Share

Chapter 03

Jayde's Pov:

"Sinasabi ko na nga ba at nandito ka na naman."

Hindi ko pinansin si Yuan na naupo sa tabi ko. Actually, hindi ko naman pinapansin lahat eh. Nandito lang ako buong magdamag tapos paggising ko kinabukasan ay nasa sariling kwarto ko na ako.

Ayoko lang kasi sa bahay dahil kahit saan ako magpunta ay nakikita ko siya. Lahat ng sulok na nadadaanan ko ay nakikita ko si ate. Takot na takot akong malunod sa mga alaala naming dalawa at baka sumunod na ako sa kanya.

Ang daya-daya mo Ate Skye! Ang usapan natin ay ako ang unang mamamatay! Hindi ka marunong tumupad sa usapan, bruha ka!

Napabuntong-hininga ako. Patay na nga 'yung kapatid ko pero nagawa ko parin na awayin. Ha! Bwiset!

Siguro ay naririnig ako no'n sa impyerno at sinesermunan na ako. Oo, sa impyerno kasi hindi ako idealistic. Duda rin naman ako na doon mapupunta si Ate Skye, ang salbahe kaya no'n. Biruin mo iniwan ang pamilya niya na luhaan. Hindi man lang nagpaalam!

"Jayde, that's enough. Let's go, I'll take you home."

Natawa ako nang ayain ako ni yuan na umuwi. Ayaw ko ngang umuwi! Kaya nga ako nandito para makatakas sa bahay!

"Ayoko. Umuwi ka kung gusto mo, I'm staying here."

I heard him sigh. Wala akong pakialam kung naiinis na siya sa akin. Wala namang nagsabi sa kanya na sunduin ako dito. Walang nagsabi sa kanya na gusto kong magpasundo para makauwi.

"Jayde, you're already dunk. Don't expect me to just leave you here gayong nakikita kong hindi maganda ang lagay mo."

Lumingon ako kay yuan at ngumiti. "Leave me alone."

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nilibot ang tingin sa paligid. Halos manlai ang mata ko nang makita ko si Owen na naglalakad papasok ng bar.

"Wala ka ngang kasama—"

"I have!" Biglaang sagot ko. "Owen!" Kinawayan ko si Owen na agad akong nakita. Kahit natatakot ako sa sobrang dilim ng mata niya ay sinawalang bahala ko iyon at lumapit sa kanya.

"What are you doing here?"

Pinanlakihan ko siya ng mata at kumapit ako sa braso niya. "Sumabay ka na lang..."

Ibinalik ko ang tingin ko kay Yuan na ngayon ay matalim na ang tingin sa akin. Lah? Bakit ka nagagalit? Ginagawa ko sayo?

"See? I'm fine here..."

"Your mother told me to bring you home. Hindi kita pwedeng iwanan dito kasama ang lalaking iyan. Ni hindi ko nga alam kung talaga bang kilala mo 'yan, knowing you—"

"I can take it from here. If she still doesn't want to go home, let her. She is already old enough to make decisions for herself. For Pete's sake, her sister died days go. She needs time to cope, to fix herself, to accept her loss. She doesn't need saving right now, she needs support. Now if you can't understand tha, leave her alone."

Bago pa ako makapagsalita ay hinatak na ako ni Owen palabas ng bar. Nagtungo kami sa parking lot kung nasaan ang sasakyan niya at pinapasok ako doon.

Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga. For the first time since Ate Skye's funeral, I felt understood. Naramdaman ko na valid ang mga nararamdaman ko. Nararamdaman ko yung support ng ibang tao sa pagluluksa ko.

Owen's Pov:

Damn it!

Ito talaga ang isa sa mga desisyon na pinagsisisihan ko. Yung tipong manghahatak ka ng babae sa bar at iuuwi mo tapos sasamahan mo siyang sumuka sa toilet mo habang hawak mo ang buhok niya at hinihimas ang likod niya?

Stupid.

"Fuck!" sumuka muli siya. Ako ang nade-dehydrate para sa kanya.

Nang matapos siya ay hinag-hina siyang napaupo sa sahig ng banyo ko. Habang hawak ang buhok niya, inabot ko ang wet wipes na nasa lababo at pinunasan ang bibig niya. Inabutan ko siya ng tubig at pinamumog sa kanya bago ako tumayo at binuhat siya paupo sa sink.

This is my first time to take care of a drunk ady. Dati ay si Kyle ang inaalagaan ko kaya madali lang dahil madali lang naman yun sampal-sampalin at tadyakan kapag inaalagaan ko 'yun. Eh ito? I need to be gentle, she's a lady afterall.

I took her hairtie that was on her wrist and tied her hair. After that I took a wet towel and gently wiped her face.

"Look at what you left, Analyn Skye..." Bulong ko sa sarili ko habang umiiling.

Nakapikit na si Jayde pero hindi ko masabing tulog na siya dahil pinaglalaruan niya pa ang mga ugat ko sa kamay.

"Thank you..."

Napunta ang atensyon ko sa mga mata niya nang magmulat ito at titigan ako. "I know we're not that close dahil isang beses pa lang naman tayo nagkakilala at nagkausap pero nandito ka at tinutulungan ako. Thank you, kasi kahit feeling friend ako ay hindi mo pa rin ako pinapabayaan."

Sandali akong napatigil sa mga sinabi niya. Even I don’t even know why I’m doing this. I’m not the kind of person who interferes with other people’s problems but when she pulled me earlier, I don’t know why I let her pull me and pulled her away from that man.

I just feel like I need to do something...

Pumikit siya at hinaplos ang pisngi ko. "Finally..."

Hindi na nadugtungan pa ang sasabihin niya dahil tuluyan na nga siyang nakatulog. Tinapos ko na ang ginagawa ko. Pinalitan ko lang siya ng t-shirt dahil nasukahan niya ang damit niya noong papunta pa lang kami rito.

Dahan-dahan ko siyang hiniga sa kamaat kinumutan. Napatingin ako sa maamo niyang mukha na natutulog. May maliit na ngiti ang nkapaskil sa mukha niya habang natutulog.

I smiled, "You are a strong woman. You may be a brat but your sister loves you very much. Be weak, cry, and break down, but always remeber to get up at the end of the day and continue to live."

All is lost... Maybe you are thinking that you are already lost, that everything will end just because of her death. That you can no longer get up when you fall to the ground because you see her lifeless. But no, all is not lost... You just have to open your eyes.

Jayde's Pov:

"This infection is a lot deeper than the C.T. showed. How are you doing?"

"Suction. Okay. It really adhered to her ascending aorta. Be careful. I'm coming across a lot of adhesions."

Napatingin ako sa gallery at nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Dr. Madrigal kausap si Chief.

"The girl's brain could be herniating right now."

Napangiwi ako nang marinig ko iyon. Pasimple akong sumulyap kay Dr. Makaintal na nakakunot ang noo.

Geez! Ito talagang mag-asawa na ito. Hindi matatapos ang araw namin sa ospital nang hindi namin sila naririnig na nag-aaway. Mula sa hallways, staircases, on-call rooms, labs, and here, in the OR.

Kaya ayoko mag-asawa eh...

"She's bradying. Constrictive pericarditis. I'm gonna have to strip the entire pericardium. Clea?"

Tinapik ni Dr. Makaintal ang kamay ko paalis sa pasyente para mas may vision siya sa anatomy. Umatras ako ng kaunti.

"I'm here. Dry laps and a 15 blade, please."

Hinubad ko ang scrub cap ko at pasalampak na umupo sa isang kama na nakabalandra sa hallway.

That was a very stressful surgery. Ilang beses nang namatay ang pasyente sa lamesa pero hindi tumigil sila Dra. na iligtas siya.

Now all we need to do now is wait for her to wake up.

At sino ang taga-bantay?

Syempre, ako!

Hinilot ko ang sentido ko at napapikit. That was my first long surgery mula noong makapasok ako rito sa ospital. Medyo nakakapagod at nakakangalay rin.

"Oh my God!"

Napasinghap ako nang biglang may mga kamay na humilot sa balikat ko. Nilingon ko kung sino ito at nakita si Yuan na walang emosyon na nakapaskil sa mukha.

I sighed, "Are you still mad?" Napapikit ako sa sobrang sarap ng paghilot niya.

"Why would I? I mean, he's right. You're grieving with your sister. Sapilitan kitang pinapauwi kahit alam kong ayaw mo dahil yun ang utos ng nanay mo sa akin. Hindi ko nirespeto ang mga nararamdaman mo and I'm sorry for that."

Hindi ako nagsalita. I know that I offended him by leaving him there alone and going with Owen. He's been my best friend since high school, dapat lang na siya ang samahan ko dahil mas kilala ko siya kay owen, pero hindi. Iniwan ko siya doon mag-isa at sumama sa iba.

Kung sa akin gagawin 'yun ng kaibigan ko ay masasaktan talaga ako.

"I'm sorry..."

"Don't be. Alam mong sa ating dalawa ay ako dapat ang humihingi ng tawad."

Tumango ako at pumikit na lang ulit. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ngayong hinihilot na niya ako.

Napakunot ang noo ko nang mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng coat ko. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag ni Dad.

"Dad?"

"Jayde, papunta kami ng Mommy mo riyan sa GHC."

Napakunot ang noo ko. "Huh? Bakit po?"

"Your mother tried to kill herself."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status