon to be wife"

~~

Dala ang bouquet ng paborito nitong mga bulaklak ay nagpunta ako sa bahay ng Lola. Nasa hardin ito ngayon, its her favorite place to have tea.

"Grandma Sol", tawag ko rito.

Ibinigay ko rito ang bulaklak at niyapos ito ng yakap.

"Jorge apo!", mahigpit ang mga ginawad nitong yakap.

"What brings you here?",

"That pie?", turo ko sa pumpkin pie na nasa mesa. Di ako nagkamali at nasa kalagitnaan ito ng tea time niya.

Inabot ko iyon at naupo. Hinampas naman ako ng Lola

"Loko-lokong bata, alam kung may kailangan ka. Tell me", kumuha ito ng basa at nilagyan iyon ng tsaa. Ibinaba ko muna ang pie habang ito naman ay naglalagay ng tsaa sa tasa nito.

"I actually came here to tell you that I will marry", natigil ito sa ginagawa at gulat na natingin sa akin.

"You will what?",

"I will marry, this is what you want for me for ages. I will do it"

Hindi agad ito nagsalita bagkus ay ibinaba ang tsaa.

"At sinong babae ang napili mong pakasalan"

"Si Jacintha", umarko ang kilay nito na para bang may inalala.

"Ang parehong Jacintha na tauhan mo sa Pacific?"

"She's far more than that, Lola. She had lived with me and known me the best. She fits best to be my wife"

Alam kong lahat ng iyon ay walang katotohanan dahil kahit araw-araw nagtagpo ang landas naming dalawa may pagitan pa rin doon na di namin nilalampasan pero kailangan ko itong kumbinsihin. Wala itong alam sa mga nangyari nitong nagdaan. At mananatili itong walang alam. Matanda na ito, hindi na nito kailangan problemahin ang Pacific. She had her time, now its mine.

"I see", nangiti ito sa akin. Matapos ay kinuha ang tsaa at sumimsim doon.

"Sabihan mo lang ako kung kailan ang kasal"

"Really, no objections about it?"

"You are old enough to decide, Jorge. I trust you", she smiled at me.

"We're keeping it discreet, we'll tell you when"

Tango at ngisi lang ang naging tugon nito.

Wala itong gaanong mga tanong, siguro ay nabigla pa rin ito, naiintindihan ko iyon. Swerte ko nalang at ganuon, kaya sa susunod ay ipapaala-ala ko sa sarili na maghanda ng mga rason para rito. Pero sa ngayon, maayos ang lahat. Tanging ang sagot nalang ni Jacintha ang hinihintay ko, and she better say yes.

~~

It's almost two weeks since I let her be in my Mother's ancestral home. Papunta na ako ngayon doon. Sa haba ng panahon na ibinigay ko ay sigurado akong nakapag desisyon na ito.

Nakatunghay lang ako sa bintana ng sasakyan habang ipinagmamaneho ni Niko. Kinapa ko sa aking suit ang isang maroon velvet box. Binuksan iyon at bumungad agad sa akin ang kinang ng laman nito.

"It means a successful love, my little bunny"

Inaalala ang mga sandaling iyon ay hindi ko napigilang bahagyang mapangiti. I miss her, if only I could turn back time, if only.

"Sir, kanina pa nagri-ring nag phone niyo. Pukaw sa akin ni Niko. Isinarado ko ang velvet box at sinagot iyon. Its Kerin. Inutusan ko ang mga ito kasama si Wesley na samahan at pagaanin ang panantili ni Jacintha sa bahay habang wala ako.

"Sir", may pigil sa boses nito.

"Speak", may diin kong sabi.

"Si Miss Jacintha..."

Napapikit nalang ako at malalim na napabuntong-hininga.

"I'm on my way"

That woman!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status