Share

Chapter Four

Author: HiddenMask
last update Huling Na-update: 2024-10-29 17:28:16

PAKIRAMDAM ni Amelia ay lutang ang isip niya sa mga sandaling iyon. Hindi siya naka-react nang ngitian sila ni Cormac. "Fashion magazine? Please sit down."

"Ate Amelia, ano ba ang iniisip mo?"

Kung hindi lang siya pinaalalahanan ni Matet na nasa tabi niya ay hindi pa siya babalik sa tamang kaisipan niya. Kurap-kurap na naupo siya sa sofa kasama ni Matet at ng iba pa.

Pinagulong naman ni Cormac ang wheelchair palapit sa kanila.

"Mr. Fortalejo, can we start?" Excited na tanong naman ni Matet. Halatang interisado na itong may malaman tungkol sa lalaki.

"Please," walang emosyong sagot nito.

Hindi man lang tiningnan ni Cormac si Amelia mula umpisa hanggang dulo, na para bang hindi sila magkakilalang dalawa.

Dahil sa malayong ugali na pinapakita ni Cormac sa mga oras na iyon, naisip ni Amelia kung ang lalaking kaharap nila ngayon ay kamukha lang ba ng kanyang asawa na si Cormac?

Tumikhim si Matet. "Um... Mr. Fortalejo, you are so mysterious that no one even knows your full name. Do you mind telling us your name?" namumula ang mukhang tanong nito.

"Cormac Fortalejo," mabilis nitong sagot.

Ang dalawang eleganteng salita ay maayos na lumabas mula sa manipis na mga labi ng lalaki na nasa kanyang harapan ngayon na agad na bumasag sa huling pantasya ni Amelia. Cormac Fortalejo.

Siya nga talaga si Cormac Fortalejo. Ang lalaking pinakasalanan niya!

"Cormac Fortalejo, it's really a nice name." Mapangakit na ngumiti si Dona, "Next, we want to ask you a few questions," sabi pa nito.

Nang matapos magsalita ni Dona ay agad na napatingin ito sa kanya, ngunit nang makitang nakatulala pa rin siya kay Cormac ay hindi nito maiwasang mabalisa at palihim siyang kinurot.

"Aray!" Mahinang daing niya sa sakit.

Para sa interview ngayon, napagkasunduan kasi nila na siya ang gagawa ng interview habang sina Matet at Dona naman ang magsusulat.

Nang makita niya ang pagtatakang tingin ni Dona sa kanya ay mabilis niyang pinakalma ang naguguluhan niyang puso at professional na humarap kay Cormac. "Mr. Fortalejo, may I ask if you are from Alta Syudad?" pag-uumpisa niya.

"I guess so." Hindi tulad ng pagkabalisa ni Amelia, si Cormac ay kalmado lang mula umpisa hanggang dulo. "Ipinanganak ako sa Alta Syudad, pero nagpunta ako sa America noong bata pa ako."

Nang marinig ni Amelia ang sagot nito, hindi niya maiwasang hindi matawa. Ang lalaking nakaupo sa tapat niya ay ang kanyang asawa, pero wala man lang siyang kaalam-alam na kahit na anong impormasyon tungkol sa lalaki.

Dahil nasa trabaho siya ngayon, mabilis na inalis ni Amelia ang magulong kaisipan at pinagpatuloy ang pagtatanong isa-isa ng mga inihanda niyang tanong kanina

Naging maayos ang interview. Bagama't napakalamig ni Cormac pero ito ay napaka-cooperative, na itinama ang mga hindi magandang imahe ng lalaki ayon sa kumakalat na balibalita.

Pinilit ni Amelia magseryoso sa oras ng interview at pansamantalang kinalimutan na ang lalaking nasa harapan niya ay ang kanyang asawa, ngunit nang tumuon ang mga mata niya sa susunod na tanong ay bigla siya muling nabulunan at natahimik ang lahat.

Siniko siya ni Matet. "Ate Amelia, anong ginagawa mo?" May pagtatakang tanong nito.

"I'm sorry, Mr. Fortalejo, this question is a bit personal, pero naniniwala ako na marami sa aming mambabasang babae ang magiging interesado sa tanong na ito." Pilit na pinipigilan ni Amelia ang kakaibang nararamdaman sa puso niya at tsaka nagpatuloy sa pagtanong, "Are you single?"

Sa sandaling lumabas ang katanungan na iyon sa bibig niya ay gusto niyang kagatin ang dila sa mga oras na iyon.

Alam niyang wala itong kabuluhan dahil alam naman kasi niya kung single pa si Cormac o hindi na, pero dahil walang kaalam-alam sila Matet at Dona na nasa tabi niya ay hindi niya iyon maiwasang itanong.

Pagkatapos tanungin ni Amelia si Cormac ay kinabahan siya. Hindi niya alam kung ilusyon lang ba ang nakita niya dahil ang mga mata ni Cormac na kanina pa kalmado ay tila may sumilip na ngiti sa mga sandaling iyon.

Ngunit ang ngiti na iyon ay panandalian lang, napakabilis kaya hindi maiwasan ni Amelia na mag-isip kung ito ba ay sariling ilusyon lang o hindi.

"This question..." Marahang sagot ni Cormac, na may hindi mahuhulaang tono sa boses nito. "I wonder what do you think, Miss Reporter?"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Three Hundred Nine

    Hinila ni Pablo si Landrex papasok, nakatali ang mga kamay at halatang wala pa sa sarili.Napapikit si Landrex at saka tumingin kay Cormac, unti-unting nagkakamalay.Sumigaw siya, “Cormac, ano bang problema mo?! Ganito ba ang isang kaibigan? Sabihin mo kay Pablo na pakawalan ako!”Kanina lang, sa kanyang private apartment, nananaginip si Landrex na may magandang babae sa kanyang bisig—nang bigla siyang hilahin palabas mula sa ilalim ng kama. Pagtingin niya, si Pablo pala iyon! Galit na galit siya!Bago pa man siya makapagmura, umatake na agad si Pablo. Alam niyang magaling si Pablo, kaya hindi na siya lumaban. Nagmadali siyang nagbihis pero nagulo lang lalo ang ayos niya. Pagkatapos ay itinali siya ni Pablo at dinala rito.Paulit-ulit siyang nagtanong kay Pablo kung anong nangyayari, pero ni isang salita ay hindi siya sinagot. Sa sobrang galit niya, parang nanginginig ang puso niya.Ngayon, nakaupo pa rin siya sa harap ni Cormac na parang isang bilanggo—walang tubig, walang paliwanag,

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Three Hundred Eight

    Hindi nagpakita ng awa si Amelia kay Francesca sa artikulo. Ang mga katotohanan ay mananatiling katotohanan, at kailangan niya itong turuan ng leksyon. Kung patuloy na kakapit si Francesca kay Cormac, tiyak na maaapektuhan ang kanyang karera sa showbiz.Ginawa ito ni Amelia para na rin sa ikabubuti ni Francesca. Sa huli, pareho naman silang babae, at hindi madali ang kumita ng pera. Sapat na ang dinanas ni Francesca—ayaw ni Amelia na siya pa ang tumulak dito habang nakalugmok na.Tahimik na lumipas ang araw, at sa wakas ay dumating na ang oras ng uwian. Abala ang lahat sa opisina sa kani-kanilang gawain, ngunit sabay-sabay din silang umalis pagdating ng uwian.Si Amelia ang huling lumabas ng opisina at napansin niyang bukas pa ang ilaw sa opisina ni Jerome. Tahimik siyang lumabas.Nag-text si Cormac at sinabing uuwi ito para maghapunan.Nang tanungin ni Amelia kung anong gusto nitong kainin, walang kahihiyang sumagot si Cormac, “Ikaw.”Namula muli ang mukha ni Amelia, at hindi niya na

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Three Hundred Seven

    Inipon ni Amelia ang kanyang mga iniisip. Umarko ang kilay ni Francesca. "Sige, marami na akong nasabi, kaya kung ako sayo umatras ka na lang dahil nasisiguro ko na mahihirapan ka lang at hindi ka mananalo laban sa akin!" Tila hindi siya hahayaang umalis ni Francesca maliban kung sasangayon siya sa gusto nito. kailangan ng matapos ang pag-uusap nila dahil mayroon pa siyang mabibigat na gawain, tulad ng kung paano i-layout ang mga larawan nina Francesca at Cormac sa ulat, at kung saan ilalagay ang mga ito para gawin itong mas kapana-panabik. Sumimsim si Amelia ng itim na kape. "Kahit na sinabi mo ito nang buong kumpiyansa, pakiramdam ko ay hindi pamilyar sa iyo si Mr. Fortalejo gaya ng inilarawan mo. Maaari mo bang ilarawan ito nang mas detalyado at malinaw?" marahan niyang sabi. Ang away ng isang babaeng nagseselos ay agad na naging isang panayam sa balita para kay Amelia. Hindi naintindihan ni Francesca at sumagot, "Okay. Tapos sasabihin ko sa'yo. Sa tin

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Three Hundred Six

    Nagkita sina Francesca at Amelia sa Deep Blue Sea Café sa sentro ng Manila. Ito ay isang napaka sikat na cafe restaurant na dinadayuhan ng maraming sikat na celebrity. may kadiliman ang kinaroroonan nila na masasabing sinadya para gusto ng privacy. Nagpalit na si Francesca ng kanyang mahabang coat at nagpalit ng napakamahal na damit. Itinali niya rin ang kanyang mahabang buhok ng mataas at nakadamit ng mamahaling damit na nagkakahalaga ng sampu-sampung milyon. Si Amelia naman ay nagsuot lamang ng simpleng damit ng ilang beses na niyang nasuot. Palagi niyang nakikita si Aurora na nagpapakitang-gilas sa kanyang harapan, kaya gaano man karangal at kaganda ang pananamit ni Francesca, hindi ito magdudulot ng anumang paghanga sa puso ni Amelia. Nagsindi ng sigarilyo si Francesca. Gustong pigilan ng waiter si Francesca pero nang makita niyang big star ito ay hindi na ito kumibo pa. Hindi kayang pagsabihan ng waiter ang kilalang actress. Nagbuga ng usok si Francesc

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Three Hundred Five

    "Anong maganda sa kanya na kailangan ko siyang ipaimbestiga?" mataray na tanong ni Francesca, "Nakilala ko ang kanyang mga kasamahan niya kagabi at sinabi nila sa akin. Ang Amelia na iyon ay simple lang ang hitsura at mukhang di pagkakatiwalaang babae. Naging sunud-sunuran lang siya sa iyo dahil sa iyong pera at kapangyarihan. Mr. Fortalejo. Sinasabi ko sa iyo, marami na akong nakitang babae na kagaya niya. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang kanyang talino,, ngunit tiyak na mayroon siyang masamang intensyon na lapitan ka! Huwag kang magpaloko sa kanya." Malamig ang mga matang tiningnan ni Cormac si Francesca. "Ayokong marinig na binabanggit mo ang pangalan ni Amelia. Kapag muli mong binanggit ang pangalan niya, pinapangako ko sayong hindi mo magustohan kung ano ang kaya kong gawin," malamig ang boses na sabi niya. Napakaseryoso ang mga salita ni Comrac kaya napabuntong hininga na lang si Francesca. Hindi niya inaasahan na ganoon ang halaga ni Amelia sa mga mata ni C

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Three Hundred Four

    Natigilan si Amelia at hindi maiwasang pamulahan ang kanyang mukha nang makita ang gwapong mukha ni Cormac na napakalapit sa kanya. Sa katunayan, siya ang paulit-ulit na humihiling kay Cormac na magkaroon ng dinner kay Francesca, pero sa huli, siya ang nagseselos. Sobrang nakakahiya talaga. Nahihiyang ngumiti si Amelia. Nahuli ni Cormac ang ngiti ni Amelia, nanlambot ang kanyang mga mata, at niyakap niya ito sa kanyang mga bisig, "Ang ganda mo ngayong gabi," anas nito. maganda ba siya? Pero wala naman nagbago sa karaniwan niyang suot, manipis na make-up at walang kaayos-ayos na buhok. Paano nito nasabi na maganda siya? Binawi ni Amelia ang kanyang kamay dahil ang hiyang nararamdaman niya ay hindi pa rin nawawala. "Paano ako magiging kasing ganda ni Francesca? Napakasexy niya, at ang damit na suot niya ngayon ay halos lumantad ang kanyang dibdib." Hindi napigilan ni Cormax na ngumiti at sinabing iyon ni Amelia. "Mas maganda ka kay Frnacesca," sab

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status