Behind Closed Doors

Behind Closed Doors

last update최신 업데이트 : 2026-09-20
작가:  La Vendetta연재 중
언어: Filipino
goodnovel18goodnovel
순위 평가에 충분하지 않습니다.
5챕터
2조회수
읽기
보관함에 추가

공유:  

보고서
개요
장르
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.

Behind Closed Doors Sampung taon na ang lumipas mula nang gumuho ang buhay ni Ellaine. Dati, mayroon siyang pamilyang minamahal, asawang pinili niyang makasama habambuhay, at anak na naging dahilan upang magpatuloy siya. Ngunit sa isang gabing puno ng takot at karahasan, nagbago ang lahat nang matagpuang patay ang matalik nilang kaibigan na si Ryan. Si Miguel—ang kanyang asawa—ang itinuring na salarin. Nakulong si Miguel, habang si Ellaine ay naiwan upang palakihin ang kanilang anak at buuin muli ang buhay na minsan nang nawasak. Ngunit kahit lumipas ang sampung taon, hindi pa rin siya nakakatakas sa mga bangungot ng gabing iyon—mga alaalang tila may mga bahaging pilit nagtatago mula sa kanya. Hanggang sa dumating si Jacob Salazar. Sa unang tingin, isa lamang siyang lalaking naghahanap ng bagong tahanan. Ngunit sa likod ng kanyang mahinahong pagkatao ay may isang dahilan kung bakit siya lumapit kay Ellaine—isang koneksyon sa nakaraan na matagal nang nakalimutan ng lahat. Habang hinahanap ni Jacob ang katotohanang matagal nang nakabaon, hindi niya inaasahang mahuhulog siya sa babaeng maaaring magdala sa kanya sa sagot na matagal niyang hinahanap. Ngunit paano kung ang katotohanang nais niyang malaman ay mas malapit kay Ellaine kaysa sa inaakala niya? Dahil may mga lihim na kayang itago sa loob ng sampung taon. Ngunit walang lihim na mananatiling nakatago habambuhay. Some secrets are better left behind closed doors.

더 보기

1화

The Night that Never Ends

CHAPTER 1

Ten Years Ago

Napakalakas ng ulan nang gabing iyon.

Halos hindi na makita ang labas mula sa mga bintana ng bahay. Walang tigil ang pagbuhos ng tubig mula sa langit, humahampas sa bubong at salamin na para bang pilit nitong tinatabunan ang anumang nangyayari sa loob.

Pero mas magulo sa loob ng bahay.

Dalawang lalaki ang nag-aagawan.

At sa pagitan nila—isang baril.

“BITAW!”

Isang lalaki ang sumigaw habang pilit na inaagaw ang baril mula sa kamay ng isa. Nagbanggaan ang kanilang mga katawan, dahilan para umuga ang isang mesa at bumagsak ang isang upuan.

May basag na salamin na kumalat sa sahig.

At ilang hakbang lamang mula sa kanila, nakaluhod si Ellaine.

Nanginginig ang buong katawan niya. Ramdam niya ang lamig ng sahig sa ilalim ng kanyang mga tuhod, ngunit mas malakas ang kaba na kumakapit sa kanyang dibdib.

Namumuo ang luha sa kanyang mga mata habang pilit niyang inuunawa kung paano nauwi sa ganito ang lahat.

“Miguel!”

Napatingin siya sa kanyang asawa.

Pero hindi siya nito narinig.

O baka ayaw lang nitong marinig.

Mahigpit na nakakapit si Miguel sa braso ni Ryan habang pareho nilang pilit na kinokontrol ang baril.

Isang maling galaw.

Isang maling bitaw.

Isang maling segundo.

At maaaring may mamatay.

Gumapang si Ellaine palapit sa kanila.

“Please! Tama na!”

Hindi siya pinakinggan.

Nag-agawan muli sina Miguel at Ryan.

Napaatras si Miguel nang itulak siya ni Ryan. Tumama ang likod niya sa dingding.

Umalingawngaw ang malakas na kalabog sa buong bahay.

Pero hindi bumitaw si Miguel.

Mas lalong humigpit ang kapit ng dalawa sa baril.

Mas mabilis ang paghinga ni Ellaine. Nangingilid ang luha sa kanyang pisngi habang nakatingin siya sa dalawang lalaking minsang naging mahalaga sa buhay niya.

Hindi na niya alam kung kanino siya lalapit.

Ang tanging alam niya—

Kailangan niyang pigilan sila.

Ngayon na.

Tumayo siya nang bahagya, ngunit agad siyang napaatras nang muling magtulakan ang dalawang lalaki.

“Miguel!”

Nakita niyang gumalaw ang baril.

Napunta ang dulo nito sa isang direksyon.

Pagkatapos sa isa.

At pagkatapos—

Sa gitna nilang lahat.

Napahiyaw si Ellaine.

Muli siyang sumugod.

Hinawakan niya ang braso ni Miguel. Isang kamay niya ang nakakapit sa asawa. Ang isa naman ay pilit umaabot kay Ryan.

Pero sa isang iglap—

Nagkagulo ang kanilang mga kamay.

Nagkanya-kanyang hila.

Nagkasabay ang kanilang galaw.

At bago pa man makasigaw muli si Ellaine—

BANG!

Umalingawngaw ang putok sa buong bahay.

Napahinto ang lahat.

Nanigas si Ellaine.

Nakatitig lamang siya sa harapan niya. Bukas ang kanyang bibig, ngunit walang lumabas na salita.

Parang biglang nawala ang lahat ng tunog.

Pati ang ulan ay tila lumayo.

Hanggang sa isang matinis na sigaw ang kumawala mula sa kanyang lalamunan.

“AAAAAH!”

Biglang napabangon si Ellaine sa kanyang kama.

Napasinghap siya nang malalim, halos hindi makahinga.

Nanginginig ang buong katawan niya habang pilit niyang hinahabol ang bawat paghinga. Para bang may mabigat na nakadagan sa kanyang dibdib.

Kumakabog ang kanyang puso. Nanlalamig ang kanyang mga kamay habang malamig na pawis ang namuo sa kanyang noo.

Ilang segundo siyang nakaupo roon, tulala.

Panaginip lang.

Masamang panaginip lang.

Akala niya ay nahimasmasan na siya.

Hanggang sa napalingon siya sa kanyang tabi.

Nanlaki ang kanyang mga mata.

May isang lalaki na nakahiga sa kanyang kama.

Duguan ang mukha nito.

Hindi gumagalaw.

At ang mga mata nito—dilat na dilat.

Nakatitig mismo sa kanya.

Si Ryan.

Napaatras si Ellaine habang sumisigaw.

Mabilis siyang bumaba mula sa kama at napaupo sa sahig. Tinakpan niya ang kanyang mukha habang nanginginig.

Ayaw niyang makita.

Ayaw niyang tumingin.

Pero kahit nakatakip ang mukha niya, ramdam niyang naroon pa rin ito.

Nasa tabi niya.

Tahimik.

Nakakatakot.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang mga kamay.

At nang alisin niya ang mga iyon sa kanyang mukha—

Biglang naroon si Ryan.

Halos dikit na ang mukha nito sa kanyang mukha.

Duguan.

Maputla.

Nakabukas ang mga mata.

“Aaaaaah!”

Bigla siyang napabangon ulit.

Humahabol sa hininga.

Nanlalaki ang mga mata.

At saka niya napagtanto—

Nasa kama pa rin siya.

Mag-isa.

Tahimik ang buong kuwarto.

Walang ibang tao.

Napahawak siya sa dibdib niya habang pilit pinapakalma ang sarili.

Huminga siya nang malalim.

Pumikit siya.

Panaginip.

Panaginip lang ulit.

Ilang sandali pa siyang nanatiling nakaupo sa kama bago unti-unting bumalik sa normal ang kanyang paghinga.

Ngunit hindi nawala ang bigat sa kanyang dibdib.

Dahil alam ni Ellaine ang katotohanan.

Hindi lamang iyon isang panaginip.

Hindi kathang-isip ang gabing iyon.

Hindi niya iyon kailanman makakalimutan.

Sampung taon na ang lumipas.

Pero hanggang ngayon, patuloy pa rin siyang binabalikan ng gabing iyon.

Sa kanyang mga panaginip.

Sa kanyang mga alaala.

At sa bawat pagkakataong siya ay nagigising na sumisigaw, para bang muli siyang ibinabalik sa gabing nagbago ang lahat.

Tahimik ang loob ng clinic ni Dra. Aivy Tuazon.

Mahinang ugong lamang ng air conditioner at tunog ng orasan sa dingding ang maririnig.

Nasa harap ni Aivy si Ellaine, ngunit tila hindi niya lubos na naririnig ang sinasabi nito. Nakatingin lamang siya sa sahig habang muling umalingawngaw sa kanyang isip ang malakas na putok.

BANG!

Napakurap si Ellaine.

“Ellaine?”

Ilang segundo siyang hindi gumalaw bago tuluyang bumalik ang kanyang atensyon sa silid.

“Are you with me?”

Dahan-dahan siyang tumango.

“Sorry.”

Napabuntong-hininga si Aivy at isinara ang notebook na hawak niya.

“Kumusta ka naman? Okay ka lang ba?”

Hindi agad nakasagot si Ellaine.

“Laman na naman siya ulit ng panaginip ko,” mahina niyang sabi.

“Siya?”

Tumango si Ellaine.

“Hindi ko alam kung bakit. Sobrang tagal na mula noong huli ko siyang napanaginipan. Pero bakit ngayon parang bumabalik na naman siya?”

Napansin ni Aivy ang takot sa kanyang mukha.

Lumapit ito at marahang hinawakan ang kanyang mga kamay.

“Huwag kang mag-alala. Nandito ako. Tutulungan kitang malampasan ulit ’to. Nagawa na natin ’to noon. Magagawa ulit natin ngayon, okay?”

Tumango si Ellaine, ngunit hindi pa rin gumagaan ang kanyang pakiramdam.

May bahagi sa kanyang gustong kalimutan si Ryan.

Pero may isa pang bahagi sa kanyang nami-miss ang panahong naroon pa ito sa buhay niya—ang kaibigang minsang nakinig sa kanya noong wala siyang ibang malapitan.

Tumayo si Aivy upang kumuha ng tubig at iniabot iyon sa kanya.

“Dalawin mo siya.”

Napatingin si Ellaine.

“Maybe that's why you're dreaming about him again.”

Tahimik siyang nakinig.

“You think?”

Bahagyang tumango si Aivy.

“It’s for your own peace of mind.”

Napayuko si Ellaine habang hawak ang baso.

Sampung taon na niyang iniiwasan ang puntod ni Ryan dahil alam niyang kasabay nito ang pagbabalik ng mga alaalang pilit niyang tinatakasan.

Ngunit marahil kailangan na niyang harapin ang nakaraan.

“Hindi kita pipilitin na kalimutan siya, Ellaine,” mahinang sabi ni Aivy. “Pero baka panahon na para harapin mo na rin ang nakaraan. Hindi mo kailangang dalhin ’yan habang buhay.”

Hindi sumagot si Ellaine.

Tumingin lamang siya sa hawak niyang baso.

Marahil panahon na nga para harapin niya ang bagay na matagal niyang iniiwasan.

“Huwag kang matakot. I’m here for you,” huling sabi ni Aivy sa kanyang kaibigan.

펼치기
다음 화 보기
다운로드

최신 챕터

더보기

독자들에게

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


댓글 없음
5 챕터
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status