Share

CHAPTER 4: Saviour 

Penulis: AVANITAXX
last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-02 21:58:26

NAALIMPUNGATAN ng gising si Anya kinabukasan nang maramdaman niya ang mabigat na brasong nakayakap sa kaniyang katawan. Paglinga niya ay, nasaksihan niya ang maamong mukha ng binata. Payapa itong natutulog. Nang ibaba niya ang tingin, nakadantay sa hita niya ang binti nito.

Pinamulahan siya ng mukha. Sarap na sarap sa tulog nito ang binata habang siya ay masakit ang buong katawan. Nang akma niyang ilayo rito ang sarili, pansin niya ang paggalaw ng mga namumutok sa masel nitong braso.

Bahagya siyang napalunok. Makailang beses na niyang binabalik-balikan ang kaanyuan ng katabi.

Napaka-perpekto ng mukha nito, na para bang nililok ang mga iyon. Mula sa makakapal nitong kulay itim na kilay, matangos na ilong, maging ang pilik-mata nito. Manipis din ang namumulang labi nito.

Napalunok si Anya, kagat-labi niyang hinagod ang labi ng binata na hindi lumalapat ang kaniyang daliri.

“Done examining me? Gusto mo yata akong lunukin ng buo, Miss?” nakangising anito.

Gulat at halos takasan ng kaniyang kaluluwa si Anya sa biglaang pagsalita ng binata. Nakasilay sa labi nito ang nakakalokong ngiti.

“Gi-gising ka na pala,” pautal niyang sabi at kaagad na iniwas ang titig mula rito.

Inalis ng binata ang braso mula sa pagyakap sa kaniya. Bumangon ito. Akala niya ay tuluyan itong aalis ngunit, nagulat na lang siya nang kapain nito ang kaniyang noo.

“Mabuti naman at nawala ang sinat mo. You made me worried,” sambit nito.

Saka niya lang napagtantong nakapagbihis na pala ito ng damit. Isang manipis na puting sando ang suot nito at black pants na sigurado siyang ito ang suot nito kagabi. Pagsilip niya sa kaniyang kabuoan. Isang makapal na bathrob ang kanyang suot.

“Sinuotan mo ako? Ba-bakit hindi ko alam?” wala sa sariling naitanong niya rito.

Ngumiti ang binata, aliw na aliw ito sa naging reaksyon niya.

“It was your first time, and I'm responsible for it. Alam kong hindi mo rin maintindihan ang mga sinasabi ko,”

“Ha?” takang sabi niya.

Lumapit ito sa kaniya, at muli itong tumabi.

“Nilagnat ka dahil, ginalaw kita, you know, akala ko kasi. . .kaya mo,” nakangising anito.

Pinamulahan ng mukha si Anya, para bang nanayo ang kaniyang mga balahibo. Bumalik sa isipan niya ang ilang kaganapan kagabi bago siya mawalan ng malay.

Habang inaangkin kasi siya ni Dark ay hindi niya nakayanan pa ang ginawa nito. Pagkatapos nilang pagsaluhan ang kakaibang ligaya, ilang minuto ang nagdaan, nagkasinat siya pagkatapos, at nanginig ang kaniyang buong katawan. Naalala pa niyang, ibinababad siya nito sa malamig na bathtub nang sa gayon ay humupa ang lagnat niya.

Nakaramdam ng hiya sa pagkakataong iyon si Anya. Mas gugustuhin na lamang niyang mawala na parang bula.

“Hindi na ba masakit?” usisa nito at bakas sa boses ng binata ang pag-aalala nito.

“Ang alin?” patay-malisya niyang naitanong.

Hindi kumibo ang binata. Humakbang ito at kinuha ang wallet nito ay may kinuha ito mula roon.

“Call me at this number. Ngayong, okay ka. I will leave you, ipasusundo kita.”

Napaawang ang labing sinundan ng tingin ni Anya ang binata. Sinuot ng binata ang black suit nitong suot.

Hindi na siya nag-usisa pa. Buong akala niya kasi ay matutulungan siya ng binata na ilayo sa impyernong lugar na ito kapag maibigay na nito ang sarili. Mukhang, nagkakamali pala siya nang inaakala. Dahil, sa mga katanungan sa kaniyang isipan ay mabilis niyang ikinubli ang papatak na sanang luha nang lapitan siya ng binata.

“It's a pleasure to be with you, Anya Suarez. I'm sorry, I need to work. Hihintayin kita sa bahay,” nakangiting anito.

