Paano nga ba kung panaginip lang ituu? Charot lang!
Haplos ni Erin ang pisngi ni Orion habang naroon sila sa sasakyan. May driver na maghahatid sa kanila sa kung saan ngunit hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin. Okupado ng lalaki ang kanyang sistema sa kasalukuyan. Hindi pa rin siya makapaniwala at para bang panaginip ang araw na iyon. “Sabihin mo sa akin na hindi ito panaginip,” usal ni Erin. Isang mainit na halik ang isinagot ni Orion sa kanya. Naglandas sa kanyang leeg ang labi nito. Namumula na ang pisngi ng driver na panay ang lingon sa salamin. Nais na nitong maglaho dahil sa mainit na eksena sa sasakyan. Wala naman silang ginagawang kakaiba. Tamang halik at palitan lang ng matatamis na salita ang namumutawi sa kanilang mga labi. Ilang saglit pa ay nakabalik sila sa bahay ni Orion. Pinangko siya ng lalaki at saka ipinasok sa loob ng bahay. Doon napansin ni Erin ang isang luggage sa pintuan. Mukhang iniwan lang nito ang bagahe at pagkatapos ay sinundan na siya sa fan meeting. Iniupo siya ni Orion sa kitchen island
Tila nawalan ng gana si Orion na sagutin ang tanong ni Erin. “Well?” ulit ni Erin sa lalaki, nasa mukha ang antisipasyon. “Bakit nga ba pumayag ka na magpakasal kay Tanya?” Orion frowned. “Iniisip mo ba na nagkaroon ako ng romantikong relasyon sa kapatid ni Zach?” “No.” Noong una ay aminado si Erin na iniisip niya na nagligawan ang dalawa hanggang sa nabuntis ang babae at magkakaroon na ng anak. Ngunit noong makunan ang babae at pagkatapos ay nagbigay ng anunsiyo si Orion sa publiko at ilan pang bagay, napatunayan ni Erin na kaswal ang relasyon ng dalawa. Ipinaliwanag ni Orion ang mga naganap sa lalaki, kay Mr. Niel Arvesso at kay Tanya. Ang lahat ng naganap sa hotel at kung bakit nabuntis ang huli. “Kung gano’n, alam mo noong una pa lang na hindi ikaw ang tatay ng ipinagbubuntis niya…” usal ni Erin. “Hindi rin si Dad! She's a swindler!” Umawang ang labi niya sa sagot nito. “Kung nagkataon na ako ang nasa silid na iyon at nabuntis ko si Tanya, paano ang gagawin
Sa paglipas ng araw sa pagitan ng mga sanga ng matatandang mga puno, mahinang simoy ang humahalik sa mga dahon, na nagtatahi ng isang marikit na himig na umaalulong sa mga bulong ng mga yaong nagdaan. Niluma ng paglipas ng mga taon ang mga nakatayong lapida na parang mga tahimik na bantay, dala ang mga nakalahad ng mga pangalan ng mga taong minsang nagbigay ng masiglang buhay. May mga pinalamutian ng mga sariwang bulaklak, at mayroon namang nababalot ng mga lumot at halamang-ugat, bawat isa ay nagmumungkahi ng kuwento na umabot na sa kaniyang wakas. Inilapag ni Erin ang bungkos ng puting rosas sa harapan ng lapida ng minsang kinilala niya bilang simple at matalinong kapatid ni Orion. It was Daryl’s death anniversary. Kasama na siya ngayon sa pamilya ng mga Arvesso na dumalaw sa puntod ni Daryl matapos ang kanyang kasal sa lalaki na ilang buwan na rin ang lumipas. Bahagyang sinasakal ng hindi nakikitang lubid ang dibdib ni Erin habang nakahinang sa pangalan at petsa ng ka
IBINATO ni Erin ang lahat ng gamit niya sa silid na iyon, sinira at binasag. Nang matapos at mapagod ay saka tahimik na umiyak sa isang sulok. Nanginginig ang kanyang katawan dahil sa sobrang sama ng loob matapos malaman na pinaglaruan siya ng lalaking minahal niya sa loob ng maraming taon. Pinatikim lang nito sa kanya ang ilang buwan na kaginhawaan para sa huli ay ibigay nito sa kanya ang last blow ng parusa. The accusations from people, pointing fingers at her for a sin she didn't commit, persisted. She had borne the weight of guilt since high school, and it persisted without relief. When would she ever find her own justice? Humagulgol siya sa sulok ng silid. “Erin!” Narinig niya ang tinig ni Orion na panay ang kalampag ng pintuan sa labas ng penthouse. Pinalitan niya na ang combination ng security code kaya hindi ito basta-basta makapapasok. “Erin! Hear me out. Please… Erin!” Maririnig angg tinig nito na gumagaralgal sa kabilang bahagi. Ngunit napapagod na ang damda
NAGMANEHO si Erin patungo sa opisina ng Yurich Group. Mula nang mamatay ang kanyang ama ay tila auto-pilot na siyang nagpupunta sa opisina. Ang daddy niya ang may pinakamalaking shares at walang magawa ang board nang pumasok siya sa eksena kahit pa ilang beses na siyang nakarinig ng hindi magandang salita mula sa mga ito. ‘Ano ang ginagawa ng modelo sa opisina natin?’ ‘I like seeing her ass though’ Ilan lang iyon sa mga naririnig niya sa mga ito. Ang Uncle Roger niya ang kasalukuyang chairman matapos pagbotohan ng bagong posisyon. Hinayaan niya ang bagay na iyon dahil wala naman siyang alam sa business world, pero hindi ibig sabihin na maghihintay lang siya ng atake nito. Hindi siya pumayag na hindi mapabilang sa opisina kaya napunta siya sa advertising team bilang staff. Katulong niya ang assistant ng kanyang ama na siyang nagco-coach sa kanya sa kasalukuyan para makuha niya sa tamang paraan ang posisyon. Her manager always picks on her. Malamang ay utos iyon ni Uncle Roge
BINALIKAN ni Erin ang mga rason kung bakit kailangan niyang hingin ang tulong ng mga Arvesso. Noong nakaraang buwan, inaya siya ng kanyang manager na si Mrs. Robles na makipagkita kay Mr. Yu. Manager ito ng isang istasyon ng telebisyon. “Erin, ikaw ang isasama ko para sa meeting kay Mr. Yu.” “Sige po!” Mag-iisang taon na siya sa advertising team at nananatili pa rin siyang staff. Wala siyang karapatan na magreklamo dahil hawak ng mga Arvesso ang karapatan sa kasalukuyan sa kumpanya. Mananatili lang siyang stepdaughter ni Mr. Lawrence. Pinasok nila ang isang pribadong club ng kanyang manager. Nakita nila si Mr. Yu na may kasamang dalawa pang staff nito sa loob ng silid. "Good evening, Mr. Yu! I am with Erin Villaverde. She's the one we were talking about," anang kanyang manager na bahagyang tumaas ang sulok ng labi. “Siya ang makikipag-coordinate sa proyekto namin sa inyo para sa ads ng whitening lotion na bagong produkto ng kumpanya.” Pinalandas ng lalaki ang makapal na dila
Seven years ago… “Boo!” Napapiksi si Erin sa pagkabigla kay Jenna. Matinding kumabog ang kanyang dibdib at nabitiwan niya ang hawak na cellphone. Naroon siya sa CR ng mga babae para magpalit ng pulang uniform para sa cheerleaders. “Grabe ka! Binigla mo ako!” Mahinang pinalo niya ang babae sa balikat, at saka napailing. Pinsan ng kanyang ama-amahan ang tatay ni Jenna kaya parang second cousin sila nito. Dahil magkakilala na sila mula pa sa edad na sampu, naging matalik niyang kaibigan si Jenna. Dinampot nito ang cellphone na nalaglag sa sahig. Kumunot ang noo nang makita ang mga nakasulat sa screen. Kasalukuyan niyang ka-text si Orion. Nakuha niya ang numero nito sa kapatid nitong si Daryl. "Your eyes captivate me like no other, a mesmerizing beauty that lights up my world. Every visit to your home fills my heart with joy," Binasa nito ang pinakahuling mensahe. "Who is this? Is he a pervert?" naaaliw na komento ni Jenna, umikot ang mata nito. Nagpatuloy ang babae na basahin a
NANGINGINIG si Erin dahil sa matinding pagkadismaya. No! Hindi niya dapat ito ginagawa. Sobra-sobra na ang mga naranasan niya sa loob ng isang taon. Hindi lang isang taon kung hindi pitong taon niyang tiniis ang parusa. Ngayon na nakikita niya ang walang emosyon sa mga mata ni Orion ay tila nito ibinasura ang kanyang dangal. Naglandas ang mga luha sa kanyang mata at saka dinampot ang mga damit na hinubad. Hindi niya dapat tuluyang binabasag ang sarili niya. Nagkamali siya ng pagkakakilala kay Orion. Tuluyan nitong pinuputol ang natitira niyang katinuan. “I shouldn’t have done this.” Nagpunta siya sa banyo at saka doon niya ibinuhos ang lahat ng kanyang luha. Binabalot ng lungkot ang kanyang dibdib. Siguro nga ay may kasalanan siya sa pagkamatay ng kapatid nitong si Daryl, ngunit may ideya ba ito na niloko rin siya ng lalaki? Matapos magbihis ay natagpuan niya si Orion na naghihintay sa labas ng banyo. Marunong magtago ng damdamin niya ang lalaki dahil wala siyang makitang galit