Share

Chapter 11: Robust vs. Amiable

Hinayaan ko siyang yakapin ako dahil alam kong umiiyak siya sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit pero isa lang ang sigurado ako. May kahinaan din pala ang gaya niya. Tinapik-tapik ko na lamang ang kanyang likuran at ilang segundo lang din ay kumalas na siya habang pinupunasan ang mga natirang luha sa pisngi’t mata niya.

“Okay ka na?” Tanong ko at tumango lamang siya ng tipid. “Okay lang sa’kin kung mag k-kwento ka, makikinig ako.”

“Asa ka,” Nakangising sabi niya nang hindi tumitingin sa akin kaya napairap ako. Kahit pilit niyang takpan ang pagiging malngkot niya ay hindi iyon uubra sa akin.

“Hinayaan kitang yakapin ako tapos susungitan mo lang ako.” Bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig niya yata iyon dahil naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.

“Hindi kami magkapatid ni Jiro,” Seryosong sabi niya kaya agad akong napalingon sa kanya at nagtama ang paningin namin. “I’m adopted.”

Ewan ko pero nalungkot ako b

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status