Share

Chapter 4

Jorge's

/flashback/

"There is nothing to it, Sir"

Nagtiim ang aking mga bagang sa sinabi nito at mahigpit na hinawakan ang baso ng alak na kanina ko pa hawak hawak na siyang nagpapakalma sa akin habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon nito. Pero sa huli, wala pa rin.

"You may leave and like I've said before keep this a secret", inisang lagok ko ang laman ng baso.

"I've been ages in the business, I value professionalism, nothing will come out of this, Mr. Desjardin. It's a pleasure to work with you"

Tuluyan nang lumabas ang amerikanong detective na kinuha ko. Wala akong napala dito. This is frustrating. Iniwan ko pa ng isang buwan ang Pacific para maka focus dito pero wala akong nahita. I need my next move, it will not be over with nothing. Nasa malalim akong pag-iisip ng may kumatok sa pinto.

"Sir, Mr Donovan is here", pagkasabi nitong iyon ay mabilis pa sa alas kwatro akong napatayo. At nang aking lingunin ay si Donovan nga may dala itong envelope. Ang alam ko kay nasa States rin ito at may inaasikaso sa negosyo. Mabilis nitong hinakbang ang pagitan namin.

"How did it go?", bungad agad nito sa akin. Nailingo ko ang aking ulo bilang tugon.

"Walang nangyari. Walang kinalaman ang mga lugar dito sa diary ng Mommy. It doesn't have something to do with her...", tila isang batong nakabara sa lalamunan ang susunod na salitang aking binitiwan. "Death"

Hinawakan nito ang aking balikat.

"What sends you here at this hour, Don?"

"I found something but after I give you this, I want to know what will be your next move". He looks bothered. Napadako ang tingin ko sa envelope. Ano bang meron dito at ganuon nalang ang reaksyon ni Donovan.

Inabot nito iyon sa akin na akin namang kinuha at binuksan ang laman niyon.

"Where did you get this?"

"Nahanap ng tauhan ko ang isa sa mga kasambahay ninyo noon. At sa kanya ko nakuha iyan. Gladly she is still alive, but unfortunately, she can't remember people anymore."

Naglalaman ang envelope ng mga larawan. Ang nakakuha ng atensyon ko ay ang larawan ng Mommy na nakangiti sa isang babaeng kasing edad rin nito ngunit tila pamilyar sa akin ang mukha kahit nasisiguro kong hindi ko pa ito nakikita. At nang akin pang tingnan ang mga larawang anduon ay gulat ang nangibabaw sa akin ng makita ang larawan ng Mommy na may karga kargang batang babae, naka braid ang buhok nito at nakangiting hawak ang ang manika niya. Luma na ang mga litrato ngunit kilalang-kilala ko kung sino iyon.

"Paniguradong may rason kung bakit siya--"

"Let's not talk about this for now, Don", putol ko rito. Pilit na inaabsorba ang mga nalaman.

"I will find everything out, Don. At gusto kong tulungan mo pa rin ako pero...", malalim kong hinugot ang isang buong hininga na para bang isang kawala sa nakita ko ngayon.

"She is not to know about this. Not until we are sure about certain things"

Kinuha nito ang baso at naglagay doon ng scotch saka inisang lagok iyon at naupo sa sofa.

"So what are you going to do about it?",

Hindi maalis ang tingin ko sa nakangising batanga babae na nasa larawan at mahigpit itong hinawakan.

"I need to go back to Pacific"

/end of flashback/

~~

"Gusto ka lang kamustahin ng Mama'. I see things are in place. I shall take my leave".

Tumayo na ito sa pagkakaupo sa sofa ng opisina ko ng magsalita ako.

"Aren't you gonna ask for Jacintha. After all you were the one who took her to live with us in the mansion", ang mga titig nito ay biglang nag-iba. Hindi ko masasabi kong nakuha ko ang reaksyon na nais ko rito pero may iba sa tingin nito. Mas lalo pa nitong napalakas ang hinala ko pero masyado pang maaga para doon.

"So as Kerin and Wesley. Actually, marami akong naririnig tungkol sa inyong dalawa"

Napasingasing ako sa sinabi nito.

"Di ako makapaniwalang ang isang Cillian Desjardin ay magpapaniwala sa isang chismis"

"Kung ganun, dismiss it. At least make me believe so", kita sa mukha nito ang disgusto.

"Ilagay mo siya sa lugar niya. She is nothing but a weapon. A mere orphan I took out of mercy. Kung hindi mo gagamitin ng tama ay maaring gamitin laban sa atin... laban sayo"

Lumapit ito at tinapik ang balikat ko.

"Take this as an advice from an Uncle. Have anyone but that girl"

Tuluyan na itong naglakad palabas ng opisina ng biglang tumunog ang phone ko, si Benille.

"May impormasyon kami sa kanya. Check your table, Sir", agad na utos nito sa kabilang linya. Mabilis akong nagpunta sa mesa at hinalungkat ang anduon.

