Share

CHAPTER ONE

Angela’s POV:

Today serves as the first day I would be going to school with my four friends. They just

 live across my house so we tend to always go together. We are just these normal girls with normal living, our parents do have businesses but we aren’t like other kiddos who’d spent our money with nothing.

May isang oras pa ako para maghanda, 7:30 na ngayon ng umaga at mamayang 8:30

 ang bell time sa papasukan namin. We are transferees and we will be hiding our identity as gangsters.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at dumiretso sa banyo upang maligo, yung style ng uniporme namin ay katulad sa Japan since ang may-ari ng paaralang aming papasukan ay may lahing hapon. Yung skirt ng uniporme ay above the knee, longsleeve polo na may necktie at itim na kneesocks. Hindi naman ako maarte sa mga dapat susuotin pero nababaguhan lang ako sa unipormeng ito lalo na’t hindi below the knee.

Kita pa yata halos lahat ng balat ko sa legs ko, tsk. 8:29 na at natapos ko na ang lahat ng dapat gawin kaya kinuha ko ang bag ko at lumabas ng bahay. Tumambad sakin ang apat kong kaibigan kasama ang bagong bili na Skoda SUV na gagamitin naming apat papuntang school.

“Good morning, girls.” Bati ko sa kanila. “Good morning din, Gel!” bati rin nila pabalik at pumasok na sa sasakyan. Lumapit sa akin si Bea at inakbayan ako.

“Ikaw na muna ang magiging driver namin ngayon. Let’s go?” napatango na lang ako at ipinadala sa kanya ang bag ko. Umupo na ako sa driver’s seat at nagseat belt, ganun din ang ginawa nila.

“Male-late yata tayo ngayon. Bahala na nga basta nakabili ako nung candy sa tindahan. Nga pala, kalian tayo magpapakulay ng buhok?” excited na tanong ni Tiffany. Napalingon ang tatlo kong kaibigan sa kanya nang tinanong niya iyon.

“Gaga ka ba? Anong tingin mo sa’tin, dance troupe? Ikaw na lang Tiffany, isasali mo pa kami sa mga kalokohan mo eh!” untag ni Kylie na nasa tabi ko ngayon at kasalukuyang nakatingin sa likod. Napatawa na lang kami dahil sa naging ekspresyon ni Tiffany, it was priceless!

“Sorry naman! Akala ko ba kasi maging pang manang yung outfit natin sa school kaya naisipan kong magpakulay ng buhok.” Wika ni Tiffany habang may nginunguya na pagkain sa kanyang bibig. Patay gutom talaga.

“Anong connect dun? Saka ang laswa natin tignan ‘pag masyadong pang- ‘manang’

 outfit yung susuotin natin kaya sakto na yung binili ni mama na nerdy glasses diba?” tanong ni Nicole.

“Okay na yun, kahit mukha tayong tanga tignan pwede na rin yun.” Wika ko habang patuloy sa padri-drive.

Makalipas ang ilaang minuto ay nakarating na rin kami sa paaralan na aming papasukan. Nagpark ako sa parking lot ng paaralan at pagkatapos ay lumabas na rin kaming lima. Inabot ni Bea sa akin ang bag ko kaya nagpasalamat ako dito.

“Saan na tayo pupunta nito?” tanong ni Bea. Umunang maglakad si Nicole at lumapit sa isang bulletin board na kung saan may nakapaskil na printed papers at nakalagay dito ang mga grade levels, section at ang mga pangalan ng bawat estudyante.

“Hm kabisado mo yata ang mga pinaggagawa ng paaralang ito, Nicole. “ napatango lang siya at tinuro ang isang printed paper na kung saan nakalagay ang section naming lima. “Nag-aral ako rito noon dahil sa isang misyon.”

Naalala ko na, may misyong ginawa rito si Nicole pero ayaw niya lang sabihin kung anong meron sa paaralang ito. Pero sa pagkakaalam ko, ang paaralang ito noon ay illegal at maraming estudyanteng mga siga at kung tawagin natin ay katulad naming gangsters. Kalaunan ay huminto ang mga illegal na pamamalakad at gawain ng paaralang ito nang malaman ng gobyerno ang pinaggagawa ng mga estudyante.

Nang napalitan ang may-ari nitong paaralan ay naging maganda ito sa mga mata ng mga mayayaman at pinapa-aral dito ang kanilang mga anak. Kaya halos lahat ng mga estudyante dito ay mayayaman at ang iba naman ay scholar.

Nakarating na kami sa aming classroom at lahat ng estudyante ay napatingin sa amin na nasa may pintuan. May isang babae pa ang biglang nagsabi na ‘nerds’. Binalewala lang namin iyon at pumasok na kaagad sa loob ng room.

“You are the transferees right? Okay so before you proceed to your seats please come here in front and make an introduction.” Mahinhing wika ng prof kaya sinunod kaagad namin ang sinabi niya.

I felt the intense stares of these students over us. Are there any problems with our glasses? Tsk. Una namang nagpakilala ay si Kylie.

“Good morning everyone, I am Kylie Monteverde. Nice to meet you!” maikling pagpapakilala ni Kylie at nagstep backward. Sunod naman ay si Tiffany na ngayon ay wala nang kahit anong pagkain na nginunguya.

“Hi guys this pretty and cute lady in front of you is Tiffany Fantonial. Please take care of me!” nag-bow pa siya tsk napakachildish talaga. Sumunod din si Bea at saka si Nicole.

“I am Bea Johnsons.”

“I am Nicole Fontinilla.”

Pagkatapos nila ay katulad ni Kylie, nagstep backward din sila ng konti.

And it’s my time to introduce tsk.

“Hi I’m Angela Ciamco. Please be nice to me.”

 How I hate introductions. Bago kami pinaupo ng prof namin ay may tinanong siya kay Nicole.

“Miss Fontinilla, you’re quite familiar.”

“You have mistaken me, ma’am.”

“Okay, please occupy the empty seats at the back.”

Tumango kaming lima at tinungo ang mga upuan na nasa likuran at umupo na.

“In behalf of the transferees, I am Professor Hanna Cordova and I will be your homeroom teacher and your adviser for the whole school year.”

Nakita kong napatingin saglit si Prof Hanna kay Nicole na ipinagtataka ko. Anong meron dun? Magkakilala ba sila?

I should really mind my own business right now. May sinabi yung prof tungkol sa introduction ulit. Pinapa-introduce ang bawat estudyante maliban sa’ min. Syempre kasi tapos na kami. Umuna yung babaeng nasa pinakadulo ng first row at nag-introduce bilang Erika at pagkatapos ay sumunod yung nasa tabi niya.

Habang nagsigawa ang mga kaklase ko sa introduction ay napabaling ang atensyon ko sa limang upuan na nasa gilid ko at nagtataka kung bakit walang naka-occupy. 33 kaming estudyante sa room na ito kaya madali lang natapos ang introduction, napabalik lang ako sa ulirat nang makapag-introduce na ang huling estudyante na ang pangalan ay Charles Espejo.

Nang matapos siya sa kanyang introduction ay napatingin ang prof sa mga upuan na nasa tabi ko na para bang may nakalimutan siyang sabihin patungkol sa pagiging vacant ng mga upuan.

“Excused muna ang mga limang kaklase niyo ngayon, nagpapaalam na may importante silang gagawin kaya hindi muna sila makakapasok sa first day.” pag-eexplain niya. May isang babaeng estudyante naman ang biglang nagsalita at tinanong ang prof.

“Whole day po ba sila magiging absent, ma’am?” napatango ang guro namin sa naging tanong ng babae. What’s so special about those five students upang maging sobrang interesado ang lahat sa pagiging absent nila? Geez.

THE day ended just like the other days, like other school days. Just the typical first day, introduction then discussion about our subjects and teachers yun lang. Ngayon ay nakauwi na kaming lima at napag-usapan naming habang nasa sasakyan ay sa bahay ko muna sila matutulog kasi yung bahay ng lima ay under maintenance since bigla raw nasira ang source ng electricity nila.

“Guys!” biglang sigaw ni Nicole papuntang kwarto ko kaya agad kaming napalingon sa kanya at napahinto sa aming ginagawa.

“Bukas na raw magaganap yung paligsahan!” nakangiti niyang sabi. “Anong paligsahan? May sinalihan ba tayo?” nakakunot-noong tanong ni Tiffany kaya agad siyang binatukan ni Nicole.

“Tanga! Sa Arena, yung mga dapat isali kada taon. Alam niyo na yun!” inabot ni Nicole ang cellphone niya sa akin at nakita ang message mula sa underground website. “Ba’t ngayon lang tayo in-inform? Diba dapat before a week alam na natin yung patungkol bukas?” napatingin ako sa bawat isa sa kanila habang tinatanong iyon.

“Siguro may pakana na naman nito yung mga nakalaban natin noon.”  wika ni Kylie.

“Ang nega mo naman, Kylie! SIguro na-delayed lang yung pagbigay. Ngayon lang din tayo bumalik sa pakikipaglaban diba?” segunda ni Bea kaya napatango-tango ang tatlo. May point siya pero maikli lang ang oras namin para maghanda kaya kailangan ay hindi kami matulog ngayon.

“Proceed to the basement. Let’s prepare for tomorrow’s happening. Nicole, contact our school and tell them that we will be absent for two days.” Dali-daling kumilos ang apat sa sinabi ko.

Siguradong magiging maganda ang mangyayari bukas sa aming pagbabalik.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status