LOGINIsang gabing puno nang pagkakamali at walang pag-iingat ang bumago sa buhay ni Hermoine. Matapos siyang pagtaksilan nang kanyang pinakamamahal na kasintahan at ipahiya sa isang salu-salo ay nilunod niya ang kanyang pagdadalamhati sa pag-inom ng alak. Nagbabakasali na kahit manlang dito ay maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. Ngunit nang magising siya kinabukasan ay katabi na niya ang isang estrangherong ubod ng gwapo na hindi man lang niya alam ang pangalan. Ang akala niya ay pagkakamali lamang iyon na dapat kalimutan. Kaya ibinaon niya ito sa limot at nagpasyang magpokus na lamang sa pagtatatag ng kanyang buhay at sarili. Ngunit nagbago ang lahat ng kanyang plano nang makita niya ang dalawang pulang linya sa hawak niyang pregnancy test. Buntis siya at hindi niya kilala ang ama nang kanyang dinadala. Nagbunga ang isang beses na gabing pagkakamali sa buhay niya. Dahil sa takot at pag-iisa, nagpasya siyang ilihim ang tungkol sa sanggol at palalakihin niya ito nang mag-isa. Ngunit sa unang araw pa lamang niya sa kanyang trabaho tila mas matindi pa sa palaso ni kupido ang naging epekto nang tadhana. Dahil ang malamig, istrikto at walang awang Billionaire CEO na pumasok sa conference room......ay ang misteryosong gwapong lalaking nakasama niya sa gabing iyon na hinding-hindi niya makakalimutan. Wala sa sariling napaisip siya sa kanyang anak. 'Ang Milyonaryong Boss Ko ay Ang Tatay ng Anak Ko?' Sigaw nang kanyang isipan. Ano na ang gagawin niya ngayon? Si Chase Justin Monteverde, ang bilyonaryo na dating naniniwalang kahinaan lamang ang pag-ibig ay unti-unting nahuhumaling sa misteryosong empleyada at sa batang tila may kakaibang pagkakalapit sa kanya. Ano ang mangyayari kapag nalaman niya ang katotohanan na ang batang kinahuhumalingan at napalapit na sa puso niya ay siya ring sarili niya palang anak? ~ADORED BY MY EVIL BILLIONAIRE BOSS~ M.A.B. WRITES
View MoreDisclaimer:
This is only work of fictions. All characters, locations, names of buildings are all fictitious and imaginary product of the author. If there is any resemblance to any location, person, building etc. It is purely co-incidental and not intentional. HERMOINE POV Sa harapan nang isang malaki at sosyal na hotel ay nakatayo si Hermoine habang hawak-hawak ang isang box na regalo. Nakapaloob sa regalong dala niya ang isang sweater clothes na pinaghirapan niyang gawin. Nakasuot siya nang isang navy blue dress na above the knee at isang pares ng black sandals na may taas na 2 inches. Malayang sinasayaw nang hangin ang itim at maalon-alon niyang buhok. "Kaya mo ito Hermoine! Ibibigay mo lang naman itong regalo mo sa kanya at pagkatapos ay pwede ka nang umuwi," kausap niya sa kanyang sarili bago huminga nang malalim. Siya si Hermoine Astrine Mendez, kilalang nag-iisang anak ng mayamang angkan ng mga Mendez. Ngunit nang malugi ang negosyo nang kanilang pamilya ay unti-unting nawala ang kanilang pangalan sa industriya. Lahat ng mga taong kanyang inisip na mga kaibigan ay unti-unti ring nawala at iniwan siya, maliban na lamang sa kanyang kasintahan na si Jacob. Kaarawan ngayon ni Jacob at napag-alaman niya mula sa isang kakilala nang mother niya na magkakaroon ngayon nang isang birthday party dito sa nasabing hotel. Hindi niya alam kung bakit hindi manlang siya sinabihan ni Jacob tungkol dito. Ngunit kahit ganoon ay gusto niya paring iabot sa mismong lalaki ang kanyang regalo para dito. Marahan siyang naglakad papasok sa loob at hindi naman siya nahirapang hanapin ang hall venue ng nasabing party dahil sa may karatula namang nakalagay sa labas ng pintuan. Marahan siyang pumasok dito at agad na tumambad sa kanya ang napakaraming mga tao. May iilan siyang nakilala at namumukhaan ngunit ang hinahanap nang mga mata niya ay ang lalaking sadya niya sa gabing ito. "Hermoine? Is that you?" rinig niyang tawag nang kung sino man mula sa kanyang likuran at nang lingunin niya ito ay nakita niya si Kristel. Nakasuot ito nang isang pulang dress na hapit na hapit sa mismong katawan nito. May hawak itong isang kopita nang wine sa kanyang kanang kamay. "K-kristel?" anas niya sa pangalan nito. Papaanong nandidito ito sa party ni Jacob habang siya ay hindi manlang inimbitahan ng kanyang sariling nobyo. "Gosh anong ginagawa mo dito? Hindi ba't hindi ka naman inimbita ni Jacob sa party niya," sabi ni Kristel habang papalapit sa kanya. Kahit na hindi tama na makaramdam siya nang hiya sapagkat boyfriend naman niya ang mismong birthday celebrant ay hindi niya parin naiwasang makaramdam nang hiya sa sinabi nito. "Uhmm, may ibibigay lang ako kay Jacob." "Talaga ba?" Kristel sabay bagsak nang mga mata nito sa hawak niyang regalo. "Well I see. May regalo ka pala kay Jacob. Sige iwan mo nalang sa akin at ako na mismo ang magbibigay niyan sa kanya. Pwede ka nang umalis," nakataas na kilay na bigkas ni Kristel sa kanya. Humigpit ang hawak niya sa regalo niyang dala. "Hindi, ako na mismo ang magbibigay," giit niya. "Kristel nandito kalang pala. Kanina pa kita hinahanap," rinig niya mula sa kanyang likuran. Kilalang kilala niya ang boses na iyon. Hindi nga nagtagal ay nakalapit na ito sa tabi niya. "Baby sino ba iyang kausap mo-Hermoine? Ikaw ba iyan? Bakit ka nandito?" medyo gulat na tanong sa kanya ni Jacob. Kita aa mukha nang binata na hindi talaga nito inaasahan na darating siya. Agad namang yumakap sa mga braso ni Jacob si Kristel dahilan para sumunod ang mga mata niya doon. "Baby, kanina ko pa siya pinagsasabihan na umalis na dahil sa hindi naman siya imbitado sa party na ito. Pero ayaw niya talagang umalis ehh. May regalo kasi siya para sayo," malanding anas ni Kristel kay Jacob. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili sa mga nasasaksihan niya ngayon. May relasyon ba ang dalawang ito? Kung ganon ay papaano at kailan lang ito nagsimula? Hindi ba't siya ang girlfriend ni Jacob? "J-jacob? Anong ibig sabihin nito?" puno nang mga katanungan ang kanyang mukha habang hinaharap ang lalaki. Isang buntunghininga ang ginawa ni Jacob bago siya nito sinagot. "Siguro ay ito na ang tamang panahon para tumigil kana sa kakatawag sa akin, Hermoine." "Anong ibig mong sabihin?" kinakabahan na niyang tanong ngayon. Pagod lamang siyang tiningnan ni Jacob na para bang isa siyang nakakairitang nilalang na gusto nitong ipagtabuyan. "Girlfriend ko si Kristel at matagal na kaming may relasyon. Mas gusto ko siya kompara sa iyo at tsaka wala naman na akong mapapala sa pakikipagrelasyon ko sa iyo diba? Nalugi na ang kompanya ninyo at ang isang tulad ko ay hindi karapat dapat na mapasayo. " Namilog ang mga mata ni Hermoine sa sobrang gulat at halos hindi na niya napansin pa na nahulog na pala sa sahig ang hawak-hawak niyang regalo. "Teka ano ba ito?" sabay pulot ni Kristel sa regalong naglaglag sa sahig. Doon lamang muling natauhan si Hermoine. "Ano ba, akin na iyan!" sabay agaw niya sa regalo niyang hawak ni Kristel. Ngunit mabilis itong iniiwas ni Kristel. Pinunit nito ang gift wrapper at tumambad sa harapan nila ang itim na sweater clothes na pinaghirapan niyang gawin. "Huh?! Ano 'to? Kadiri! Anong tingin mo kay Jacob? Pulubi kagaya mo na magsusuot nang ganitong klase nang damit?" natatawang anas ni Kristel at itinapon ang damit sa sahig tsaka tinapaktapakan. "Ano ba! Tama na!" sigaw ni Hermoine dahilan para mapatingin na sa kanya ang iba pang mga bisita. "Hindi ba't isa siyang Mendez?" "Balita ko nalugi na ang kompanya nila." "Bakit nandito 'yan?" Isa lamang iyon sa mga bulong bulungan na naririnig niya mula sa paligid niya. Hindi niya napigilan pa ang mapaiyak at wala sa sariling napatingin siya kay Jacob. Nagbabakasakaling sa pagkakataon na ito ay baka ipagtanggol at tulungan siya nito. Ngunit ang pag-iwas nito nang tingin sa kanya na para bang hindi siya nito kilala ay ang nagpadurog sa mismong puso niya. "Sinabihan na kita kanina na umalis na pero ayaw mo paring umalis. Tingin mo ba tutulungan ka ni Jacob? Asa ka pa girl! Huwag mo na nga kaming guluhin pa at hindi ka naman na mahal ni Jacob." Kristel sa mapanuyang paraan. "Jacob," tawag ni Hermoine sa lalaki. Ang kanyang mga mata ay may kalakip nang mga luha. "Umalis kana Hermoine. Ginugulo mo ang birthday party ko alam mo ba iyon?! At huwag na huwag kana ulit magpapakita pa sa akin pwede ba. Nakakahiya ka," anas ni Jacob sa kanya bago siya nito tinalikuran. ~ADORED BY MY EVIL BILLIONAIRE BOSS~ M.A.B. WRITESCHASE POVMakaraan ang ilang minutong pagpapahinga ni Chase ay naisipan niyang silipin sa labas nang kanyang pribadong silid si Hermoine. Lumabas siya nang kanyang silid at agad niyang nakita si Hermoine na payapang natutulog sa upuan nito.Bumukas ang pintuan nang kusina at mula doon ay lumabas ang babaeng flight stewardess."Sir, may kailangan po ba kay-""Shhh!!" senyas na pagpapatahimik niya dito na agad naman ikinatigil nito.Naglakad siya papalapit kay Hermoine at tsaka siya marahang naupo sa tabi nang natutulog na dalaga."Ahm, sir?" muling tanong nang babaeng flight stewardess na ngayon ay nakalapit na."Leave us. And don't come out if I didn't call you," utos ni Chase dito habang ang mga mata ay nakatitig parin kay Hermoine na payapang natutulog.Nagngitngit sa galit na umalis ang babaeng flight stewardess pabalik nang kinaroroonan nang kusina. Habang si Chase naman ay kunot noong pinakatitigan nang husto si Hermoine. Sa matagal niyang paninitig dito ay may biglang imahe nang
CHASE POVMakaraan ang ilang minutong pagpapahinga ni Chase ay naisipan niyang silipin sa labas nang kanyang pribadong silid si Hermoine. Lumabas siya nang kanyang silid at agad niyang nakita si Hermoine na payapang natutulog sa upuan nito.Bumukas ang pintuan nang kusina at mula doon ay lumabas ang babaeng flight stewardess."Sir, may kailangan po ba kay-""Shhh!!" senyas na pagpapatahimik niya dito na agad naman ikinatigil nito.Naglakad siya papalapit kay Hermoine at tsaka siya marahang naupo sa tabi nang natutulog na dalaga."Ahm, sir?" muling tanong nang babaeng flight stewardess na ngayon ay nakalapit na."Leave us. And don't come out if I didn't call you," utos ni Chase dito habang ang mga mata ay nakatitig parin kay Hermoine na payapang natutulog.Nagngitngit sa galit na umalis ang babaeng flight stewardess pabalik nang kinaroroonan nang kusina. Habang si Chase naman ay kunot noong pinakatitigan nang husto si Hermoine. Sa matagal niyang paninitig dito ay may biglang imahe nang
HERMOINE POV "We are ready to take off any minute now, sir," dagdag pa nito. Uupo na sana si Hermoine sa kalapit na upuan ng kanyang boss kung saan tanging ang daanan lamang ang pagitan nilang dalawa nang bigla siyang pinigilan nang babaeng flight stewardess. "Pasensya na po pero exclusibo lamang po ang silid na ito para kay Mr. Monteverde. Doon na lamang po kayo maupo sa common seats," anas nito kay Hermoine. "Ah, o-ok!" medyo nahihiya pang anas ni Hermoine sa babaeng flight stewardess. Tama nga naman iyon. Iba ang upuan nang boss niya at iba rin ang upuan niya dahil sa assistant secretary lang naman siya nito. Sinulyapan niya ang kanyang boss na si Chase at nakita niya na prente lamang itong nakaupo at nagbabasa lang ito nang magazine. Tss! Mga mayayaman nga naman. Lumabas siya nang kwarto kasama ang babaeng flight stewardess at nakita pa niya kung paano nito marahang isinara ang pintuan. Nang matapos nitong gawin iyon ay tsaka lamang ito humarap sa kanya at medyo nagulat pa
HERMOINE POV "Saan tayo pupunta?" nagtataka pa niyang anas habang sinusundan ito nang tingin. "May dadaluhan akong meeting ngayon sa Paris. May lakad si Liam kaya ikaw ang sasama sa akin." "P-paris ba kamo?" hindi makapaniwalang anas ni Hermoine. Pupunta lang ito nang Paris para magkipagmeeting? What the hell? "Bilisan mo na diyan at ayaw ko pa naman sa mga mababagal kumilos," naiinis na sabi nito tsaka naglakad patungo sa kinaroroonan nang pintuan. "O-oo!" mabilis na pakli niya at agad na sumunod sa kanyang boss. "Ok lang po ba na sumama ako sa inyo? I mean wala pong maiiwan dito kung sakaling may mga kliyenteng dumating," sabi ni Hermoine habang nakasunod sa kanyang boss sa paglalakad. Halos magkandatakbo na siya dahil sa mabibilis na lakad at malalaking hakbang nito. "Hindi magpapasok ang mga receptionist sa lobby area nang mga kliyante kapag wala ako sa opisina ko. Mahigpit ang utos kong iyon sa kanila," sagot ni Chase sa kanya habang pinipindot ang rooftop button nang el
HERMOINE POVMatapos ang pag-uusap nilang dalawa ng ina niya kanina ay dumeretso na agad siya sa kanyang silid at nagkulong. Marami ang mga katanungan sa kanyang isipan ang gumugulo ngayon sa kanya.'Anak, ayos ka lang ba? Bakit mo hinahayaang gawin ito sa iyo ni Jacob?' muling naalala niyang tanon
HERMOINE POV'Si Jacob? Anong kailangan niya sa akin? Hindi ba't sinabi na niya sa akin kagabi na hindi na niya ako gustong makita pa. Bakit ngayon ay naririto siya sa pamamahay ko?' puno nang mga katanungang sigaw nang isipan niya.Baka makikipagbalikan na siya sa akin? Siguro ay napagtanto kaya n
HERMOINE POV'SHIT! ANONG NANGYARI SA AKIN?! AT BAKIT HUBO'T HUBAD KAMING DALAWA?!' malakas na sigaw nang kanyang isipan at napapikit nang mariin nang maramdaman niya ang pananakit nang kanyang ulo.Kahit na nahihilo at sumasakit ang ulo niya ay pinilit niya pa ring makatayo. Pinagpupulot niya ang
[ Warning: This chapter may contains sexual themes and mild nudity. Appropriate for readers age 18 or older. ]HERMOINE POV"Jacob," tawag ni Hermoine sa lalaki. Ang kanyang mga mata ay may kalakip nang mga luha."Umalis kana Hermoine. Ginugulo mo ang birthday party ko alam mo ba iyon?! At huwag na






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore