Share

Chapter 6

Jacintha's

May lima sa north and south side na nagpapalitan sa umaga at hapon. Tatlo naman sa harap at likod na ganuon din ang oras ng shifting. Magubat rin ang parteng likuran at ang North at south wing. Mahina akong napabuga ng hangin. Masyadong mahirap labasin lalo na at hindi ko alam kung anong mayroon sa kabila ng mga matatayog na punong iyon. Usisa ko habang nasa balkonahe ng bahay at nakamasid lang sa mga ito.

Inalis ko ang kamay sa aking bibig bago ko pa maubos na ngatngatin ang mga kuko ng daliri ko kakaisip kong paano ako makakalabas dito. Kakainin na kasi yata ako nga boredom sa bahay na ito. Sa laki ba naman kasi at ako lang ang nakatira sa loob maliban ang iilang mga katulong at mga security na nasa labas na hindi man lang ako kinakausap ng matino ay lalanggamin ako ng wala sa oras.

"Ate Jacintha, ready na ako. Pwede na tayong mag pingpong", napapikit ako ng maalala. Oo nga pala, andito ito ngayon. Hindi ko ito nilingon. Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa mga security na anduon.

"May pinaplano ka na naman? Please Ate, di mo ba kami kayang patawarin ni Kerin?", naikot ko ang aking mga mata sa inis.

"Pwede ba, Wesley?", Nakasuot pa ito ng sport attire, naka patong ang dalawang kamay sa kanang bewang. Tumayo na ako at naglakad papasok ng kwarto.

Hindi naman kasi ako galit sa mga ito. Napag-utusan lang naman sila kung galit lang din naman ang pag-uusapan ay malaki para kay Jorge.

"Ilang araw mo na kaming di pinapansin. Pinapunta kami dito ni Mr. Desjardin para samahan ka, para di ka ma bore"

"Kung ganuon ay walang epekto ang presensya niyo. Bored ako, tabi!", mahina ko itong itinulak.

"Forgive us please, Ate", lumuhod pa ito at nayakap sa mga binti ko. Pilit ko itong tinatanggal.

"Ano ba! Tumigil ka, para kang bata"

"Bata pa naman kasi talaga ako, Ate. So young, so fresh, so handsome. Pleaaase, forgive us for we have sinned-- aaw!", piningot ko ang tenga nito ng may pumasok na ideya sa utak ko.

D***g pa rin ito ng d***g at pilit kumakawala sa hawak ngunit hindi ko iyon binitiwan at nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto.

"Gusto mo patawarin kita, Wes?", mabilis itong tumingala sa akin.

"Ha?", nakaluhod na ito ngayon habang pingot ko pa rin ang tenga. Iniangat ko iyon upang pumantay ang tenga nito sa bibig ko at marinig nito ang aking mga sasabihin.

Matapos kong ibulong rito ang ideya ko ay binitawan ko na ito.

"Ate, mabibigwasan ako ni Kerin"

"Hm", pinameywangan ko ito at pilit na ni-pressure na gawin ang sinabi ko rito.

"Pero hindi mo ako papatawarin"

"Tama",

"P-pero... mapapatay ako ni Jorge"

"Ipalilibing kita"

"Ate--"

"Buryong na ako dito Wes! Gusto kong lumabas. Ang ganda ng panahon pero andito lang ako sa loob", turo ko pa sa panahon sa labas.

"Isang araw pa at maaagnas na ako dito!"

"Ay grabe siya", takip pa nito sa bibig niya. Kinurot ko ang gilid nito.

"Ah- ay, oo, okay na sige na!", ningitian ko ito.

Hinila ako nito paupo sa kamang anduon at nagsimulang ipaliwanag sa akin kung anong mayroon sa labas ng ancestral house na pinalalagian namin.

Nasa probinsiya pala kami ngayon. Nasa pribadong lugar ng mga Desjardin kaya wala masyadong taong umaaligid. Sa kabilang dako ay mayroong bayan na pwede naming ikut-ikutan. Mabuti na rin doon at walang nakakakilala sa amin.

"Kahit na moderno na ang panahon ngayon ay hindi pa ganuong moderno ang bayang iyon"

"May cellphone naman siguro doon di ba? May tatawagan lang ako"

Paniguradong nag-aalala na sa akin si Akari. Wala akong tunay na pamilya, siya ang pinakamalapit na pamilyang alam ko. Ayokong mag-alala ito.

