Share

CHAPTER 5: Same Intensity

Author: Feibulous
last update Huling Na-update: 2023-12-05 18:40:12

NANGINGINIG si Erin dahil sa matinding pagkadismaya. No! Hindi niya dapat ito ginagawa. Sobra-sobra na ang mga naranasan niya sa loob ng isang taon. Hindi lang isang taon kung hindi pitong taon niyang tiniis ang parusa. Ngayon na nakikita niya ang walang emosyon sa mga mata ni Orion ay tila nito ibinasura ang kanyang dangal. 

Naglandas ang mga luha sa kanyang mata at saka dinampot ang mga damit na hinubad. Hindi niya dapat tuluyang binabasag ang sarili niya. Nagkamali siya ng pagkakakilala kay Orion. Tuluyan nitong pinuputol ang natitira niyang katinuan. 

“I shouldn’t have done this.” Nagpunta siya sa banyo at saka doon niya ibinuhos ang lahat ng kanyang luha. 

Binabalot ng lungkot ang kanyang dibdib. Siguro nga ay may kasalanan siya sa pagkamatay ng kapatid nitong si Daryl, ngunit may ideya ba ito na niloko rin siya ng lalaki?

Matapos magbihis ay natagpuan niya si Orion na naghihintay sa labas ng banyo. Marunong magtago ng damdamin niya ang lalaki dahil wala siyang makitang galit, pagkaawa o pagkamuhi sa mga mata nito. Ang ipinagtataka lang ni Erin ay kung ano ang rason nito sa paghintay sa kanya. 

Nilagpasan niya ang bulto ni Orion. 

"I hope you enjoyed what you saw." She would never repeat it.

Lumabas siya ng silid nang may bigat sa kanyang dibdib. Kinalimutan niya si Orion sa loob ng seven years, hindi na mahirap gawin iyon ulit. 

***

NAKAKUNOT ang noo ni Orion nang magtungo sa banyo si Erin at pagkatapos ay tila humigpit ang kanyang dibdib matapos marinig ang mga paghagulgol nito sa loob. Nais niyang katukin ang babae ngunit ano ang sasabihin niya rito? 

‘Damn it!’

Ramdam niya ang hirap ni Erin kung pakikinggan niya ang mga paghikbi ng babae. Wala siyang alam tungkol dito ngunit kailangan niyang kalmahin ang sarili. Kailangan niyang magalit dito!

Nang magbukas ang pinto ay para siya nitong nahuli na nakatayo roon. Sinubukan niyang magsalita ngunit nagmadali na itong lumabas ng suite. 

Tinawagan niya ang abogado ng ama ni Erin matapos niyang uminom ng alak.

“Mr. Arvesso!” Kahit sa telepono ay dinig niya ang pagkagalak sa lalaki. 

Nakausap niya na ito bago pa niya hiningi ang oras ni Erin. Gusto niya kasing malaman kung ilang porsiyento ang makukuha ni Erin. Iniwan ng ama nito ang fifty percent sa kumpanya ngunit may shares din ang daddy niya sa opisina na fifteen percent. Sa kasalukuyan, ang kabuuang hawak ng mga Arvesso sa Yurich ay sixty-five. Sapat iyon para maibigay niya ang pinakamataas na posisyon sa babae. 

Isang taon na lang ang natitira sa palugit nito at gagawin niyang makulay iyon. Karapatan nito ang iniwan ni Ninong Rod niya. Natatandaan niya ang sulat nito sa daddy niya. Para bang sa kanya inihahabilin si Erin. Kung ano man ang plano niya sa babae ay hindi na rin naman niya maririnig ang pag-alma nito. 

"Inform Yurich's board that I will take over the shares from Rod Lawrence. And as the largest shareholder, I'd like to request a restructuring of the board."

“Tamang-tama! Sa pagkakaalam ko nga ay napapanahon na ulit ang pagboto ng listahan ng board members dahil isang taon na ang nakalipas nang ma-elect si Mr. Silva, ang pinsan ni Mr. Lawrence.” 

“That’s good!”

Matapos makausap ang abogado ay sunod niyang tinawagan ang kaibigan na si Marco, imbestigador ito na dati niya ring kasama sa National Bureau of Investigation team. 

“May nakuha ka bang bagong impormasyon tungkol kay Miss Villaverde?”

“Orion, unang-una, sigurado ka ba na fiancée mo ang babaeng ito?” 

Napangiwi siya sa narinig. 

“Bakit?”

“May ilang report na isinampa si Miss Villaverde sa iba’t ibang istasyon ng pulisya. May gustong pumatay sa kanya.”

“What?” Doon sobrang kumabog ang kanyang dibdib. 

“At lahat ng naganap ay sa kalsada. Hindi pa lang matukoy kung may tumatakot lang sa kanya dahil hindi pa naman siya talagang napahamak. Linawin ko lang na hindi ko gustong mapahamak si Miss Villaverde, nakapagtataka lang… Noong nakaraang buwan ay inireklamo siya ng isang Mr. Yu. Hindi ‘yon reported dahil pinadaan na lang under-the-table at para bang quits na sila. Pinagsamantalahan ng taong iyon sa isang pribadong bar si Miss Villaverde, kaya naman pinukpok ng mamahaling bote ng alak ang unggoy.”

“What?!” Tumaas ang kanyang tinig. Wala yata siyang masasabi kung hindi ang salitang ‘what’. He was pissed for some reason.

“Yes! At saka, hindi ba’t siya ang nadawit sa pagkamatay ng kapatid mo? Bakit mo pakakasalan si Erin Villaverde? Siya ang rason kung bakit wala ka na sa team.”

‘No, bro! Wala na ako sa team dahil mas malakas ang pulitikahan sa grupo kaysa ang maglingkod sa bayan.’ Hindi na niya isinatinig pa iyon. 

“How about her past. May anak na ba siya? Boyfriend?”

“Nagkaroon siya ng isang nobyo noong nasa Singapore pa siya. Unfortunately, naghiwalay sila at pagkatapos ay naging nobya ng taong iyon ang pinsan ni Miss Villaverde, si Miss Jenna Silva na isa sa mga dawit din noon. Ah, ‘nga pala, ‘yong ex na tinutukoy ko rito ay ‘yong Michael na bully ng kapatid mo. Tsk! Your girl’s life was juicy and spicy! Sa totoo lang ay natutuwa ako noong iniimbestigahan ko ang buhay niya.” 

“Marco…” May banta sa kanyang tinig. 

"Sorry! And she already has a son!" 

“What?!”

“Just kidding!” Nais niya itong sapakin. At saka, ano naman sa kanya kung may anak na ang babae? 

"Anyway, she's doing well! Dalawang taon na siyang hiwalay kay Michael na anak ni Boss M. No boyfriend after that! No hookups, no lover!”

“Thanks, man!”

“Oh! One more thing… walang kuryente ang penthouse kung saan siya nakatira. Isn’t she weird?”

Tila siya nabarahan ng kung anong bagay sa lalamunan. Parang naririnig niya tuloy ang iyak ni Erin. At pagkatapos ay nagawa niya pang pilasin ang dignidad nito kanina.

Nilagok niya ang alak. ‘Damn this! Stupid!’

Nagagalit siya sa babae at naaawa rin siya rito. 

***

NAGPUNTA si Orion sa tirahan ng mag-asawang Lily at Drew nang sumapit ang gabi. Buntis ang kapatid niya nang mahigit walong buwan. Kaunti na lang ay manganganak na ito kaya naroon lang ito sa bahay. Gustuhin man niyang ngumiti ay hindi niya magawa. Napansin naman ng kaibigang si Drew ang problema niya.

“I don’t like seeing your face right now! Baka nakasimangot ang anak ko paglabas,” anito, hinaplos ang tiyan ni Lily. 

Masaya siya para sa mga ito. He’s thirty-four now at puro Tinder at hookups lang ang naranasan niya. Hindi kailanman siya pumasok sa relasyon na alam niyang hindi niya mapaninindigan.

“Sorry. May I have a can of beer?” 

Nagkatinginan ang mag-asawa. Tumayo si Drew at nagpunta sa fridge para kumuha ng inumin.

“Tell me what’s the problem. May kinalaman ba ito kay Erin Villaverde?” usisa ni Lily.

“Yes.”

“Alam na ba ito ni Danica?” tanong ni Lily na ang tukoy ay bunso nilang kapatid na twin ni Daryl.

“Ayoko munang ipaalam kay Danica. She’ll freak out. Please don’t tell her.”

Tumango si Lily. 

“Lily, call me if you need help.”  Hinagod niya ang likuran nito habang naroon ito sa couch. Natatakot siyang haplusin ang bilugan nitong tiyan. Dumaan sa matinding karanasan si Lily at ayaw niyang maramdaman nito na nababastos niya ito. Palagi siyang maingat kapag si Lily ang usapan. 

“I’m good, Orion. Medyo mabigat lang ang tiyan ko dahil malapit na akong manganak. Sobrang bigat.” Nagbuga aito ng hangin. 

Lumapit ang asawa nito at iniabot ang can ng beer. 

“What’s your plan, Orion? Huwag mong sabihin na magpapakasal ka sa babaeng ‘yon? Hindi ko pa nakakalimutan ang mga naganap noong namatay si Daryl. Isa pa, hindi ba’t galit ka ro’n?” ani Drew.

“I hate her.” Totoo ang kanyang pagkamuhi rito. Marami pang magaganap sana kay Daryl kung hindi ito namatay noon. Siguro ay iisipin niya ang namatay na kapatid para manatili ang pagkamuhi niya sa babae. 

Kapag naiisip niya ang bagay na iyon ay sinisilaban siya ng apoy sa kanyang dibdib. At naiinis siya sa sarili niya dahil parehas ang intensidad ng awa niya sa babae. 

“So, what is your plan?” tanong ni Lily.

"I plan to convince her that I'm helping her. After a year, I'll vanish. No marriage. She won't receive any funds from the Yurich Group," he explained.

"Hmmm... why am I a fan of your schemes?" ani Drew. May kinang sa mata nito sa kasalukuyan kaya binato ito ng throw pillow ni Lily.

“Drew!” 

"What? I'm just saying, it's a flawless plan... pero siguruhin mo lang na hindi ka maging Finn 2.0.”

Alam niya ang kuwento nina Finn at Lauren dahil bodyguard siya ng lalaki noon.

‘No! Hindi ako matutulad kay Finn.’ 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mr. Bodyguard, It's Hard To Love You [Filipino]   THE FINAL CHAPTER

    Sa paglipas ng araw sa pagitan ng mga sanga ng matatandang mga puno, mahinang simoy ang humahalik sa mga dahon, na nagtatahi ng isang marikit na himig na umaalulong sa mga bulong ng mga yaong nagdaan. Niluma ng paglipas ng mga taon ang mga nakatayong lapida na parang mga tahimik na bantay, dala ang mga nakalahad ng mga pangalan ng mga taong minsang nagbigay ng masiglang buhay. May mga pinalamutian ng mga sariwang bulaklak, at mayroon namang nababalot ng mga lumot at halamang-ugat, bawat isa ay nagmumungkahi ng kuwento na umabot na sa kaniyang wakas. Inilapag ni Erin ang bungkos ng puting rosas sa harapan ng lapida ng minsang kinilala niya bilang simple at matalinong kapatid ni Orion. It was Daryl’s death anniversary. Kasama na siya ngayon sa pamilya ng mga Arvesso na dumalaw sa puntod ni Daryl matapos ang kanyang kasal sa lalaki na ilang buwan na rin ang lumipas. Bahagyang sinasakal ng hindi nakikitang lubid ang dibdib ni Erin habang nakahinang sa pangalan at petsa ng ka

  • Mr. Bodyguard, It's Hard To Love You [Filipino]   CHAPTER 82: Love and Sacrifice

    Tila nawalan ng gana si Orion na sagutin ang tanong ni Erin. “Well?” ulit ni Erin sa lalaki, nasa mukha ang antisipasyon. “Bakit nga ba pumayag ka na magpakasal kay Tanya?” Orion frowned. “Iniisip mo ba na nagkaroon ako ng romantikong relasyon sa kapatid ni Zach?” “No.” Noong una ay aminado si Erin na iniisip niya na nagligawan ang dalawa hanggang sa nabuntis ang babae at magkakaroon na ng anak. Ngunit noong makunan ang babae at pagkatapos ay nagbigay ng anunsiyo si Orion sa publiko at ilan pang bagay, napatunayan ni Erin na kaswal ang relasyon ng dalawa. Ipinaliwanag ni Orion ang mga naganap sa lalaki, kay Mr. Niel Arvesso at kay Tanya. Ang lahat ng naganap sa hotel at kung bakit nabuntis ang huli. “Kung gano’n, alam mo noong una pa lang na hindi ikaw ang tatay ng ipinagbubuntis niya…” usal ni Erin. “Hindi rin si Dad! She's a swindler!” Umawang ang labi niya sa sagot nito. “Kung nagkataon na ako ang nasa silid na iyon at nabuntis ko si Tanya, paano ang gagawin

  • Mr. Bodyguard, It's Hard To Love You [Filipino]   CHAPTER 81: Orion’s Return

    Haplos ni Erin ang pisngi ni Orion habang naroon sila sa sasakyan. May driver na maghahatid sa kanila sa kung saan ngunit hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin. Okupado ng lalaki ang kanyang sistema sa kasalukuyan. Hindi pa rin siya makapaniwala at para bang panaginip ang araw na iyon. “Sabihin mo sa akin na hindi ito panaginip,” usal ni Erin. Isang mainit na halik ang isinagot ni Orion sa kanya. Naglandas sa kanyang leeg ang labi nito. Namumula na ang pisngi ng driver na panay ang lingon sa salamin. Nais na nitong maglaho dahil sa mainit na eksena sa sasakyan. Wala naman silang ginagawang kakaiba. Tamang halik at palitan lang ng matatamis na salita ang namumutawi sa kanilang mga labi. Ilang saglit pa ay nakabalik sila sa bahay ni Orion. Pinangko siya ng lalaki at saka ipinasok sa loob ng bahay. Doon napansin ni Erin ang isang luggage sa pintuan. Mukhang iniwan lang nito ang bagahe at pagkatapos ay sinundan na siya sa fan meeting. Iniupo siya ni Orion sa kitchen island

  • Mr. Bodyguard, It's Hard To Love You [Filipino]   CHAPTER 80: Dreaming

    Umaalingawngaw sa pandinig ni Orion ang bawat pagkilos, ang mga palitan ng usapan at ang tunog ng kung anong aparato na parang panaginip sa kanyang paligid. Makailang beses na naglaro sa kanyang tainga ang mga pagluha ni Erin, ang mga kahilingan ng babae na huwag siyang bumitaw. Nalulungkot ang kalooban niya sa tuwing iiyak ito at nagdadala iyon sa kanya ng pagkabahala. “Wake up, Orion… Wake up!” Kung kani-kanino na niya naririnig ang bagay na iyon, kahit kay Erin, kahit ang mahinang tinig ng sariling isip. Kailangan niyang bumangon. Kailangan niyang balikan ang babaeng mahal niya. Tila may pumahid na mahika sa kanyang balat at ayaw niya itong bitiwan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at kahit nanlalabo iyon ay natagpuan niya si Marco na tumitipa ang mga daliri sa ibabaw ng laptop nito. Kasunod niyon ay ang tila pagbara ng kanyang lalamunan at ang namamanhid at masakit niyang katawan. Nais niyang magmura sa sobrang tindi ng sakit na bumabalot sa buo niyang kataw

  • Mr. Bodyguard, It's Hard To Love You [Filipino]   CHAPTER 79: Be Resilient

    Pinunasan ni Lily ang mga luha ni Erin habang naroon sila sa lounge area ng ospital para silipin ang lagay ni Orion. Ipinagbabawal ang crowded o maraming bantay sa loob ng intensive care unit. Kailangan pa na nakasuot sila ng gown dahil sa posibleng bacteria or infection na dalhin sa pasyente. “Erin, kailangan mong magpatuloy sa trabaho at asikasuhin ang anak mo tulad ng nakagawian mo na,” hiling ni Lily sa kanya. Mag-iisang buwan na kasi siya sa ospital at hindi pa rin nagkakamalay si Orion. Aminado si Erin na marami siyang napabayaan tulad ng business niya at ang kanyang anak. Nakailang balik at uwi na rin si Lily ngunit nanatili siya sa siyudad sa paghintay kay Orion. “Naiintindihan ko na nag-aalala ka kay Brother O, pero tandaan mo na nariyan din si Lacey,” dagdag ni Lily. Nasapo ni Erin ang kanyang noo at saka tahimik na umupo sa couch. Bumalik na si Novella sa Bel-Air para ipagpatuloy ang schooling nito. Si Lacey ay naiwan sa kanya sa Mexico City. Si Danica ang nagmung

  • Mr. Bodyguard, It's Hard To Love You [Filipino]   CHAPTER 78: Forces of Life and Death

    “Orion! Orion! P-please, pilitin mo na huwag makatulog,” usal ni Erin habang sinusundan ang grupo ng mga tauhan ni James na may dala kay Orion. Natatakot si Erin na baka kapag pumikit na ang lalaki ay iyon na ang huli na masisilayan niya ito. Nagdedeliryo ang mga mata ni Orion at tila inilalarawan sa isipan ang kanyang anyo sa kasalukuyan. Pinilit nito na ilapat ang palad sa kanyang pisngi. Tumawag ng helicopter si James para mas mabilis ang pag-alis nila sa lugar kung saan umatake ang grupo nito. Nang makalabas ng gusali ay nagmamadaling tumatakbo si Marco papalapit kay Erin. “Erin!” tawag nito sa kanyang pangalan. “Marco!” Humagulgol siya na niyakap ang kaibigan. “S-si Orion…” Hindi niya alam kung paano itutuloy ang kanyang mga salita. “I know. Kailangan natin siyang dalhin sa katabing siyudad. Natimbrehan ko na ang ospital na gagamot sa kanya at ipinahanda ang ilang bagay. Hindi tayo pwedeng mag-stay dito sa Acapulco,” wika ng lalaki. Lumipas ang ilang minuto at dumati

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status