Halos hindi makakurap si Cash dahil ang inosente niyang mata ay nakasaksi ng isang makasalanang ginagawa ng dalawa. ''heyyy!! who are you ?"galit na tanong ng lalaki sa kanya habang nagaayos ng zeeper. ''heyyy again?" pumitik na ito sa harap ng mukha niya at doon lamang bumalik ang kaluluwa na parang humiwalay dahil sa nakita niyang ginagawa ng dalawa kanina. ''sino ba yan ?" galit na saad ng babaeng kaniig ng lalaki kanina .Abala ito sa pag aayos ng mukha mula sa harap ng isang malaking salamin. ''tapusin muna yan at umalis kana !!! '' utos nito sa babae . Napapalunok nalang siya dahil sa seryosong mukha at pananalita ng lalaki dahil parang nabitin at kasalanan niya dahil namali siya ng bukas sa isang cubicle ng banyo . ''at ikaw bakit hindi ka man lang kumatok basta basta ka nalang papasok '' galit nitong salita habang duro duro siya sa mukha . ''aba kasalanan ko pa kayo itong hindi naglolock ng pintuan haler!!!!'' pag aangal niyang sagot.Ang ayaw niya sa lahat dinuduro ang mukha niyang maganda. ''stay away here now !! '' natakot siya bigla dahil sa galit nitong boses dahil sa takot ay nagmadaling lumabas sya ng banyo dala ang takot at pagkabigla sa lahat ng kanyang nasaksihan ngayong araw at idagdag pa niya masungit na lalaki . Hindi na berhen ang kanyang mata dahil sa nasaksihan sa dalawa ni man lang manood ng isang malaswang video hindi niya magawa . Inis naman na binalibag ni Theo ang pintuan ng banyo at lumabas .Hindi niya matanggap na may makakita sa kagaguhan niya . Hindi niya gustong lokohin ang asawa nito pero nangangailangan lang siya bilang lalaki kaya nagagawa niyang maglihim at tumikim ng ibang babae . Yan ang tunghayan natin sa kwento nila Evan Theo Fortillen at Cashandra Torero .. (Warning rated SPG) 18+ only .
View MoreSunod sunod na ambulasya ang dumating sa hospital dala ang mga batang sugatan .
''tama na makakaligtas si Theo wag kang umiyak makakasama sayo yan '' walang tigil sa pag iyak si Melissa habang nakikita niya kung paano irevive ng mga doktor ang anak nitong nag aagaw buhay . ''hindi ko kaya na mawala ang anak natin Tommy alam mo kung gaano ko kamahal si Theo nag iisang anak lang natin siya '' napahagulgol siya sa bisig ng kanyang asawa .Hindi niya lubos maisip na ganon ganon nalang ang nangyari gayong binigay naman nila ang gusto nilang halaga . ''ang dalawang bata kamusta sila?" tanong ni Tommy sa isang doktor . Naalala niya hindi lang ang anak niya nadukot at nasaktan dahil sa inkwentro sa mga kidnappers at mga pulis . Hindi sila sumunod sa usapan kaya naging magulo ang pag kuha sa mga batang hawak nila . '' maayos na ang isa kanila dahil galos lang ang natamo ang isa naman malala gaya ng anak niyo may tama sa baril '' sagot nito . Hindi makapaniwala si Tommy sa nangyari mga inosente ang mga nadamay dahil sa mga kidnappers.Akala niya hindi sasaktan ang mga bata pagkabigay ng pera pero hindi sila tumupad ng usapan .Pagkarating ng mga pulis ay balak tumakas ang mga bata kaya natamaas sila ng mga ligaw na bala . Bumalik siya ulit sa asawa niyang umiiyak parin . ''tama na maayos na si Theo '' sinabi sa kanila ng doktor na ililipat sa pribadong kwarto ang anak nila .Natanggal na rin ang bala na tumama sa ulo nito mabuti nalang at hindi malalim ang pagkatama kaya madali lang nila natanggal .Maraming dugo ang nawala sa batang Theo at yon ang dahil kung bakit naging kritikal ang kanyang buhay . '' hindi pwede anong pinagsasabi mo .Anong puputulin niyo ang binti ng anak ko nasisiraan ba kayo ng isip ? '' galit na salita ng isang babae sa doktor .Hindi niya matanggap na magiging lumpo na ang anak na babae dahil ayon sa doktor matatanggal ang isang binti .Natamaan ng baril ang binti ng anak niya at bumaon ito sa buto kaya kailangan na nilang tanggalin dahil ang pulbura ng bala ay nagkalat na sa loob ng buto ng binti ng bata . ''I am sorry misis Vargas talagang yon lang po ang paraan para hindi na kumalat ang infection sa binti ng anak niyo '' naawa niyang tinignan ang anak na duguan ang damit at walang malay .Pangarap niyang maging beauty queen ang anak niyang babae pero parang hindi na mangyayari dahil sa masaklap na nangyari sa kanya .Kasali ang anak niya sa dukutan na naganap sa isang anak ng isang pinakamayaman sa kanilang lungsod .Balita niya hindi lang ang anak niya ang nadamay dahil may isa pang bata na nakuha ng mga kidnapper at isa din sa dinala ng hospital . --- Nagpasya sina Melissa na sa ibang bansa nalang ipagamot ang anak nila dahil ilang araw na siyang hindi nagigising . Pumayag naman ang mga doktor dahil mayaman ang kanilang pamilya ay walang makakatanggi sa kanilang gusto . ''malalagpasan ni Theo ang lahat ng ito Melissa '' saad ni Donya Theresa sa manugang ng walang tigil sa pag iyak dahil sa pag aalala sa kaisa isa niyang apo . Pilit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi hindi parin siya kampante kahit sinabi ng doktor na maayos na ang lahat at hintayin nalang gumising pero ilang araw wala parin . Naiintindihan niya na pinapatatag lang siya byenan niya . ''kamusta ang bata na nadamay ?" tanong nito kay Tommy ito ang kumausap sa ina ng batang babae na parehas ng anak niya ay hindi parin gising at malala ang nangyari sa batang babae at napag alaman nilang hindi na ito makakalakad dahil tatanggalin ang isang binti . ''pagbalik natin gusto ko siyang makausap ng maayos '' sumang ayon siya sa gusto ng asawa .Alam nilang may trauma din ito .Inisip niya na kung anak niya magkakaroon ng trauma hindi niya kakayanin kaya gagawin nila lahat para hindi niya maalala ang lahat . Ipinaayos na nila sa mga doktor ang paglipat nila sa Canada para doon na ipagpatuloy ang gamutan ni Theo . **** '' Cashandra kamusta ka apo '' dinalaw ni Madel ang apo nitong kagagaling lang sa hospital .Napag alaman niyang kasali ang apo niya sa naganap na kidnapping. ''ayos lang naman po lola natatakot lang po ako dahil sa mga masasamang tao '' naiiyak nitong sumbong .Niyakap ni Madel ang apo nito at nanginginig ang buong katawan ni Cashandra dahil naalala niya parin ang naganap sa kanila kung paano sila nakatakas sa kamay ng mga lalaking kumuha sa kanila . ''nay dalhin niyo na si Cash dito at kakain na siya kailangan na din malinisan ang mga sugat niya '' kinarga ni Madel ang apo nitong anim na taong gulang .Naawa siya sa bata dahil naranasan nya ang lupit ng mga taong halang ang bituka pagdating sa pera . ''nasaan ba si Fred ?'' hinanap niya ang anak nitong ama ni Cashandra nagtataka siya dahil ilang araw na itong wala simula nahospital ang anak nito ay hindi parin nagpakita . ''ewan ko ba doon nay .Hindi man lang nag aalala sa anak niya .Ang huling usap namin ay noong nagpadala ng pera at mabuti nalang meron yon kundi baka hindi ko alam kung saan ko kukunin ang pambayad sa hospital lalot sa probadong hospital pa nila dinala si Cash '' sagot ni Lumina sa byenan . Abala siya sa pag aahin ng pagkain sa mesa . ''ano ba trabaho ni Fred ?" anak niya ito pero hindi niya alam kung ano nga ba ang trabaho niya dahil minsan nagpapadala ng medyo kalakihan na pera . ''sa minahan nay na pagmamay ari ng mga Fortillen!'' napatingin siya sa manugang na naglalagay ng pagkain sa plato ni Cashandra. Kilala nya ang mga Fortillen ito ang mga taong walang puso sa mga mahihirap at nagkaroon siya ng pag aalala sa anak niyang si Fred dahil alam niya ang pamamalakad ng pamilyang may ari ng minahan .Hindi makatao at walang sinasanto . ''ayos lang ba kayo inay .Kain na kayo at dito na rin kayo matulog '' pumayag siya sa gusto ng manugang niya dahil mismong apo na niya rin ang nagmakaawa na doon siya matulong ngayong gabi . Masaya silang tatlo na kumain habang may isang tao na nagmamanman mula sa madilim na sulok sa labas .Hindi pa nagawang ipark ng maayos ni Gabe ang kanyang kotse nagmadali na itong umakyat gamit ang elevator mula sa floor kung saan ang kanyang condo . Kinakabahan siya na baka umiiyak na si Ash o di kaya nasaktan ng kanyang kapatid. "Ash where are you?" kahit anong hanap niya sa buong condo wala ito .Pumunta siya sa guestroom ngunit kompleto ang gamit at wala doon si Ash .Kinuha niya ang cellphone at pumunta muna sa sala baka lumabas lang ito at babalik .Nang tawagan niya ang numero na siya ang bumili noon para kay Ash .Hindi pa siya sigurado kung nasaan ang tunog pero inulit niyang tawagan .Nang maaninag niya na nasa kwarto ni Ash nagmadali siyang pumunta ulit doon .Pagpasok niya nasa loob ng maliit na cabinet kung saan nakapatong ang lampshade ang cellphone.Nasa loob ito kaya agad niyang kinuha at pinatay ang sariling tawag . '' paano kita mahanap kung ultimo cellphone mo ay iniwan mo Ash !!!'' napaupo siya sa gilid ng kama at doon sinabunutan ang buhok .Ang dami niyang what if sa
Kanina pa hindi mapakali si Chandria habang hinihintay ang kuya Gabe niyang papunta ng mansion .Nalaman niya parating na ito dahil narinig niya kaninang nag uusap ang kanyang mommy at daddy . May pag aalala siya sa girlfriend nitong susugurin nila Khea at kakambal nito . Nang marinig niya ang boses ng kanyang kapatid na papasok sa loob ay nagmadali siyang sumalubong dito .Nagtaka naman si Gabe dahil sa mukha ng Dria na parang nag aaalala . ''what are you doing here kuya ?" kunot noo siyang tumingin dito .Parang naninibago siya na tanungin nito kung ano ang ginagawa niya samantala bahay parin nila ito . Saka lang masasabing hindi nila bahay pag mag asawa na sila dahil may mga bahay silang dati ng nagawa iyon ngalang hindi matirhan dahil kailangan nilang mag ibang bansa para sa kanilang kompanya . '' nakakagulat ka naman Chandria bakit ano ba problema mo?" mahinaon nitong sagot . Nagtataka siya dahil biglang naging pipe ang kapatid nito na parang nag alinlangan pang magsalita . ''
Nagmadaling bumangon si Ash ng marinig ang sunod sunod na doorbell. Ang akala niya si Gabe na baka naiwan ang susi nito kaya nag doorbell nagkakamali siya dahil si Khea at may isang babae itong kasama .Hindi niya maitatanggi na mas matangkad sa kanya ang babae at slim ang katawan nito tulad niya .Maputi din at maganda .Model ang datingingan kaya medyo humanga siya sa itsura ng babaeng nakahalukipkip habang nakikipagtitigan sa kanya . ''so its you kaya pala nagustuhan ka ni Gabe dahil may itsura ka '' taas kilay parin itong nagsasalita habang nakatitig sa kanya .Kagigising pa naman niya kaya medyo blangko pa ang kanyang isipan .Nabibigla siya ngayon sa nangyayari .Sinasabi ng kanyang isip baka isa ito sa girlfriend ni Gabe at nakapagsumbong si Khea. '' si..sino ka ?" mariin nitong sagot . Iyon lang ang lumabas sa kanyang labi . '' wala ng halaga kung sino ako '' tinulak niya ito sa balikat gamit ang hintuturo .Medyo nasaktan pa si Ash dahil sa artificial nail art nito na tumama sa
Pagdating nila ng condo nanatili paring tahimik si Ash at hindi man lang makatingin kay Gabe kaya nang napansin ng binata na ganun ito lumapit siya kay Ash at tumabi sa kinauupuan niyang sofa . ''ayos ka lang ba ?" inalok niya ang hawak niyang soda dito .Kagigising lang niya at nadatnan niya si Ash na tulala at parang malalim ang iniisp . '' oo naman ! '' nahihiya niyang saad. Kanina pang nakarating sila galing sa palawan at dahil sa panaginip niya na akala niyang totoong tooo doon naisip ni Ash na totoo nga ang nga ang kanyang nararamdaman may gusto na siya kay Gabe . Natatakot siya umamin dahil baka mag masabi lang si Gabe sa kanya at mapahiya siya kaya kimkimin nalang niya ang pagmamahal niya kay Gabe hanggang ito na rin ang aamin gaya ng nasa panaginip . '' maiwan muna kita dito dahil kailangan kong umuwi sa bahay namin may kailangang tapusin na trabaho '' biglang nalungkot si Ash pagkarinig sa sinabi ni Gabe mabuti na rin iyon para mapag isa siya at medyo naiilang na siya
Sobrang nagaalala si Josh ng malaman niyang naisugod sa hospital si Ash . Kaya sa pagaalala minabuti niyang pumunta sa hospital at hindi naman niya alam kung anong pangalan ang pwede niyang tanungin sa front desk ng hospital dahil Ash lang ang alam niyang pangalan nito pero ang buong pangalan ay hindi.Nang makita niya si Noah na palabas ng isang kwarto ay agad siyang lumapit at nagtanong . Walang sabisabi nagtungo na siya sa kwarto na sinabi ni Noah . ''ano nangyari kay Ash ?" tanong niya kay Gabe pagkapasok niya . '' ang Oa mo huwag kang maingay natutulog siya '' lumapit siya kay Ash na mukhang mahimbing ang tulog .Kunot noo niyang tinignan si Gabe dahil ang pangalan na nakalagay sa dextrose ng dalaga ay Ash Fortillen.Pinandilatan lang siya ni Gabe dahil nakuha nito ang ibig sabihin ng kanyang tingin .'' Gabe pinabayaan mo ata si Ash ?" galit galitan niyang tanong .Hindi na niya pwedeng maagaw kay Gabe si Ash dahil pinalagay na nito ang mismong apelyedo. Nasasabi niya sa kanya
Mabuti nalang at nakasalubong ni Noah ang kaibigan nito .Hindi niya matawagan dahil naiwan nito ang cellphone. '' Gabe dalian mo kailangan natin madala sa hospital si Ash '' kaunti palang naman ang pamumula sa mukha ni Ash pero alam niyang allergies iyon kaya kailangan madala agad sa hospital.Wala naman siyang dalang gamot para sa sakit na iyon .'' ano nangyari NOah ?"patakbo na rin siya pabalik sa kwarto. Pagkarating nila nakita niya ang mukha ni Ash namumula na ito at alam niyang allergies na '' bakit late nagpakita ?" tanong niya kay Noah .'' may ganyan talaga hindi lahat ng allergies ay nagpapakita agad . Lalo't tulog siya kaya hindi napansin .Pwedeng kapusin siya ng hininga kaya kailangan dalhin sa hospital .Tumawag na ako ng ambulance '' parang naging blangko ang kanyang isip sa nangyayari kay Ash ngayon lang siya ganito sa isang babae . Pagdating ng mga medic agad nila kinuha si Ash at nilagay sa ambulansya .Sakto naman na papasok sina Samuel at nobya nito sa entrance.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments