NAPAMULAT si Ambirely sa kanyang mga mata ng tumama ang mainit na sinag ng araw sa kanyang mukha, napakurap-kurap siya at napa urog ng tumambad sa kanya ang gwapong mukha ng lalaki. Ilang hiblang na lamang ang layo ng kanilang mga labi ganon'n din ang kanilang mga ilong. Napalunok siya nang napagmasdan niya ng mabuti ang mukha ng lalaki. Ang may kapakalan na mga kilay nito na itim na ittim, ang matangos na ilong nito, ang pilikmata nitong mas mahaba kaysa sa kanya at ang may kalakihan na mga mata nito na ngayon ay nakasara. Hindi niya namalayang hinahaplos na niya pala ang pisngi ng lalaki, pinalandas niya ang kanyang daliri sa ilong nito. Napataas ang kilay niya at napakagat labi siya nang masagi ng kanyang daliri ang pulang-pula na labi ng lalaki. Napatigil siya at mabilis na inalis ang daliri ng biglang gumalaw ang lalaki, sa sobrang kabang nadama niya ay pumikit siya muli sa takot na baka kung ano ang iisipin ng lalaki sa maabutan nitong paghaplos niya sa mukha nito. Naramdaman ni
PAGKALABAS nila sa may public market ay napakadaming tao, kaya't humawak siya sa may kamay ng lalaki kaya't napatingin ito sa kanya. Ngitian niya ito para inisin pero nagkamali siya sa isipang maiinis ang lalaki sa pang-aasar niya dahil ngumiti din ito sa kanya na halos tumigil ang inog ng mundo niya ng masaksihan niya ang ngiti ng binata. "Are you okay?" nakangiting tanong nito na tila ba inaasar siya. Napanguso siya at inirapan ito mahinang natawa ang lalaki at ibinaba ang dala-dalang pinamili nila at kinuha nito ang cellphone at kinulikot iyon habang siya ay tahimik naka masid lang sa lalaki. "Fuck it's 10 am already, I think I can't make it!" giit nito. Walang nagdadalawang isip na lumapit siya sa lalaki at pinitik ang labi nito. Napakurap-kurap ito at napatitig ito sa kanya. "What's that for?" magkasalubong ang kilay na tanong nito na kulang na lang ay umuusok ang ilong nito sa inis. Hindi niya alam pero kusang umangat ang kamay at hinaplos ang pisngi ng lalaki na ngayon ay
NAGULAT ang lalaki ng tumigil sila sa may gate ng village nila, ngitian niya lamang ito pero nagulat siya ng hinila siya nito sa may kamay."Bakit tayo narito?" magkasalubong mga kilay na tanong nito."Magluluto ako at ayaw ko sa kusina mo, isa pa pwede mo na akong iwan muna rito mag pasundo ka kay Rinso para makaabot ka pa—"Hindi na tapos ang sasabihin niya ng tumunog ang cellphone ng lalaki na mabilis nitong kinuha sa may bulsa nito na hindi inalis ang isang kamay sa kanya. Tinapunan siya nito ng tingin bago sumagot ng hello.Hindi niya maintindihan ang pinag uusapan ng dalawa dahil ang bilis magsalita ang lalaki gamit ang wikang ingles."Ano daw ang sabi?" hindi niya maiwasang itanong.Bumaling sa kanya ang lalaki tapos sinuksuk ang cellphone sa may bulsa nito."We will wait here, may driver na akong pina-assign kay Rinso para sunduin tayo dito, you and I can't stay here, the environment here might have a bad effect on my child."Napairap siya, heto na naman ito animo ay parang har
AKALA ni Ambirelyn matapos nilang magsalo ng lalaki sa hapag kainan at nakapag-usap sila ng matiwasay ay iyon na ang simula ng mabuting pagsasama nila pero akala niya lang pala. Bakit? Dahil tatlong araw na itong hindi umuwi, namumuti kada gabi ang mga mata niya kakahintay rito. Hindi naman niya ito makontak sapagkat wala man siyang numero nito. Naiintindihan naman niyang napaka-hectic ng schedule ng isang billionaire na tulad nito pero sana naman maisip nitong may naghihintay na rito umuwi."AHH!!!!!!!!" tili niya sa loob ng kwarto nila.Oo, dito pa din siya namamalagi kasi nga, iyon ang gusto ng lalaki. Umupo siya ng maayos at pilit na pinapakalma ang sarili kahit gustong-gusto na niyang mag-pagulong-gulong sa ibabaw ng kama sa tindi ng inis niya na hindi niya mawari kung saan nag gagaling. Basta inis na inis siya sa lalaki to the point na gusto niya kurutin at kagatin."Teka 'di kaya—ay pisteng yawa ka!" gulat na bulalas niya nang bigla na lamang tumunog ang cellphone niya. Muntik
EXCITED na inalis ni Ambirelyn ang suot na apron ng mabasa niya ang message ni Nicole nasa labas na daw ang mga ito. Pigil niya ang sariling mapatalon sa tuwa sa sobrang kasiyahanan na nararamdaman ng mga sa sandaling iyon. Miss na miss niya lang kasi ang mga kaibigan niya kaya ng magsabi ni Nicole na pupuntahan siya ng mga ito sa mansion ng lalaking ama ng anak niya ay tuwang tuwa talaga siya."NICOLE!!!" tili niya ng makita ang kaibigan na naka sunod sa isa sa mga yaya ng mansion."Ito naman maka-react, akala mo naman ilang taon hindi ng kita ah—""I miss you too, Elle," putol niya sa sinasabi ng kaibigan."Aw, I miss you too," sagot nito at niyakap siya at yumakap naman siya pabalik."Tama na muna ang drama, nagugutom na kami pakainin mo muna kami," singit ng bakla niyang kaibigan.Natawa siya. "Oo na po, hali kayo sa kitchen, nagluto ako ng Maruya," naka ngiting anyaya niya at ginaya ang mga kaibigan sa sala.***"ANG yaman talaga ng ama ng anak mo bakla, ang laki ng mansion na ito
NASA gitna na sila ng daan ni Angelo, hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti habang tinatanaw ang mga kalyeng dinadaanan nila."Salamat talaga ah, buti ka pa pinapakinggan mo ako, iyong apat kasi ayaw akong paniwalaan kesyo daw kasi para din naman sa safety ko at sa baby ko ang manatili ako sa loob ng malaking bahay na iyon. Hindi ba nila naiisip na nakakabaliw makulong sa bahay na iyon maghapon? Mas gusto ko pa dun sa apartment ko 'e, kaya't tuwang tuwa talaga ako ng pumayag kang ilayo ako dun," basag niya sa katahimikan.Tumingin sa kanya si Angelo sakto din kasi tumigil sila dahil sa traffic light. "No problem, basta ikakasaya mo handa ako tulungan ka, Ambi." Ngumiti ang lalaki.Ngumiti siya ng matamis at inalagay ang kamay sa balikat ng kaibigan. "Yiee kaya'y ikaw talaga pinaka-close ko sa kanila e, naiintindihan mo ako."Matagal siyang tinitingan ng lalaki na tila ba pinag-aaralan nito ang kanyang mukha bigla tuloy siya naasiwa."Ba't ganiyan ka makatingin?" nagtatakang tanon
MAPALAD ang mga ngiti ni Ambirelyn nang sa wakas ay papasok na sila sa village na tinitirahan niya. Apartment ang tawag niya sa bahay na tinitirahan niya dahil hindi naman siya ang tunay na may ari kundi isa lamang siyang pamansamantalang taga alaga sa bahay. Ang may ari ay nasa States nakatira, iniwan ang bahay na iyon sa kanya, ito'y simpleng bahay lamang, hindi mo maitutulad talaga sa mga exclusive village sapagkat magkadikit-dikit ang mga bahay na tipong pati ungol mo ay maririnig sa kabila. Ang may ari ay isa sa mga manunulat na under sa kanya, sa katunayan ay sinabihan na siyang huwag na lamang magbayad ng renta ngunit nagpumilit siya magbayad kahit 1000 a month lang. Noong una ay hindi ito pumayag ngunit kalaunan ay pumayag na din. Napakurap-kurap siya nang matanaw niya na ang street kung saan ang apartment niya. Hindi niya alam pero parang tumalon ang puso niya nang mga sandaling iyon"Oh, how I miss this place, it's been a while..." pabulong na sabi niya sa hangin at pumikit.
WALA NA talagang pag-asang magkakasundo sila ng lalaki sapagkat ilang araw na hindi sila nag-uusap at wala siyang planong humingi ng sorry kahit matubuan pa ng pakpak ang baboy. Walang kapatawaran ng ginawa nito sa kaibigan niyang si Angelo at sa kanya. Ilang araw na din siyang nagkukulong sa silid ng lalaki habang ito ay nasa library nito natutulog iyon ay ayon sa mayordoma. Hindi siya kumain pag-alam niyang nasa bahay ang lalaki, ayaw niya makita ang pagmumukha nito. Naalala niya pa ang nangyari noong gabing nangyari ang kaguluhan sa harap ng apartment niya.TUMIGIL na ang kotse ng lalaki sa parking space ng mansion, mapait na ngumiti siya. Here she is again, bumabalik sa kanyang napakalaking hawla kasama ang halimaw na nasa tabi niya. Walang imik nakiramdam siya na hindi ina-angat ang ulo sa pagkayuko mamaya pa ay narinig niyang bumukas ang pintuan na nasa gilid niya. "Hindi ka pa ba baba?"Hindi siya umiimik, wala siyang planong kausapin ang lalaki, baka mag-away lang sila uli at