Davidson is known as a cold as Ice CEO of Montevella Corp. Everyone in Montevella Corp can't get close to him, unless they are executive members or family-related. At age of thirty, he didn't expect na kailangan niya ng magpakasal kahit wala sa plano niya. He needs to make a marriage arrangement with the daughter of Benavidez Company. Pero bago pa mangyari ang kasalang pinaplano ay biglang dumating ang isang babae sa buhay ni Davidson. She's Keirah Gustavo, a twenty-years old childish employee of Montevella Corp. Akala ni Davidson ay normal lang ang lahat, ngunit hindi niya alam na ito na pala ang umpisa na magulo ang nananahimik niyang mundo. Ang kaibahan ni Keirah ay nagpabago sa malamig na binata. Dahil unti-unti lang naman nitong pinapainit ang ulo niya. But Keirah is always approaching him even tho tinataboy niya ito. He can’t accept the fact na napapasaya siya ng dalaga sa mga simpleng bagay na ginagawa nito. Kung kailan naman ay masaya na si Davidson sa presensya ng dalaga ay saka naman ito naglahong parang bula. And for the second time doubting himself, he couldn’t accept the fact na namimiss niya ang dalaga. Nahuhulog na ba siya dito o nadadala lang siya sa mainit na pakikisama nito sa kanya? At isang tanong ang bumabagabag kay Davidson… Paano niya ba sasabihin sa dalaga na ikakasal na siya? Paano niya ba sasabihin dito na nakatali na siya sa isang kasunduan?
Lihat lebih banyakMaagang gumising si Keirah para mag-ayos ng sarili. Sunod naman niyang inayos ang mga gamit ni Yuan para sa pag-alis nila. Abala siya sa pagaasikaso nang pumasok si Melanie at Lorraine sa kwartong kanilang kinaroroonan. "Oh, ang aga mo 'ata," pumupungas pa si Lorraine na halatang kagigising lang. "Ngayon na ba ang punta mo sa Benavidez Corp.?" tanong naman ni Melanie saka sinulyapan ang natutulog pang si Yuan. "Isasama mo ba si Yuan?" "Oo. Pero bago yun, may dadaanan muna kami." "Kailangan mo ba ng kasama?" si Lorraine. "Ah hindi na. Saglit lang naman kami eh para maayos mo na rin kung may aayusin ka pa," tanggi na niya. "Eh ikaw bahala, sige na maliligo muna 'ko," anito saka lumabas ng kwarto. Bumubuntong-hininga na napasulyap siya sa natutulog na anak. Magiging okay kaya ako? , anang isip niya. Ngayong araw, pupunta siya sa kumpanya nila na matagal na niyang hindi nakikita. Iniisip niya kung magiging maayos ba ang lahat. Bahala na. •••~~
Keirah PoV "Yuan, is that true? Bakit mo ginawa yon? Pa'no kung nawala ka ha?" pinipigilan ko na lang na 'wag tumaas ang boses habang pinapagalitan ko ang anak ko. "Sorry po, mommy," humihikbing hingi niya ng paumanhin. Disappointed talaga ko sa ginawa niya. Buti na lang may tumulong sa kanila kung hindi...hay nako, ibabalik ko talaga 'to sa sinapupunan ko. Bumuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili ko. Wala naman akong magagawa, sadyang malikot lang talaga si Yuan. "Huwag mo na lang uulitin, okay." Tango naman ang sinagot niya. Halata namang nagsisisi siya sa ginawa niya. "Bakit kasi hindi ka na lang nagpasundo sa driver ng Auntie mo? Edi sana kanina pa tayo nakaalis rito," si Lorraine. "Gusto ko nga silang sorpresahin. Kaya nga hindi ko sinabi sa kanila na uuwi tayo," inirapan ko siya. "Hays, okay okay." Bumuntong-hininga ulit ako. Bakit nga ba ayaw kong sabihin? Wala lang. Mga ilang minuto pa kaming naghintay sa labas ng airport nang may pumaradang pu
