Sa mismong araw sana ng kasal ni Amelia ay hindi sumipot ang lalaking mapapangasawa niya. Pero hindi inaasahan na isang estranghero ang lumapit sa kanya at basta na lang siyang inalok ng kasal. Ayaw sanang tanggapin ni Amelia ang alok na kasal pero kinakailangan niya iyon para sa pagpapagamot ng kanyang inang may sakit. Pagkatapos ng kasal, saka lang niya nalaman ang pangalan ng estranghero na hindi mawala sa kanyang isipan. His name is Cormac. Pero hindi niya inaasahan ang lalaking napangawa niya ay isa palang bilyonaryo.
View MorePAGDATING ni Amelia sa Civil Affairs Bureau, hindi pa dumarating ang lalaking pakakasalan niya.
Lumipas na ang kalahating oras mula sa napagkasunduang nilang oras, pero hindi pa rin dumarating ang lalaki. Tatawagan na sana ito ni Amelia nang biglang tumawag ang lalaki.
"Amelia, sinungaling ka, pinaglaruan ka na’t lahat at niloko noong kolehiyo, ngayon gusto mong humanap ng tapat na lalaki na mapapangasawa? Sinasabi ko sa iyo, mangarap ka!” sabi nito mula sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag.
"No wonder, kaya ka nag-propose ka ng kasal sa'kin sa loob ng tatlong araw ng date natin. Kung hindi lang sa university mo nag-aaral ang ex-girlfriend ko, muntik na akong magpaloko sayo. Walanghiyang babae! Pweh!" sabi pa nito. Pagkatapos ni'yon ay tumunog ang end call tone tanda na binaba na nito ang tawag.
Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon si Amelia para magpaliwanag bago siya nito hinusgahan.
Namumutla ang kanyang mga daliri habang hawak ang cellphone niya. Bumuka ang kanyang mga labi ngunit walang namumutawi na kahit na anong salita mula roon para maipagtanggol man lang ang sarili.
Medyo malakas ang boses ng nasa kabilang linya dahilan para marinig ito ng ilang taong malapit kay Amelia. Ang mapanghamak at mapanghusgang mga mata ng mga tao ay parang makakapal na karayom na tumutusok sa puso niya.
Muling bumalik sa kanya ang bangungot noong nakaraang dalawang taon. Ang walang katapusang kadiliman ng gabing iyon na puno ng sakit at kahihiyan na kahit anong pilit niyang takasan ay hindi niya magawang kalimutan.
Lumandas ang mga malalamig na butil ng pawis mula sa kanyang noo, namutla ang kanyang mukha at ang kanyang buong katawan ay biglang nanginig nang hindi inaasahan.
Sa hindi kalayuan, isang pares ng maitim na mata na kasing lalim ng isang sinaunang balon ang nakatitig kay Amelia at ang mga payat na daliri nito ay hindi sinasadyang tumapik sa armrest ng wheelchair nito habang may kahulugan ang bawat mga tingin nito.
"Mr. Fortalejo." Sa oras na iyon, isang binata ang nagmamadaling dumating sa gilid ni Cormac at bumulong, "Pinapasabi ni Miss Jane na na-stuck siya sa gitna ng traffic at maaaring isang oras pa siya bago makarating dito," pagbibigay nito ng inpormasyon.
"Tell her that she doesn't need to come." Ang malamig na mga mata ni Cormac ay nakatuon pa rin sa estrangherang babae habang ang kanyang tono ay walang emosyon. "Ayoko ng mga babaeng sadyang sinasamantala ang Fortalejo."
"P-pero..." Tila napahiya ang binatang assistant na nasa tabi niya. "Pinipilit ho kasi ako ng matanda..."
Parang hindi narinig ni Cormac ang sinabi nito na pinindot niya ang switch sa wheelchair at umandar patungo sa hindi kilalang babae.
"Miss, can you please marry me?"
