Dalawang araw na rin ang nakakalipas magmula nang tumira ako sa puder ni Mr. Ivanov at sa loob ng mga araw na iyon, marami na agad akong napagtanto.
Na-realize ko na kadalasan sa mga tao, mahilig lang silang bumase sa mga kwento at haka-haka ng iba, manghuhusga agad kahit hindi pa naman nila nakikita at handang manira ng imahe para lang sa ikasasaya ng pride nila.
Sa loob ng pananatili ko sa mansiyon, unti-unti kong nakikilala ang lalaking pinapakasal sa akin. Ang sasama ng mga kwento nila tungkol sa kaniya, pero bakit ganoon? Malayong-malayo siya sa mga sinasabi nila. At baliw na ba ako kung hinintay kong saktan niya talaga ako para lang mapatunayan na tama ang sinasabi ng mga tao?
Maybe, I really am crazy. Because in those days, I really tried testing his patience. Gumawa ako ng mga bagay na alam kong ikagagalit niya. Katulad nalang ngayon, kunwari aksidente kong nabasag ang mamahaling vase na nasa sala pero ang totoo ay sinadya ko talaga iyon. Gumawa iyon ng malakas na ingay at nagkalat ang mga piraso sa marmol na sahig.
“What the hell?” just like what I expected, bumaba agad siya at huminto sa tapat ko, muntik pang matapakan ang mga bubog kung hindi siya inilayo ni Jasper the butler.
“I’m sorry. I accidently bumped on it…” palusot ko.
I heard his heavy breathing. That’s it. I know whether it’s accidental or not, what I did was unforgivable. I think this is the peak of his patience. Sobrang mahal niyon kaya alam kong magagalit na talaga siya. Hinintay ko ang mala-kulog niyang pagsigaw at paggamit ng rahas sa akin subalit walang dumating. Nang inangat ko ang tingin, kalmado lang ang postura niya bago tumalikod sa akin.
“Clean this mess, Jasper. And Anya?” tawag niya sa mayordoma. “Take madam to her room and check if she got any wound.” Iyon lamang at naglakad na siya paalis.
Hindi ko maalis ang tingin sa malapad niyang likuran na unti-unting lumalayo sa aking paningin. Is this for real? Bakit siya ganito?
Gulong-gulo ang aking isip habang ginagamot ni ate Anya ang kaonting sugat na natamo ko sa sariling kagagahan. Pareho kaming nakaupo sa kama ng aking kwarto. Kanina pa siya tahimik habang dinadampian ng bulak na may betadine ang sugat ko sa paa.
“Ganoon po ba talaga si Mr. Ivanov? Hindi ba siya marunong magalit?” tanong ko at binasag na ang nakakabinging katahimikan.
Umiling siya. “Marunong siyang magalit. Sadyang mahaba lang ang pasensya,” tapos ay tumingin siya sa akin. “Kaya ba pilit kang gumagawa ng paraan para galitin siya? Bakit? Naniniwala ka sa mga sabi-sabi?” prangkang aniya. I feel so cornered. Guilty akong napayuko.
“I’m just confused…”
“Hindi basta-basta nagagalit ang isang tao lalo na ang marurunong magtimpi. Pero tandaan mo na kapag masyado mong inabuso, mas matindi pa sa galit ang ibabalik sa ‘yo. Kaya kung ano nalang ang nakikita ng mga mata mo, tanggapin mong iyon ang katotohanan at huwag nang ipilit pa ang mga kwentong wala namang basehan.” Tumayo na siya at kinuha ang first aid kit. “Nalinis ko na. Magpahinga ka na at tatawagin nalang sa tanghalian.”
“Salamat po.” Para akong natauhan sa mga sinabi niya.
Tumango siya at lumabas na ng aking kwarto. Tumatak sa isip ko ang mga sinabi niya kaya imbes na magpahinga, bumaba ako at nagtungo sa kusina kung saan nadatnan ko siyang naghahanda para sa lulutuin na ulam. Tumikhim ako para kunin ang atensyon ni ate Anya. Hindi naman ako nabigo at agad siyang napalingon sa akin.
“Pwede po ba akong tumulong?” matamis akong ngumiti. Matagal pa niya akong tiningnan na akala mo isa akong alien na bumaba galing ibang planeta.
“Marunong ka ba magluto?” mukhang nagdududa pa siya, ah.
“Of course! I learned to cook since I was sixteen and I have a cousin who’s a professional chef so, it runs in our blood.” Pagmamayabang ko. Kita ko ang medyo pagtaas ng kilay niya pero sa huli ay tumango na rin at hinayaan akong tulungan siya. Yes!
Besides, I love cooking. Nakakalimutan ko ang mga problema kapag nag-eenjoy sa ginagawa. Pero ang plano ko talaga ay ang ipagluto si Mr. Ivanov ng kaniyang paboritong ulam kaya sa kalagitnaan ng paghihiwa ko ng carrots ay itinanong ko kay ate Anya.
“Ano po bang paboritong ulam ni Jordan?” Wow! Nakiki-Jordan na palibhasa may kasalanan ano, Francine?
Ate Anya turned to me. “Lechong kawali at sinigang. Bakit, ipagluluto mo siya? Kaya mo?” She gave me a challenging look.
“Siyempre, kaya po!” I smiled proudly.
Lechong kawali at sinigang? Sus, basic!
Alam na alam mo talaga kapag guilty ang isang tao. Kung makabawi ay wagas. Kaya eto ako ngayon, nasa harapan ni Jordan habang pinagmamasdan siyang sumadlok sa sabaw ng ginawa kong sinigang. Titig na titig ako lalo na nang inilapit na niya ang kutsara sa kaniyang mamula-mulang labi at sinimulang higupin ang sabaw.
“How was it?” kinakabahan kong tanong.
He put the spoon down and licked his lips. Hindi ko maiwasang mapatitig sa parteng iyon. This man is definitely hotter than those male models I encountered. Ni wala ngang panama sa kaniya si Klaus na patpatin, kaya ako ‘yung nanghihinayang para kay ate. But that’s her choice after all. Siyempre mas pipiliin niya ‘yung mahal niya. Kahit ako ganoon din gagawin ko if ever. Pero gayunpaman, galit parin ako sa kaniya. At hindi na yata ‘to mawawala.
“Too bland.” Malamig na sagot ni Jordan. Kumunot ang noo ko at tinikman ang nilutong ulam.
Ninamnam ko pa ng dila para malasahan talaga nang ayos!
“Really? Hindi naman, ah?” pinagti-tripan yata ako nito, ah. Porket may kasalanan ako?
“What, are you telling me that I’m lying?” masungit na aniya. Hindi nga mukhang galit, pero grabe naman kung manlamig!
“H-Hindi naman. Sabi ko nga, matabang ang sinigang…” napipilitan kong sabi. This one isn’t easy, huh? “How about lechong kawali? Ayos ba?” tanong ko pa. Grabeng effort inilaan ko dyan, baka laitin niya din, ha!
I watched him taste it. Sinundan ng mga mata ko ang paggalaw ng kaniyang Adam’s apple.
“Too salty.” He commented. Nalaglag ang panga ko.
Kanina matabang, tapos ngayon maalat naman?
Kalma, Francine. May kasalanan ka kaya ‘yan ganiyan, kaya ikaw nalang magpakumbaba. Pero… argh! Nakakainis parin! Nilait-lait ba naman ang luto ko!
How come I didn’t hear his footsteps? At naiwan ko nga palang nakabukas ang pinto sa sobrang pagkataranta!“Who’s pregnant, wife?” Jordan repeated. Hinarap ko siyang tuluyan at agad pinutol ang tawag.“Ah, my friend! Right, ‘yung kaibigan ko feel niya buntis siya. Uh… nanghihingi sa akin ng advice.” Pagdadahilan ko. I think habang patagal, nasanay na rin ang dila ko na humabi ng mga salitang puro kasinungalingan.“How could she say so?” lumapit siya at umupo sa tabi ko. Phew! Muntik na ‘yon, ah.“Nabutas kasi condom nung boyfriend niya kaya… ayun.” Kinagat ko agad ang dila pagkatapos. Dios ko. Ano ba ‘tong pinagsasabi ko?“Well, that’s tough. But then, he should man up.” Komento ni Jordan na siyang ikinalingon ko.“Let’s say… kapag ikaw, pananagutan mo ba ako?” biglang lumabas sa bibig ko at huli na para mabawi ko pa. Ilang segundo ang lumipas bago ko narinig ang kanyang sagot.“What kind of question is that? Of course, I will take accountability. Ginawa natin pareho, eh. Ginusto pare
“What did you say?” tanong ko dahil hindi ko narinig ang bulong niya, papikit na ako no’n.Hinarap niya ako sabay umiling. “Nothing. Let’s just cuddle for a while.” Isinubsob niya ako sa matigas niyang dibdib. Pabiro kong hinila ang maliliit na balihibo doon. Mababaw siyang dumaing at mas lalo akong inipit ng naglalakihan niyang mga braso. Natawa nalang ako at niyakap siya pabalik.“Baka maabutan tayo ng secretary mo sa ganitong ayos.” I uttered after a moment of silence. Ma-imagine ko palang na may biglang papasok sa pinto at makita kaming hubot-hubad na magkayakap dito ay napapailing na ako. Hindi pa naman ‘yon naka-lock sa pagkakaalam ko, wala na akong time kasi agad akong sinunggaban ng lalaking ‘to.“So what?” Jordan replied. Nagparte ang mga labi ko.“Anong so what? Paano ang repustasyon mo? Sige nga. Anong gagawin mo kapag nabalita ka sa national TV tapos ang headline; CEO ng VNV huli sa akto ng pakikipagsex sa asawa habang nasa oras ng trabaho sa office nito—Gusto mo ba maba