Hindi alam ni Anya kung ano ang magiging reaksyon. Na para bang, pinaghalo ng tuwa at pagkalito. Ang panghuli lamang ang naiintidihan niya, ang iba pang sinabi ng binata ay lumagpas lamang sa kaniyang pandinig. Hindi niya kasi maintindihan ang sinasabi nito.

Subalit, ang pinagtataka niya ay kung bakit, alam ng binata ang buo niyang pagkatao. Sa pagkakatanda niya ay, inilihim ni Madam RR ang totoo niyang katauhan.

SA KABILANG BANDA.

Kuyom ang kamao, hinawakan at itinago ni Demon ang magnum kwarenta’y singko nitong baril mula sa ilalim ng kanyang suot na damit. Suot niya ang Italian gray suit na pinaresan niya ng brown cognac shoes. Bahagya niyang tinitigan ang pambisig relos.

Inutusan siya ng kapatid na makipagkita sa matandang japanese. Ang balak niyang mag-stay sa probinsya ay hindi natuloy.

He waited about 2 minutes before going out of his audi. Siniguro niya rin na naroon nga sa loob ang matanda mula sa tulong ni Azul dahil, sa tracking device nito.

Mister Akuzama is a japanese samurai leader at tinaguriang mafia boss sa bansa nito. May katandaan man ngunit, makikita sa mukha nito ang bagsik at katapangan.

“Mister Dark Silvestre, I'm glad that you’re here!” salubong sa kaniya ng matanda na sa pagkakalam nitong siya ay si Dark.

Well, Dark is influential businessman, tanyag ang pangalan nito sa lahat ngunit, hindi pa naisapubliko ang kaniyang mukha.

Kundi kasi siya ang nakikipagkita sa mga kaalyado nila ay sila naman ni Azul minsan ang nagkukunwari bilang Dark. Ginagamit nila ang ngalan ni Dark para sa organisasyon.

“Please, have a seat Mister Silvestre.”

Sumunod siya at naupo sa kabilang upuan. Nakapatong sa ibabaw ng glass table ang attach case. When hearing the beep of his earpiece, senyales na itapat niya ang relos para mas makita ito ni Azul para i-scan ang laman niyon. Nang makumpirmi ng huli ay tuloy ang kasunduan.

Nakita ni Demon kung paano siya pinasidahan ng tingin ng mga tauhan ng matanda. Hindi siya dapat makampante dahil, tuso ang matandang kaharap.

“I move to Hong Kong by this weekends, I hope to see you again before I leave, Mister Silvestre,” anang matanda, bagamat nakangiti ito ay hindi inalis ni Demon ang tingin sa kamay ng matanda.

Nasa gilid kasi ng matanda ang samurai nito na naka-display lamang.

“Sure, I will be, Mister Akuzama. Anytime, I’ll meet you!”

“Here are the documents you need. Your grandfather is my best friend, so I hope we can get along.”

Inilapit ng matanda kay Demon ang attach case bagay na ikinangiti niya rito ng tipid saka sinundan ito nang tingin. Lumapit ang lalaking blonde ang buhok. Binuksan niya ito bagay para makita niya ang laman niyon.

Malaking halaga ng pera kalakip ang dokumento at ang snake symbol ng The Shadow—titulo ng organisasyong hawak ni Gildo Silvestre, lolo niya.

Demon swallow hard, pakiramdam niya ay dumoble ang kabang naramdaman niya sa puso, dahil baka mabuko siya ng matanda.

“It’s safe, Dem. Na-scan ko na, we will wait for you at the headquarters,” boses ni Azul mula sa earpiece.

“Thank you Mister Akuzama,” tanging tugon niya rito.

“Anata no ojīchan wa yoi yūjin'nanode, watashi mo minasan no iken ni dōi shimasu. Sore dakedesu, watashitachi wa nidoto hanasu koto wa arimasendeshita,”

(“Mabuting kaibigan ang iyong Lolo, kaya kasundo ko sa lahat. Iyon nga lang, hindi na kami nagkausap pang muli,”)

“Akuzama-san, oai dekite ureshii desu. Kitto ojiichan mo watashitachi no aeru koto o yorokobu deshō,”

(“Nagagalak akong makilala kayo Mister Akuzama, nakasisiguro akong masisiyahan ang lolo sa pagkikita natin ito.”)

Dahil sa sinagot niya ay namangha ang matanda.

“Great! You're good at Japanese, Mr. Silvestre. I'm glad to be talking with you..”

Ngumiti siya rito at yumuko bilang paggalang. Nasundan niya ng tingin ang inilapit ng matanda. Isang lumang larawan ng mag-asawa na may kargang batang babae ang babaeng nasa larawan.

“Can I ask a favour?” Pakiusap ng matanda.

Tinitigan niya muna ito, kabakasan ng lungkot ang mga mata ng matanda.

“What is it, Mister Akuzama?” Nag-aalangan man ay naitanong niya.

"Could you please help me find this young girl in the photo? She's my granddaughter, and she has been missing since she was eight years old. Her mother was a Filipina, and the gentleman in the picture is my son. He's been in a coma since the accident happened a year ago. I'm finding it challenging to manage everything as I'm getting older."

“I will Mister Akuzama, I'll find her for you,” Demon promised in his sincere voice.

Nakipagkamay sa kaniya ang matanda at gumuhit sa mukha nito ang kagalakan mula sa sinabi niya at pinangako.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Jennelyn Casiguran
ay si anya ang nawawala apo ni tanda
goodnovel comment avatar
Chase Ian Dotdot
Baka si Anya po ang Apo, sana. Sana ol may Dark 🥹
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER CONTINUES: Leadership!

    ISANG larawan ng masayang pamilya kung ikukumpara sina Dark at Anya. Wala na ngang ibang maihihiling pa si Dark kundi makita sa araw-araw ang mag-ina niya. At sa mga sandaling iyon nasa picnic groove sila mula sa pakiusap ni Ericka, ang bunso nilang anak.Napangiti na lang si Anya nang pumwesto si Dark at nahiga ito sa kanyang hita. Suot ni Dark ang White Longsleeve Basic Shirts with Dress Pants. Habang suot naman ni Anya ang stripe jumpsuit. At kapwa masaya na pinapanood mula sa ‘di kalayuan ang kanilang mga anak. Naglalaro ang mga ito at sinusulit ang araw. “Gusto kong lumaki na malayo sa gulo ang mga bata, Dark. Balak ko sana, sa probinsya tayo tumira. Iyon ay kung gusto mo rin,” naisatinig ni Anya habang sinusuklayan ang buhok ni Dark. Hinuli ni Dark ang kamay ni Anya at saka dinala ito sa labi para halikan. “Sure, wife. Tatapusin ko lang ang misyon ko. Samahan ko muna ang daddy mo, saka na tayo aalis.” Napatingin si Anya at ngumiti na lang din kalaunan. “May tiwala ako sa

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER 32: BAGONG YUGTO! 

    HABANG bumiyahe ay hindi maiwasan kabahan ni Dark. Wala siyang kinatatakutan but, this time. Ramdam na ramdam niya ang kaba. Pupunta sila ni Anya sa pamamahay ng ama nito kasama ang kanilang mga anak. Saglit niyang nilingon ang asawa nang maramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang kamay at hinigpitan ito. “Sigurado ka na ba, Dark?” usisa sa kaniya ni Anya. “Oo naman. Ito na rin ang tamang pagkakataon, Anya. Gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat sa inyo ng mga anak ko.” Natawa sa kaniya si Anya, “Don’t worry, kapag ipabugbog ka ni, daddy. Siguraduhin niya lang na hindi ka masasaktan. Ako, makakalaban niya!” “Silly! Hindi ako natatakot, Anya. But, I will respect your father. Hindi ako lalaban, huwag niya lang kayong ilayo sa ‘kin.” Ngumilid kaagad ang luha ni Anya habang nakatitig ito sa kanyang mga mata. At saka nito isinandal ang ulo sa kanyang balikat. “I want to be with you, Dark. I wanna grow old with you.” Tanging pagngiti nang malawak ang sumilay sa labi ni Dar

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER 31: United!

    NAIHANDA na ang lahat at planado na rin. Mula sa idea ni Terrence ay nabuo ang surprise proposal ni Dark. Bagay na hindi naman nalaman ni Anya.Nasa outing sila sa pagkakataon na iyon. At sa pagmamay-aring resort ni Leiron ay doon nila napagpasyahan puntahan.Maaliwalas ang panahon sa mga sandaling iyon at sinasabayan nang paghampas ng hangin ang tuyong dahon. Sa pagbulusok niyon paibaba, hindi maiwasang sundan ito ni Anya nang tingin at damhin ang pagdampi niyon sa kaniyang palad.Napakaaliwalas ng mukha nito bagay para bahagyang mapangiti si Dark. Nasa kalagitnaan sila ng autumn forest, kung saan nakapalibot ang mga magagandang punong kahoy at naghalo-halo ang kulay ng mga dahon nito. Pinaghalong orange, red and gold.Dark stood still beside Anya. As they walked along a winding path carpeted with a mosaic of foliage, Dark's heart beat with a nervous anticipation that matched the rustling of the leaves above.

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER 30: Pagpakilala!

    “Ma!” naisambit ni Zee nang mapansin nito ang ina.Biglang umalis mula sa pinagtataguan niya si Anya. At kita niya ang kaagad na pagkahiwalay ng dalawa mula sa pagyakapan.  Natuon din ang paningin sa kaniya ni Dark. Ngiting pilit naman ang ginawad ni Anya sa asawa. Habang nakatingin sa kinaroroonan niya ang kararating na mga bisita at saka lumapad ang ngiti ng mga ito.Hindi na rin kumibo pa si Anya nang humakbang papalapit sa kinaroroonan niya si Dark para puntahan at hulihin nito ang kamay niya para hawakan ito, bagay para titigan niya ito sa mukha.Umarko ang kilay ni Anya maging ang babaeng yumakap sa kaniyang asawa kanina ay nanlaki ang mga mata. Hanggang sa inagawa nito ang kamay niya mula kay Dark at saka ngiting-ngiting ipinakilala ang sarili.“Ate! Oh my Gosh. I’m Yviona Silvestre, natatandaan mo ba ako. Ako ’yung intern na hawak mo!” “Yve? Woah! Ma-magkapatid kayo?”“Aha! You're right! Ako

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER 29: Dinner date, Silvestre!

    Habang nakasandal si Anya sa balikat ni Dark, napapangiti siya nang pinaglalaruan nito ang kanyang mga daliri. Nasa labas silang dalawa sa mga sandali na iyon habang nag-movie marathon. Habang nagbigay init sa malamig na gabi ang patuloy na pagsiga ng apoy sa may bandang bahagi. Agaw atensyon din ang mga magagandang ilaw sa paligid nila, na sa pagkakaalam niya, pinaglalaanan ayusin ng mga ka-grupo ni Dark. Isang linggo na rin mula nang maka-recover siya at inuwi siya ni Dark sa bahay nito. Noon niya lang talaga napagtanto na, marami itong bahay na pag-aari. Bantay-sarado rin ang bahay nito dahil, sa mga iilan na bodyguard. Sumilay sa labi niya ang ngiti at saka niya hinarap si Dark. Nangulila siya nang lubos sa lalaking ‘to at hindi niya napigilan ang sarili na kiligin na lamang bigla. Kahit kasi, malabo noon ang mukha nito kapag napapanaginipan niya, hindi niya maiwasan na mapaisip. Akala niya si Stewart talaga at sa kagustuhan niya; pinaniwalaan niya ang sarili noon na si Ste

  • Mafia Boss Redemption: UNDERGROUND SOCIETY SERIES 1   CHAPTER 28: Critical!

    TITIG na titig ang mga bata kay Dark. Wari’y kinikilatis ng mga ito ang lalaking nasa harapan nila. Naging kalmado man kung titigan sa mga pagkakataon na iyon si Dark subalit, hindi maipagkaila ang pagningning ng mga mata nito. Pigil na pigil na hawakan kahit isa man lang sa kanila. Mga bagay na napapansin ni Leiron na siyang ikinatalikod kaagad niya. Siya tuloy ang nasasaktan para sa kaibigan niya. Kung sana, may magawa man lang siya, gagawin niya. Tumungo siya sa hardin at doon nagsindi ng sigarilyo. Lately, nagiging malambot ang puso ng Pinuno nila, hindi na ito gaya nang dati. Alam niyang, kahit paano ay bumalik ang dating sigla at ngiti nito. At si Anya lamang ang makagawa niyon. “Leiron Nicholai Kiosk!” buong sambit ni Terrence sa kaniyang pangalan. Hindi na siya nagulat pa dahil, si Terrence lang naman ang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao. “Bakit ka umalis?” usisa nito. Hinarap niya ang kaibigan at saka ningisihan. Nakita niyang nakasuksok sa magkabilang bulsa n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status