Share

Kabanata LII: Ang Mga Tao Sa Libingan

Ang buwan ay natatabunan ng maulap na langit. Malamig ang ihip ng hangin na nagbabadya na nalalapit na ang Disyembre na siyang pumapalis sa dahong tuyo at alikabok sa makipot na daan patungo sa libingan.

May tatlong anino ang marahang nagngungusap sa ilalim ng pinto. Ang paksa ng kanilang usapan si Francisco at si Claudio. Itinanong ng isa kung nakausap nito si Claudio. "Binanggit naman ng isa na si Don Francisco ang nagpadala sa aking asawa sa Maynila upang ipagamot kaya hindi ako makatanggi sumama sa kilusan. May isa na nagsabi na lulusob sa kumbento upang singilin ang mga kasamahan ng kura. Ang ilan ay nagsabi na sila naman ang lulusob sa kuwartel.

Sa kadiliman ay kanilang na aninaw na may isang aninong dumarating na namamaybay sa bakod. Maya-maya ay humihinto at tumitingin sa kanyang likuran.

Sinalubong ng tatlong anino ang naunang anino. "Maghiwa-hiwalay tayo sapagkat may sumusunod sa akin. Ang inyong mga sandata ay bukas na lamang ninyo tatanggapin. Sa gab

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status