Hindi ko akalaing may ikakagulat pa ako sa nalaman ko ng anduon pa ako sa States.

"The guy is from other sides, nephew. Does the douches face rang any bells?"

Habang tinitingnan ang litrato at binabasa ang impormasyong ibinigay nito ay may namumuong galit sa akin. Napakamao ako.

"He has his agenda"

Nag-igting ang aking mga panga sa isiping pinagkatiwalaan ko ito. This is my fault, I should've not let my guard down.

"Ako na ang bahala, salamat Ben"

Matapos ang pag-uusap ay marahan akong natayo.

I am enraged. If there was someone in front of me now. I would be shooting them.

I was so stupid, so stupid for trusting her and letting her be.

She was so gullible, so naive... so disgustingly in love.

I will definitely put you in your place, Jacintha.

Nakaupong nakatunghay ako ngayon sa natutulog na si Jacintha. Payapa ang hitsura nito ng may kumatok at pumasok sa loob si Wesley.

"Sir...", idinako nito ang sa natutulog na si Jacintha bago muling nagsalita.

"Walang kinalaman si Miss Jacintha sa mga nabistong cargo. Hi--",

"Get out"

"Sir--"

"I said get out or I'll shoot. I am not in a great mood, Wesley", itinutok ko rito ang baril.

Mabilis ang pagtataas-baba ng paghinga nito pero pilit pa rin itong nagbibigay ng rason sa akin. At I don't need any of that.

"Sir, if you would please-- ah!", pinaputukan ko ang ibaba nito dahilan upang mapaluhod ito na siya namang biglang pagpasok ni Kerin at dinaluhan si Wesley.

"I'm sorry, Mr Desjardin. Ako na ang bahala kay Wesley", bago nito iyon akayin ay nagpupumiglas na ito ng sapakin ito ni Kerin at hilahin ito sa likod ng leeg paalis.

"Jo-- Jorge?", naalimpungatan na boses na tawag sa akin.

"You're awake"

I gave her a grin for a smile. Iniikot nito ang mga mata sa paligid at ng mapagtanto nitong wala ito sa inaasahang lugar ay tumayo agad ito sa kama ng hindi pa man ay hinila ko ito sa braso.

"Running away again?"

"Bitiwan mo ako, ah!", initsa ko ito sa kama. Lumundo iyon at gumalaw pataas ang suot nitong night gown ay bahagyang inilabas ang mga hita nito. Sinubukan pa nitong gumulong sa kabila ng kama pero hinila ko ang isang paa nito at walang anong hinawakan ito sa leeg, nahigit nito ang hininga.

"I will not choke you but if you'll move even an inch as I hold you, I will eventually do. So, don't test me"

Wala itong kahit anong armas kaya wala itong kakayahang labanan ako. She of all people know what I can do.

Ilang minutong katahimikan ang sumunod hanggang sa hindi na ito nagpupumiglas kaya binitawan ko na ito. Dali naman itong ibinalot sa kanya ang comforter at nagtungo sa ibabang bahagi ng kama.

She's a mess and she looks terrified. I smirked at the thought of her state.

"Bakit mo g-ginawa ito?",

"You have been fucking around and messing with Pacific"

"A-nong--", kinuha ko ang envelope malapit sa bedside table at initsa iyon sa kanya. Binuksan nito iyon at binasa.

"Adolfus Sandoval is your fucking manwhore. He is even gay for fucks sake! He lore you in and took informations from you. I trusted you, Jacintha but you messed it up completely for what? For a fucking ounce of love?!"

Tiningala ako nito, namumuo sa mga mata nito ang mga luha na tuluyan ng mahulog sa mga pisngi niya. Natigil akong bahagya. Hindi ito nagsasalita at patuloy lang ang mga luha sa pagtulo at nagpapakawala ng mga mahihinang hikbi. Sa ilang taon kaming magkasama sa mansyon ay ngayon ko lang ito nakitang umiyak ng ganito. Naikuyom ko ang aking mga kamay. Nagpantay ang aking mga panga, lumapit rito at hinila ang dalawa nitong mga braso.

"Tumigil ka. Crying won't solve this mess that you made"

Hindi pa rin ito tumigil at nagsimula pang manginig. My forehead knot in a questionable look. Nakita ko nalang ang sarili kong pinupunasan ang mga luha nito sa pisngi at galit na boses na muling nagsalita.

"I said, stop it"

Sa inis ko ay napadako ang aking mata sa mga basa nitong labi at walang ano'y inilapat ng napakadiin ang mga labi ko sa kanya. Gumana naman iyon at natigil na ito ng walang anong kinagat nito ang mga labi ko at sinapa ang aking pagkalalaki, impit akong napadaing at napaupo sa lapag. Dalidali naman itong lumabas ng kwarto.

Agad na pumasok ang mga tauhan kong anduon.

