It was supposed to be a joyful celebration for the homecoming of Mayor Javier's family. But, everything turned into a nightmare. Ang inaasahang gabi na puno ng kasiyahan ay napalitan ng takot at misteryo. Ang bayan na minsa'y nabalot ng kapayapaan, sa isang iglap, nabalot ng mga kagimbal-gimbal na pangyayari. Little did they know, that homecoming is not just for the Javier Family...but also for him. He's gone for a long time... He's a psycho... and now, he's back.
View MoreIsang malaking tarpaulin ang bumungad sa amin pagkapasok namin sa town hall. Maingay, masayang nagku-kuwentuhan ang mga bisita, at napalilibutan ng makukulay na ilaw ang buong paligid.
"Good evening, my beloved people of Greenville." Nagpalapakan ang lahat nang magsalita si Mayor Solomon Javier.
"I am so glad to see you here tonight! Alam kong pati kayo ay hindi na makapaghintay na makita ang asawa't mga anak ko," sabi niya, malapad ang ngiti. "It's been five years. Limang taon ko ring hindi nakasama ang pamilya ko, but tonight is very special dahil sa wakas ay nandito na sila, magkakasama na kami ulit."
Muli kaming nagpalakpakan.
"Iwan ko muna kayo. Pupuntahan ko lang sila mommy," paalam ni Sofia at naglakad palayo sa amin.
Sunod-sunod na pagputok naman ng fireworks ang nakaagaw ng atensyon namin kaya naman napatingin kaming lahat sa labas. Hindi ko mapigilan mamangha habang pinapanood ang makulay at magandang fireworks display na 'yon.
"So now, please welcome my precious wife and our beloved children!" Muling umingay ang buong town hall dahil sa ingay na nagmumula sa mga tao at sa fireworks.
All eyes are on the stage, excited to see Mayor Javier's family. But, in a blink, the whole town hall went black. Ang malalakas na tawanan at usapan ng mga tao kanina ay biglang napalitan ng nakakatakot na sigawan.
"What happened?!" sigaw ni Macey.
Naramdaman ko agad ang paghawak sa akin ni Brix.
"Everyone, please calm down," utos ni Mayor Javier.
Mahigpit akong napahawak sa damit ni Brix nang may bumangga sa braso ko.
"Ano bang---?"
Biglang bumukas ulit ang mga ilaw ngunit kitang-kitang pa rin sa mga mukha ng tao ang kaba at pagkalito.
"Tulong! Tulungan niyo ako!"
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang malakas na sigaw na 'yon. Nagkatinginan kaming magkakaibigan. Hindi kami pwedeng magkamali. Boses ni Sofia 'yon!
"Puntahan natin si Sofia, Brix. She needs our help!" natatarantang saad ko. Napalinga-linga ako sa paligid at sinubukang hanapin si Sofia.
Dumako ang tingin ko kay Mayor Javier, nabitawan niya na ang mic at nagmadaling pumunta sa backstage.
Agad kaming tumakbo at sumunod sa kaniya.
"Oh my God!"
I stiffened as I saw Tita Serenity and Ate Sandy Javier lying on the ground, soaking with their own blood. Tila nabingi ako sa mga palahaw ng mga tao sa paligid.
Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko habang nakatingin kay Sofia.
"Mommy! Ate!" sigaw niya habang umiiyak.
S-sino ang gumawa nito?
Napatingin ako sa tumawag sa 'kin at nakita ko si Kuya Derrick na nagmamadali papalapit sa 'kin.
"Let's go! Iuuwi na kita," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Tinignan ko si Brix.
"Brix, paano ka?" tanong ko.
"Pupuntahan ko muna sina Ate Bianca." Tumingin siya kay kuya. "Mag-ingat kayo ni Demi pauwi."
Tinignan ko muna si Sofia na yakap-yakap ng kuya niya. Hindi ko na siya nalapitan dahil hinila na ako ni Kuya.
"Nasaan si mommy?" tanong ko.
"Pupunta siya sa ospital ngayon," sagot niya.
Nang makasakay kami sa kotse ay tumingin ulit ako sa entrance ng town hall.
Nagkakagulo ang lahat, tumatakbo, sumisigaw, at hindi alam ang gagawin. Ngunit, isang bagay ang nakaagaw ng pansin ko.
Mas lalo akong kinilabutan nang makita ang isang puting maskara. Isang tao lang ang naaalala ko kapag nakakakita ng gano'n.
And maybe...
He's back.
