Ang kasal ay isang sagradong seremonyas para sa dalawang nag-iibigan… Ngunit sa loob ng apat na taong pagsasama, ni minsan ay hindi naramdaman ni Zia na itinuring siyang kabiyak ni Louie. Kung tutuusin ay para siyang bagay na napapakinabangan lang kung kailangan ngunit hindi naman magawang pahalagahan. Isang ibong nasa hawla na hindi kayang kumawala. Lahat ng sakit at hirap ay tiniis ni Zia dahil mahal niya ang asawa. Kahit pa ibang babae ang kinahuhumalingan nito. Hanggang isang gabi, habang malakas ang buhos ng ulan ay iniwan siya ni Louie para puntahan si Bea sa ibang bansa. Mag-isa at nahihirapan habang dumadaloy pababa ang dugo mula sa pagitan ng kanyang hita. Ginapang niya ang sakit makahingi lang ng tulong para sa batang kanyang ipinagbubuntis. Makalipas ang tatlong taon, sa muli niyang pagbabalik ay malaki ang ipinagbago ni Zia… Ngunit hindi si Louie. “Hiwalay na tayo, Mr. Rodriguez!” Napangisi ito. “Mrs. Zia Cruz… Rodriguez, hindi ko pa pinipirmahan ang divorce papers. Sa madaling salita… asawa pa rin kita at hinding-hindi ka na makakawala pa sa’kin.”
View MoreSA PAGKAKAALAM ni Zia, ang mga lalakeng nangangaliwa ay mayroong spare phone para hindi mahuli sa ginagawang kalokohan.
Ngunit nang tumunog ang cellphone ni Louie habang nasa banyo at nagsa-shower ay binasa niya ang mensahe galing kay Bea. Nagpapasalamat ito sa regalong ibinigay ng kanyang asawa. Kalakip ang isang imahe na kung saan ay suot nito ang naturang damit na masiyadong pormal para sa bata at maamo nitong mukha. Kaya hindi kataka-takang saliwa ang ngiti nito sa camera. Tinitigan ni Zia ang imahe. Matagal na siyang nagdududa na may ibang babae ang asawa ngunit hindi niya akalaing sa mas bata. Nagsisisi tuloy siyang natuklasan ang lihim ng asawa. Ilang sandali pa ay lumabas ang asawa na basa at tanging tuwalya lang ang tumatakip sa maselang parte ng katawan. “Bakit?” tanong ni Louie dahil sa matagal niyang pagtitig. Lumapit ito at kinuha ang cellphone mula kay Zia. Hindi niya nakitaan ng kahit anong reaksyon si Louie. Naroon pa rin ang kompiyansa na tila wala itong ginagawang mali. Tumalikod nga lang ito saka nagbihis. Sa ganitong sitwasyon ay dapat inaaway niya ang asawa. Ngunit iba si Zia. Pinalaki siyang may disiplina at class. Dapat siyang magmukhang walang pakialam kahit nasasaktan na. Nang matapos sa pagbibihis si Louie ay naglakad ito patungo sa pinto. “Sandali lang,” wika ni Zia. “May gusto lang sana akong sabihin.” Lumingon si Louie at tinitigan ang ayos niya sa kama. “Bakit, nakukulangan ka pa sa nangyari kagabi, gusto mo pa ng isa?” Isa iyong biro ngunit pwede namang totohanin ni Louie dahil wala naman itong pakialam sa mararamdaman ni Zia. Hindi siya mahal ang asawa at pinakasalan lang ni Louie dahil sa isang aksidente. “Kung may sasabihin kay gawin mo na’t baka ma-late pa ‘ko,” saad nito. “Pwede ba akong magtrabaho?” Tumitig si Louie nang matagal bago maglabas ng tseke sabay bigay sa kanya. “Hindi bagay sa’yo ang magtrabaho. Dito ka na lang sa bahay at maging full-time house wife ko.” Matapos ay binuksan ang pinto upang lumabas ngunit agad humabol si Zia. “Pero gusto ko talagang magtrabaho, Louie. Pwede naman akong tumugtog ulit ng violin gaya ng dati.” “Late na ‘ko!” Pambabalewala nito. Bago tuluyang makalayo ay humabol pa ng salita si Zia, “Birthday ni Papa sa sabado, may oras ka ba?” “Titingnan ko.” Sabay sara sa pinto. Nanatiling nakatayo malapit sa pinto si Zia at ilang sandali pa ay maririnig ang ugong ng papalayong kotse mula