Nang marinig ni Amelia ang malinaw at baritonong boses ng hindi kilalang lalaki ay hinila siya pabalik sa realidad mula sa madilim na nakaraan.
Napayuko si Amelia at bahagyang natigilan. Isang lalaking naka-wheelchair ang bigla na lang lumapit sa kanya nang hindi niya namamalayan.
Ang lalaki ay may isang makapigil-hiningang perpektong mukha na may makapal na kilay at matingkad na mga mata. Bawat detalye sa mukha nito ay parang maingat na inukit na gawa sa isang sining at ni walang kahit isang kapintasan.
He was wearing a simple white shirt, but it was very well tailored, na bumabagay sa taas at perpekto nitong pangangatawan. Kahit na nasa wheelchair ito, hindi maiaalis na meron itong nakaka-intimidate na imahe, tulad ng bulaklak na nasa taas ng bundok na hindi magagawa na malalapitan ito basta-basta ng mga tao.
"Ano?" Saglit na natigilan si Amelia. Hindi pa siya tuluyang nakakabalik sa kanyang katinuan nang muling magsalita ang estrangherong lalaki.
"Hindi ko sinasadyang marinig ang pakikipag-usap mo. Kinakailangan mong maikasal tama ba?"
Huminto ang paghinga ni Amelia at muli siyang nakaramdam ng matinding kahihiyan sa mga oras na iyon.
"Coincidentally, I am the same as you," sabi pa nito.
Bago pa makasagot si Amelia, nagpatuloy ang lalaki, mahinahon ang boses nito na parang hindi mahalagang pangyayari sa buhay ang pinag-uusapan, kundi isang business proposal lang. "Kapag pumayag ka makukuha natin ang gusto natin. May mali ba sa sinabi ko?"
Sa wakas ay nakuha na ni Amelia ang gusto nitong iparating. Ang lalaking nasa harapan niya ay gusto siyang pakasalan, pero hindi naman siya nito kilala. Ito ay talagang nakakatawa!
"Mister, hindi tayo magkakilala at hindi biro itong desisyon na inaalok mo sa'kin," aniya.
"Hindi mo rin naman kilala yung mga lalaking nakilala mo mula sa blind date diba?" Mahinahong pero direktang sagot ng lalaki.
Natigilan at hindi na naman makasagot si Amelia sa sinabi ng lalaki dahil totoo naman ang mga sinabi nito.
"Oh, I see. Minamaliit mo ba ako dahil meron akong kapansanan?" tanong nito.
"Hindi sa ganu'n," mabilis na sagot ni Amelia. Pero nang makita niya ang bahagyang pagngiti ng maitim nitong nga mata, napagtanto niyang parang pinangunahan siya ng lalaki.
"Miss," pinagkrus ng lalaki ang mga kamay at ipinatong ang mga iyon sa kanyang mga binti na nasa wheelchair, habang mataimtim itong naka tingin sa kanya. "I believe you really need this marriage. Kung sasayangin mo ang pagkakataong ito, kailan ka ulit magkakaroon ng pagkakataon?"
Inaamin ni Amelia na siya ay unti-onting nakukumbinsi ng estrangherong lalaki. Kinakailangan talaga niyang maikasal. Sa maikling salita kinakailangan niyang marehistro sa bayan na ito. Sa ganitong paraan kasi ay maaari siyang mag-aplay para sa lokal na tulong medikal at kayang bayaran ang malaking gastusin sa pagpapagamot ng kanyang ina.
Tinitigan niya ang lalaking sakay ng wheelchair na nasa kanyang harapan at tinanong ito, "Residente ka ba ng Alta Syudad?"
Tumaas ang sulok ng labi ng estrangherong lalaki. "Yes."
Hindi na muling sumagot si Amelia, at tahimik na hinawakan ng mahigpit ang libro ng pagpaparehistro sa bayan ng Alta Syudad.
