Share

Marrying The Boss For Revenge
Marrying The Boss For Revenge
Author: Februaryystarr

Chapter 1 - The Guy at the Restaubar

Sunday shift. Sobrang daming tao kanina dito sa restaubar kaya naman sobrang dami din halos ang lilinisin ko. Bakit ba kasi nakipagpalit ako ng shift kay Nessa? Ayan tuloy ako pa ang maglilinis at magsasara nitong store. May pasok pa ako bukas ng 7am pero mag aalauna na andito pa ako.

"Lagot ka talaga sakin bukas Nessa." May sama ng loob kong banggit habang ibinabalik na sa lagayan ang mga platong nahugasan ko na. Kakaunti ang staff namin kaya ngayong closing, ako nalang ang natira. Dapat si Nessa 'to e kaso sabi niya may emergency daw siya kaya nagmakaawa siya sakin na magpalit kami.

Tapos malaman laman ko nakipag date lang pala sa boyfriend niya. Argh! Nakakabanas. Matapos kong maghugas at linisin ang kusina ay kumuha ako ng alak sa fridge para pakalmahin ang sarili ko. Isang bote lang naman, bago ako umuwi.

Ito naman ang advantage kapag closing ka, dahil mabait ang boss namin ay allowed kami na kumuha ng gusto namin habang naglilinis. Umupo ako sa isa sa mga lamesa don habang nagrereview ng P*F file sa cellphone ay tinutungga ko ang bote ng alak na nasa kamay ko. Sakto 'to para pagdating sa dorm tulog na agad ako.

Tahimik akong nagsoscroll sa cellphone ko ng may marinig akong ungol. Tila nanigas ang kamay ko ng marinig ko uli yun ng medyo mas malakas. Wala namang tao ah? Ako nalang naman ang natira dito ah? Dahan dahan akong luminga para tignan kung may kasama pa ako at halos mabitawan ko ang bote na hawak ko ng makitang may isa pa kaming customer na nandito sa restaubar.

Nakahiga siya sa couch at parang tila nananaginip dahil umuungol ungol pa siya. Napasapol ang palad ko sa noo. Ito nga pala ang dahilan kaya ayaw na ayaw kong magclosing, minsan kasi may mga customer kami na sa sobrang kalasingan e nakakalimutan nang umuwi. Napahinga ako ng malalim at ibinaba ang alak na hawak ko para lapitan yung lalaking natutulog sa couch. Nakawhite polo siya at black slacks, yung suit niya nasa sahig na, nahulog pa ata.

"Boss, uwian na po. Magsasara na po kami." Sabi ko sabay tinapik ko siya sa tuhod para magising. Napamulat siya at tumingin sa paligid. Sa itsura niya mukhang hindi nagkakalayo ang edad namin.

Nang mapansin niyang wala nang tao sa lugar at bumangon siya at umupo sa couch. Napahawi siya sa buhok niya habang ginigising ang sarili. Napakatapang ng amoy ng alak na naaamoy ko sakaniya. Malakas ba tolerance nito? Base sa amoy ng alak na ininom niya parang di 'to makakauwi ng matiwasay e.

"Boss, kaya mo ba umuwi? May matatawagan ka bang kakilala mo para sunduin ka?" Sabi ko. Iniangat niya ang tingin niya sakin at nabigla ako ng mas matitigan ko ang itsura niya.

Ang manly ng mukha niya. Doe eyes, thick brows, tapos matangos na ilong. Thin and pinkish lips. Nataken aback ako, ngayon ko lang nakita 'tong customer na 'to dito. Sa gwapo niya, imposibleng makalimutan ko kung nakapunta na sya dito before.

Hindi nya sinagot ang tanong ko bagkus ay tumitig lang pabalik sakin. Nakita kong unti-unting t-teary eye siya. Hala, bakit naman 'to naiiyak ngayon? Jusko, wala naman akong ginagawa sakaniya ah. Ayaw ba niyang umuwi? Hala teka baka wala siyang pamilya tapos tinanong ko pa kung mayron siyang pwede matawagan.

Nagulat ako ng sinubukan niyang tumayo, medyo nahihilo pa siya kaya inalalayan ko siya. Anong gagawin ko dito? Tumawag nalang kaya ako ng driver para ihatid 'to sa kung saan ang bahay niya?

"Teka boss, umupo kana muna jan. Tatawag lang ako ng uber para makauwi ka." Sabi ko habang pinipilit siyang umupo, pero ayaw niyang umupo. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sakaniya bigla. Umiiyak siya. He's not sobbing but tears are flowing from his eyes.

"Feb... akala ko iniwan mo na ako." Sabi niya habang nakatingin sakin, he smiled painfully. Ano nang gagawin ko? Napagkamalan pa ata akong jowa nito. Sinubukan kong makawala sa paghawak niya sakin kasi sobrang lapit namin sa isa't isa na parang iniinom ko na yung amoy ng alak mula sakaniya. Nakainom pa naman ako, hindi maganda kung mawawala pa ako sa wisyo ngayon.

"Miss na miss kita. H'wag mo na akong iwan, please?" Sabi niya, his voice cracked. I felt something stung on my chest. Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya ngayon. Namumula yung mata niya habang patuloy ang pag iyak pero hindi naaalis ang titig ng mga mata niya sakin, hindi ko din maalis ang tingin ko sakaniya. Hindi ko alam kung dahil sa nararamdaman ko ang lungkot niya or dahil sa alak na nainom ko, or dahil sa alak na naamoy ko mula sakaniya, pero pinabayaan ko siyang lumapit pa lalo sakin.

Naramdaman ko ang kaliwang kamay niya sa likod ko. He cupped my face with his right hand, and slowly move his face near me. His scent more stronger than before. A scent of perfume mixed with the scent of vodka. Nakakalasing. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, hanggang sa naramdaman ko nalang na dumampi ang labi niya sakin.

The first one was peck. The second was a kiss. It's long and passionate. He pulled my body closer to him while he kissed me passionately which I also give back. My heart beating loud. Sobrang tahimik ng paligid at wala akong ibang marinig kung ang galaw ng mga labi namin.

Suddenly, the passion just got burned. I felt his tongue slipped inside my mouth. Hindi ko mapigilan ang sensation na nararamdaman ko na halos manghina ang tuhod ko, pero dahil nakapulupot ang kamay niya sa bewang ko ay nasuportahan niya ang katawan ko.

His kisses started to become aggressive. His right hand went from my face down to my neck, caressing them as his tongue started to touch mine.

"Hmm." I moaned. This is a new sensation entering my body. I never thought I could actually feel such. We gasped for air. He placed his forehead against mine, I can closely smell the vodka from his lips.

"I love you." Sabi niya. And as if something rang into my head, I slowly looked at him and realized that I am kissing a freaking stranger. Nanglaki ang mga mata ko at naitulak ko siya ng wala sa oras para makawala ako sa pagkakahawak niya. Bumagsak ako sa sahig dahil na out balance ako ng makabitaw siya sakin.

Shet! Yung first kiss ko! Bakit ba kasi ako uminom?? Bakit ko pinabayaang mangyari 'to! Naiiyak ako. Pakiramdam ko ang laki ng nawalang bagay sakin. Hindi ko matanggap na napunta sa hindi ko kilala ang first kiss ko. Tinignan ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko at bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Shit, I'm so-" Yun ang unang salita na narinig ko sakaniya simula kanina. Hindi niya alam ang gagawin niya, kung aalis ba sa restaubar, tutulungan ako tumayo, o magsasalita ba, magsosorry ba, hindi niya alam. Tumayo ako ng mabilis at kinuha ang empty bottle ng iniinom kong alak kanina.

"Umalis kana dito bago ko pa ihampas sayo 'to." Sabi ko, gripping the bottle tightly. Napasabunot siya sa buhok niya dahil sa frustration.

"Miss, I'm sorry. I didn't mean to disres-" naputol ang sasabihin niya ng bigla kong ihampas sa wooden table yung bote dahilan para mabasag ito.

"Alis na sabi!" Naiiyak kong sigaw. My breathing gets heavy as my anger and frustration double. Bakit ba kasi ako h*****k pabalik, bakit ba kasi ako lumapit, bakit ba kasi ako nakipagpalit ng shift. Argh!

The guys didn't want to leave, pero nakita niyang mag aamok ako pag hindi siya umalis kaya lumabas na agad siya ng restaubar leaving me there. Nabitawan ko ang natitirang parte ng bote ng alak sa kamay ko at napaupo sa couch malapit sakin. Idinukdok ko ang ulo ko sa lamesa at umiyak. Naiinis ako sa sarili ko kasi hinayaan ko ang sarili kong mabastos ng ganon.

Kinabukasan, tinanghali ako ng gising kaya hindi ako nakapasok sa unang klase ko. Tumatawag sakin si Nessa pero pinapanood ko lang na mag ring ang cellphone ko. Nakabalot ako ng kumot sa higaan, ayokong bumangon. Maliwanag na nung umalis ako ng restaubar, kaya anong oras na din ako nakatulog.

"Tori! Tori buksan mo 'tong pinto." Narinig ko ang boses ni Nessa sa labas ng pinto ko. Nainis ako kasi naalala kong siya ang dahilan kung bakit ng closing ang shift ko kagabi. Nagtalukbong ako ng kumot at hindi pinansin ang malalakas na katok ni Nessa sa pinto.

"Tori! Uyyy! Alam kong anjan ka, sabi ng landlady mo hindi ka naman daw pumasok. H'wag mo kong pagtaguan." Sigaw niya sa labas. Tanghaling tapat pero kung makasigaw siya sa labas akala mo walang taong pwedeng mapatingin sa ginagawa niyang eskandalo sa labas.

"Victoria! Pag hindi ko binuksan 'to sisipain ko 'tong pinto mo. Kilala mo ko." May gigil sa boses niya. Napatingin ako bigla sa pintuan ko. Kilala ko 'tong si Vanessa, alam kong siraulo siya kaya may chance na sipain niya talaga yung pinto ko.

"Isa." Pagbibilang niya. Natatakot ako para sa pintuan ko pero ayokong makita siya.

"Dalawa!" Sigaw niya. Wala akong pera pangbayad pag nasira ang pinto ko kaya tumayo agad ako para pagbuksan ang baliw na babaeng nasa labas.

"Ano bang kailangan mo?" Pagtataray ko sakaniya pagkabukas ko ng pintuan. Diretso naman siyang pumasok sa loob ng unit ko at umupo sa kama ko.

"Kanina pa ako sa labas e, bakit ayaw mo kong pansinin? May nangyari ba sayo kagabi?" Sabi niya. Sa sobrang tagal na naming magkaibigan kilalang kilala na namin ang ugali ng isa't isa. Kinuha ko yung cusion na malapit sakin at ibinato sakaniya ng malakas. Nasalo niya yun pero may impact pa din kaya nasaktan pa din siya.

"Aww! Girl chill! Ano bang problema mo?" Iritable niyang tanong habang ako nakatingin pa din ng masama sakaniya.

"Kasalanan mo kung bakit ako nabastos kagabi." Galit kong sabi. Nagbago ang expression niya sa pag aalala, tumayo siya at lumapit sakin.

"Nabastos ka kagabi? Natatandaan mo ba yung itsura nung lalaki?" Sabi niya. Umiling ako, hindi ko na talaga maalala ang itsura niya. Ang dilim na sa restaubar non tapos nakainom pa ako.

"Tsk. Anong ginawa niya sayo ha?" Tanong niya uli. Nagsimula akong maiyak ng maalala ang first kiss ko kagabi.

"Tori, sagutin mo ko kinakabahan ako sayo. Anong ginawa sayo??" Sigaw niya.

"Yung first kiss ko." Naiiyak kong sabi. Kumunot ang noo ni Nessa at parang dumbfounded.

"Ano?" Tanong niya.

"Kinuha niya ang first kiss ko!" Sabi ko at humiga sa kama sabay talukbong ng kumot. Wala akong narinig na reaction mula kay Nessa, tahimik siya. Nagulat ata siya sa nangyari, naiiyak ako lalo. Baka iniisip niya napakadumi ko nang babae. Iniintay ko siyang magsalita pero wala talaga siyang sinabi kaya ibinaba ko ang kumot at tinignan siya. Nakakunot pa din ang noo niya habang nakatingin sakin.

"Bakit wala kang reaksyon jan?" Tanong ko. Nagblink blink yung mata niya tsaka nagtanong.

"Wala ka pang first kiss??" Seryoso niyang tanong. Kinuha ko ang malapit na mug sakin at ibabato na sana sakaniya ng awatin niya ako.

"Hoy kalma Victoria! Baka tamaan mo ko sa napakaganda kong mukha sinasabi ko sayo friendship over tayo!" Sabi niya.

"Sa sinabi ko sayo yan pa talaga itatanong mo sakin ha? Anong klase kang kaibigan!" Ibinaba ko ang mug at kinuha ang unan ko para hampasin siya ng hampasin.

"Aray, teka nga saglit! Akala ko naman kasi narape ka or nakuha virginity mo e." Sabi niya sakin. Nakalimutan kong napakasimpleng bagay lang pala ng kiss kay Nessa, napakadami nang naging jowa nitong babaeng 'to and at the age of 20 may experiences na din siya.

"Pero magbihis kana, pupunta tayo ng pulis." Sabi niya bigla at kinuha ang bag na nasa sahig katabi ng kama ko.

"Pulis?" Tanong ko.

"Marereport tayo, tanga. Walang consent mo yung ginawa niya, hinarass ka niya. Dadaan muna tayong restaubar para kumuha ng CCTV footage. Atleast may ebidensya tayo." Sabi niya at tumungo na sa pintuan. Pero kumunot na naman ang noo niya ng mapansing hindi ako kumikilos sa posisyon ko.

"W-Walang footage." Sabi ko.

"Paanong walang footage, Victoria? Dinaig pa nga ng restaubar ang banko sa dami ng CCTV natin don. Okay ka lang ba?" Sabi niya habang nakapamewang sa harapan ko.

"D-Dinilete ko." Pag amin ko. Sobrang nahiya ako sa ginawa ko kaya dinilete ko yung footage kasi kitang kita na gumanti din ako ng halik don.

"Dini... ano?? Bakit?" Halos malamukot ang mukha ni Nessa sa mga revelations ko pero hindi ko sinagot ang tanong niya. Tinignan ko lang siya habang inaalala yung lalaki kagabi. Habang inaalala yung mga nangyari kagabi.

"Teka nga, nakainom ka ba nung nangyari yun?" Tanong niya. Napakagat ako sa labi ko bilang pag amin kaya naman napa facepalm nalang si Nessa.

"Ginusto mo din 'no? Hindi mo pinigilan ano? Bakit ka ba kasi uminom alam mo namang napakababa ng tolerance mo sa alak." Pagalit niya sakin na parang nanay.

"Ikaw kasi e, naiinis ako kaya uminom ako." Sabi ko na parang bata.

"Aba sinisi pa ako ng babaeng 'to." Lumapit siya sakin at hinampas ako sa braso. Ganiyan kaming magkaibigan, parang magkapatid kung magbangayan.

"Kasalanan mo. Pero sana hindi mo dinilete yung video. Dapat sinabihan or tinawagan mo muna ako. Ikaw talaga!" Naiinis niyang sabi. Napaupo ako sa kama. Nireregret ang mga life decisions ko. Napakahirap naman mag adulting, pagod na pagod na akong maging tao.

"Hindi tayo makakapagreport niyan." Napaupo din siya sa kama at nagbuntong hininga. Nag iisip siya ng malalim.

"Hindi mo ba talaga natatandaan yung itsura niya? Madami tayong parokyano don e, alalahanin mo." Tanong uli ni Nessa.

"Unang beses ko lang siyang makita kagabi. Alam kong unang beses siya don kasi noon ko lang nakita yung itsura niya." Sabi ko, naguluhan siya sa sinabi ko.

"Teka, you mean gwapo 'tong customer na 'to?" Tanong niya. Tumango ako. Napakadalang talaga ng gwapo samin, madalas nasa mid 40s or 50's na yung pumupunta sa restaubar para magpakalasing kaya alam agad ni Nessa.

"Holy shit! Nakabingwit ka ng gwapo, mamsh??" Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para matikom siya. Natahimik kaming dalawa. Ang unfair na magreport ako kasi may parte sakin na nadala sa nangyari. Kung sanang nung hinawakan palang niya ako ay lumayo na ako, hindi na sana siya mas makakalapit sakin. Bakit ba kasi siya umiiyak non? Nakakainis.

"Ganito nalang, ipapaban nalang natin siya kay boss. Kung sino man siya. Para hindi na siya makabalik kay tumahan kana jan." Sabi ni Nessa. Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian ako.

"Tumayo kana jan, ganitong senior na tayo 'di pwedeng umabsent absent tayo. Baka mahold pa graduation natin." Payo sakin ng kaibigan ko. Kaya tumayo na ako at dumeretso sa banyo para maghanda pumasok.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status