"Let her be. I know where she's off too. Ready the cars"

Tumayo na ako saka kinuha ang phone ko at tinawagan si Niko. Sa mga oras na ito ay paniguradong nasa condo na ito ng lalaking iyon. All I need to do now is give my signal.

"Do it, Niko. Make it as gruesome as you possibly could"

Ibinaba ko na ang phone at bumaba na. Nakita ko sina Kerin at Wesley. Nakahanda na rin ang mga sasakyan.

"The two of you stay", turo ko sa dalawa.

"The rest of you follows. I need Jacintha back. Wala akong pakialam sa pinagsamahan ninyo. I want you to heed my orders or y'all be six feet under the ground. Am I clear?"

"Yes, Sir!", sabay sabay nitong sagot.

We got to our cars and drove. Hanggang sa narating namin ang villa ng Adolfus na iyon. Sa likod kami dumaan. Nang makapasok kami ay walang Jacintha doon. Mas nauna pa kami dito.

I walked inside the living area to

Pinasok ko ang living area ng nakasunod ang mga tauhan ko. At doon ay nakita ang nakabulagtang, Adolfus. Magulo ang paligid at nagkalat ang dugo.

"He's as good as dead, Sir", si Niko ang nagsalita.

"Hang him", utos ko. Nilapitan ito ng mga tauhan ko.

"Sir, si--", nagtinginan ang mga ito.

"Wala akong pakialam. They themselves started a war when they lore Jacintha through this faggot. Do it!", sumunod naman na ang mga ito.

Dumako ang aking tingin sa mesang anduon, tiningnan ko kung anong anduon, naglapat ang aking mga labi. Kumuha ako ng solo chair at nakadekwatrong naupo roon hanggang sa di nagtagal ay nakarinig ako ng motor na papalapit. I smirked at the thought of her seeing this embecile, unalive.

"Adolf! Adolf!", tawag nito hindi ako gumawa ng kahit anong tunog hanggang sa palapit ng palapit ang boses nito at tuluyan nang umabot sa living area.

"Ad--", nag-abot ang aming mga tingin hanggang sa napansin nito ang nakabitin sa tabi ko. Sa gulat ay nasalampak ito sa sahig.

"A-anong ginawa mo?", puno ng galit ang naghihina na nitong boses.

"Tinapos ang di kailan man dapat nagsimula. Now its time for you to end this delusion", nakangiti kong binalingan ang nakabitin na Adolf, ni hindi na makilala ang mukha sa torture na nakuha nito.

"A dead man can't love, can he?", pagkasabi kong iyon ay pinaputukan ko pa ng paulit-ulit ang patay na nitong katawan.

"Waaaaag!", siya namang sigaw nito na ngayon ay halos nakadapa na sa sahig. Puno ng galit ang mukha.

Bigla ay tumayo ito at sinunggaban ako, tumilapon ang baril at tumama ang likod ko sa silya. Hanggang sa tuluyan kaming bumagsak na dalawa pero hindi ko ito hinayaan. I know Jacintha, she won't end it without a fight. Pumaibabaw na ito ngayon sa akin at hawak ako sa leeg. She has a strong hold, hinawakan ko iyon.

"Lahat ng ito para sa isang lalaking ang nais ay patayin ka ngayon?", nagulat ito sa sinabi ko.

"Ano?", medyo lumuwag ang hawak nito.

"Tingnan mo ang nasa mesa".

Inalis nito ang kamay sa leeg ko. Tuluyan akong nakahinga. Natayo akong nakahawak pa rin sa leeg ko.

"He was ordered to kill you tonight. He--"

"Tama na, sapat na ag mga narinig at nalaman ko", hinarap ako nito, mugto pa rin ang nga mata nito.

Hindi ko na namalayang iniabot ko na rito ang kamay ko.

"Let us go, now. My offer still stands, Jacintha", nakatingin lang ito sa kamay kong naghihintay rito. Tumaas ang gilid ng mga labi nito

"Patayin mo nalang ako", winaksi nito ang kamay ko at akmang tatalikuran ako ng hulihin ko ang kamay nito saka hinampas ang likod nito dahilan para mawalan na ito ng malay tao at bumagsak sa aking mga bisig.

"Mr. Desjardin. Kailangan na nating umalis baka maabutan pa tayo ng kabila"

Kinarga ko ito papasok ng sasakyan at tinakpan ng suot kong coat. Nakatingin lang ako rito ng mag ring ang phone ko.

"Oh you're still alive that's good"

"Shut up, Donovan. I will have the McLarens delivered at your doorsteps tomorrow."

"Si Jacintha, is she with you?"

"She is, and she will always be", rinig kong napa snort ito.

"A privilege to dig into someone's privacy and a Mclaren. Oh to be your friend. Call me when me and Ben are needed, Jorge"

Ibinaba ko na ang phone at hindi na sumagot rito.

My plan is in place. I will make sure I will have the answers to my long agony. I looked at Jacintha. Now that the key is beside me, I wont ever lose it.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status