Share

4 - Kidnapped

4

"Mom," I looked at my back when I heard Zally's weak voice calling me from the living room.

I'm cooking our breakfast. Maaga akong nagising kaya nagluto na agad ako ng agahan namin. Kailangan din pala namin maghire ng kasambahay. Gusto ni Ivo na kumuha na lang sa kanila ng kasambahay, naa inayawan ko, baka mamaya ay may iutos ang daddy niya roon at malaman ang galaw namin. Naintindihan iyon ni Ivo kaya hahanap na lang daw kami.

I quickly turned off the stove and removed my apron before leaving the kitchen and going to where Zally was. I quickly approached Zally, who was close to crying while looking around, like she was looking at me. I was sure she was looking for me.

"Zally?" Malumanay na tawag ko.

"Mo…mmy!" Humikbi pa ito at nanubig na agad ang mata niya nang makita ako. 

"What happened?" Taka at nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Hinawakan ko ang buhok niya at inayos iyon. She didn't say a word and just hugged me. Nagpakawala siya ng hikbi, isang hikbi, dalawang hikbi, hanggang sa tuluyan na siyaang humagulgol ng iyak.

"I had a bad dream, mommy!" She cried, and it was loud. That's why Ivo came out after that. Sa subrang lakas ng iyak ni Zally ay pati si Anna ay lumabas na sa kwarto niya.

"That's just a bad dream, Zally," mahinahon kong sambit sa kanya.

Nang tignan ko si Ivo ay kitang-kita ko ang pag kunot ng noo niya habang papalapit sa'min. When Zally heard Ivo voice, agad siyang kumalas sa'kin at hinarap si Ivo para nagsumbong din sa kanya habang patuloy pa rin naman siya sa pag-iyak.

Binuhat ni Ivo si Zally at naupo sa sofa. Zally buried her face in Ivo's neck while crying. Mahigpit ang yakap ni Zally kay Ivo na para bang kay Ivo siya kumukuha ng lakas. Napangiti ako. See, Yrony. Ganito ka sana kung hindi ka nagluko. Napapikit ako at napailing nang maisip iyon dahil hindi ko dapat iyon iniisip, hindi ko dapat siya iniisip.

"Don't cry, Princess. If you cry, you will be ugly; if you are ugly, hindi mo na kamukha si Mommy na maganda," Ivo said, explaining why Zally tried to stop herself from crying, pero humihikbi hikbi pa rin ito af hirap pigilan ang sarili sa pag-iyak.

Why would I even let that asshole enter my mind?! Tsk!

Zally looks like me; that's what they all say, but Rony... Tsk! I don't even want to admit it to myself, but he gets his visual from Yrony; he also gets his grumpy attitude, iyong pagiging masungit nito kuhang-kuha ni Rony, so even though I really want to not think about him, I still end up thinking about him because every time I look at Rony, it's like I'm looking at Yrony.

Ilang sandali ay tuluyan nang tumigil si Zally sa pag-iyak at nakakatawa na rin. Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin si Rony. Muli akong napasinghab nang mapansin ang mapungay na mata ng anak ko at kitang-kita pa rin ang antok sa kanya.

I heard Anna laugh while staring at me, then at Rony, and then again, her stare back at me. Kahit hindi magsalita ay alam kong alam niya ang nasa isip ko ngayon. Pati tuloy si Ivo ay napailing na lang nang tignan ako, pero nakangisi na para bang mas lalo akong iniinis.

"Tumigil nga kayo," nakasimangot na sambit ko. 

Pagkatapos naming kumain ay nag-ayos na ako ng sarili ko. Kailangan kong makipagmeeting sa interior designer. I already called her and she already said na magkikita kami sa isang mamahaling restaurant at sa VIP room.

"That interior designer you got seems to be rich. That restaurant was one of the expensive restaurants here in the Philippines," Ivo said when he was about to take me to that restaurant.

May trabaho pa siya at ihahatid lang niya ako sa lugar na iyon. Ang sabi niya ay tawagan ko na lang siya kapag tapos na ako sa meeting para masundo na niya ako. 

Omoo ako sa kanya, pero sa isip ko ay hindi ko na siya tatawagan. Ayokong abalahin siya sa ganitong kasimpleng bagay. Baka mamaya ay nasa gitna ito ng trabaho kapag tatawagan ko siya. Ayokong maging mas maabala siya.

Kaya ko namang mag taxi na lang. Oo at ilang taon na din ang nakalipas, siguradong marami nang nagbago rito, pero kaya ko naman mag taxi ng mag-isa. Hindi na ako bata.

"Really? Tapos sabi niya sa VIP room daw at siya na ang bahala sa gastos," sambit ko at hindi ko maiwasang ikumot ang noo ko.

Napansin ko ang pag-iisip saglit ni Ivo. Ilang beses ko tuloy siyang sinulyapan ng pa-ulit-ulit, pero hindi naman na din siya nagsalita pa.

"Iyan ba?" Takang tanong ko dahil masyadong mamahalin ngang tignan ang restaurant na iyon.

"Yes. That's why I'm impressed and thinking something about it," sambit niya.

"Thinking about what?" Hindi ko na maiwasang Itanong iyon sa kanya.

"Nothing. Huwag mo na lang ako pansinin," sambit din naman niya. 

Hindi ko maiwasang mamangha nang makita ang restaurant na sinasabi niya. Hindi na sa'kin bago ang makakita at makapunta sa mamahaling restaurant dahil isa akong Alvarez, but I really can't help it. This is so big and expensive. Sa labas pa lang ay sumisigaw na sa kamahalan ang bawat pagkain doon. 

"Mas maayos ba kung sasabihin kong hati na lang kami sa bayad?" Hindi ko maiwasang itanong iyon.

"You can ask her, but I think you should just let her, if that is what she wants. Besides, that's what she said in the beginning, but it's up to you," he said.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status