sa labas. Hindi nagtagal ay dumating ang ilang katulong para kunin ang mga damit na kailangan labhan. “Ma’am Zia, gusto niyo po bang kami na ang maglaba at plantsa ng damit ni Sir?” tanong nito. “Sige po, Ate. Hand wash lang kung maaari,” aniya. Dahil sensitibo si Louie pagdating sa mga gamit. Maging sa pagkain ay mapili rin ito at ayaw na ayaw ng magulo at maduming lugar. Kaya nga pinagsikapan ni Zia na matuto ng gawaing bahay para sa asawa. Hangga’t maaari ay gusto niyang perpekto ang lahat para sa lalaking minamahal kahit na… wala naman itong nararamdaman para sa kanya. Pagkaalis ng katulong ay saka lang binalingan ni Zia ang hawak na tseke. Noong nakaraang taon ay gumuho ang mundo ng pamilya niya, ang Cruz. Dinala sa kulungan ang kapatid na si Chris at na-ospital naman ang ama na si Arturo dahil sa biglaang pagkakasakit. Kaya kinailangan niya ng malaking halaga upang hindi mahirapan si Maricar, ang kanyang step-mom sa maliit na perang naibibigay niya buwan-buwan. Allowance niya iyon mula kay Louie ngunit hindi pa rin sasapat sa pangangailangan ng kanyang pamilya. “Asawa mo ang CEO ng Pharmaceutical group. Lahat ng meron siya ay sa’yo rin,” saad pa ni Maricar noon sa kanya. Pero iyon nga ba talaga ang totoo? Hindi siya mahal ni Louie at ang kanilang relasyon ay nauuwi lang sa romansa, tawag ng laman. Ni hindi nga siya pinapayagang magbuntis. Sa tuwing may nangyayari sa kanila ay lagi nitong pinapaalala na uminom siya ng contraceptive pills. Kaya sa tuwing naaalala niya ang mga pinagdaanan ay hindi niya maiwasang maging emosyonal. "Anim na taon... gano’n katagal kitang minahal Louie,” bulong niya pa sa hangin… Ganoon katagal niyang minahal ang asawa ngunit ni minsan ay hindi man lang nito nagawang suklian ang pagmamahal na iyon. *** BIYERNES NG GABI habang hinihintay na bumalik si Louie mula sa Batangas ay isang balita ang nagbigay takot kay Zia. Ayun kay Maricar ay may tiyansang makulong ng hindi bababa sa sampung taon ang kapatid. Habang ang ama naman ay isinugod sa ospital dahil sa acute hemorrhage at kailangang operahan agad. Dali-dali namang napasugod si Zia sa ospital habang tinatawagan ang asawa. Ngunit hindi ito sumasagot at nag-iwan lang ng mensahe. Louie: Nasa Batangas pa ako. Kung may kailangan ka’y si secretary Alice na ang kausapin mo. Tumawag siyang muli hanggang sa sumagot ito. “Louie… si Papa,” iyak niya. “Kailangan mo ba ng pera? Nag-text na ‘ko na si Alice na lang ang kausapin mo…” Biglang natigilan si Zia nang makita sa telebisyon ng ospital ang asawa. Ayon sa caption na mababasa sa ibaba ng screen ay nasa fantasy world si Louie kasama si Bea habang nagpapaulan ng fireworks sa kalangitan. Kitang-kita sa kuha ng camera ang saya sa mukha ni Bea habang nasa wheelchair. Muli niyang inilapit sa tenga ang cellphone at nagtanong habang hindi inaalis ang tingin sa telebisyon, “Nasa’n ka ngayon?” Makikita na may kausap sa cellphone si Louie. Sa madaling salita ay live ang napapanuod at naririnig niyang ingay sa kabilang linya. “Busy ako ngayon, Zia. Kausapin mo na lang si Alice.” Matapos ay binaba na ang tawag. Pumatak ang luha sa mga mata niya nang lumapit si Maricar. “Nakausap mo na ba si Louie? Nahingan mo na ba ng tulong…” nabitin ang sasabihin nito nang makita kung ano ang kanina niya pa pinapanuod. “Nagpunta ba siya sa Batangas para sa babaeng ‘yan? Sandali… natatandaan ko siya. Hindi ba ‘yan ‘yung babaeng laging bumibisita kay Louie noong na-coma ito? Sinasabi ko na nga ba na may hindi tama sa dalawang ‘yan!” galit na wika ni Maricar. Ngunit ilang sandali pa ay natauhan din. “Z-Zia, ’wag mo na lamang pansinin iyong sinabi ko. Kailangan natin ang tulong ni Louie. Siya lang ang pag-asa natin ngayon,” patuloy nito. Marahas na pinunasan ni Zia ang luha at tinawagan si Alice. Baka sakaling mabigyan siya ng isa pang tseke o hindi kaya ay ang access sa mga alahas ni Louie. “Ma’am Zia, hindi ko po kayo mapagbibigyan kung wala pong pahintulot ni Sir Louie.” Ngunit kailangan na talaga ni Zia ng pera para sa ama. Kaya kahit labag sa kalooban ay hinubad niya ang diamond wedding ring. “’Ma, isangla niyo ‘to.” Nabigla naman si Maricar. “Zia! Nahihibang ka na ba?” “Hindi, ‘Ma. Hindi pa ‘ko nasisiraan…” Baka pa lang kung patuloy siyang magtitiis. Habang nakatingin sa makukulay na fireworks sa telebisyon ay isa lang ang nasa isip ni Zia ng mga oras na iyon. Gusto na niyang makipaghiwalay kay Louie.HINDI pa man nakakabangon ngunit parang binibiyak na ang ulo ni Archie sa sobrang sakit. Matapos maupo ay napansin niyang hubad siya na ipinagtaka niya. Upang makasiguro ay inalis niya pa ang kumot at nakumpirmang wala nga siyang kahit na anong saplot sa katawan.Doon na siya napaisip kung anong nangyari…?Inalala niya ang naganap kagabi pero parang mabibiyak ang ulo niya sa pag-iisip. Ilang sandali pa ay napatingin siya sa puting bedsheet na may bahid ng pulang mantsa.Natigilan siya ng unti-unting bumabalik sa alaala ang nangyari kagabi…“J-Jewel?!” tawag niya sa asawa pero hindi ito sumasagot. Kaya lumabas siya ng kwarto para hanapin ito matapos magsuot ng damit ngunit wala sa buong condo maging sa dalawa pang kwarto.Pagbalik sa master’s bedroom ay saka lang niya napansin ang maliit na note na nakaipit sa lampshade.Good morning,Nag-prepare ako ng breakfast, initin mo na lang in-case na lumamig.Jewel,Napabuntong-hininga si Archie saka napatingin sa oras. Pasado alas nuebe na ng
NAGING mabilis ang pangyayari. Sa loob lang ng anim na buwan ay ikinasal si Archie at Jewel.Sa kabila ng pagtutol maging ng kapatid na si Jian ay walang nagawa si Jewel sa kagustuhan ng magulang. Bukod roon ay pursigido talaga si Archie ngunit may pagkakataon na parang gusto nitong hindi na ituloy ang kasal.Na maging siya ay naguguluhan dahil ito mismo ang atat at nais madaliin ang lahat.Matapos ang kasal ay tatlong araw na nagpakalasing si Archie at umuuwi na halos hindi na makatayo.“Ano bang nangyayari sa’yo?” ani Jewel, hirap na hirap sa pag-aalis ng sapatos nito at pagkatapos ay kinumutan.Bagong lipat sila sa condo pero wala pang kasambahay kaya medyo nahihirapan dahil nagtatrabaho siya sa umaga at pag-uwi ay kailangan pang magluto. Ngunit sa loob ng tatlong araw matapos makasal ay hindi pa sila nagsalo ni Archie sa pagkain… kahit nga honeymoon ay wala sila.Hindi pa rin nila nagagawa ang obligasyon sa isa’t isa bilang mag-asawa.Para siyang… lumipat lang ng bahay at nag-alag
NAPATIIM-BIGANG si Archie habang nakakuyom ang parehong kamay at akma pa ngang papasok kwarto nang humarang ito.Ang isang kamay ni Felip ay nakalapat sa katawan nito, pang harang kung sakaling magpumilit itong pumasok ay mapipilitan siyang gumamit ng dahas.Bumaba naman ang tingin ni Archie sa kamay nito kaya tinabig niya palayo.Hindi nagustuhan ni Felip ang ginawa nito. “Anong problema mo? Ba't ka papasok sa kwarto ng iba?!”Ang katulong naman sa tabi ay unti-unting umatras, bahagyang yumuko saka nagmamadaling umalis, iniwan silang dalawa.Sa sinabi nito ay tumalim ang tingin ni Archie. “Anong ginawa mo sa kanya?” Sa sandaling iyon ay nanginginig na ang kamay niya, nakaabang na tila susuntukin ito sa mukha.Tumagilid ang ulo ni Felip, naroon ang pagtataka sa mukha. “Ba’t gusto mong malaman? Sa tingin ko’y inappropriate pang i-explain sa’yo kung anong ginagawa namin mag-asawa?”Namumula na si Archie sa galit, mas lalo pa siyang nainis na relax lang ito at mapaghamon pa siyang tining