Tatlong buwan na ang lumipas. Sa tatlong buwan na 'yon, unti-unting bumabalik sa dating katahimikan ang Greenville. May ilan na ring mga bumalik nang mabalitaan na nahuli na ang killer.Tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text.From: BrixNandito na ako sa baba.Kinuha ko ang bag kong nasa kama at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay naabutan kong nag-uusap sina Brix at Kuya Sander."Oh, ayan na pala si Demi. Ingat kayo, ha," sabi ni kuya habang nakatingin sa aming dalawa ni Brix."Sige, kuya. Aalis na kami," paalam ko."Okay. Umuwi nang maaga hindi umaga. Tomorrow is your special, so you need to rest also," paalala niya.Ngumiti na lang ako at tumango.Habang nasa byahe ay tahimik lang akong nag s-scroll sa Facebook ko. Napangiti naman ako nang makita ang bagong post ni Macey."Nandoon na pala sila," sabi
Macey's POVKasunod namin ang mga pulis habang papunta sa town hall. Bawat minutong nagdaraan, mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari sa gabing ito. Ang nalaman namin ngayon tungkol kay Kuya Sander ay hindi ko na kinakaya. Paano pa kaya mamaya? Siguradong marami pa kaming malalaman.***Demi's POVDahan-dahan kong idinilat ang mga mata. Ramdam ko rin ang sakit ng ulo ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Kusang tumulo ang mga luha ko nang makita si Mayor Javier, kagaya ko ay nakatili rin siya sa upuan at may busal sa bibig.Napagtanto ko na nandito kami sa town hall. Maya-maya lang ay lumabas si Sander. Bigla akong nakaramdam ng galit kasabay nito ang mga tanong na nasa isip ko.Lumapit siya sa akin at tinanggal ang busal sa bibig ko. Tinanggal niya rin ang mask niya. Yumuko pa
Macey's POV"Salamat, kuya. Magte-text na lang ako kapag uuwi na ako," sabi ko sa driver namin. Bumaba ako ng sasakyan at tumingin sa entrance ng Belle's Cafe.I flipped my hair and walked toward the entrance. Ayoko sanang pumunta dito lalo na't makakasama ko si Jayson at Sofia, kaso kailangan naming tulungan sina Demi at Brix.Pagkapasok ko ay hinanap ko agad si Sofia. She texted me earlier that she's already here. Nakita ko naman agad siya sa madalas na pwesto namin.Nilapag ko ang bag ko sa table at naupo sa tapat niya."Macey," tawag niya. Tinignan ko siya pero hindi ako nagpakita ng anumang ekspresyon.Wala naman siyang sinabi kaya nag order na lang muna ako ng pagkain ko. Habang nag-aantay, nilabas ko ang mga envelope na ibinigay ni Demi sa akin.Nilabas ko lahat ng pictures do'n at tinignan isa-isa."Macey, I'm sorry."
"Hold this," sabi ni Brix at inabot sa akin ang baril niya. Dahan-dahan kong kinuha 'yon mula sa kamay niya."Hindi natin alam kung anong nag-aantay sa atin do'n. Kung magkahiwalay man tayo, babalik tayo ng buhay, okay?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.Tumango ako. "Okay."Pinaandar na ni Brix ang sasakyan niya. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nakatingin sa bintana. Matinding kaba ang bumabalot sa akin ngayon.Ala-sais na at kaninang alas-kwatro nag text ang killer kung saan kami dapat pumunta. Alam nila Macey ang tungkol dito at nakahanda na sila sa kung ano man ang mangyayari.Magkakasama sila ngayong tatlo nila Jayson at Sofia. Ang alam ko ay doon sila sa Belle's Cafe nagkita. May ilangan nga lang dahil silang tatlo ang magkakasama pero sana naman ay hindi sila mag away-away doon.Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit kami sa lugar no'n
Jayson's POVI opened the car door for Macey pero sa kabila pa rin siya lumabas. Damn it! Kailan kaya ako nito papansinin?Sumunod ako sa kanila papasok sa bahay nila Sofia. Ilang beses akong napalunok nang maisip na magkakaharap-harap na naman kaming tatlo nila Macey at Sofia.Ang gago ko naman kasi talaga. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Inaamin ko, na-attract ako kay Sofia but I still love Macey. Siya lang ang babaeng sobrang minahal ko. Gagawin ko talaga ang lahat para lang maibalik siya sa akin."Manang, nasaan po si Sofia?" tanong ni Demi sa katulong ni Sofia."Nasa taas siya, kanina pa umiiyak," sagot nito.Nagkatinginan kaming magkakaibigan at mabilis na umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto ni Sofia."Sofia! Sofia!" Kumatok si Demi sa pinto ng kwarto ni Sofia. Ilang saglit lang ay bumukas 'yon at tumambad sa amin si Sofia na na
Ginamot ni mommy ang sugat ni daddy. Pagkatapos no'n ay umakyat na sila, naiwan akong mag-isa rito sa sala. Matutulog pa sana ako kaso nawala bigla ang antok ko.Mag a-alas-dos na ng madaling araw at malamang tulog na rin sila mommy. Si kuya nga ay hindi manlang nagising kanina.Busy lang ako sa pag scroll sa Facebook ko nang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang message. Napatitig ako saglit doon at biglang nakaramdam ng kaba.Pagkapindot ko sa message ay tama nga ang nasa isip ko, galing iyon sa killer. Nanindig ang balahibo ko nang makita ang picture ng pinto ng bahay namin. Sobrang lapit talaga.Sinundan pa ito ng isang text.I have something for you. Come outside. Agad akong napatayo nang mabasa iyon. Mahigpit kong hawak ang cellphone ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa pinto. Sumilip din muna ako sa hagdan dahil baka may biglang bumaba.
Comments