Married to my Ex-fiance's Father

Married to my Ex-fiance's Father

last updateLast Updated : 2026-10-31
By:  DockyUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Niloko, ginago, tinarantado! Isinumpa ni Celestina na pagsisisihan ng pamilya niya at ng ex-fiancé niya ang ginawang panloloko at pagpapahirap ng mga ito sa kaniya. Para makaganti, nagkunwari siyang hindi niya kilala si Donato, ang ama ng lalaking sana'y pakakasalan niya pero nagpa-ahas sa kapatid niyang si Eva! Inalok niya ito ng kasal at nang pumayag ito sa nais niya, ginawa niya ang lahat para mapaibig ito. Sa muli niyang pagbabalik, siya na mismo ang may karapatan at naghahawak ng yamang inaasam-asam ng pamilya niya! At ang mas matindi, mahahawakan na rin niya sa leeg ang lalaking nagtraydor sa kaniya. She became his stepmother... an evil stepmother who will teach his son how to respect a woman. At ang pamilya niya? Gagapang ang mga ito sa mga paa niya para lang maambunan ng yaman niya!

View More

Chapter 1

Kabanata 1

CELESTINA

 Ilang araw na lang at ikakasal na ako sa pinakamamahal kong si Damian. Enggrande ang seremonyas kaya puspusan na ang paghahanda namin. Halos hindi na nga kami magtagpo dahil sa dami ng dapat asikasuhin kaya maaga pa lamang ay napag-usapan na naming magkikita kami sandali upang asikasuhin ang imbitasyon na ipamimigay kinabukasan. 

 Pasado alas sais na ng gabi nang matapos ko ang aking mga to do list. Nagpasya muna akong umuwi upang magbihis bago magtungo kina Damian. Pagpasok ko sa bahay, mahihinang halinghing ang sumalubong sa akin sa may pintuan. 

 Magkasalubong ang magkabilang kilay ko habang naglalakad palapit sa kinaroroonan ng pint0. Nagtataka ako kung bakit mabigat ang bawat hakbang ko habang dahan-dahan akong pumapasok sa loob.

 “Eva…Ma? Pa?” mahinang pagtawag ko. 

 Walang tao sa paligid ngunit hindi talaga mawala ang mga halínghing na naririnig ko kaya sinundan ko ang pinanggagalingan no’n.

 “Ahh, sh*t! Napakalaki naman niyan! Na-nasasaktan ako pero…ma-masarap! Ughh!”

 “Do you like this, huh?"

 “Why did you stop? I want it!"

 “You want more of it? Okay, beg me." 

 “P-Please. Go déeper. Do it róugh! Uggghh—"

 “Let's cúm together. Shít! You're fúcking hót and séxy!”

 May awang ang pint0 ng kuwarto ni Eva. Habang papalapit ako roon ay palakas rin nang palakas ang naririnig ko kaya tinungo ko agad iyon. Marahan kong tinulak ang pint0 upang silipin ang loob nito at halos malaglag ang panga ko dahil sa aking nakita.

 “Ilang araw na lang ay ikakasal na kayo ni Celestina. Sa dami niyong dapat asikasuhin, hindi ba dapat ay tinutulungan mo siya imbis na nandito ka sa akin,” turan ni Eva sa nakakaakit na tinig habang tinatakluban niya ng kumot ang kaniyang katawan. Nakaupo na siya ngayon sa kandungan ni Damian at hinahalikan ang leeg nito. 

 “Baby, your sister is a grown woman. She can handle the wedding preparation herself,” Damian smirked. “Besides, I want to be with you, not her!”

 Halos madurog ang puso ko habang pinapanood kong pasadahan ng halik ng fiancé ko ang leeg ng nakababata kong kapatid! So, they really did it? Sila ang naririnig ko kanina?! Putang.ina!

 “You’re so evil! Curious na tuloy ako kung ano’ng gagawin niya kapag nalaman niya itong tungkol sa atin.”

 “Your sister was so f*cking obsessed with me. Kahit ilang beses ko pa siyang lokohin, babalik at babalik din siya sa akin.”

 Umiling si Eva bago siniil ang labi ni Damian. Pagpaling ng ulo niya, nahuli niya ako sa siwang ng pintuan na pinapanood sila.

 I thought she was going to stop or at least tell Damian that I caught them left handed, but I was wrong. Instead of getting her clothes that scattered on the floor, she kissed him torridly while putting scratches at his back.

 “Damn it!” napatakip ako sa aking bibig. Muntik na akong mapasigaw dahil sa sobrang galit. 

 Paano nila nasisikmura na lokohin ako? Of all people na p'wede kong maging kaagaw kay Damian, si Eva pa talaga na nakababata kong kapatid? Akala ko, magiging masaya ako sa piling ng lalaking pinili kong makasama. Hindi pala dahil bangungot ang binigay niya sa akin.

 I was about to leave. Gusto ko nang umalis na lang at magpakalayo-layo ngunit natigilan ako nang magsalita si Eva. 

 “Damian, a-anong sasabihin mo kay Celestina kapag nalaman niya ang tungkol sa atin?” tanong ni Eva habang pinapadausdos ang hintuturo niya sa dibdib ni Damian.

 “She can join us if she wants. Threesóme is definitely awesome,” Damian smiled. 

Eva tapped his biceps. “You’re so bad!”

 Mula sa may pintuan ay kitang-kita ko kung paano madiing hawakan ni Damian ang bewang ni Eva. Hindi ko na kaya! Hindi na kayang panoorin ng mga mata ko ang nakakadiring ginagawa nila.

