"Hindi ako ang dapat pagsabihan mo niya'n kundi ang totoong may sala," inis kong sagot at tinalikuran na lamang si Micah. "Mommy!" tawag ni Adam sa akin. Napalingon ako sa kanya at ngumiti. "Diyan ka na muna kay Tita Micah mo, Adam. Please, kindly accompany here dahil wala akong nais i-kwento sa kanya kundi patunayan na hindi ako ang mommy mo." "Mommy...," usal na lamang ni Adam. Sumilay ang pilit na ngiti sa aking mga labi. Mabuti na lamang at nakinig si Adam sa sinabi ko. "Alright, mom." "Thanks, sweetie," ani ko saka naglakad patungo sa hardin. Mabuti na lamang at hindi na ako ikinulong ni Ares sa kwarto. Masyadong mataas ang malahiganteng gate ng mansion na ito at imposibleng makatakas ako rito. Maliban na lamang kung pag-aaralan ko ang mga sekretong labasan. "Inay, itay, nasaan na ba kayo?" bulong ko na lamang sa hangin. Niyakap ko ang sarili. Ano kayang naghihintay na kapalaran sa akin sa buhay ng mag-ama? Sinu-sino pa kaya ang mga taong ma encounter ko bilang
"Please... maniwala ka naman sa akin, ako si Cally at hindi si Lavinia." Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ni Ms. Tan. Pagdakay pinakatitigan ako ng maigi. "Hindi ko alam kung ano na namang paandar mo, Lav. Pwede bang tumigil ka na?" "Hindi nga ako si Lavinia. Ako si Cally Janeiro," muling giit ko kahit alam kong imposibleng mangyaring paniwalaan niya ako. "Bilang kaibigan mo alam mong hindi ko kinukunsinti ang mga maling gawa mo, Lav. Could you please stop this nonsense kahit alang-alang man lang kay Adam? Ano na namang palabas 'to? Na kunwari bait-baitan ka, for what, Lav?" Hindi ko na alam kung paano ko nga ba sasabihin at kung saan pwedeng mag-umpisa gayong sarado rin ang utak ni Micah na ako'y pakinggan. Mukhang wala na yata akong pag-asa. "Ano'ng plano mo ngayon?" tanong ni Micah sa akin. "Ang makauwi sa bahay ng aking inay at itay," diretsang sagot ko. "Ewan ko sa'yo, siguro nga nababaliw ka na gaya ng sinabi ni Ares sa'kin. Ilang beses ko bang sinabi
Maraming gumugulo sa aking isipan pero nalilito ako kung bakit nangyari sa akin ang pangyayaring ito. Malakas ang kutob kong may kinalaman si Lavinia sa nangyari sa akin. Kailangan kong makatakas sa lugar na ito. Kailangan kong makauwi sa bahay. Nakaramdam ako ng matinding pangungulila sa aking mga magulang. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga saka dinampot ang aking cellphone kuno na iPhone. Never in my entire life na makahawak ng ganito kamahal na cellphone. Ang naalala ko lang ay nakabili ako ng cellphone sa halagang singko-mil. Pero hetong hawak ko ngayon ay nakakatakot na i-display sa labas lalo na at nakaka-attract ito sa mga mata ng mga snatcher. Inaamin kong hindi ako marunong gumamit nitong iPhone pero kailangan kong matuto lalo na at kailangan kong makontak ang boyfriend kong si Phillip. Dàmn, I miss him so much. Ano na kayang iniisip ni Phillip patungkol sa akin? Panigurado akong nag-aalala na sa akin ang aking boyfriend. Nagpakawala na lamang ako ng isa
WALA sa television ang aking atensyon kundi nahulog sa malalim na pag-iisip. Dumating sa akin ang balita na ibang-iba raw ngayon ang aking asawa na si Lavinia. Hindi ko napigilan ang pagkuyom ng aking mga kamao. Alam kong ginawa na naman akong gagó ng babaeng iyon. Hindi ako papayag na manipulahin niya ulit ang isang tulad ko."Ares, nabalitaan kong nakita mo na ang spoiled bràt mong asawa?" Napukaw ang atensyon ko nang marinig ang tanong ng aking ama. Nag-angat ako ng tingin. Naramdaman ko ang dahan-dahan nitong pagtapik sa aking kabilang-balikat."Yes, dad.""So, how's my grandson, Adam?" "He's fine, dad. Nagdadalawang-isip nga ako na sana hindi ko iniwan si Adam sa bahay dahil alam kong sasaktan siya ni Lavinia kaya lang nagbago ang isip ko kanina nang makita kong niyakap niya ang bata. Something different about her but still I doubt her. Baka isa na naman sa mga taktika niya upang ako'y gawing gagó.""Alam mong sinasaktan naman pala niya si Adam bakit mo ipinagkatiwala sa kanya a
Kasalukuyang narito ako sa hardin, bawal akong lumabas ng bahay ayon na rin sa utos ng aking asawa kuno na si Mr. Walton Ares. Nilibang ko na lamang ang sarili sa pag-aalaga ng mga rosas. "Mommy, ngayon ko napatunayan na hindi talaga ikaw si Mommy Lavinia. Hindi niya ginagawa ang ginagawa mo."Ngumiti lang ako kay Adam. Sana napansin din iyan ng daddy mo, Adam."Nakangiting yumakap si Adam sa akin. Kumunot ang aking noo nang mapansing basang-basa ang likod nito ng pawis palibhasay naglalaro ito ng basketball kasama ang mga kalaro nito."Sandali, nasaan na ba ang Yaya mo at hinayaan na naman niyang basa itong likod mo?" Hindi ko maiwasan na magtaray. Inis na tinawag ko ang Yaya ni Adam."Yes, ma'am?" Kinakabahang sagot ng Yaya ni Adam sa akin."Basang-basa ang likod ni Adam, maghanap ka nga nang t-shirt at towel," utos ko rito na halata ang inis sa sarili kong boses."Y—Yes, ma'am." Nauutal nitong sagot sa akin. Mabilis naman itong tumalima at mabilis din itong nakabalik na halatang k
Kitang-kita ko kung paano na naman umigting ang mga panga ng naturang lalaki. Damang-dama ko ang matinding tension na namumuo sa mga kilos nito.Paano ko nga ba makukumbinsi ang lalaking ito na hindi nga ako si Lavinia? Naramdamang ko ang mahigpit na yakap ni Adam sa akin. "Please mom, stay with us."Masuyong niyakap ko si Adam. Nakaramdam ako ng matinding pagka-awa sa bata. "I'm so sorry pero hindi talaga ako ang mommy mo, Adam. I'm Cally Janeiro not Lavinia.""I don't care, please let me hug you for a while, Mom..."Tila para namang hinaplos ang aking puso sa narinig mula kay Adam. Panginoon ko, sobrang naawa talaga ako sa bata. "Pwede bang isama nalang natin si Adam?" Sa wakas ay naisatinig ko."Talaga, Mommy?""Yes, Adam. Dahil gusto kong patunayan sa inyo ng Daddy mo na hindi ako ang babaeng inakala niyong si Mommy Lavinia mo."Bumukas ang pinto at iniluwa roon ang isang lalaki na may dalang bag. "Sir, narito na po ang bag ni Ma'am Lavinia."Kumunot ang aking noo nang makitang h