Maagang gumising si Keirah para mag-ayos ng sarili. Sunod naman niyang inayos ang mga gamit ni Yuan para sa pag-alis nila. Abala siya sa pagaasikaso nang pumasok si Melanie at Lorraine sa kwartong kanilang kinaroroonan. "Oh, ang aga mo 'ata," pumupungas pa si Lorraine na halatang kagigising lang. "Ngayon na ba ang punta mo sa Benavidez Corp.?" tanong naman ni Melanie saka sinulyapan ang natutulog pang si Yuan. "Isasama mo ba si Yuan?" "Oo. Pero bago yun, may dadaanan muna kami." "Kailangan mo ba ng kasama?" si Lorraine. "Ah hindi na. Saglit lang naman kami eh para maayos mo na rin kung may aayusin ka pa," tanggi na niya. "Eh ikaw bahala, sige na maliligo muna 'ko," anito saka lumabas ng kwarto. Bumubuntong-hininga na napasulyap siya sa natutulog na anak. Magiging okay kaya ako? , anang isip niya. Ngayong araw, pupunta siya sa kumpanya nila na matagal na niyang hindi nakikita. Iniisip niya kung magiging maayos ba ang lahat. Bahala na. •••~~
Keirah PoV "Yuan, is that true? Bakit mo ginawa yon? Pa'no kung nawala ka ha?" pinipigilan ko na lang na 'wag tumaas ang boses habang pinapagalitan ko ang anak ko. "Sorry po, mommy," humihikbing hingi niya ng paumanhin. Disappointed talaga ko sa ginawa niya. Buti na lang may tumulong sa kanila kung hindi...hay nako, ibabalik ko talaga 'to sa sinapupunan ko. Bumuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili ko. Wala naman akong magagawa, sadyang malikot lang talaga si Yuan. "Huwag mo na lang uulitin, okay." Tango naman ang sinagot niya. Halata namang nagsisisi siya sa ginawa niya. "Bakit kasi hindi ka na lang nagpasundo sa driver ng Auntie mo? Edi sana kanina pa tayo nakaalis rito," si Lorraine. "Gusto ko nga silang sorpresahin. Kaya nga hindi ko sinabi sa kanila na uuwi tayo," inirapan ko siya. "Hays, okay okay." Bumuntong-hininga ulit ako. Bakit nga ba ayaw kong sabihin? Wala lang. Mga ilang minuto pa kaming naghintay sa labas ng airport nang may pumaradang pu
(Keirah POV) "Mommy, mommy can I go to the bathroom?" Napatingin ako kay Yuan. Kasalukuyan kong inaayos ang mga passport ko nang magpaalam siya. "Ate Aida, pakisamahan naman si Yuan. Magkita na lang tayo sa waiting area, okay. May aayusin lang ako," pakiusap ko kay ate Aida. "Sige po, ma'am." Pagkatapos magpaalam, iniwan na nila 'ko. Tinatawagan ko rin si Melanie pero hindi naman sumasagot. Mahigit kalahating oras na rin kaming nagaabang dito sa NAIA. 'Nasan na kaya ang mga 'yon?'-------(Davidson POV) "Sir, 1:00 p.m. pa po ang schedule ng meeting niyo, Hongkong time po." "Okay, anything else?" tanong ko kay Sandra. Abala naman ito sa pag-check ng schedule ko sa tablet niyang hawak. "Wala na po, Sir." Nakahanda na ang private plane na sasakyan namin pa-Hongkong. Na-delay nga lang ang lipad dahil nagka-problema sa piloto. Habang naghihintay, hindi ako mapakali. Parang may kakaiba sa nararamdaman ko. Kumain naman ako, pero parang may paru-paro na naglilip
MELTING THE CEO'S COLD HEART:IKATLONG YUGTOSIX YEARS LATER...(Keirah Pov) Sa paglipas ng mga taon, marami na ang nangyari. Meron na 'kong malusog at bibong anak na lalake. Six years old na si Yuan Dave sa susunod na buwan at balak ko na ring dalhin siya sa Pilipinas. "Lorraine, yung visa mo at passport, okay na ba?" tanong ko kay Lorraine. Busy ang gaga sa pagme-make up. "Oh yes, kahapon pa nasa bag ko," hindi niya talaga maitago ang excitement niya na uuwi na pagkalipas ng maraming taon. Bahagya akong natawa sa hitsura niya. London girl na rin ang pormahan nitong si Lorraine. Ang laki rin ng pasasalamat ko sa kanya, kung hindi dahil sa kanya, hindi ko kakayanin mag-isa si Yuan. "Mommy! Mommy, we're home!" Sabay kaming nagkatinginan ni Lorraine at nagkangitian rin. Nagpatiuna na 'kong lumabas ng kwarto niya para salubungin ang kararating kong anak. "Yuan? How's my baby?" hinalikan ko sa pisngi si Yuan. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang gasgas sa may t
THREE MONTHS LATER "Meeting dismissed! You all can go back to work now." Natapos na ang meeting nina Davidson at ng mga tauhan niya ngunit ang kanyang Auntie Jasmine ay hindi man lang tumalima. "Is there anything you want, Auntie?" Tiningnan muna siya malamlam ng ginang bago magsalita. "Are you okay, Davidson? Hanggang ngayon ba ay nasa isip mo pa rin si Keirah?" Tila naudlot ang pag-upo ng binata nang marinig ang sinabi ng tiyahin. "What do you mean, Auntie?" tanong niya saka tuluyang hinila ang swivel chair para makaupo. Hindi niya inakala talaga na magtatanong ng ganoon ang tiyahin niya. Kunsabagay, baka concern lang ito. Botong-boto pa naman ito kay Keirah. Sa totoo nga lang ay ito pa ang numero unong tagasuporta niya pagdating kay Keirah. Kaso wala eh, wala na itong magagawa, tapos na ang sa kanila ng dalaga. Kahit na manghinayang pa ang tiyahin, eh huli na rin naman ang lahat. Hindi niya nga alam kung nasaan si Keirah eh. Sinubukan niyang itanong sa mga kaibigan ng
"Magre-resign ka?" "Ah eh, yes po Sir," nanlalamig ang mga kamay ni Lorraine habang kaharap si Mr. Montevella. "What's the reason? You're one of the most trusted employee ko dito sa Montevella, and you're now resigning?" Hindi naman galit ang amo niya ngunit ang kaba sa dibdib ng dalaga ay hindi maiwasan. "Ahm kasi po..u-uwi po kasi ako ng probinsya, Sir. May aalagaan po akong kamag-anak," nakagat ni Lorraine ang pang-ibabang labi. Sana lang ay hindi mapansin ni Mr. Montevella na nagsisinungaling siya. Bakit naman kasi kailangan pa siyang isama ni Keirah sa England? Mahigit anim na taon na siyang nagtatrabaho sa Montevella Corp. kaya ngayon ay nahihirapan siyang magpaalam. "Sir? Payagan niyo po ako please." Nakita ni Lorraine ang pagbuntong-hininga ni Mr. Montevella. Pinagdaop rin nito ang palad sa harap ng mukha para ipakita kung interesante ba ito sa sinasabi niya. "Well, kung yan ang desisyon mo, Miss Lorraine. Who am I para pigilan ka, 'di ba?" Muli ay
Tulala. Tulala sa kawalan si Keirah. Walang pumapasok sa kanyang isip. Nakipaghiwalay siya kay Davidson ng ganoon kadali. Parang wala siyang ideya kung bakit niya 'yon nagawa. "Keirah, kaya mo 'to, okay. Magiging okay din ang lahat. Magiging okay ka rin," patuloy na pang-aalo niya sa sarili. Para maiban ang lungkot na nadarama, isinubsob niya ang mukha sa unan at doon ay umiyak nang umiyak. Nasasaktan din naman siya. Hindi niya gustong hiwalayan si Davidson. Pero dahil sa miserable niyang sitwasyon, ayaw niya itong madamay. Gusto niyang sarilinin ang lahat ng problema. Ngunit sa ginawa niyang ito, malaking parte rin sa buhay niya ang nawala. ***** "S-sigurado ka ba sa gagawin mo, Akira?" "Yes Auntie. Pupunta ako ng England para ayusin do'n ang business ni Dad. Gusto kong i-expand ang branch do'n." "Well, kung yan ang nararapat at desisyon mo. Paano naman ang company dito sa Pilipinas?" "Five years lang ang kailangan ko, Auntie Laida. Babalik din ako dito
"Mr. Montevella, she's here." Nakangiting tinanguan ni Davidson ang manager ng isang mamahaling restaurant. Special ang gabing ito. Nag-rent pa siya ng buong restaurant para sa surpresa niya kay Keirah. Kailangan niyang gawin ang lahat para pagaanin ang loob ng nobya. Gusto niyang kahit papaano ay sumaya naman ang dalaga at sandaling makalimot mula sa mapapait na mga nangyari. "Yung music, ha. I want this night to be more special," hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Muling tiningnan ni Davidson ang isang diamond ring na nakalagay sa crystal box. Tonight, he' gonna propose. Yayayain niya na ng kasal si Keirah. Alam niyang hindi ito tatanggi pagkat mahal na mahal siya nito. At ganun din naman siya sa dalaga. In short, nagmamahalan silang talaga. Habang papalapit nang papalapit si Keirah sa kanya mas lalo namang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Bahala na. "Hi, babe," nakangiting bati niya sa dalaga nang makalapit na ito ng tuluyan sa direksyon niya. Ma
"Dad? Bakit ngayon pa?" Sobrang gulo na ng isipan ni Keirah. Halos buong unang lamay ng kanyang ama ay wala na siyang ginawa kundi ang umiyak. Masakit na masakit na rin ang kanyang mga mata. Mugtong-mugto na sa kakaiyak. Pakiramdam niya nga ay wala na siyang mailabas na luha. Hindi naman umalis sa tabi niya si Davidson. Tulad niya ay nangungulila rin ito. Alam niya ang pinagsamahan ng dalawa. Halos ama na rin ni Davidson ang Daddy niya dahil ito na ang gumabay rito mula noong namatay ang Daddy nito. "Keirah, tahan na," pang-aalo ni Davidson. Nakahilig siya sa balikat nito. "I don't think I can move on." "Keirah, you have me pa. Magiging okay din ang lahat--" "Okay? People are dying! Because of me! Paano magiging okay?!" hindi namamalayan ng dalaga na tumataas na ang boses niya. "What if, ikaw ang sumunod ha Davidson? "Ano bang sinasabi mo?" maski si Davidson ay kumunot ang noo at bahagya na ring tumaas ang boses. Umalis siya sa pagkakahilig sa balikat nito at marah