LOGINAnim na taon na ang nakalipas mula nang tuluyang maghiwalay si Larey, Deluna at nang kanyang unang kasintahan. Ngunit ngayon, bigla itong nagbalik sa lungsod ng Saint. Jude nang hindi nag-iisa. Kasama nito ang isang limang taong gulang na batang lalaki na sinasabing anak nila. Mula nang malaman ni Larey ang pagbalik nito, tila nagbago ang lahat. Ginamit niya ang isang business trip bilang dahilan upang hindi umuwi, at isang buwan na siyang wala sa kanilang tahanan. Ngunit ngayong araw, ay ang Ikatatlong anibersaryo ng kanilang kasal ni Portia. Naghanda siya ng candlelight dinner at isang regalo para sa kanyang asawa, saka siya nagpadala rito ng mensahe. Pagsapit ng alas-nuwebe ng gabi, hindi pa rin umuuwi si Larey. Sa halip, tumawag sa kanya ang kanyang hipag na si Maritha, Deluna. Ipinaalala sa kanya na tingnan ang mensaheng ipinadala nito. Nang ibaba ni Portia ang tawag, agad niyang binuksan ang mensahe ni Maritha. Isang tingin pa lang niya sa mensahe, agad na nanigas ang ngiti sa kanyang panga.
View MoreAnim na taon na ang nakalipas mula nang tuluyang maghiwalay si Larey, Deluna at nang kanyang unang kasintahan.
Ngunit ngayon, bigla itong nagbalik sa lungsod ng Saint. Jude nang hindi nag-iisa. Kasama nito ang isang limang taong gulang na batang lalaki na sinasabing anak nila.
Mula nang malaman ni Larey ang pagbalik nito, tila nagbago ang lahat. Ginamit niya ang isang business trip bilang dahilan upang hindi umuwi, at isang buwan na siyang wala sa kanilang tahanan.
Ngunit ngayong araw, ay ang Ikatatlong anibersaryo ng kanilang kasal ni Portia.
Naghanda siya ng candlelight dinner at isang regalo para sa kanyang asawa, saka siya nagpadala rito ng mensahe.
Pagsapit ng alas-nuwebe ng gabi, hindi pa rin umuuwi si Larey. Sa halip, tumawag sa kanya ang kanyang hipag na si Maritha, Deluna.
Ipinaalala sa kanya na tingnan ang mensaheng ipinadala nito.
Nang ibaba ni Portia ang tawag, agad niyang binuksan ang mensahe ni Maritha.
Isang tingin pa lang niya sa mensahe, agad na nanigas ang ngiti sa kanyang panga.
Malakas na bumagsak sa sahig ang hawak niyang plato. Isang piraso ng nabasag na seramika ang tumama sa bukung-bukong niya, dahilan para tumulo ang matingkad na pulang dugo mula sa sugat nito.
Ngunit hindi man lang kumilos si Portia.
Nakita niya ang screenshot mula sa I*, isang mensahe ng kanyang asawa. Doon niya nalaman na ipinareserba nito ang buong lugar at naghanda ng fireworks para sa kaarawan ng anak nila kasama ang kanyang unang pag-ibig na si Sabrina, Laroa.
Yumuko si Portia upang pulutin ang kanyang telepono. Isa-isa niyang binuksan ang mga screenshot, mga dalampasigan, yate, paputok at rosas.
At ang kanyang asawa, karga sa isang braso ang isang batang nasa apat o limang taong gulang. Ang malaking kamay nitong may suot na singsing sa kasal ay nakapulupot sa baywang ng isang babae.
Isang serye ng magaganda at romantikong larawan, na may caption na, “Sweet cake na ako mismo ang gumawa para sa mga pinakamamahal kong kaibigan.”
Kahit sa screen lang, ramdam na ramdam talaga ang pagmamahalan nila.
Biglang nagulo ang utak ni Portia, at tila nawalan siya ng kakayahang mag-isip.
Nagmamadali niyang binuksan ang I* ni Larey, ngunit wala nang laman ang lahat.
Binuksan niya ang kanyang bibig, ngunit matagal siyang hindi makapagsalita.
Hindi niya alam kung kailan nagsimula, pero ang Mga Kwento ni Larey sa I* ay nakaset na "hindi na ito makikita sa kanya.”