"Meron naman, di naman sila ganun ka makaluma",

"Kung ganun ay mamayang tanghali. Magtatanghalian at magpapalit ng mga post nila ang mga security. Gawan mo ng paraan"

Bilang mas nakakaalam ng lugar ay ito ang magplano ng rotang dadaanan namin at kung ano ang dapat naming ihanda. Mabuti nalang at may personal na lakad si Kerin at hindi ito makakahadlang sa paglabas namin.

Naihanda ko na ang mga dadalhin. May cross body bag lang akong dala. Nakasuot na kami ngayon ng normal na damit, iyong di kami kapansin-pansin. Naka-summer dress lang ako na pinatungan ng cardigan, habang ito naman ay naka plain shirt at maikling short, ang kulot rin nitong buhok ay nakatali.

Una kaming nananghalian doon, tapos na kami kaya paniguradong halinhinan ang mga maids at security. Naka tsempo kami at nakababa ng walang nakakita at nasa pintuan na palabas ng likod bahay. Doon kasi ang mas mainam na daanan ayun kay Wesley. Lalabas na sana ako ng hawakan nito ang palapulsuhan ko.

May kung ano sa mga tingin nito at ng mapagtanto ko ay nagsalita ako

"Oo na, isang araw lang tayo dito, babalik ako. May pagpipilian ba ako? - ako na ang bahala kay Jorge. Kaya pwede ba, at halika na", hinila ko na ito.

Hindi kami nagkamali sa tansya namin tanging isang security nalang ang pumapalibot sa likod ng bahay. Tsempo rin na nilapitan ito ng isang kasambahay doon at binigyan ng maiinom, nagtatawanan pa ang mga ito.

"Ay sana all lumalablayp", mahinang wika ni Wes habang dahan dahan kaming naglalakad papunta sa gubat.

Gulat nalang namin ng biglang may dumating na dalawang security pero malapit na kami, nang makita kong biglang nanigas si Wes.

"Talaga naman", impit kong usal bago ito hinila at sinalampak sa malaking puno, na gumawa ng ingay, nayuko kami.

"Ano yun?", rinig kong sabi ng isang security. Papalapit ang mga yapak nito kung asaan kami. Sumenyas ako ng tahimik kay Wes habang nakatapal ang kamay ko sa bibig nito.

"Wala naman", wika nito.

"Mga ibon lang siguro iyon, tayo na muna sa loob"

Tuluyan nang pumasok ang mga ito.

"Halika na. Mauna ka", nagsimula na kaming maglakad.

"Kamuntikan na!", Napahawak ito sa bewang ang sentido niya.

"Hindi ako nagpapadisturbo matapos ang tanghalian. Malalaman lang nilang wala ako doon mamayang gabi. Ilang oras na iyon kaya bilisan natin"

Ilang minuto rin kaming naglalakad

"Gamay mo ang lugar", pagsisimula ko.

"Kapag nasa ibang bansa ka for a transaction si Jorge, he takes us here",

"Wala kasi kaming magawa noon kapag wala ka. He notices, so he compensates your absence with his". Wala akong nasabi.

"Kilig ka no?", hampas pa nito sa balikat ko, "Tumigil ka"

"Mr. Desjardin is a misunderstood man, Ate. Sa ilang taon tayong magkasama, ramdam mo naman siguro iyon".

Sa totoo lang, kahit kailan ay hindi ko sinubukang kilalanin ito. Maaring nakatira kami sa iisang mansyon, pero hindi naman kami madalas na magpang-abot. Ni hindi kami minsan nagkasamang kumain sa iisang hapag. Inilugar ko ang sarili ko dahil iyon ang sa tingin kong tama. Wala namang problema doon hanggang sa nangyari ito ngayon. Para nitong nagulo ang nakasanayan na naming dalawa.

Sa paglalakad namin ay nakadaan kami ng tricycle at dinala kami nun sa baryo. Pagkarating namin ay agad akong naghanap ng tindahan. Kailangan kong matawagan si Akari.

"Hello, Akari's speaking..."