(Keirah POV) "Mommy, mommy can I go to the bathroom?" Napatingin ako kay Yuan. Kasalukuyan kong inaayos ang mga passport ko nang magpaalam siya. "Ate Aida, pakisamahan naman si Yuan. Magkita na lang tayo sa waiting area, okay. May aayusin lang ako," pakiusap ko kay ate Aida. "Sige po, ma'am." Pagkatapos magpaalam, iniwan na nila 'ko. Tinatawagan ko rin si Melanie pero hindi naman sumasagot. Mahigit kalahating oras na rin kaming nagaabang dito sa NAIA. 'Nasan na kaya ang mga 'yon?'-------(Davidson POV) "Sir, 1:00 p.m. pa po ang schedule ng meeting niyo, Hongkong time po." "Okay, anything else?" tanong ko kay Sandra. Abala naman ito sa pag-check ng schedule ko sa tablet niyang hawak. "Wala na po, Sir." Nakahanda na ang private plane na sasakyan namin pa-Hongkong. Na-delay nga lang ang lipad dahil nagka-problema sa piloto. Habang naghihintay, hindi ako mapakali. Parang may kakaiba sa nararamdaman ko. Kumain naman ako, pero parang may paru-paro na naglilip
MELTING THE CEO'S COLD HEART:IKATLONG YUGTOSIX YEARS LATER...(Keirah Pov) Sa paglipas ng mga taon, marami na ang nangyari. Meron na 'kong malusog at bibong anak na lalake. Six years old na si Yuan Dave sa susunod na buwan at balak ko na ring dalhin siya sa Pilipinas. "Lorraine, yung visa mo at passport, okay na ba?" tanong ko kay Lorraine. Busy ang gaga sa pagme-make up. "Oh yes, kahapon pa nasa bag ko," hindi niya talaga maitago ang excitement niya na uuwi na pagkalipas ng maraming taon. Bahagya akong natawa sa hitsura niya. London girl na rin ang pormahan nitong si Lorraine. Ang laki rin ng pasasalamat ko sa kanya, kung hindi dahil sa kanya, hindi ko kakayanin mag-isa si Yuan. "Mommy! Mommy, we're home!" Sabay kaming nagkatinginan ni Lorraine at nagkangitian rin. Nagpatiuna na 'kong lumabas ng kwarto niya para salubungin ang kararating kong anak. "Yuan? How's my baby?" hinalikan ko sa pisngi si Yuan. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang gasgas sa may t
THREE MONTHS LATER "Meeting dismissed! You all can go back to work now." Natapos na ang meeting nina Davidson at ng mga tauhan niya ngunit ang kanyang Auntie Jasmine ay hindi man lang tumalima. "Is there anything you want, Auntie?" Tiningnan muna siya malamlam ng ginang bago magsalita. "Are you okay, Davidson? Hanggang ngayon ba ay nasa isip mo pa rin si Keirah?" Tila naudlot ang pag-upo ng binata nang marinig ang sinabi ng tiyahin. "What do you mean, Auntie?" tanong niya saka tuluyang hinila ang swivel chair para makaupo. Hindi niya inakala talaga na magtatanong ng ganoon ang tiyahin niya. Kunsabagay, baka concern lang ito. Botong-boto pa naman ito kay Keirah. Sa totoo nga lang ay ito pa ang numero unong tagasuporta niya pagdating kay Keirah. Kaso wala eh, wala na itong magagawa, tapos na ang sa kanila ng dalaga. Kahit na manghinayang pa ang tiyahin, eh huli na rin naman ang lahat. Hindi niya nga alam kung nasaan si Keirah eh. Sinubukan niyang itanong sa mga kaibigan ng
"Magre-resign ka?" "Ah eh, yes po Sir," nanlalamig ang mga kamay ni Lorraine habang kaharap si Mr. Montevella. "What's the reason? You're one of the most trusted employee ko dito sa Montevella, and you're now resigning?" Hindi naman galit ang amo niya ngunit ang kaba sa dibdib ng dalaga ay hindi maiwasan. "Ahm kasi po..u-uwi po kasi ako ng probinsya, Sir. May aalagaan po akong kamag-anak," nakagat ni Lorraine ang pang-ibabang labi. Sana lang ay hindi mapansin ni Mr. Montevella na nagsisinungaling siya. Bakit naman kasi kailangan pa siyang isama ni Keirah sa England? Mahigit anim na taon na siyang nagtatrabaho sa Montevella Corp. kaya ngayon ay nahihirapan siyang magpaalam. "Sir? Payagan niyo po ako please." Nakita ni Lorraine ang pagbuntong-hininga ni Mr. Montevella. Pinagdaop rin nito ang palad sa harap ng mukha para ipakita kung interesante ba ito sa sinasabi niya. "Well, kung yan ang desisyon mo, Miss Lorraine. Who am I para pigilan ka, 'di ba?" Muli ay
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen