Share

Chapter Three

Author: HiddenMask
last update Last Updated: 2024-10-29 17:27:08

SAGLIT na natigilan si Amelia bago niya napagtanto na ang dahilan kung bakit nagbihis ng maganda si Matet ay dahil sa taong iinterbyuhin nila mamayang hapon at iyon ay ang president ng F Incorporation.

Ang F Incorporation ay isang maalamat at matatag na kumapanya sa buong Alta Syudad. Naitatag ang F Incorporation tatlong taon na ang nakalilipas at mabilis na nakilala sa financing industry sa bansa.

Sa sumunod na tatlong maikling taon, ang kumpanyang ito ay mabilis na naging isa sa pinakamalaking family business sa bansa, at sa loob ng ilang panahon ay kapantay na ito ng tatlong kilalang kumpanyang matagal nang itinatag sa bansa.

Ang presidente ng F Incorporation ay higit na kainte-interisado kaysa sa kumapanya nito mismo.

Sa loob ng tatlong taon na iyon ay hindi pa alam ang mga inpormasyon tungkol sa presidenteng ito, ni walang nakakaalam ng buo nitong pangalan at hitsura. Ngunit ito ay hindi nakakaapekto sa pagiging diterminado ng lahat para makilala ang misteryosong pangulo na ito.

Tulad na lang ni Matet, talagang nagpaganda pa ito nang malaman nitong iinterbyuhin nila ang presidente ng F Incorporation sa pagkakataong iyon.

Nakangiting tumingin si Amelia kay Matet. "Matet, gusto mo ba talagang ma-impress sa'yo itong Presidente ng F Incorporation? Hindi ka ba natatakot na baka isa talaga siyang kalbo na matanda?"

"Pfft! Hindi ako naniniwala!" Parang batang pinadyak ni Matet ang paa nito. "Narinig ng lahat na ang presidente ng F Incorporation ay binata pa at isang ganap na bachelor!"

"Ang ganitong pagkakataon na interview ay bihira kaya dapat tayong maghanda ng mabuti. Alam niyo naman na ito ang unang pagkakataon na tumanggap si Mr. Fortalejo ng interview sa media. Kung makukunan natin siya ng litrato, tiyak na magdadala ito ng malaking uportunidad sa pagtaas ng sale ng magazine natin,” singit ni Dona na siyang empleyado rin ng fashion magazine.

Tumango si Amelia bilang pagsangayon.

Ang presidente ng F Incorporation ay talagang hindi tumatanggap ng mga interview. Tinanggihan nito ang kumapanya nila noong una nila itong inimbitahan na ma-interview at hindi nila alam kung ano ang problema.

Kahapon, bigla ulit tumawag ang F Incorporation at sinabing tatanggap sila ng interview. Ang biglaang magandang balitang ito ay gumulat sa kanilang editor-in-chief na para bang isa lamang iyong ilusyon lang.

Pagkatapos niyang suriin ang nilalaman ng magiging panayam, sina Amelia, Dona at Matet, kasama ang photographer, ay agad ng tumungo sa F Incorporation.

Ang F Incorporation ay matatagpuan sa financial district ng Alta Syudad. Pagkatapos batiin ang front desk lady sa ika-unang palapag, si Amelia at ang iba ay sumakay na sa elevator na diretso sa pinaka itaas na palapag ng gusali.

"Is this the Fashion Magazine?" Agad na tanong ng secretary ng president’s office nang makita silang lumabas mula sa elevator. “hinihintay na kayo ni Mr. Fortalejo sa loob ng office,” anito na hinatid na sila nito papasok sa loob ng opisina ng presidente.

Mr. Fortalejo?

Natigilan si Amelia. Hindi niya akalain na ang misteryosong president ng F Incorporation ay kaparehas pala ng apelyido ng kanyang napangasawa.

Pagpasok nila sa kwarto ay sobrang kabado si Matet at patuloy na hinila si Amelia at mahinang tinatanong kung magulo ba ang buhok nito.

Bahagyang natawa si Amelia. "Hindi. Hindi magulo, maganda…” mahina niyang sabi.

Ngunit nang makita niya ang pigura ng lalaki na nasa tabi ng French window, bigla siyang natigilan at nakalimutang ipagpatuloy ang sasabihin kay Matet.

Tumuon naman ang mga mata ni Matet sa lalaking nasa bintana sa mga oras na iyon. Hindi na niya pinansin pa si Amelia. "Diyos ko! Ang presidente ng F Incorporation... ay... ay... naka-wheelchair?" pabulong nitong sabi.

Bago pa makasagot si Amelia ay dahan-dahang umikot paharap sa kanila ang lalaking nasa wheelchair.

Napasinghap si Matet. "Oh my…ang gwapo ni Mr. Fortalejo! Mas gwapo pa siya kaysa sa isang artistang lalaki!" Nawala na sa isip nito na ang lalaki ay sakay ng wheelchair.

Ngunit parang walang narinig si Amelia mula sa labis na pagkamangha ni Matet. Nakatitig lang siya sa lalaking nasa kanyang harapan. Parang binuhusan siya ng nagyeyelong tubig sa mga oras na iyon.

Ang sinag ng araw mula sa labas ng bintana ay tumatama sa anggular na mukha ng lalaking nasa wheelchair, na nasisinagan ang perpekto nitong mukha. Ang malamig at madilim nitong mga mata ay gaya parin ng dati. 

It's Cormac Fortalejo.

The president of F Incorporation is actually Cormac Fortalejo?!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Three Hundred Seven

    Inipon ni Amelia ang kanyang mga iniisip. Umarko ang kilay ni Francesca. "Sige, marami na akong nasabi, kaya kung ako sayo umatras ka na lang dahil nasisiguro ko na mahihirapan ka lang at hindi ka mananalo laban sa akin!" Tila hindi siya hahayaang umalis ni Francesca maliban kung sasangayon siya sa gusto nito. kailangan ng matapos ang pag-uusap nila dahil mayroon pa siyang mabibigat na gawain, tulad ng kung paano i-layout ang mga larawan nina Francesca at Cormac sa ulat, at kung saan ilalagay ang mga ito para gawin itong mas kapana-panabik. Sumimsim si Amelia ng itim na kape. "Kahit na sinabi mo ito nang buong kumpiyansa, pakiramdam ko ay hindi pamilyar sa iyo si Mr. Fortalejo gaya ng inilarawan mo. Maaari mo bang ilarawan ito nang mas detalyado at malinaw?" marahan niyang sabi. Ang away ng isang babaeng nagseselos ay agad na naging isang panayam sa balita para kay Amelia. Hindi naintindihan ni Francesca at sumagot, "Okay. Tapos sasabihin ko sa'yo. Sa tin

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Three Hundred Six

    Nagkita sina Francesca at Amelia sa Deep Blue Sea Café sa sentro ng Manila. Ito ay isang napaka sikat na cafe restaurant na dinadayuhan ng maraming sikat na celebrity. may kadiliman ang kinaroroonan nila na masasabing sinadya para gusto ng privacy. Nagpalit na si Francesca ng kanyang mahabang coat at nagpalit ng napakamahal na damit. Itinali niya rin ang kanyang mahabang buhok ng mataas at nakadamit ng mamahaling damit na nagkakahalaga ng sampu-sampung milyon. Si Amelia naman ay nagsuot lamang ng simpleng damit ng ilang beses na niyang nasuot. Palagi niyang nakikita si Aurora na nagpapakitang-gilas sa kanyang harapan, kaya gaano man karangal at kaganda ang pananamit ni Francesca, hindi ito magdudulot ng anumang paghanga sa puso ni Amelia. Nagsindi ng sigarilyo si Francesca. Gustong pigilan ng waiter si Francesca pero nang makita niyang big star ito ay hindi na ito kumibo pa. Hindi kayang pagsabihan ng waiter ang kilalang actress. Nagbuga ng usok si Francesc

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Three Hundred Five

    "Anong maganda sa kanya na kailangan ko siyang ipaimbestiga?" mataray na tanong ni Francesca, "Nakilala ko ang kanyang mga kasamahan niya kagabi at sinabi nila sa akin. Ang Amelia na iyon ay simple lang ang hitsura at mukhang di pagkakatiwalaang babae. Naging sunud-sunuran lang siya sa iyo dahil sa iyong pera at kapangyarihan. Mr. Fortalejo. Sinasabi ko sa iyo, marami na akong nakitang babae na kagaya niya. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang kanyang talino,, ngunit tiyak na mayroon siyang masamang intensyon na lapitan ka! Huwag kang magpaloko sa kanya." Malamig ang mga matang tiningnan ni Cormac si Francesca. "Ayokong marinig na binabanggit mo ang pangalan ni Amelia. Kapag muli mong binanggit ang pangalan niya, pinapangako ko sayong hindi mo magustohan kung ano ang kaya kong gawin," malamig ang boses na sabi niya. Napakaseryoso ang mga salita ni Comrac kaya napabuntong hininga na lang si Francesca. Hindi niya inaasahan na ganoon ang halaga ni Amelia sa mga mata ni C

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Three Hundred Four

    Natigilan si Amelia at hindi maiwasang pamulahan ang kanyang mukha nang makita ang gwapong mukha ni Cormac na napakalapit sa kanya. Sa katunayan, siya ang paulit-ulit na humihiling kay Cormac na magkaroon ng dinner kay Francesca, pero sa huli, siya ang nagseselos. Sobrang nakakahiya talaga. Nahihiyang ngumiti si Amelia. Nahuli ni Cormac ang ngiti ni Amelia, nanlambot ang kanyang mga mata, at niyakap niya ito sa kanyang mga bisig, "Ang ganda mo ngayong gabi," anas nito. maganda ba siya? Pero wala naman nagbago sa karaniwan niyang suot, manipis na make-up at walang kaayos-ayos na buhok. Paano nito nasabi na maganda siya? Binawi ni Amelia ang kanyang kamay dahil ang hiyang nararamdaman niya ay hindi pa rin nawawala. "Paano ako magiging kasing ganda ni Francesca? Napakasexy niya, at ang damit na suot niya ngayon ay halos lumantad ang kanyang dibdib." Hindi napigilan ni Cormax na ngumiti at sinabing iyon ni Amelia. "Mas maganda ka kay Frnacesca," sab

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Three Hundred Three

    Isang malamig na tingin ang ibinigay ni Cormac kay Francesca dahilan para bahagyang napaatras si Francesca at bahagyang nanginginig ang katawan nito. "Miss Delvin, tinatapos ko na ang dinner natin. Mauuna na ko." Hindi makapaniwala si Francesca sa kanyang narinig. Ano ito? Lantaran ba siyang nire-reject nito? Pinandilatan ni Francesca ang babaeng nasa kanyang harapan at inilagay ang lahat ng sisi rito. Ito marahil ang sumira sa date nila ni Cormac ngayong gabi. Mukhang minamaliit siya ng babaeng ito! Nakaramdam ng pagkainis si Francesca at hindi niya alam kung ano ang nagawa niya para tratuhin ng ganito ni Cormac. Naging maayos naman ang dinner nila ni Cormac. Nasisiguro rin niya na sana makakapiling niya ang lalaki ngayong gabi, pero dahil sa babaeng ito ay nabulilyaso lahat! "Let's go, Amelia," mahinahong anyaya ni Comrac sa babae. Pagkatapos noon, hindi pinansin ng dalawa si Francesca at dire-diretsong umalis mula sa likod na pinto ng ho

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Three Hundred Two

    Ang sunod na nangyari, ang matipunong mga kamay ay hinila siya pabalik sa loob ng rest room. Mabilis nitong isinara ang ang pinto at agad iyong ni-lock.. Kunot ang noong nagulat si Amelia at nakita si Cormac sa loob ng rest room. "Cormac?" gulat na tanong niya. "Bakit nandito ka? Hindi ba dapat kasama mo si Francesca? Paano kung..." Bago pa matapos ni Amelia ang sasabihin ay mabilis na tumayo si Cormac mula sa wheelchair nito at itinulak siya sa sulok nang cubicle at wala siyang magawa para tumanggi. Kininalso nito ang kamay sa pader na nasa kanyang likod at ang braso nito pumuyos sa bewang niya at humawak sa kanya ng mahigpit, kaya hindi siya makagalaw. Ano ba ang nangyayari kay Cormac? Tinitigan ni Amelia ang asawa na nanlalaki ang mga mata. "Amelia, galit ka ba? Pero hindi ba ito ang gusto mong mangyari?" taas ang kilay na tanong no Cormac sa kanya sa mahinahong boses. Kinagat ni Amela ang kanyang ibabang labi. May gusto siyang sabihin n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status