Sa huli, nanalo ang karupukan ko. Napilit ako ni Jordan na manatili sa opisina niya at sabay nalang kaming uuwi mamaya. He texted his butler that he’d just inform him when it’s our time to go home para masundo kami. “Ano namang gagawin ko dito?” nababagot kong tanong habang nililigpit ang pinagkainan niya, ibinalik ulit sa paper bag ang bento box na wala nang laman.“Feel free to roam around. Malawak ang VNV, bumalik ka nalang dito kapag nagsawa ka na.” Jordan said as he went back to his swivel chair. Kinuha niya ang telecom para tawagan ang kung sino. “Come back to my office, Ms. Lazaro. May ipapagawa ako sa ‘yo.” Then, he dropped it.Ms. Lazaro? Iyon ba ‘yung secretary niya?I shrugged that thought off. Gaya ng suggestion niya, nilisan ko pansamantala ang office niya para mag-ikot ikot sa loob ng gusali. At nasa kalagitnaan pa lamang ako ng paggagala, halos mahilo na ako sa lawak ng kumpanya. Narating ko na rin kahit ang pantry para sa mga empleyado, bawat makakasalalubong ko ay na
Sana pala hindi nalang ako pumunta.Sana hinintay ko nalang siya umuwi.Nang sa ganoon, hindi na ako nasaktan pa. Sabi ko ako ‘tong may surpresa, pero biglang ako na ‘tong nasurpresa. Grabeng real quick, ah.Marahas kong isinara ang pinto dahilan para maitulak ni Jordan ang ex-girlfriend niya. It was quick yet already too late for my eyes not to see. Hinarap ako ni Kariel, walang bahid ng kaba at pagsisisi sa kaniyang mukha. Kakaiba din talaga siya. She really got the guts. Kung sabagay, ex nga naman, eh.“Savanna?” at ang magaling kong asawa ay nahulaan naman agad kung sino ang umistorbo sa halikan nila pero wala na akong pake kung paano niya nalaman. I watched him take his blind stick before he walked towards me. Mariin kong pinagdikit ang mga labi at hinayaan siyang makalapit sa akin, dumiin ang pagkakahawak ko sa paper bag na dala.“What are you doing here?” Jordan asked, I sensed panic in his voice. Bakit? Dahil ba huling-huli kita?“Dadalhan lang sana kita ng lunch. Oh, eto.” P
Kung sakaling si Denver nga ang may pakana niyon, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kaniya. He’d just prove me that rejecting him was a right choice, that I shouldn’t trust him in the first place. “Ate, tingin mo saan naglu-lunch si Jordan kapag nasa work siya?” I asked the mayordoma who was helping me prepare the lunch I was planning to give to my husband.“Hindi ko sigurado, pero baka sa labas. Sa mamahaling restaurant sa labas ng kumpanya o nagpapabili siya sa sekretarya niya.” Sagot ni ate. Tumango-tango naman ako.He must call himself lucky then. Ngayon, may asawa na siya na willing dalhan siya ng lunch. Homemade na with bonus pa ng pagmamahal.“Iyong sekretarya niya po ba… babae?” tanong ko habang ginagayat na ang sibuyas. “Oo…” she answered. Hindi na ako ulit umimik.Mariin ang titig ko sa sibuyas dahilan para mamula ang mga mata ko at palibutan ng mga luha. Suminghot ako, pinagpapatuloy pa rin ang paghihiwa kahit naluluha na. Nanatili sa isip ko ang nalaman.Jordan’s s
“Not really.” Jordan answered, his expression remained unreadable. Pasimple akong napalunok at tumango. Nakahinga naman ako nang maluwag pero ‘di ko maitatanggi na sa loob-loob ko, nandun pa rin ang pangamba na baka… narinig niya ang lahat. Kapag nagkataon, wala na akong mukhang maihaharap.“Kapatid ko ‘yon.” Sabi ko sabay taob ng cellphone sa kama.“Si Francine?” labis akong natigilan sa pagbanggit niya sa mismong pangalan ko. Iba pa rin talaga kapag sa bibig niya nanggagaling ang pangalan ko at nakakatawa na tila ba mas sanay na akong gamitin ang pangalan na hindi naman akin kaysa sa sarili kong pangalan. “Uh, oo.” Pero bakit niya nga pala alam? Nabanggit ko na ba sa kaniya? Sa pagkakatanda ko hindi pa naman…He stepped closer to our bed. “I think I want to meet her. Siya nalang ‘yung hindi ko pa name-meet sa pamilya mo, ‘di ba?” aniya na ikinaputla ko.Tinitigan ko siya nang ilang segundo, saka ko napagtanto na masyado na kaming halata ni ate Savanna. Nakakapagtaka nga naman na