Ang mga litratong iyon ang sumira sa huling pangarap na natira sa kanya para kay Larey.
Hindi pa rin sumusuko si Portia, kaya tinawagan niya si Larey at kapag hindi sumasagot, tinatawagan niya ulit.
Pangatlong beses na siyang binabaan ng kabilang linya nang biglang makatanggap siya ng mensahe mula sa lalaki.
Tanging dalawang salitang, “Busy ako” ang ipinadala sa kanya.
Napakaikli ng mensahe. Halatang naiinis at nagmamadali.
Walang siyang magawa, galit, selos, sama ng loob, sari-saring emosyon ang naghalo-halo sa dibdib niya, lalo pang ginugulo ang kanyang damdamin.
Napakurba si Portia at niyakap ang sarili habang tinatakpan ang ulo gamit ang dalawang kamay. Pakiramdam niya, pinupunit ang puso niya sa sakit, hanggang sa unti-unti siyang mawalan ng hininga.
Hinablot niya ang mahaba niyang buhok at napasigaw sa tindi ng galit, bago tuluyang mapaiyak.
Ilang sandali pa, nang makarinig siya ng katok sa p***o, pinilit niyang bumangon at buksan iyon.
Pagkabukas ng p***o, nagulat si Maritha nang makita ang itsura ni Portia.
“Portia, ayos ka lang ba?” tanong nito.
Basa pa rin ng luha ang mukha ni Portia. Matamlay lang siyang umiling.
Sa sobrang inis, malakas na ipinadyak ni Maritha ang paa niya, “Portia, tara! Puntahan natin ngayon ang Kuya ko sa Pwerto!” bulalas nito.
Unti-unting kumalma si Portia. “Maritha, hayaan mong ako na ang humarap sa mga problema namin ng Kuya mo.”
Kakapa-opera lang sa puso ng kanyang ina at hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin ito. Hindi niya puwedeng hayaang tuluyan siyang gumuho sa ganitong pagkakataon.
Lumampas na sa hatinggabi nang tuluyang umalis si Maritha.
Samantala, walang imik na naglakad si Portia sa bawat sulok ng silid, tila isa na lamang siyang kaluluwang walang buhay.
Gayunpaman, sina Portia at Larey ay magkababatang magkasintahan.
Alam ng lahat sa industriya na mula pa pagkabata ay gusto na ni Portia ang lalaki.
At mas alam pa ng mga taong nasa paligid nila na may isang babaeng hindi kailanman nawala sa puso ni Larey, ang babaeng minamahal niya pero hindi kailanman maaaring mapasakanya.
Pinakasalan siya ni Larey dahil kailangan nilang sundin ang isang kasunduan ng dalawang pamilya.
Tatlong taon na silang kasal, at umaasa si Portia na kung patuloy lang siyang magsisikap at gagawin ang lahat para sa kanya, darating din ang araw na mamahalin siya ni Larey.
Pero imbes na pagmamahal ang matanggap niya, ang balita tungkol sa muling pagkikita ni Larey at ng dating kasintahan niya ang bumungad sa kanya.
Ang lalaking minahal niya mula pagkabata, ang pag-ibig na inalagaan niya hanggang sa pagtanda, at ang dalawampu’t limang taon ng kanyang kabataan.
Wala na ang lahat.
Panahon na para tuldukan na niya ang lahat ng ito.
Napakalaki talaga ng pagkakaiba kapag mahal ka ng isang tao at kapag hindi.Kumagat si Portia sa matcha truffle.Pagkapasok pa lamang nito sa kanyang bibig, agad niyang nalasahan ang mapait na lasa. Hindi iyon masarap, sa halip, halos hindi niya kayang sikmurain.Kumunot ang kanyang noo, ngunit pinilit pa rin niyang lunukin iyon.Katulad ng nararamdaman niya sa sandaling iyon, puno ng kapaitan, ngunit wala siyang mapaglagyan at mapagsabihan ng lahat ng sakit na kinikimkim niya.Wala na siyang ganang magsalita. Para bang wax na lamang ang lasa ng pagkaing nasa kanyang bibig, walang lasa at walang anumang sarap.Gaya ng dati, hindi mahilig magsalita si Larey habang kumakain. Maayos at elegante ang bawat kilos niya, tila walang anumang nakagugulo sa kanyang katahimikan.Tuluyan nang nanahimik ang dalawa. Paminsan-minsan, tanging kalansing ng mga kubyertos ang maririnig sa pagitan nila, lalo lamang pinaiigting ang mabigat na katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.Hindi maipaliwanag
Alas-siyete na ng gabi, dumating si Portia sa restawran.Inalalayan siya ni Larey na umupo sa upuan.Naupo si Portia, at tahimik na pinanood si Larey habang abala sa pag-oorder ng pagkain.Nakasuot siya ng itim na pormal na kasuotan ngayon, na kapares ng itim na kamisadento, ngunit hindi ito mukhang malungkot. Sa halip, lalo nitong pinatingkad ang kanyang marangal at tahimik na pagkatao.Si Larey ay pinalaki ng pamilya Deluna mula pagkabata bilang kanilang tagapagmana. Maganda ang kanyang pinagmulan, mataas ang pinag-aralan, marunong ng sining ng pakikipaglaban, napakatalino at magalang.Dalawampu't limang taon na niyang kilala si Larey, at kailanma’y hindi niya pa ito narinig na magmura o magalit.Kahit sa mga serbidor, napakabait at magalang pa rin siya.Parang lahat ay nasa ilalim ng kanyang kontrol.Napakahusay nga naman ng lalaki.Ang ganito kahanga-hangang lalaki ay nagpakasal sa babaeng hindi naman niya mahal.Ang diborsyo ay hindi maiiwasan.Habang naghihintay ng pagkain, kinu
Mabilis siyang nag-ayos ng sarili at bumalik sa kwarto ng ospital.Agad namang napansin ni Meriam ang kakaibang ikinikilos ng kanyang anak. Kaya nakapag-pasya muna siyang pauwiin ang kanyang asawa bago lumapit kay Portia.Nang lumapit si Meriam mahina siyang nagtanong, "Anak, nag-away ba kayo ni Larey?"Yumuko si Portia at umiling nang may pagsisisi, "Mom, ayos lang naman kami."Pagkatapos magsalita ni Portia, nagulat siya nang sabay na pumasok sa kwarto ang kanyang ama kasama si Larey.Nang makita ni Meriam si Larey napangiti siya at sinabi, "Larey, ang dami mong ginagawa sa trabaho, hindi ka na dapat nag-abalang pumunta pa rito."Ibinaba ni Larey ang mga bitbit niyang gamot at bitamina, "Ahh, nga pala ma, nakahanap na ako ng isa sa pinakamagaling na doktor sa puso para sa inyo. Magpapakumpleto rin tayo ng inyong buong kalusugan bago kayo umuwi mula sa ospital.” sagot niya.Tiningnan ni Pablo ang kanyang manugang na may halong paghanga: "Napakabait talaga ni Larey ou. Sobrang malaki
“Bakit parang ang pangit ng itsura niya?”Sumulyap si Larey sa natanggap na mensahe, saka tumingin kay Portia.Nang makitang wala itong balak sumagot, mabilis siyang nag-reply sa mensahe bago tuluyang pinatay ang screen ng kanyang cellphone.Halatang wala sa sarili si Larey.“Matulog ka na.” sabi niya. Pero hindi makatulog si Portia. Sa tuwing ipinipikit niya ang kanyang mga mata, iyon at iyon pa rin ang nakikita niya sa isip, ang masayang larawan ni Larey na karga ang anak niya sa isang braso, habang ang kabilang braso naman ay nakayakap sa babaeng pinakamamahal niya.Para bang sinasabi ng galit niya sa kanya na kunin agad ang cellphone ni Larey, tingnan ang lahat ng laman nito, at komprontahin siya.Pero pinapaalala naman ng isip niya na kakapa-opera lang sa puso ng kanyang ina at nasa ospital pa rin ito. Hindi pa siya puwedeng makipagdiborsiyo sa ngayon.Alas-tres ng madaling-araw, muling umilaw ang screen ng cellphone ni Larey.Makalipas ang mahigit sampung minuto, umalis si Lare












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.