Bagama't may kapansanan ang lalaking nasa harapan niya ay mas maganda ang hitsura at kilos nito kaysa sa mga mukhang dugyot na lalaking nakilala niya sa mga blind date noon.
Amelia, diba sa nakalipas na tatlong buwan, ang hinihiling mo ay makapagpakasal kaagad sa isang lokal at makakuha ng rehistro rito? Ngayon ang pagkakataon para matupad ang iyong hiling ay nasa harap mo na, ano pa ang hinihintay mo? Aniya sa kanyang isipan.
Kinagat ni Amelia ang kanyang labi, pinigilan ang huling pag-aalinlangan sa kanyang puso, kuway itinaas ang kanyang ulo at sinabing: "Okay, I'll marry you."
Nagkita sina Francesca at Amelia sa Deep Blue Sea Café sa sentro ng Manila. Ito ay isang napaka sikat na cafe restaurant na dinadayuhan ng maraming sikat na celebrity. may kadiliman ang kinaroroonan nila na masasabing sinadya para gusto ng privacy. Nagpalit na si Francesca ng kanyang mahabang coat at nagpalit ng napakamahal na damit. Itinali niya rin ang kanyang mahabang buhok ng mataas at nakadamit ng mamahaling damit na nagkakahalaga ng sampu-sampung milyon. Si Amelia naman ay nagsuot lamang ng simpleng damit ng ilang beses na niyang nasuot. Palagi niyang nakikita si Aurora na nagpapakitang-gilas sa kanyang harapan, kaya gaano man karangal at kaganda ang pananamit ni Francesca, hindi ito magdudulot ng anumang paghanga sa puso ni Amelia. Nagsindi ng sigarilyo si Francesca. Gustong pigilan ng waiter si Francesca pero nang makita niyang big star ito ay hindi na ito kumibo pa. Hindi kayang pagsabihan ng waiter ang kilalang actress. Nagbuga ng usok si Francesc
"Anong maganda sa kanya na kailangan ko siyang ipaimbestiga?" mataray na tanong ni Francesca, "Nakilala ko ang kanyang mga kasamahan niya kagabi at sinabi nila sa akin. Ang Amelia na iyon ay simple lang ang hitsura at mukhang di pagkakatiwalaang babae. Naging sunud-sunuran lang siya sa iyo dahil sa iyong pera at kapangyarihan. Mr. Fortalejo. Sinasabi ko sa iyo, marami na akong nakitang babae na kagaya niya. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang kanyang talino,, ngunit tiyak na mayroon siyang masamang intensyon na lapitan ka! Huwag kang magpaloko sa kanya." Malamig ang mga matang tiningnan ni Cormac si Francesca. "Ayokong marinig na binabanggit mo ang pangalan ni Amelia. Kapag muli mong binanggit ang pangalan niya, pinapangako ko sayong hindi mo magustohan kung ano ang kaya kong gawin," malamig ang boses na sabi niya. Napakaseryoso ang mga salita ni Comrac kaya napabuntong hininga na lang si Francesca. Hindi niya inaasahan na ganoon ang halaga ni Amelia sa mga mata ni C
Natigilan si Amelia at hindi maiwasang pamulahan ang kanyang mukha nang makita ang gwapong mukha ni Cormac na napakalapit sa kanya. Sa katunayan, siya ang paulit-ulit na humihiling kay Cormac na magkaroon ng dinner kay Francesca, pero sa huli, siya ang nagseselos. Sobrang nakakahiya talaga. Nahihiyang ngumiti si Amelia. Nahuli ni Cormac ang ngiti ni Amelia, nanlambot ang kanyang mga mata, at niyakap niya ito sa kanyang mga bisig, "Ang ganda mo ngayong gabi," anas nito. maganda ba siya? Pero wala naman nagbago sa karaniwan niyang suot, manipis na make-up at walang kaayos-ayos na buhok. Paano nito nasabi na maganda siya? Binawi ni Amelia ang kanyang kamay dahil ang hiyang nararamdaman niya ay hindi pa rin nawawala. "Paano ako magiging kasing ganda ni Francesca? Napakasexy niya, at ang damit na suot niya ngayon ay halos lumantad ang kanyang dibdib." Hindi napigilan ni Cormax na ngumiti at sinabing iyon ni Amelia. "Mas maganda ka kay Frnacesca," sab
Isang malamig na tingin ang ibinigay ni Cormac kay Francesca dahilan para bahagyang napaatras si Francesca at bahagyang nanginginig ang katawan nito. "Miss Delvin, tinatapos ko na ang dinner natin. Mauuna na ko." Hindi makapaniwala si Francesca sa kanyang narinig. Ano ito? Lantaran ba siyang nire-reject nito? Pinandilatan ni Francesca ang babaeng nasa kanyang harapan at inilagay ang lahat ng sisi rito. Ito marahil ang sumira sa date nila ni Cormac ngayong gabi. Mukhang minamaliit siya ng babaeng ito! Nakaramdam ng pagkainis si Francesca at hindi niya alam kung ano ang nagawa niya para tratuhin ng ganito ni Cormac. Naging maayos naman ang dinner nila ni Cormac. Nasisiguro rin niya na sana makakapiling niya ang lalaki ngayong gabi, pero dahil sa babaeng ito ay nabulilyaso lahat! "Let's go, Amelia," mahinahong anyaya ni Comrac sa babae. Pagkatapos noon, hindi pinansin ng dalawa si Francesca at dire-diretsong umalis mula sa likod na pinto ng ho
Ang sunod na nangyari, ang matipunong mga kamay ay hinila siya pabalik sa loob ng rest room. Mabilis nitong isinara ang ang pinto at agad iyong ni-lock.. Kunot ang noong nagulat si Amelia at nakita si Cormac sa loob ng rest room. "Cormac?" gulat na tanong niya. "Bakit nandito ka? Hindi ba dapat kasama mo si Francesca? Paano kung..." Bago pa matapos ni Amelia ang sasabihin ay mabilis na tumayo si Cormac mula sa wheelchair nito at itinulak siya sa sulok nang cubicle at wala siyang magawa para tumanggi. Kininalso nito ang kamay sa pader na nasa kanyang likod at ang braso nito pumuyos sa bewang niya at humawak sa kanya ng mahigpit, kaya hindi siya makagalaw. Ano ba ang nangyayari kay Cormac? Tinitigan ni Amelia ang asawa na nanlalaki ang mga mata. "Amelia, galit ka ba? Pero hindi ba ito ang gusto mong mangyari?" taas ang kilay na tanong no Cormac sa kanya sa mahinahong boses. Kinagat ni Amela ang kanyang ibabang labi. May gusto siyang sabihin n
Nanlaki ang mga mata ni Amelia sa nasaksihang eksena! Napaka halata ng mga pamamaraan ng babaeng ito! Gustong magalit ni Cormac sa ginawa ni Francesca pero bigla niyang nakita ang mapait na mukha ni Amelia kaya pinilit niyang pinakalma ang sarili na huwag magalit. Dali-dali niyang inalalayan si Francesca at kumuha ng napkin para punasan ang red wine sa palda at dibdib nito. Nagkatinginan sina Matet at Jorge at ngumisi. Malaking balita! Malaking headline! [Nalasing si Francesca at inalalayan ito ni Mr. Fortalejo] Masyadong nakakaloka ang pamagat na ito! Oo nakikiusap si Amelia kay Cormac na maghapunan kasama si Francesca pero nakaramdam siya ng hindi komportable nang makita niya ang ibang babae na napadikit kay Cormac. May kasabihan nga ang isda na ang lumpit, kaya paanong hindi ito kakainin ng pusa? Hindi iyon nalalayo sa tipikal na mga kalalakihan. Inamin ni Amelia na nakakaramdam siya nga selos at hindi komportable sa .ga nakiki
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments