Share

Mga Anak ng Bilyonaryo
Mga Anak ng Bilyonaryo
Author: Yenoh Smile

KABANATA 1

Madiing tinali ni Lorelei ang sintas ng luma niyang sapatos. Kalahating oras na lang ay magsisimula na ang klase niya ngunit hinihintay niya pa ang perang ibibigay ng kanyang Tita Agnes. Pang-huling taon na niya sa kolehiyo sa kursong business management. Gusto niya ay siya na ang mag-manage sa maliit na restaurant na iniwan ng yumao niyang ina na hawak ng Tita niya.

Nagsalubong ang mga kilay niya at napasandal sa lumang sofa matapos marinig ang h*linghing ng Tita niya mula sa kwarto. Sigurado siyang naroon na naman ang kinakasama nitong lalaki na si Richard.

"Idiin mo, Richard!" dinig pa niyang sigaw ng Tita niya.

Naiiling siyang pumikit. Maya-maya pa matatapos ang mga ito kaya naman tumayo na siya at kumatok sa pinto ng kwarto.

"Tita, aalis na po ako."

"Oh! Ode umalis ka—Richard!" muling hiyaw pa nito.

"Iyong pera ko po," paalala niya pa rito ngunit d*ing at h*linghing ang sagot nito.

Paulit-ulit niyang kinatok ang pinto. Ang huling bigay nito ay limangdaan na pinagkasya niya ng isang linggo. Ayaw naman niyang basagin ang alkansyang baboy niya na mamiso lang ang laman.

Nabitin sa ere ang pagkatok niya noong bumukas ang pinto. Niluwa no'n si Richard na pawisin, tanging basketball short ang suot, may hawak din itong libo-libong pera sa kamay. Namumutok ang mga braso nito at halos masakop ang pinto sa laki ng katawan. Mukha pa itong aburido noong tumingin sa kanya kaya napaatras siya.

"Istorbo," parinig pa nito bago siya lagpasan.

Napamaang siya at agad na pumasok sa kwarto. Huli niya pang nagsusuot pa lang ng t-shirt ang Tita niya.

"Pera lang ang habol sa'yo ni Richard, Tita. Hiwalayan mo na iyon. Ang laki ng katawan no'n at kaya no'n ang magtrabaho—"

"Huwag kang makialam sa desisyon ko at hindi naman kita anak. Ikaw ang lumayas kung gusto mo. Bukas makalawa ay dito na titira si Richard. Mas maganda siguro kung humanap ka na ng ibang matitirahan at baka maging kaagaw pa kita sa kanya. Malaki ka na, kaya mo na ang sarili mo," pinal nitong sambit bago nagsuot ng underwear.

Nag-init ang sulok ng mga mata niya, "Ginagatasan ka lang ng pera ni Richard, Tita—"

"Oh ayan, dalawang libo para matikom iyang bibig mo. Huling b*on mo na iyan. Gagamitin ni Richard ang pera at magtatayo siya ng talyer."

Mas lalo siyang nanlumo, "Hindi po pwede iyon. Pera ni Mama ang mga iyan. Kita sa restaurant niya, Tita. Huwag naman po kayong magpabilog kay Richard!" hindi niya mapigilang ilakas ang boses niya.

Napalunok pa siya at natakot noong tumayo ito at lumapit sa kanya. Matalim na ang tingin nito.

"Aba! Ano'ng pera ng Mama mo? Ilagay mo sa kokote mong matagal ng patay ang Mama mo at akin na ang restaurant na iyon. Pinag-aral at pinakain na kita. Nasa tamang edad ka na at kaya mo ng magtrabaho." Ilang beses pa nitong tinulak-tulak ang noo niya.

"Hala sige, layas!" galit pa nitong sigaw bago siya itulak palabas ng pinto.

Pinigil niya ang mga luha. Bandang huli ay hindi niya nakuha ang dalawang libong bigay nito. Nanghiram pa tuloy siya ng pera kay Nica.

"Paano ang OJT mo? Titigil ka kailan huling taon na, Lei?"

Nasapo niya ang noo at napasubsob sa mesa. Simula noong maging boyfriend ng Tita niya si Richard ay naging ganoon na ang Tita niya.

"Ewan ko. Hindi ko na alam, Nica."

Bumikig ang lalamunan niya sa badyang pag-iyak. Ni hindi niya pinansin ang grupong lumapit sa kanila.

"Si Alicia," bulong pa sa kanya ni Nica.

Si Alicia ang pinakasikat sa university nila. Mayaman, makinis, at madaming kakilala. Napasilip pa siya rito. Malaki ang ngiti nito, litaw ang naka-braces na ngipin. Ni hindi gumagalaw ang kulot na buhok na kulay blonde.

Napaayos siya ng upo noong maglapag ito ng papel.

"We're recruiting members for our sorority. You might want to join. Tonight is the initiation," magiliw nitong saad.

Nangunot ang noo niya. Alam niyang hindi magandang sumali sa sorority ngunit noong mabasa niya ang mga benefits sa papel ay napalunok siya.

"Free education and free allowance. Mayayaman lahat ng kasali at mga iilang negosyante. Nagpaparami lang kami ng miyembro. No fees, all free. Don't worry about the initiation, hindi naman iyon masakit. I would love to see both of you tonight." Kumindat pa ito bago umalis kasama ang dalawa pang alagad nito.

"Maganda ang benefits nila, Lei. Solve ang problema mo kapag sumali tayo." 

Dumukwang ito at nilapit ang tainga sa kanya, "Tsaka alam mo ba, balita ko may kasapi silang Fraternity na puro gwapo," dagdag na bulong nito bago humagikhik.

Wala siyang pakialam sa mga gwapo. Ang kagustuhan niyang makatapos ng kolehiyo ang nagtulak sa kanyang sumali.

Makailang beses niya pang sinuklay ang malambot, tuwid, at maitim na hanggang balikat niyang buhok. Ginamit niya rin ang lipbalm upang malambot tingnan ang mga labi niya. Kaunting polbo lang ay sinuot na niya ang puting lumang bestida niyang abot hanggang tuhod at sandalyas na naging dirty white na.

Kabado pa siya noong makarating sa hideout ng mga ito. Nasa pila na rin si Nica na agad kumaway sa kanya. Mabilis siyang lumapit.

"Piliin raw natin iyong sarap sabi ni Alicia. Lahat kasi ng pumili ng hirap ay dinadala sa kabila at nakakatanggap ng hampas at palo," bulong nito.

"Huh? Akala ko ba hindi masakit ang initiation nila?"

"Hindi nga kapag sarap ang pinili mo. Basta, doon tayo sa turo ni Alicia. Ayokong magkapeklat, Lei."

Napalunok siya at hindi mawari ang kaba sa d*bdib niya. Makailang beses niya pang pinisil ang mga kamay.

"Nica Fernandez!" sigaw ng lalaking tingin niya ay bouncer.

Nagtaas ng kamay ang kaibigan niya bago humarap sa kanya.

"Tandaan mo ang pipiliin mo, Lei. Iyon ang pipiliin ko. Magkita na lang tayo ulit bukas. Para sa pangarap, Lei!" pagpapasigla pa nito ngunit hindi niya masuklian ng ngiti.

Siya na ang kasunod pagkatapos nito ngunit hindi na siya mapakali. May tatlo pang babae sa likod niya at dinig niyang pipiliin din ng mga ito ang pinapapili sa kanya ni Nica.

"Lorelei Carpio!"

Napaigtad siya sa malakas na sigaw ng bouncer. Muntik pa siyang madapa sa pagkataranta para lang makalapit. Tumuwid siya ng tayo. Pinasadahan siya nito ng tingin. Nangunot ang noo nito ngunit hindi nagkomento. Baka iniisip nitong bata siya sa height niyang 5'5 at balingkinitang katawan.

"Sarap o hirap, Miss?" hindi nakangiting tanong nito.

Napalunok siya at naumid yata ang dila pero kailangan niyang sumagot. Malaking benepisyo ang makukuha niya kapag natanggap siya sa sorority ni Alicia.

"S-arap po," pikit-matang sagot niya.

Inangat nito ang palad at agad na lumapit ang isa pang bouncer.

"Nandiyan na ba si Phoenix?" tanong nito sa tinawag.

"Kadarating lang pero nasa kwarto na."

"Good. Ibigay mo 'yan sa kanya at ipaalala mong birhen 'yan," utos pa nito sa lalaki.

Nangunot ang noo niya ngunit napapikit noong basta na lang siya lagyan ng blindfold sa mga mata.

"B-akit po may blindfold?" kabadong tanong niya.

"Hindi mo pwedeng makita ang makakasama mo. Bawal mong silipin o tanungin ang pangalan niya. Kapag ginawa mo iyon, madi-disqualify ka at hindi ka tatanggapin sa grupo," paalala pa ng bouncer na lumapit.

Tinatak niya sa isip ang mga sinabi nito. Napasunod siya noong hilahin siya nito sa kung saan. Narinig niya rin ang tunog ng doorknob. Marahan pa siya nitong tinulak sa loob.

Sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng lemon. Hindi niya mawari kung air freshener iyon o pabango.

"New recruit?" tanong ng mababa at tila namamaos na boses.

Nanindig pa ang mga balahibo niya sa bahagyang lamig sa boses nito.

"Birhen 'yan. Ingatan mo."

Nahigit niya ang hininga at kinabahan noong bitiwan na siya ng lalaki. Ramdam niya bigla ang tensyon sa paligid, maging ang mariing titig sa kanya.

"I'm not gonna educate you. I hope you know why you are here and why you came here... willingly," seryosong sambit pa nito gamit ang namamaos nitong boses.

Mabilis siyang tumango. Ang sabi sa kanya ay mabilis lang ang initiation kaya baka tanong nga lang iyon.

"Uhm, I w-ant to finish my studies; that's why I came here," kabadong sagot niya ngunit malutong pagmumura ang narinig niya mula dito.

Kasunod ay ang pagbukas ng pinto, "Inosente itong ni-recruit niyo! Get her outta here!" biglang sigaw nito sa labas.

"You can't back out, Phoenix. Alam mo ang mangyayari sa kanya kapag pinaalis mo siya ngayon," madiing sagot ng kung sino.

Marahas na buntong hininga ang narinig niya at malakas ding sinara ang pinto. Nagtaasan muli ang mga balahibo niya sa gulat noong humawak ang may kagaspangan nitong palad sa braso niya.

"I hope you won't regret coming here," mabigat nitong bulong.

Nanlamig siya noong umikot ang malaking braso nito sa bewang niya. Sa tantiya niya ay malaki din ang katawan nito lalo na noong lumapat ang balikat niya sa malapad nitong d*bdib.

Napaatras pa siya noong maramdaman ang daliri nitong binababa ang strap ng kanyang bestida.

"A-nong gagawin mo?"

Humakbang ito na kinaatras niya. Mahina siyang napasigaw sa pagbagsak niya sa kama. Gulat pa siya sa malaking katawan na biglang umibabaw sa kanya. Kumalabog ng husto ang puso nita. Sakop na sakop ng malaking katawan nito ang katawan niya.

"S-andali!"

Sinubukan niyang pigilan ang d*bdib nito kahit hindi niya nakikita ngunit hinuli nito ang mga kamay niya at parehong pininid sa kama gamit ang isang palad nito. Bumigat ang paghinga niya lalo na noong sumiksik sa looban ng bestida niya ang malaking palad nito.

"You should not have come here, Miss. Now you left me no choice but to take you," mabigat na bulong nito bago lumapat ang mga basang labi sa kanyang leeg.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status