Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila. Date Written: March 5, 2021 Date Finished: September 25, 2021
View MoreNang huling araw ng Oktubre, ipinahayag ni Don Gregorio De Quintos na lalong kilala sa tawag na Gobernador Gregorio na nag-iimbita ng mga panauhin sa isang hapunan sa kaniyang bahay. Ang balitang ito ay tila apoy na kumalat sa buong panig ng San Lorenzo. Kakaiba ang pag-uugali ni Gobernador Gregorio kagaya ng pagiging mapagparaya at madaling lapitan sa panahon ng kagipitan, bagama't ayaw niya ang mga taong mapaghimagsik at nangangalakal. Ang mga tanod ay tiyak na dadalo kahit hindi naimbitahan ni Gobernador Gregorio. Ang lahat ay nagnanais makarating sa pagtitipon kaya't abalang-abala sa paghahanda ng sarili at sa mga sasabihing kadahilanan.
Matatagpuan ang malaki bagama't mababang bahay ni Gobernador Gregorio malapit sa pampang ng Ilog ng Pag-ibig ang bahay ni Gobernador Gregorio na di gaanong maayos ang pagkakagawa ng arkitekto at maaaring maapektuhan ng lindol, bagyo at iba pang kalamidad. Ang Ilog ng Pag-ibig ay nakahalintulad din ng iba pang ilog sa San Lorenzo na ginagamit bilang paliguan, labahan at igiban ng mga mangingisda upang may ikabuhay.
Ang mga maliliwanag na ilaw, mga magagandang palamuti at masisiglang tugtuging orkestra ay naglalarawan ng isang napaka sayang handaan sa tahanan ni Gobernador Gregorio. Ang mga kalansing ng mga kubyertos at pinggan ay nagpapahiwatig ng lubos na kasiyahan sa mga panauhin sa napakaraming pagkain sa mahabang hapag-kainan sa gitna ng bulwagan. Ang mga pangkat ng mga kalalakihan ay hiwalay sa mga kababaihan gaya ng nakagawian sa loob ng simbahang Katoliko na maaaring dulot din ng mga larawan ng mga birheng nagpapagunita ng wastong pagkilos bilang Kristiyano.
Si Tiya Flora ay ang pinsang babae nina Gobernador Gregorio at Amelia na may edad na subalit nababakas pa rin ang maamong mukhang dulot ng kagandahang angkin. Matiyaga itong sumasalubong sa mga panauhing babae at namamahagi ng mga sigarilyo sa mga dayuhang babae. Ang mga Pilipina ay humahalik sa kamay ni Tiya Flora tulad ng karaniwang ginagawa ng mga tao sa mga prayle bilang paggalang.
"Mga walang ingat! Ano ba ang nangyari?" ang wika ni Tiya Flora habang patungo sa kusina upang alamin ang tunay na naganap.
Mapupuna ang mga pangkat ng kadete na masayang nag-uusap na nakatingin sa iba pang bisita. Ang ilan sa mga bisitang nasisiyahan sa handaan ay ang mga prayle, mga sundalo at karaniwang mamamayan dahil sa ang mga nakalapag sa mesa ay mga alak.
Ang matandang tenyente ng guwardiya sibil ay matangkad at tuwirang mangusap sa kausap. Naroroon si Padre Martin, ang Dominicong prayle sa San Lorenzo. Pormal makitungo sa mga kahalubilo at maingat sa kaniyang pananalita, bagama't bata pa ay mahusay na sa pakikipagtalo na naging guro sa Kolehiyo sa San Juan de Letran. May isang matandang Franciscanong prayle na maliksi sa pagkilos at ito ay si Padre Ignacio. Kausap niya ang isang binatang bagong dating sa San Lorenzo na may madilaw na buhok.
"Mababatid ninyo na kakaiba ang pamamahala rito sa San Lorenzo kung ihahambing sa ibang lugar dito sa Asya at sa Madrid," ang pahayag ni Padre Ignacio.
"Sa tatlumpu't pitong taon kong pamamalagi rito sa San Lorenzo nasanay na akong kumain ng patatas at kanin, punung-puno ng maraming karanasan kaya't lubusang pinaniwalaan ng maraming tao," ang pagpapatuloy ni Padre Ignacio.
"Kilala ko ang mga taga-rito sapagkat nakasama ko sila nang tatlumpu't pitong taon sa isang maliit na bayan ng San Lorenzo na may pitong libo na populasyon na pagsasaka at pangingisda lamang ang kanilang ikinabubuhay." dagdag na pahayag ni Padre Ignacio. "Nalungkot ang mga taga-rito nang lisanin ko ang lugar na nailipat sa isang mas malaking bayan."
"Ngunit, ano ang ibig ninyong patunayan?" ang wika ng binata. "Sandali! Patapusin ninyo muna ako, mas naibigan ng mga tao ang paring pumalit sa akin kaya't mas lalo silang nagpighati," ang pangangatwiran ng prayle.
"Ano po ba ang kaugnayan niyan sa pag-aangkat ng mga produkto mula dito?" ang tanong ng binata.
"Ang repormang ginagawa ng ministro ay hindi tama," ang tugon ng prayle.
Humingi ng paumanhin ang binata upang makibahagi ng kanyang paniniwala.
"May katotohanan ba na ang mga taga-rito ay mangmang na walang pinag-aralan kaya't ito ang nagdulot ng mabagal na pag-unlad ng kanilang bayan?" ang sabi ng binata.
"Hindi itinuturing na mangmang si Gobernador Gregorio katulad ng mga nakatira rito," anang binata.
"Natitiyak kong mababago ang inyong paniniwala kapag nasanay na kayong magdadalo sa pista at makakain ng tinola."
"Ang tinola ay ginisang manok na may upo. Kailan pa ba kayo mamalagi rito sa bayan ng San Lorenzo?" ang sambit ni Padre Ignacio.
"Limang araw na ako rito sa San Lorenzo at sariling pera ko ang ginastos para makarating dito." sagot ng binata.
"Tanungin ninyo si Ginoong Carlito kung may tatalo pa sa kamangmangan ng mga taga San Lorenzo."
"Ibig mong sabihin nagbiyahe ka sa walang kwentang layunin samantalang maririnig mo naman sa mga usapan ng tao ang tungkol sa lupaing ito," ang nangungutyang sabi ni Padre Ignacio.
"Ayon sa inyong pahayag, tatlumpu't pitong taon kayo namalagi sa San Lorenzo. Hindi ba kayo nasiyahan ng pananatili rito?" ang tanong ni Padre Martin.
"Hindi," wika ni Padre Ignacio.
"Nalungkot ako ng lubusan nang umalis ako sa Sta. Clarita na ilang buwan ko lang pinanahan, samantalang kayo ay tatlumpu't pitong taon na tumigil sa San Lorenzo at halos kilalang-kilala na ninyo ang lahat ng tao roon tulad ng inyong abito na araw-araw suot. Ako ay lumipat ng ibang pamayanan para sa kabutihan ng lahat," ang salaysay ni Padre Martin kay Padre Ignacio na napasuntok sa lamesa.
"May relihiyon ba? May kalayaan ba ang mga prayle?" ang mariing sabi ni Padre Ignacio na ikinagulat ng apat na dayuhang naglalakad.
"Ano ang ibig ninyong ipakahulugan?" pagtatanong ng Tenyente at Dominico.
"Sinasang-ayunan ng pamahalaan ang mga kumakalaban sa Diyos kaya maraming sakunang nagaganap dito," ang tugon ng Franciscano.
"Kapag ang prayle ang nagpahukay ng nakalibing na bangkay ng isang kalaban ng Diyos, kahit hari ng España ay walang karapatang makialam rito," ang malakas na sigaw ni Padre Ignacio.
"Padre ang kanyang kamahalan, ang Kapitan Heneral ay siyang Vice-Real Patrono na pangalawang tagatangkilik ng Hari ng España," ang pagsigaw sa galit ng tenyente.
Tumindig ang Franciscano at sumagot, "Anong Vice-Real? Kung naganap ito noon, siguradong kinaladkad na sa hagdan tulad ng kay Gobernador Delos Reyes sapagkat may tunay na pananampalataya noon."
"Bawiin ninyo ang inyong sinabi at kundi ay makakarating ito sa kaniyang kamahalan," pananakot ng Tenyente kay Padre Ignacio.
Namagitan si Padre Martin sa away ng Tenyente at ni Padre Ignacio.
"Si Padre Ignacio ay wala sa San Lorenzo at ang katulong na paring Pilipino ay siyang nagpalibing sa bangkay ng isang marangal na ginoo. Ano ang masama kung hindi siya nangumpisal? Kahit ako hindi rin nangungumpisal sa pari. Hindi nagpakamatay ang ginoo sapagkat may isang anak siyang mahal na mahal na pinag-aral sa Paris. Inalipusta ang paring Pilipino na tumulong sa kura sa simbahan at nag-utos na ipatapon sa ibang lugar ang bangkay. Nang malaman ng Kapitan Heneral ay inilipat niya si Padre Ignacio sa ibang bayan," ang pagpapaliwanag ng militar kay Padre Martin at lumisan upang makiumpok sa ibang pangkat.
Dumating pa ang maraming panauhin, isa na rito si Don William na isang Kastila na sunud-sunuran sa asawa at si Doña Beatrice na isang Pilipina ngunit Europeo ang kasuotan.
"Sino, G. Carlito, ang may-ari ng bahay na ito?" tanong ng binatang madilaw ang buhok. "Hindi pa ako naipapakilala sa kanya."
"Hindi na kailangan dito ang pagpapakilala," sagot ni Padre Ignacio.
Ang magandang pag-uugali sa pagtitipon ay kailangan sa lahat ng pagkakataon.
Si Francisco ay isang binatang Pilipino na nag-aral nang walong taon sa Paris at nagbalik sa San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay naghandog ng isang hapunan sa pagdating ni Francisco Alonzo. Subalitay pangyayaring hindi inaasahan. Si Francisco makalawang beses na hinamak ni Padre Ignacio isang Franciscanong pari na naging kura ng San Lorenzo. Ang binata ay humingi ng paumanhin. Siya ay nagpaalam pagkat may mahalaga raw siyang pupuntahan.Si Francisco Alonzo ay katipan ni Felicidad de Quintos, isang kabigha-bighaning binibini, na sa kagandahan at mga katangian ay ginawang sagisag ng Inang Bayan. Si Felicidad ay anak sa turing ni Gobernador Gregorio, isa sa mayaman sa San Lorenzo maka-prayle at mapang-api sa mahihirap.Kinabukasan, panauhin ni Gobernador Gregorio sa kanyang tahanan si Francisco Alonzo. Sa pag-uusap ni Felicidad at Francisco ay muling nanariwa ang dalisay na pagmamahalang umusbong mula sa kanilang kamusmusan. Binasa noon ni Felicidad ang su
Magkikita ulit tayo pagdating ng ika-dalawampung taon mula ngayon. -Francisco This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa pagbabasa at pagsuporta ng aking istorya hindi ko ito makalilimutan. Maraming salamat sa taong nagpasok sa akin dito natulungan mo ako ng malaki mabuhay ka pa sana ng matagal, maraming salamat.
San LorenzoKalye Pilipo, Santo RosarioIka-31 ng Disyembre 1945Felicidad de Quintos y FloresKalye Burgos, Santa ClaraSan LorenzoMinamahal kong Francisco, Lubos akong nagagalak ng mabalitaan kong ikaw ay nakaligtas ngunit labis ang aking hinagpis ng malaman kong ika'y hindi na muling babalik pa sa lugar kung saan ang ating pag-iibigan ay nagsimula. Naaalala mo pa ba noong tayo'y mga musmos pa lamang lagi tayong nasa pampang ng Ilog ng Pag-ibig nagkukwentuhan sa ilalim ng matandang puno kung saan nakaukit ang ating mga pangalan, kung saan doon nanumpa sa pagdating ng tamang panahon tayo ay maikakasal at magkakaroon ng malulusog na supling. Ngunit sadyang malupit ang tadhana ang minsang pag-iibigan ay naudlot ng dahil lamang sa pagkakagalit mo at ng aking tunay na ama na si Padre Ignacio, siguro'y hindi mo na nabalitaan ang nangyari sa aking
This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila.MGA TAUHANI. Angkan ni Francisco Alonzo y MontevalloFrancisco AlonzoDon Lorenzo AlonzoDon Arthuro AlonzoII. Angkan ni Felicidad De Quintos y FloresFelicidad De QuintosGob. Gregorio De QuintosAmelia FloresTiya FloraIII. Mga
Pumasok sa kumbento si Felicidad. Iniwan na ni Padre Ignacio ang bayang kinaroroonan niya upang sa Maynila na manirahan. Si Padre Pedro ay nasa Maynila na rin. Samantalang naghihintay siyang maging obispo ay manakanakang nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara at sa kumbento naman niti ay may mahalagang tungkulin. Di nagtagal si Padre Ignacio ay tumanggap ng isang kautusan ng Padre Provincial upang maging kura sa isang napakalayong lalawigan. Napabalitang dinamdam niya nang gayon kaya't kinabukasan ay natagpuan ang paring ito na patay na sa kanyang hihigan. May mga nagsasabi na namatay sa sakit na apoplegia, ang iba nama'y sa bangungot, ngunit ayon sa medikong tumingin, biglaan ang pagkamatay ng pari.Walang sinuman sa mga mambabasa ang ngayon ay nakakakilala kay Gobernador Gregorio. Ilang linggo bago suutan ng abiti si Felicidad para magmongha ay nakaramdam ng isang panlulumo na pinagmulan ng unti-unti niyang pamamayat. Siya ay naging malungkutin at mapag-isip. Noon ay katata
Sa itaas ng bundok sa tabi mg isang ilug-ilugan ay may nakakubli sa kakahuyan. Ito ay may isang dampa na yari sa mga balu-baluktot na punongkahoy. Dito ay may naninirahan na isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy. Sa ilalim ng puno ang nunong lalaki ay nagtitistis ng dahon ng niyog na gagawing walis. Isang dalaga naman ang naglagay ng isang bakol ng mga itlog ng manok, dayap at mga gulay. Dalawang batang lalaki at babae ang magkasamang naglalaro sa tabi ng isang batang maputla, malungkot at may malalaking mga mata.Si Manuel na may sugat sa paa ay hirap na hirap na tumindig at lumapit sa matanda. "Ingkong, mahigit isang buwan na po ba akong maysakit?" "Mula ng matagpuan ka naming walang malay ay dalawang beses nang bumilog ang buwan. Ang akala nga namin noon ay patay ka na.""Gantihan nawa kayo ng Diyos!" Kami po ay mahirap lamang," ang naisagot ni Manuel. "Subalit ngayon po ay Pasko, ibig ko po sanang umuwi sa bayan upang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments