Share

Chapter 4

Nakangusong tiningnan niya ang mama niya, gusto niya kasing sabihin na may nakilala siyang gwapong lalaki kanina na kasing gwapo niya kaso nag-aalangan siya dahil baka magalit ito at malaman kung saan pa nanggaling ang mga galos niya sa tuhod at siko.

"Sinabi ko na sayong bilisan mo d'yand kumain para magamot na natin niyang sugat mo. At tatanungin kita ulit. Saan mo nakuha ang sugat na 'yan?"

Kaagad niyang binaba ang ulo para itago ang mukha sa mama niya. "Nadapa nga po kasi ako. Naghabulan kasi kami ni toto. Pero po mama d'yan lang po kami, hindi po ako lumayo. Nakakita pa nga po ako ng laruang baril eh ang ganda-" Kaagad niyang natakpan ang bibig dahil sa sinabi. Dapat hindi niya 'yon nabanggit eh.

"So nakalayo ka nga? pano ka nakakita kung si toto lang ang kalaro mo?"

"Binilhan po siya ng lola niya." Pagsisinungaling niya. Ang kamay niya naman sa likod na hindi nakikita ng mama ay naka krus. Humihingi siya ng sorry sa god dahil sa pagsisinungaling. Sana talaga hindi magalit si god.

"Sinabihan na kitang palagi kang mag-iingat diba? paano ako kakampante niyan sa trabaho kong hindi ko sigurado ditong nag-iingat ka huh? kung pwede lang talagang dalhin ka ay isasama na lang kita at kung pwede lang din talaga na hindi na ako mag trabaho para mabantayan ka lang ay gagawin ko, pero anong gagawin ni mama eh wala tayong makain?"

Tumingin na siya sa mama niya. Nang nakita na maiyak iyak ito ay tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit dito.

"Mama sorry po, hindi na po talaga mauulit 'to. Hindi na po talaga ako magpapasawag sayo. Pangako po 'yan, paluin niyo po ako pag maysugat po ulit ako."

Sinapo ng mama niya ang mukha niya tsaka siya pinatitigan. "Ipapangako po sakin na mag-iingat kana."

"Opo naman, sorry po."

Ngumiti na ito kaya naman nakahinga na siya nang maluwag. "Sige na bilisan mo nang kumain para makapag hugas kana at magamot ko yang sugat mo."

"Sige po." Bumalik siya sa kinauupuan at nagsimula ng kumain. Pagkatapos nga ay naghugas na siya at sa higaan ay ginamot ng mama niya ang sugat niya na nasa siko at tuhod.

Patulog na sila ngayon pero nagising ulit siya dahil naalala niya bigla ang number ng gwapong binata kanina. Baka bigla niyang mawala, hindi niya na alam kung paano hanapin 'yon kung hindi siya tinawagan. Dahan dahan siyang tumayo para hindi magising ang mama niya sa pagkakatulog.

Nang makita ang hinahanap ay niligpit niya 'yon sa isang lugar na alam niyang hindi mawawala at makikita ng ina. Tsaka siya bumalik sa kama na amy ngiti sa labi at natulog ulit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status