LOGINDahang-dahang bumukas ang malaking pinto para lamang mahigit ko ang aking hininga. Tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang makita ko kung sino si Mr. Guidotte! “Kygan…” usal ko sa mahinang tinig. Ang lalaking limang taon kong hinanap. My ex-boyfriend, Kygan. Hindi ko akalaing siya pala ang misteryosong tagapagmana ng pinakamayamang pamilya, hindi lang sa bansa kundi sa buong kontinente ng Asya. Kaya pala kahit anong hanap ko sa kanya noon ay wala akong makuhang kahit anong impormasyon tungkol sa kanya. Magkaibang mundo pala ang ginagalawan namin. Paano ko siya mahahanap kung kabilang pala siya sa mge elitista?
View More“Dumating na si Mr. Guidotte!”
Halos sabay-sabay kaming napatayo sa loob ng VIP room. Sumunod ako kahit hindi ko pa rin lubos maintindihan kung gaano kabigat ang presensya ng taong kanina pa namin hinihintay. Ang alam ko lang, bihira siyang magpakita at hindi basta-basta napapapunta sa ganitong klaseng dinner.
Ngayong gabi, sumama ako sa boss kong si Gabriel. Kakabalik lang niya sa Manila para pumasok sa main office ng kompanya, at kailangan niyang magpalawak ng koneksyon. Kaya nang inimbitahan siya ng kaibigan para sa pagtitipon na ito ay hindi na siya tumanggi.
Dahang-dahang bumukas ang malaking pinto para lamang mahigit ko ang aking hininga. Tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang makita ko kung sino si Mr. Guidotte!
“Kygan…” usal ko sa mahinang tinig.
Ang lalaking limang taon kong hinanap. My ex-boyfriend, Kygan.
Hindi ko akalaing siya pala ang misteryosong tagapagmana ng pinakamayamang pamilya, hindi lang sa bansa kundi sa buong kontinente ng Asya.
Kaya pala kahit anong hanap ko sa kanya noon ay wala akong makuhang kahit anong impormasyon tungkol sa kanya. Magkaibang mundo pala ang ginagalawan namin. Paano ko siya mahahanap kung kabilang pala siya sa mge elitista?
Buong buhay ko ay nasa Naga City ako. Malayo iyon sa Maynila kaya wala akong ideya sa kung sino ang mga taong pinakamayayaman at pinakamaiimpluwensya sa bansa. Nang makarating ako sa Maynila ay saka lamang ako nagka-ideya tungkol sa mga Guidotte!
Tahimik sila sa media, pero ramdam ang kanilang impluwensya. At ang nag-iisang tagapagmana ay si…Kygan.
Natigilan ako nang magtama ang aming mga mata. May bakas ng pagkagulat sa tingin niya, ngunit sandali lang iyon. Parang walang nakita na nag-iwas siya ng tingin at itinuon ang atensyon sa ibang bisita.
Bakit parang hindi niya ako kilala? Kung umakto siya ay parang wala kaming nakaraan.
My chest tightened. Did he really forget me?
Umikot ang usapan tungkol sa negosyo, stocks, global economy…mga bagay na wala akong interes kaya tahimik lang akong nakaupo sa sulok.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong sumulyap kay Kygan paminsan-minsan.
The suit he was wearing were fit on him. Bagay na bagay sa kanyang postura. Malinis ang tindig, kontrolado ang galaw at halatang sanay sa mga ganitong pagtitipon. Nakikipag-usap naman siya natural na tono kumakain ng hapunan ngunit halata na may distansya ang kilos nito.
Idagdag pa ang mga mata nito na walang emosyon. His ink black eyes were now colder than before. Doon ko lalong napagtanto na ang layo pala ng pagitan namin sa isa’t isa.
Narinig kong pinag-uusapan ng mga kasama namin ang tungkol sa training ni Kygan sa isang subsidiary ng Guidotte Corporation.
That’s were I worked after graduation and eventually met him. Now, it made me realized why he never mentioned about his real identity to me.
He wanted to test me.
Ang unfortunately, I failed the test. Kaya binura niya ako sa buhay niya at umalis ng hindi man lang nagpapaalam.
Tumayo ako nang makita kong sinenyasan si Sir Gabriel ng kaibigan niya para pormal na ipakilala kay Kygan
“Sir Kygan, this is Gabriel.”
Nagtaas ng tingin si Kygan ngunit sa halip na pagtuonan ng pansin ang nagsalita ay sa akin siya nakatingin.
“Hi, Mr. Guidotte! I’ve been looking forward to meeting you for long. I’m a fan of how you do bussiness.”
Bahagyang itinaas lamang ni Kygan ang goblet nito na may lamang wine bilang tugon. It was a short conversation. I am aware my boss wouldn’t forced himself as part of his ‘building connection’ strategy.
Babalik na sana kami sa pagkakaupo nang muling nagsalita si Kygan habang nakatitig na naman sa akin.
“Gabriel,” tawag niya sa kalmadong boses, “Miss Filomeno is your…”
Sandaling natigilan si Gabriel bago nadugtungan ang sinasabi ni Kygan. “She’s my secretary. Kate, pakuha naman ng tubig si Sir Kygan.”
Kinakabahan akong tumayo at inabot ang distilled water na nasa gitna ng mesa.
“Don’t bother.”
It was just two words, but it made me the whole room froze. Nakatuon ang atensyon sa amin ng halos lahat.
Tila wala naman iyon kay Kygan. Prenteng nakasandal lang siya sa upuan, hawak ang kopita ng wine at marahang hinahaplos ang hawakan habang hindi inaalis ang titig sa akin.
“Miss Filomeno,” sabi niya, malamig ang boses, “hindi ba gusto mong makapangasawa ng mayaman? Have you found one?”
My mind went blank. Uminit ang buong mukha subalit ang talampakan ay nanlalamig.
Is he taking revenge on me?
Tahimik ang buong kwarto. Ramdam ko ang tingin ng lahat, pero wala ni isa ang nagsalita.
Pinilit kong ngumiti. “Salamat sa concern, Sir Kygan. Hindi pa pero malapit na.”
Mas naging mariin ang titig niya sa akin. Hindi ko mabasa kung ang iniisip niya. Sa kabutihang palad, nagsalita ang boss ko.
“Kate, can you buy me a ciggarete outside?”
Tumango agad ako para makaalis sa nakakahiyang sitwasyon. Agad kong kinuha ang bag at lumabas ng VIP room.
Nang tuluyan akong nakalayo, ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Hindi ko namalayan kung gaano ako katagal nakatayo sa labas bago ako kumilos.
Bumili ako ng sigarilyo sa malapit na tindahan at bumalik. Pero pagdating ko sa pinto, hindi ko kayang pumasok agad. Kaya pumunta muna ako sa restroom. Hindi ako sigurado kung gaano ako katagal nanatili roon habang sinusubukan na kalmahin ang sarili.
Nang maging maayos ang pakiramdam ko ay saka ako lakas-loob na lumabas. Natigilan ako nang makita ko si Kygan na nakasandal sa pader.
May hawak siyang sigarilyo. He looked like a tired person that masked it with a control emotion.
Huminga ako nang malalim at lumapit.
“Kygan,” tawag ko.
Wala siyang naging sagot bagkus ay tinitigan lamang ako gamit ang malalamig niyang mata habang unti-unting bumabalot ang usok sa aming paligid.
“Limang taon kitang hinanap,” mahina kong sabi. “Galit ka pa rin ba sa akin?”
Tinapon niya ang sigarilyo at humarap sa akin. “Nalaman mo na kung sino ako kaya nagsisisi ka na? You really think I fall for your pity acts?”
Nanikip ang aking dibd ib.
“What we had back then was nothing,” he added. “Kung hindi pa tayo nagkita, hindi rin kita maalala. You’re nothing to me.”
Parang may humiwa sa aking dibd ib.
Gusto kong magpaliwanag at sabihin na nagbunga ang relasyon namin noon. May anak kami!
But what for? Wala na rin naman saysay kung malalaman niya. Pilit ang aking ngiti nang nakalma ko ulit ang aking sarili.
“Pasensya na. Nagpadalos-dalos ako at makapal lang ang mukha,” sabi ko at saka siya nilampasan para bumalik sa VIP room.
Pagbalik ko sa loob, tahimik akong umupo sa sulok. Halos hindi ako makahinga nang maayos, pero pinilit kong magmukhang normal sa harap ng lahat.
Makalipas ang ilang minuto, bumalik din si Kygan, pero hindi na ako nag-abala pang tingnan siya.
Sa mga oras na ito, ay ang kagustuhan matapos ang dinner para makaalis na. I’ve been looking for him for the past five years. But now that he’s here, I want nothing but to escape from his judging cold eyes.
Kinabukasan ay tumigil din ang ulan. Sabado kaya walang pasok. Maaga akong nagising at naghanda ng almusal. Nagluto ako ng lugaw at gumawa ng tortang itlog, saka nagpainit ng gatas para kay Keagan.Pagkatapos naming kumain, gusto sana ni Ashtine kaming ihatid, pero hindi ko siya pinayagan.“Tingnan mo eyebags mo. Magpahinga ka na lang. Magje-jeep na lang kami,” wika ko sa kanya. Hindi naman na siya nakipagtalo pa.Pagdating namin sa apartment ay mga kalat at basang gamit ang sumalubong sa amin. Napatapik ako sa noo nang maalalang hindi ko pala naisara ang bintana kahapon.Basang-basa ang sahig, at pati mga bagong laba kong damit ay nadumihan ulit. Napabuntong-hininga ako.“Mama, tulungan po kita,” sabi ni Keagan nang makitang nagsisimula na akong ayusin ang mga kalat. “Sige, ikaw na bahala sa pagpunas ng sahig.” “Opo!” masunurin siyang tumango. Binigyan ko siya ng tuyong basahan. Maya-maya pa ay masigla ang kanyang mga kilos. Habang pinapanood ko si Kaegan ay kahit papano ay gumaga
Alam kong tatanungin ako ni Sir Gabriel, kaya bago pa man niya ako ipatawag, ay napaghandaan ko na ang isasagot ko. “Wala naman pong special,” wika ko sa kaswal na boses. “Nagtrabaho po ako dati sa subsidiary ng Guidotte Corporation sa Naga City, tapos nagkataon na nandoon din si Sir Kygan noon. Nagkasama lang po kami sa trabaho.” I paused a bit then continued.“Hindi ko rin po alam noon kung sino talaga siya.”“Really?” tanong niya na parang hindi kumbinsido.“Opo, Sir,” tango ko naman habang pilit kong pinapanatili na kalmado ang aking mukha kahit ang totoo ay parang sasabog na ang aking dibd ib. Sir Gabriel’s mouth lifted like he just had an idea. “Why does he look like Kaegan?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gulat na napaangat ako ng tingin sa kanya. “Hindi naman, Sir,” mabilis kong sagot. “Saan po banda magkamukha? Hindi po, ah. Kapag narinig niya ‘yan, baka isipin pa ni sir Kygan ginagamit ko pangalan niya.”Nagkita na sina Sir Gabriel at Kaegan noong nasa Naga C
Pagkatapos na pagkatapos ng dinner, hindi na ako nag-abala pang magpaalam sa boss ko. Lumabas na agad ako na parang may kung anong hinahabol. Saka pa lamang ako nakahinga nang maayos nang makasakay ako sa taxi. Ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyang bumuhos. Tinakpan ko ang aking bibig para supilin ang hagulgol na gustong kumawala sa aking lalamunan. Ang sakit-sakit pala. Akala ko, handa ako sa ganitong pangyayari. Hindi pala…Pasado alas-dyes na nang gabi nang makarating sa tapat ng bahay ng kaibigan kong si Ashtine ang taxi. Kararating pa lang namin ng anak ko sa Manila, ilang araw pa lang ang nakalilipas kaya dito muna kami tumutuloy habang naghahanap ako ng apartment. Dahil kare-resign pa lang ni Ashtine sa trabaho, ay nagboluntaryo siya na siya na muna ang magbabantay sa anak ko habang nasa trabaho ako. “Tulog na si Keagan. Ang bait ng batang ‘yon, ha. Naligo mag-isa, natulog nang hindi ako pinahirapan,” salubong sa akin ni Ashtine. Napangiti ako nang marinig
“Dumating na si Mr. Guidotte!”Halos sabay-sabay kaming napatayo sa loob ng VIP room. Sumunod ako kahit hindi ko pa rin lubos maintindihan kung gaano kabigat ang presensya ng taong kanina pa namin hinihintay. Ang alam ko lang, bihira siyang magpakita at hindi basta-basta napapapunta sa ganitong klaseng dinner.Ngayong gabi, sumama ako sa boss kong si Gabriel. Kakabalik lang niya sa Manila para pumasok sa main office ng kompanya, at kailangan niyang magpalawak ng koneksyon. Kaya nang inimbitahan siya ng kaibigan para sa pagtitipon na ito ay hindi na siya tumanggi. Dahang-dahang bumukas ang malaking pinto para lamang mahigit ko ang aking hininga. Tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang makita ko kung sino si Mr. Guidotte!“Kygan…” usal ko sa mahinang tinig.Ang lalaking limang taon kong hinanap. My ex-boyfriend, Kygan. Hindi ko akalaing siya pala ang misteryosong tagapagmana ng pinakamayamang pamilya, hindi lang sa bansa kundi sa buong kontinente ng Asya.Kaya pala kahit anong h






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.