NANG pagmasdan ni Chantal ang mukha ng asawa ay nagtaka siya. “Hindi ka naniniwalang masaya ako for him?”Umiling si Felip. “Hindi sa gano’n…” Sabay hawak sa kamay nito at iginiya paupo sa kama. Huminga nang malalim saka ito kinausap, “’Di ba… muntik na tayong maghiwalay? Ang totoo, pakiramdam ko… may nararamdaman ka pa rin sa kanya. Nakikita ko ‘yun.”Kumunot ang noo ni Chantal. “Kaya gusto mong makipaghiwalay kasi akala mo, mahal ko pa rin siya?” may himig ng disappointment ang boses.“I’m sorry, kung iyon ang nasabi ko… Hindi ko rin kasi maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Nakakaselos dahil siya ang unang lalake sa buhay mo. Sa kanya mo unang pinangarap lahat. He’s your first love—““But you’re my one true love. Sa’yo ko naramdaman ang secure and calm kind of relationship. Iyong sa’min…” Tapos ay nagbaba ng tingin, ayaw ng i-elaborate ang kung anong naging meron sa kanilang dalawa ni Archie.“Then… mas mahal mo ‘ko kaysa sa kanya?”Natawa si Chantal saka ito niyakap sa bewang. “Nag
NANUNUOT ang titig nitong hindi matagalan ni Jewel. Kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan. Ilang sandali pa ay napagpasiyahan niyang lumabas ng kwarto dahil hindi na siya kumportable sa presensiya nito. “Ahm… I think, kailangan na nating bumalik sa baba.” Hindi na niya ito hinintay na kumilos o magsalita. Basta na lang siyang naglakad patungo sa pinto.Paglabas ay lumingon pa siya at nakita itong sumusunod, ang tingin ay hindi inaalis sa kanya. Tila may kung anong malalim na iniisip.Pagkababa nila ay sinabihan sila ng isang katulong na nasa patio ang mga bisita kaya dumiretso sila roon.Hindi pa man nakakalabas ay rinig na nila ang boses ni Patricio na patuloy pa rin bukang-bibig ang tungkol sa kasal.Si Shiela na madalas lang tahimik at nakikinig ay hindi na rin nakapagpigil maglabas ng saloobin, “Sa totoo lang, hindi ako sang-ayon sa agarang pagpapakasal ng dalawa.”“Kung gano’n ay paano ang anak ko? Hindi pwedeng gano’n na lang?”“Tama si Patricio,” sang-ayon ng asawa. “Babae
ISANG mahabang katahimikan ang namayani sa kanila matapos iyong sabihin ni Patricio.Napatingin si Archie sa Ina at kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Sunod naman niyang tiningnan si Jewel na nananahimik sa kinauupuan, ang tingin ay nasa sahig.Mayamaya pa ay nag-angat ito ng tingin at nagtama ang mata nilang dalawa pero awtomatiko itong umiwas, tinatago ang mukha pero huli na para roon.Hindi nakaligtas sa paningin ni Archie ang mugto at namumula nitong mga mata. Kaya sa halip na maupo sa tabi ng magulang ay pumuwesto siya malapit sa kinauupuan ng dalaga.Habang nag-uusap ang matatanda ay pilit naman niyang kinukuha ang atensyon nito. Gumagawa ng paraan para makausap pero hindi siya pinapansin ni Jewel.Para siyang hangin na nararamdaman at naririnig pero hindi nakikita. Mabuti sana kung napaayos niya ang phone para may paraan para makausap ito kahit sa message lang."Jewel..." mahina niyang tawag dito. Paulit-ulit niya iyong ginagawa pero hindi talaga siya magawang tapunan ng t
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments