Beranda / History / Memories of the Past [COMPLETED] / Kabanata XIV: Si Don Julio

Share

Kabanata XIV: Si Don Julio

Penulis: Demie
last update Terakhir Diperbarui: 2021-07-27 09:18:58

Si Don Julio ay kinikilalang siyang pinakamatalino sa San Lorenzo. Siya ay dating mag-aaral ng pilosopiya. Pero, hindi siya nakatapos. Pinahinto siya sa pag-aaral ng kanyang ina hindi sa dahilang wala silang gagastusin. Sa katunayan ay mayaman amg kanyang ina. Ang kayamanang iyon ang isang dahilan ng kanyang angking katalinuhan. 

Dahil nga matalino, pinangambahan ng kanyang ina ang anak ay makalimot sa Diyos. Kaya isang araw sinabi ng ina sa anak, "Mamili ka anak, magpapari ka o hihinto ka sa pag-aaral sa Kolehiyo de San Jose?" Mas pinili ng anak ang tumigil sa pag-aaral. 

Hindi nagtagal, ang lalaki ay nag-asawa. Pero, malas yata sa pag-aasawa dahil pagkaraan ng isang taon, siya ay nabalo. 

Kailangan niyang maglibang upang makalimot sa kanyang pangungulila. Nahilig siya sa pagbabasa ng aklat hanggang napabayaan niya ang kanyang kayamanan at unti-unting naghirap. 

Nang hapong iyon ay nagbabadya ang pagkakaroon ng masamang panahon. May mga kidlat na gumuguhit sa kalawakan. Ang simoy ng hangin ay mainit din. Babala ng isang paparating na unos. 

Nasalubong niya malapit sa simbahan ang isang lalaki sa pananamit ay masasabing may sinasabi. May borlas ang mga tungkod nito. Sabi niya kay Don Julio: "Masaya yata kayo ngayon?"

"Totoo po ang sinasabi ninyo Kapitan, masaya po ako dahil may pag-asa po akong natatanaw," wika ni Don Julio.

"Ano po ang pag-asang iyon?" ani ng Kapitan. 

"Ang unos po."

Ngumiti ang Kapitan, "Gusto po ba ninyong maligo?" ang may halong patuyang usisa ng Kapitan, kasabay ng tingin sa gusgusing kasuotan ng matanda. 

"Maliligo ako? Hindi po lubhabg masama kung nakatitisod ako ng b****a. Ngunit naghihintay ako ng lalong mabuting bagay," ang pabiro ring pagsagot ni Don Julio, na may kaunting paghamak.

"Ano po kung gayon?"

"Iyan pong mga kidlat na papatay ng tao at susunog ng mga bahay!" ang wala nang birong sagot ng pilosopo. 

"Bakit hindi pa pagkagunaw ng mundo ang hingin ninyo?"

"Lalo sigurong mabuti, Kapitan, para sa iyo at para sa akin. May sampung beses nang iminungkahi sa lahat ng bagong kapitan heneral na bumili ng panghuli ng kidlat o pararayos pero ako'y pinagtatawanan lamang nila. Sa halip, mga kwitis at paputok anf binibili nila at nagbabayad sila ng tagapagtugtog ng kampana pag kumikidlat at kumukulog. Hindi ba nila alam na batay sa karunungan ay mapanganib ang tumugtog ng kampana pag kumikidlat?"

Nang sandaling yao'y biglang-biglang dumagundong ang pagkalakas-lakas na kulog.

"Susmaryosep! Santa Barbarang mahal" namumutlang nagkurus ang kapitan kasabay ng isang pabulong na panalangin. 

Humalakhak si Don Julio. Tumalikod at nagtungo sa simbahan. 

Pagpasok ng simbahan ay nakita ni Don Julio ang dalawang batang lalaki na sasampuin at pipituhing taong gulang. 

"Di ba kayo sasama sa akin, mga anak?" ang tanong niya. "Ipaghahanda kayo ng inyong ina ng isang pangkurang hapunan."

"Ayaw po kaming pauwiin ng sakristan mayor hanggang ikawalo ng gabi," tugon ng mas matanda. "Sana po makasisingil ako ng aking sahod upang maibigay sa aking ina."

"Eh, saan kayo pupunta ngayon?"

"Sa kampanaryo po, upang dupikalin ang kampana para sa mga kaluluwa."

"Aakyat kayo sa kampanaryo? Mag-iingat kayo! Huwag kayong lalapit sa mga kampana kapag kumukulog!"

Lumabas ng simbahan ang matanda. Payukong lumalakad patungo sa isang kakilalang nakadungaw. 

"Magdaan muna kayo." Ang bati sa wikang Kastila mula sa kakilalang nakadungaw. 

"Ano po ba ang binabasa ninyong iyan?" ani Don Julio sabay turo sa aklat na tangan ng kausap. 

"Isa pong aklat ng pangkasalukuyan, "Ang mga Hirap sa Tiniis ng mga Banal na Kaluluwa sa Purgatoryo!'" sabi ng bumati.

Dumaan nga si Don Julio at habang pumapanhik ay sinasabi: "Ang may katha ng aklat na iyan, sa tingin ko'y talagang matalino."

Ang maybahay Don Vito at ang mga bata at magandang asawa nito na si Doña Teodora Viña ay magiliw na sumalubong kay Don Julio. Si Don Vito ay siyang tenyente mayor ng San Lorenzo.

"Nakita ba ninyo sa libingan ang anak ng namatay na si Don Alonzo Lorenzo, na kararating lamang mula sa Paris?"

"Opo, nakita ko po siyang bumaba sa karuwahe."

"Sinasabi pong hahanapin daw ang libing ng kanyang ama. Kaysakit siguro para sa kanya pag nalaman niya ang katotohanan."

Nagkibit balikat si Don Julio.

"Di ba kayo nag-alala sa nangyari?" ang tanong ng batang ginang.

"Alam ninyo marahil na ako'y isa sa anim na nakipaglibing kay Don Alonzo. Ako ang humarap sa Kapitan Heneral dahil ang lahat dito sa atin ay takot. Ang mga makapangyarihan ay nagsawalang-kibo sa kalapastanganang ginawa sa kanyang bangkay. Kung sabagay, para sa akin ay mas mahalagang bigyan-dangal ang isang mabuting tao habang siya'y buhay kaysa sa patay."

Sa kagustuhang baguhin ni Aling Marites ang paksa ng usapan, bigla niyang ipinasok ang tungkol sa purgatoryo.

Pero, sumagot si Don Vito "Hindi naman naniniwala si Don Julio aa purgatoryo."

"Hindi naman sa ako'y hindi naniniwala sa purgatoryo." sabi ni Don Julio. "Ang isiping hinggil sa purgatoryo ay mabuti, banal at makatuturan dahil sa paniniwala sa purgatoryo, naakay ang mga tao para magkaroon ng mabuti at malinis na pamumuhay. Dahil sa ang tao ay natatakot sa parusa sa purgatoryo. Ang kasamaan ay ang paggamit ng purgatoryo ng ilang alagad ng simbahan para makapanlamang."

Sa labas, ang mga nakatatakot na kidlat at nakabibinging kulog ay lalong tumitindi. Ang unos ay palakas nang palakas.

-hindi nasusukat ang tao sa kanyang pinag-aralan kundi sa kanyang malinis na kalooban.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Maikling Kabuuan Ng Mga Alaala Ng Nakaraan

    Si Francisco ay isang binatang Pilipino na nag-aral nang walong taon sa Paris at nagbalik sa San Lorenzo.Si Gobernador Gregorio ay naghandog ng isang hapunan sa pagdating ni Francisco Alonzo. Subalitay pangyayaring hindi inaasahan. Si Francisco makalawang beses na hinamak ni Padre Ignacio isang Franciscanong pari na naging kura ng San Lorenzo. Ang binata ay humingi ng paumanhin. Siya ay nagpaalam pagkat may mahalaga raw siyang pupuntahan.Si Francisco Alonzo ay katipan ni Felicidad de Quintos, isang kabigha-bighaning binibini, na sa kagandahan at mga katangian ay ginawang sagisag ng Inang Bayan. Si Felicidad ay anak sa turing ni Gobernador Gregorio, isa sa mayaman sa San Lorenzo maka-prayle at mapang-api sa mahihirap.Kinabukasan, panauhin ni Gobernador Gregorio sa kanyang tahanan si Francisco Alonzo. Sa pag-uusap ni Felicidad at Francisco ay muling nanariwa ang dalisay na pagmamahalang umusbong mula sa kanilang kamusmusan. Binasa noon ni Felicidad ang su

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Ang Huling Paalam: Francisco Alonzo y Montevallo

    Magkikita ulit tayo pagdating ng ika-dalawampung taon mula ngayon. -Francisco This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa pagbabasa at pagsuporta ng aking istorya hindi ko ito makalilimutan. Maraming salamat sa taong nagpasok sa akin dito natulungan mo ako ng malaki mabuhay ka pa sana ng matagal, maraming salamat.

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Ang Nawawalang Kabanata: Ang Huling Liham ni Felicidad

    San LorenzoKalye Pilipo, Santo RosarioIka-31 ng Disyembre 1945Felicidad de Quintos y FloresKalye Burgos, Santa ClaraSan LorenzoMinamahal kong Francisco, Lubos akong nagagalak ng mabalitaan kong ikaw ay nakaligtas ngunit labis ang aking hinagpis ng malaman kong ika'y hindi na muling babalik pa sa lugar kung saan ang ating pag-iibigan ay nagsimula. Naaalala mo pa ba noong tayo'y mga musmos pa lamang lagi tayong nasa pampang ng Ilog ng Pag-ibig nagkukwentuhan sa ilalim ng matandang puno kung saan nakaukit ang ating mga pangalan, kung saan doon nanumpa sa pagdating ng tamang panahon tayo ay maikakasal at magkakaroon ng malulusog na supling. Ngunit sadyang malupit ang tadhana ang minsang pag-iibigan ay naudlot ng dahil lamang sa pagkakagalit mo at ng aking tunay na ama na si Padre Ignacio, siguro'y hindi mo na nabalitaan ang nangyari sa aking

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Mga Alaala Ng Nakaraan: Wakas

    This is work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated, any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental.All rights reserved. No part of this story maybe, reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.Ang nobelang Mga Alaala Ng Nakaraan ay nauukol sa sosyo-politikal at pangkasaysayang realidad ng lipunan. Ang nobelang ito ay binubuo ng 63 kabanata na tumatalakay sa mga kaganapan noong panahon ng Kastila.MGA TAUHANI. Angkan ni Francisco Alonzo y MontevalloFrancisco AlonzoDon Lorenzo AlonzoDon Arthuro AlonzoII. Angkan ni Felicidad De Quintos y FloresFelicidad De QuintosGob. Gregorio De QuintosAmelia FloresTiya FloraIII. Mga

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXIV: Katapusan

    Pumasok sa kumbento si Felicidad. Iniwan na ni Padre Ignacio ang bayang kinaroroonan niya upang sa Maynila na manirahan. Si Padre Pedro ay nasa Maynila na rin. Samantalang naghihintay siyang maging obispo ay manakanakang nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara at sa kumbento naman niti ay may mahalagang tungkulin. Di nagtagal si Padre Ignacio ay tumanggap ng isang kautusan ng Padre Provincial upang maging kura sa isang napakalayong lalawigan. Napabalitang dinamdam niya nang gayon kaya't kinabukasan ay natagpuan ang paring ito na patay na sa kanyang hihigan. May mga nagsasabi na namatay sa sakit na apoplegia, ang iba nama'y sa bangungot, ngunit ayon sa medikong tumingin, biglaan ang pagkamatay ng pari.Walang sinuman sa mga mambabasa ang ngayon ay nakakakilala kay Gobernador Gregorio. Ilang linggo bago suutan ng abiti si Felicidad para magmongha ay nakaramdam ng isang panlulumo na pinagmulan ng unti-unti niyang pamamayat. Siya ay naging malungkutin at mapag-isip. Noon ay katata

  • Memories of the Past [COMPLETED]   Kabanata LXIII: Noche Buena

    Sa itaas ng bundok sa tabi mg isang ilug-ilugan ay may nakakubli sa kakahuyan. Ito ay may isang dampa na yari sa mga balu-baluktot na punongkahoy. Dito ay may naninirahan na isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy. Sa ilalim ng puno ang nunong lalaki ay nagtitistis ng dahon ng niyog na gagawing walis. Isang dalaga naman ang naglagay ng isang bakol ng mga itlog ng manok, dayap at mga gulay. Dalawang batang lalaki at babae ang magkasamang naglalaro sa tabi ng isang batang maputla, malungkot at may malalaking mga mata.Si Manuel na may sugat sa paa ay hirap na hirap na tumindig at lumapit sa matanda. "Ingkong, mahigit isang buwan na po ba akong maysakit?" "Mula ng matagpuan ka naming walang malay ay dalawang beses nang bumilog ang buwan. Ang akala nga namin noon ay patay ka na.""Gantihan nawa kayo ng Diyos!" Kami po ay mahirap lamang," ang naisagot ni Manuel. "Subalit ngayon po ay Pasko, ibig ko po sanang umuwi sa bayan upang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status