XAVI FORTILLEN love story. Matapos ang kasal ni Gabe nagtungo na ang mag asawa papunta sa ibang bansa para mag honeymoon.Naiwan ang pamilya at sa susunod na linggo na sila pupunta sa france para sa opening ng branch nila .Nakatingin lang si Cashandra sa orasan habang kanina pa niya hinihintay si Xavi at medyo gabi na rin ,bigla siyang nalungkot dahil sa triplets niyang anak ito nalang ang nag iisang naiwan sa kanila na wala pang asawa .Ang kambal naman niyang anak ay baka matagal pa ang mga ito mag asawa dahil wala pa silang balak na paasawahin dahil ayaw na nilang lumayo sa kanila , lalo't mga babae pa.Nang maaninag niya ang huni ng kotse ng kanyang anak ay agad siyang tumayo at lumapit kay Xavi na papasok palang ng bahay nila . "Xavi anak kumain kana ba?" tanong nito . "tapos na po " kaninang nanggaling siya sa kompanya dumeretso siya sa bahay ng kanyang lola Lumina .Doon siya kumain at kinamusta niya rin ang kanyang lolo na nakahiga dahil may sakit. Kaya siya doon kumain da
Mula sa altar halos hindi makagalaw si Gabe sa nasisilayan niya .Hindi man kita ang mukha ni Ash dahil sa belo nitong nakatabing sa kanyang mukha pero naaninag niya ang ganda ng magiging asawa niya .Ang babaeng mahal na niya sa maikling panahon ,ang babaeng nagparamdam sa kanya na kailangan niyang magbago ,ang babaeng nagpawala ng appetite niya sa ibang bagay na kanyang nakasanayan .In short ang babaeng bumago sa kanya kahit maikling panahon niya lang ito nakilala .Gusto niyang umiyak pero natatakot siya na baka mangyari sa kanya ang mga nangyayari sa ibang kinakasal na umiiyak ang mga lalaki ang huli naghihiwalay . '' bakit nga ba ?" tanong niya sa sarili .Bakit nga ba niya pinapaniwalaan ang walang kwentang bagay na iyon .May sarili siyang buhay at walang konektado doon kaya tama hindi siya iiyak . Napailing nalang siya dahil kung ano ano ang pumapasok sa kanyang isipan .Parang gusto nyang matawa sa kalokohan ng kanyang utak . Habang palapit sa kanya si Ash nakaramdam na siya ng
Pinagmasdan ni Ash ang kanyang sarili narito sila ngayon sa palawan dahil gusto niya ng beach wedding at palawan ang napili niya dahil dito nagsimula ang lahat . Matapos ang pamamahikan sumama na siya sa pamilya ni Gabe para ayusin ang kasal nila dahil hindi na gusto ni Gabe tumagal pa kaya dalawang linggo lang ang nangyari at wala ng announcement tungkol sa kanilang engagement dahil ayon kay Gabe mas importante ang kasal para wala ng atrasan . Nakaharap siya ngayon sa malaking salamin katatapos lang siya ayusan ng kinuha nilang make up artist .Simple lang ang pinagawa niya sa mukha niya dahil ayaw niyang maging hassle ito pag umiyak siya .Iyakin pa naman siyang tao sa maliit na bagay . Pagpasok nang ina niya sa kwarto kung saan naroon siya ngayon ay lumapit ito at niyakap mula sa likuran . ''You're getting married, I can hardly believe it, my baby girl.'' pinigilan niyang hindi maluha ngunit talagang gustong lumabas dahil ina na niya ang nagsasalita . Masaya si Regine dahil
Hinila muna ni Gabe si Ash matapos silang kumain . Kailangan niya ng masinsinan para kausapin si Ash dahil gusto na niyang umamin sa nararamdaman niya.Hindi niya alam kung saan ba niya ilalagay ang sobrang saya na kanyang nararamdaman ngayon para sa kanila ni Ash.Hinawakan ni Gabe ang dalawa nitong kamay . Nabibigla parin siya sa nangyayari at ito ang unang paghawak ni Gabe sa kanya ng matagal at ramdam niya ang init ng palad nito . "Gabe!" nasa pool area sila ngayon .Medyo malayo sa kanilang pamilya . Ito na ang pagkakataon para sa kanyang pag amin tungkol sa pagpapanggap niya ."huwag ka ng magpaliwanag naiintindihan ko kung bakit nagawa mo iyon .Dahil nakwento na ng daddy mo ang tungkol sa pagrerebelde mo dahil nga ipapaasawa ka sa hindi mo mahal,bakit nga ba nagbago ang isip mo at tinuloy ?" medyo nalungkot siya ,paano nalang kung hindi siya ang lalaking pinagkasundo sa kanya . Nakaramdam siya ng lungkot dahil ang inaasahan niyang Ash na makikita ay naipagkasundo na pala kung
Paglapit ng katulong kay Regine bumulong ito para sabihing pababa na ang anak nila .Kaya lumapit din siya kay Armando para sabihin na pababa na ang kanilang anak . Nang malaman nila ang pagpababa ni Ash agad silang tumayo at namaalam muna kila Theo para sunduin ang kanilang anak dahil nahihiya daw ito . Buntong hininga lang si Gabe habang kinakabahan nagtataka siya sa sarili bakit nga ba siya kinakabahan gayong kikilalanin muna niya ang magiging asawa niya . May nakasaad sa kanilang kasunduan na tatlong taon na pag hindi sila magkasundo parin at walang namumuong pagmamahalan kailangan nilang maghiwalay kaya pumayag siya dahil may ganun sa kanilang kasunduan . Parang nakakita ng isang anghel na hulog ng langit si Gabe pagkakita sa anak nila mister Dortiz .Tila parang slow motion ang nangyari sa kanyang paligid ng masilayan niya ang mukha ng babaeng magiging asawa niya. Hindi siya makapaniwala na hawig ni Ash ang babae iyon ngalang nakaayos na ito at bihis babaeng babae na hindi tu
Masayang sinalubong ng mga pamilya Dortiz ang pamilya ng mga Fortillen .Nagpahanda sila ng maraming pagkain para sa kanila .Habang si Ash nanatili paring nakaupo mula sa kanyang kwarto .Hindi pa niya kayang lumabas dahil pakiramdam niya para siyang nanghihina sa kaba .Parang gusto na niyang umatras at umalis ulit .Si Gabe lang talaga ang laman ng kanyang puso at gusto na niyang bumalik ng bansa para aminin ang lahat .Alam niyang maiintindihan siya ni Gabe .Pero paano nandito na ang pamilya ng mga kaibigan ng kanyang ama . Kanina pa may kumakatok sa pintuan ng kanyang kwarto pero hindi niya ito pinagbubuksan .Alam niya kasi na isa sa mga katulong nila iyon para tawagin na siyang bumaba . ''ano gagawin ko '' tanong niya sa sarili habang kagat kagat ang kuko niya sa hintuturo .Ganito siya pag kinakabahan at nagdadalawang isip . Pakiramdam niya inaatake na naman siya ng anxiety lalo't iniisip niya palang na may bago siyang taong makikilala at makikita . Mula sa sala masayang binati