 Papasok na sana ako sa kuwarto para guluhin ang dalawa nang hilahin ako palayo ni mama.

 “Talaga ba, Celestina? Papasok ka talaga roon at gagawa ng eksena?” tanong ni mama. Mahigpit pa rin niyang hawak ang braso ko.

"M-Ma’, alam niyo po? A-alam niyo pong may nangyayari sa kanila pero wala kayong sinabi sa akin? Alam niyo po na niloloko nila ako? Na sinasaksak nila ako patalikod?” matapang kong pinunasan ang mga luha ko habang nakatitig sa mga mata ni mama. “Paano niyo po nagawa sa akin ‘to? Gano’n po ba ako kawalang halaga sa inyo para suportahan niyo ang paborito niyong anak na ahasin ang mapapangasawa ko?"

 “Hindi ko kasalanan kung madali kang maloko, tsaka hindi ba’t sinabihan ko kayong magkapatid na kung sino ang makakapangasawa ng mayaman, siya ang makakasalba sa pamilyang ito? Kung sino ang makakapag-angat sa amin ng ama mo mula sa punyetang buhay na ‘to, sa kaniya ang respeto ko.” 

 “My God, Ma’! Bakit gan'yan kayo mag-isip?! Ano bang tingin niyo sa aming magkapatid? Gamit na tinitimbang ninyo kung sino ang mas kapaki-pakinabang?”

 “Celestin, that's life. Survival of the fittest. Well, may the best woman win…”

 Ngumisi ako. Kasabay nang paglunok ko sa pait na nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

 “Talaga ba, Ma’? Hindi ako makapaniwalang naririnig ko ‘yan mula sa'yo.” Sandali akong huminto bago muling nagpatuloy. “So, ano ho ang gusto ninyong gawin ko? Hayaan ko na lang na lokohin ako ng mapapangasawa ko at ng sarili kong kapatid tapos hayaan ko kayong kontrolin ang buhay ko, gano’n ho ba? Gano’n ba ang gusto niyong mangyari?”

 “Kung iyon ang makapag-aahon sa atin sa ganitong buhay, bakit hindi? Wala namang masama kung lulunukin mo ang pride mo.”

 “No!” pagtanggi ko. Hinawakan nito ang braso ko ng mahigpit ngunit tinabig ko iyon. “Pagod na pagod na ako sa ganitong buhay. Pagod na akong maging sunod-sunuran sa inyo. Pagod na akong masaktan at mahirapan! Higit sa lahat, pagod na akong maging isang mabuting anak sa kabila ng pagtrato niyo sa akin! Ito na ang huling pagkakataon na ibababa ko ang sarili ko para sa inyo. Ayoko na, Ma'! Hindi ko na kaya!"

 Tumalikod na ako ngunit bago pa ako makalabas ng pint0, narinig ko ang sigaw ni Mama. 

 “Celestina, bumalik ka rito! Hindi pa tayo tapos mag-usap! Bastos kang bata ka! Kailan ka pa natutong managot at sumalungat sa akin ha?! Bumalik ka rito!" sigaw niya ngunit hindi ko na siya pinakinggan. Tuluyan kong nilisan ang aming tahanan. 

 Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ang malakas na pagbuhos ng ulan. Nakakatuwang sinasabayan nito ang pagluluksa ko sa pagkasira ng aking buhay.

 Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad. Hindi ko alintana ang malamig na hangin na yumayakap sa basang-basa kong katawan. Wala na ako sa ulirat. Natauhan lamang ako nang matapatan ako ng nakakasilaw na ilaw ng kotse na muntik nang makabangga sa akin.

 “Miss, ayos ka lang?” narinig kong tanong ng isang lalaking hindi ko maaninag ang mukha dahil sa lakas ng ilaw ng headlight ng kotse nito. 

 Ilang sandali pa, isang middle-aged na lalaki ang lumapit sa akin. Nakasuot ito ng formal suit. Sa wari ko ay kaedad ito ni papa. May hawak itong payong at itinapat niya iyon sa akin. 

 “Halika, Miss. Pumasok ka muna sa sasakyan. Utos ni Sir Donato na dalhin ka sa ospital para ma-check namin kung okay ka.”

 Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lamang ang lalaking alalayan ako papasok ng sasakyan. Pag-upo ko sa backseat, tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. 

 “Look… from here, I saw that my car never touched you at all. If you’re hurt, I’ll take you to the hospital. Otherwise, tell me what you need.” He asked while handing me a handkerchief.

 I took a deep breath and wiped my tears using a piece of fabric he gave me. 

 Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa loob ng mamahaling sasakyan kung saan ako lulan. Isang tanong ang bigla kong pinakawalan nang mapagtanto kong pamilyar ang pangalan at mukha ng lalaki.

 “Sir, may asawa na po ba kayo?”

 Nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Donato nasa kabilang upuan. Hindi ko siya masisising pagtak’han ako. Napaka-random naman kasi ng tanong ko. 

 “W-Wala na akong asawa. B-Bakit mo naitanong?”

 Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Isang makulit na ideya ang sinambit kong hindi ko man lang pinag-isipan kung pagsisisihan ko ba sa bandang huli. Ang nasa isip ko lang ay kung paano ako makakaganti sa pamilya ko at kay Damian!

 “You’re asking me what I need, Sir?! Marry me! I dare you to marry me.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status