"It's me Kari, si Cina"

"Jacintha!", na visualize ko na ang gulat nito. "Ilang araw na kitang tinatawagan at hindi ka sumasagot. I was so worried, tatawag na sana ako ng pulis - Asaan ka?"

"I'm somewhere okay, Kari. Wag ka tatawag ng pulis. Gusto ko lang ipaalam sayo na maayos ako pero hanggang dito nalang ang usapan natin. I will talk to you sa oras na maayos na ang sitwasyon ko ngayon. Bye

"Pero Jaci--"

Ibinaba ko na agad ang telepono. Hindi na ako nakipag-usap rito ng matagal. Ayaw ko itong idawit sa problema ko ngayon, may sarili rin itong inaalala at para rin sa protekshon niya.

"Tapos ka na?", tumango lang ako.

"Saan tayo magsisimula?"

Naglakad lakad lang kami doon at natingin sa ganda ng lugar. Malayo sa syudad na napakausok. Dito rin ay simple lang ang pamumuhay pero may mga attraction din naman. Hindi iyong inaakala ng iba na porket probinsya ay puro gubat at bundok. Natawa nalang tuloy ako sa isiping ganun ang tingin ng mga tao sa syudad kapag sinabing probinsya. Ibang-ina kasi talaga.

"Ate, doon tayo oh", turo ni Wesley sa isang carnival.

"May fiesta ngayon sakto ang timing natin", tingala namin sa mga banderitas.

"Tara!", takbo kaming pumasok.

Sinakyan namin halos lahat ng rides, nasuka pa si Wesley matapos ang Viking ride namin. Nagsususuka pa ito kaya naghanap ako ng mabibilhan ng tubig ng may narinig akong mga batang ag-aaway.

"Di ba sabi sayo na wag ka mangungupit?"

Isang dalagita na nagtitinda ng pearls at shell charms, hikaw, may kwentas, bracelet, ketcthain at iilan pa.

"Sila naman kasi nauna. Tinawag nila tayong apo ng baliw. Kaya kinuha ko kita nila"

"Hinayaan mo nalang kasi sana. Gusto mo bang sa suhol sa mga Pulis na naman mapupunta ang kita ko?"

Kausap nito ang tila kapatid nitong batang lalaki. Marungis ito, may sugat ang mukha at nakabusangot na tila naririndi sa Ate niya.

"Oo na Ate, di na mauulit", kamot pa nito.

Nakangisi lang akong nakatingin sa mga ito at tatalikod na ng biglang nagsilabasan ang mga tila malalabong ala-ala. Dahilan upang mapahinto ako sa pagsunod sa nauna nang si Wesley.

"Para sa nag-iisang perlas ng buhay ko. Mahal na mahal kita"

Isang pamilyar na boses ang rumehistro. Daling nilingon ko ang mga bata pero tumatawid na ang mga ito sa kalye. Nagpanting ang aking tenga. Tila nag so-slowmo ang lahat pero lakad pa rin ako ng lakad at sinusubukang habulin ang mga bata, pakiramdam ko ay hihimatayin ako at hindi ko alam kung bakit.

"Miss Jacintha!", tawag sa akin pero nagpatuloy pa rin ako.

Wala akong ideya kung asaan galing ang mga ala-alang iyon at kung sino ang may sabi nito pero sapat na iyon upang pigain ang dibdib ko sa sakit gaya nalang ng... gaya nalang ng makita ko ang larawan ng nanay ni Jorge. At gaya nuon ay tumulong bigla ang aking mga luha.

Isang hakbang ko pa ay nakarinig na ako ng bosena ng isang sasakyan na ngayon ay umaarangkada papunta sa akin. Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng may mga kamay na humila sa akin at ibinalot ako sa matitigas nitong bisig. Nahigit ko ang aking hininga bago tuluyan kaming natumba sa gilid ng kalsada.

"Are you okay?"

Nang sinubukan kong idilat ang aking mga mata ay may mga kamay na siyang nagpahid ng mga luha sa aking pisngi. Ang malaking peklat na iyon ay pagmamay-ari ng iisang tao. At nang aking tingalain ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Jorge, na kahit sa panaginip ay di ko inaasahang makita.

"Please...", malumanay ang tono ng boses nito. "Tell me you're okay".

Tumango ako, "Oo, iniligtas mo ako", napalunok ito at hindi nagsalita bago ako inakay patayo.

Di nito inaalis sa akin ang tingin ng lumapit sa kinatatayuan namin si Wesley.

"Mr. Desjardin! Miss Jacintha! Ayos lang kayo!", nakangiting tawag nito na hinihingal at may suka pa sa gilid ng bibig.

Pinaningkitan ito ni Jorge ng mga mata, nawala atmg mga ngiti nito.

"You will be reprimanded. You will go back"

"But Mr--"

"Do not!", turo nito rito. "Dare to interrupt me, boy. Sumusobra ka na. You need to be disciplined"

"Jorge, walang kasalanan si Wes. Ako--"

"You are aggravating!", napahinto ako. Napalitan ng galit ang pag-aalala nito.

Sabay niyon ay may dalawang sasakyan ang tumigil sa harap namin.

"Both of you, get inside"

Inuwi na nila si Wes kasama si Kerin. Mag-isa na naman ako at ngayong papasok kami ng bahay ay ni hindi ako kinakausap ni Jorge, kahit sa byahe ay hindi ito nagsasalita.

Nasa loob na kami ng bahay. Sinalubong ito ng katulong at kinuha ang coat nito ng magsalita ako.

"Wala kang dapat ipinag-alala. Ni hindi mo pinakinggan ang rason ni Wesley. Ako ang may gustong lumabas, nagpasama lang ako", hindi ito nagsalita, ni hindi ako nito hinarap kaya nagpatuloy ako.

"Alam mong kaya kong protektahan ang sarili ko at ganuon rin si Wes. There is nothing I can't handle--"

Sa gitna ng aking pagsasalita ay walang ano ako nitong hinarap. Kung hindi ko napigil ang aking sarili ay napaigtad na ako sa gulat. Mabilis ang mga hakbang nito dahilan upang mapausog ako at tuluyang mapasandal sa cabinet na nasa aking likod. Naglaglagan ang mga gamit na nakapatong doon kasama na ang isang malaking vase dahilan para gumawa iyon ng malakas na ingay.

Iniharang nito ang katawan sa akin habang ang mga kamay nito ay nasa dingding at ikinukulong ako, hindi magwang makagalaw. Wala akong nagawa kundi ang mahigpit na kumapit sa cabinet na anduon.

Taas baba ang aking paghinga. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat rito. Sinubukan ko itong itulak pero mas inilapit lang nito ang katawan sa akin.

Pakiramdam ko ay mag-aalab ako sa tensyon na aking nararamdaman. Kaya hindi ako maaring gumalaw dahil isang maling kilos ko lang ay maglalapat ang aming katawan at takot ako sa maaring mangyari sa kadahilanang maaring hindi ko magawang pigilan ang sarili ko.

"But can you protect yourself from my wrath?", sa lapit namin ay dama ko ang mainit nitong hininga sa aking leeg. "Do not test me, woman. You, of all people knew how painful...", tumigil ito at nadako ang tingin sa aking mga labi. "It... will... be"

Nagtama ang aming mga mata. Puno ng galit ang kanya ngunit unti-unti itong lumamlam hanggang sa isang galaw nalang ay maglalapat na ang aming mga labi. Ngunit bago pa mangyari iyon ay mariin itong napapakit at ito na mismo ang lumayo sa akin.

"Gusto mong lumabas? Bukas ay aalis tayo. I will take you out. Ako dapat ang nilapitan mo at hindi si Wesley, isang tawag lang dapat ang ginawa mo. This is my home, Jacintha. I know everything there is to know about it", nakatalikod nitong sabi. "For now, Take a good night's rest", panapos nitong sabi bago himakbang patungong itaas.

"Jorge, salamat. Salamat sa pagligtas mo sa akin", bahagya itong natigil ngunit hindi pa rin ako nito nilingon. Hindi ito sumagot at tuluyan ng naglakad papunta sa kwarto nito sa itaas. Naiwan ako doon, nakatingin lang sa mga bulaklak na nagkalat sa sahig.

Buong gabi ay hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin na maaring bukas rin nito hihingin ang sagot ko. At natatakot ako sa maaring mangyari kung hindian ko siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status