Mag-log inSa tatlong taong mag-asawa nina Zephorah Gonzales at Arthur Wenselao, nalaman ni Zephorah na niloloko siya ng kanyang asawa. May lihim itong pagtingin sa asawa ng kanyang kuya, na si Cheska Fuentes. Kaya nagpasya si Zephorah na makipaghiwalay sa asawa. Sa hindi inaasahang pangyayari ay makikilala niya ang business tycoon, at may-ari ng kilalang Zamora Aviation Industries, na si Sebastian Zamora, na magiging ama ng kanyang dinadala sa sinapupunan.
view more“Maghiwalay na tayo.”
Tatlong salita ang nagpatigil sa kanyang asawang si Arthur Wenseslao. Sa tatlong taong relasyon bilang mag-asawa, napagdesisyunan ni Zephorah na makipaghiwalay kay Arthur matapos mailibing ang kanyang bayaw na kapatid ni Arthur na si Jaylen. Kumunot ang noo ni Arthur na tila naguguluhan sa narinig. “Anong sinabi mo?” tanong niya. “Maghiwalay na tayo para matapos na ang kalokohang ito.” Hindi nakikitaan ng kahit anong emosyon ang mukha ni Zephorah. Napasinghal ang lalaking tila nalilito pa rin sa pangyayari. “Teka nga…. Ano'ng ibig sabihin nito? Ipaliwanag mo sa akin kung bakit gusto mong makipaghiwalay.” “Dahil diyan,” turo ni Zephorah sa pulang marka ng isang palad sa mukha ng lalaki. Napahawak naman si Arthur sa kanyang pisngi na sinampal ng kanyang asawa. “Ito ba? Dahil lang dito, makikipaghiwalay ka na sa akin?” Inis na natawa si Arthur sa sinabi ng asawa. Ang sampal na iyon ay hindi nararapat kay Arthur. Ngunit nagmistula siyang knight and shining armour kay Cheska, na asawa ng kapatid ni Arthur, matapos nitong salagin ang sampal na para dapat sa babae. “Oo,” mariing sagot ni Zephorah. “Ano namang kinalaman nito sa relasyon natin? Pinagtanggol ko lamang si Cheska.” Napataas ang kilay ni Zephorah sa narinig. ‘Pinagtanggol ko lamang si Cheska…’ Mapait na natawa sa isip si Zephorah nang marinig niyang tila malambing ang salita nito kapag nababanggit ang pangalan ni Cheska. Nakakatawa man at mababaw ang dahilan na iyon, ngunit iyon din ang nag-udyok upang tuldukan ni Zephorah ang kanyang tatlong taong relasyon kay Arthur. Ngunit paano nga ba nauwi si Zephorah sa desisyong pakikipaghiwalay sa asawa? Ang pulang marka sa pisngi ni Arthur ay sampal na galing sa kanya. Naalala rin niyang ilang beses nang ipinagtanggol ni Arthur si Cheska laban sa mga magulang ni Arthur habang sila ay nasa ospital. Sinalag niya ang sampal na dapat sana ay para kay Cheska. Sa Ospital… Natapon ang baso na may mainit na kape na bitbit ni Zephorah nang mabitawan niya ito. Mula sa di-kalayuan, nakita niya kung gaano protektahan ni Arthur si Cheska na nakatayo sa likuran ng lalaki. Bagama’t alam na niyang mangyayari ito, hindi pa rin makapaniwala si Zephorah na kumpirmado nga na si Cheska ang minamahal ng kanyang asawa. “Bakit mo pinoprotektahan ang babaeng iyan?! Pinatay niya ang kapatid mo!” Naghihinagpis na umiiyak ang ina ni Arthur, gayundin ang ama niya na walang imik na nakatingin na lamang sa kawalan. “Ngunit walang kasalanan si Cheska, Ma!” Sagot ni Arthur na niyakap na si Cheska na tila isang bata na kailangang protektahan mula sa masasamang tao. Napasinghal na lamang ang ina ni Arthur. “Walang kasalanan? Kung di niya pinilit ang kuya mo na mag-hiking, hindi sana mahuhulog ang kuya mo sa bangin!” “Ngunit hindi rin niya ginusto ang nangyari. Aksidente lamang ang lahat, Ma. Kaya huwag mong isisi sa kanya ang nangyari kay Kuya. Sa tingin mo, matutuwa si Kuya Jaylen?” Sagot ni Arthur. Humagulgol ng iyak si Cheska at bumitiw sa pagkakayakap ni Arthur at lumuhod ito sa harapan ng byenan. “Sorry, Ma. Kung di ko po siya niyaya na mag-date at magpunta sa bundok, ay hindi po ito mangyayari sa kanya. Kasalanan ko ang lahat. Ako na lang sana ang nahulog sa bangin at hindi si Jaylen.” Hindi na tinuloy ni Zephorah ang pagtingin sa kaguluhan ng pamilyang Wenseslao sa ospital. Kaya minabuti na lamang na umalis siya. Napatingala si Zephorah sa langit at mapait na napangiti. Naalala niya ang mismong araw ng kanilang ikatlong anibersaryo bilang mag-asawa. Tatlong araw ang nakalipas. Kalalapag lamang ng eroplano na pinagtatrabahuhan ni Zephorah bilang isang flight attendant. Nagmadali siyang magpalit ng damit at di pinaalam sa asawa na pauwi na siya. Nag-book din siya ng hotel para sa sorpresa na kaniyang pinlano. “Kailangan ko munang masigurado na wala siyang flight ngayon.” Kinuha ni Zephorah ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at tinawagan ang numero ng asawa. “Mahal, may flight ako.” Kasasagot lamang ni Arthur ngunit agad na niyang binaba ang tawag. Ni hindi man lamang nakasagot si Zephorah sa kanya. Pumunta si Zephorah sa hotel upang ipa-cancel ang kanyang pinabook. Ngunit di niya inaasahang makita ang asawa, kasama ang dalawa nitong mga kaibigan na nag-iinuman sa bar na katabi lamang ng hotel na kanyang pinabook. Lalapitan na sana niya ang asawa ngunit napatigil siya nang marinig ang usapan nila. “Bro, hindi naman na yata tama na sa tuwing wedding anniversary niyo ay pagtataguan mo na lang ang asawa mo.” Sambit ng kaibigan ni Arthur. Napailing si Arthur at nilagok ang isang baso na naglalaman ng whiskey. Maya-maya pa ay napangiti ito nang may maalala. “Sa tingin niyo, maniniwala kaya siya kung sasabihin kong sa tatlong taon naming relasyon ni Z ay ni minsan hindi ko siya ginalaw?” Nagulat naman ang dalawa nitong mga kaibigan. “Sino ang tinutukoy mo… Si Cheska ba? Tangina, bro! Hanggang ngayon, di ka pa rin makamove on kay Cheska? Dude, may anak na ang tao… asawa pa siya ng kuya mo.” Inis na singhal ng kaibigan niya. Tumawa lamang at nagkibit-balikat si Arthur at hindi na pinatulan ang inis ng kaibigan. Hindi na tinuloy ni Zephorah ang pakikinig sa usapan ng magkakaibigan at agad na umalis mula sa bar na iyon. Tama naman ang sinabi ng asawa niya. Sa tatlong taon nilang relasyon bilang mag-asawa ay ni minsan di siya ginalaw nito. Kahit na siya ay handa nang ibigay ang kanyang sarili sa asawa, ay tila wala naman itong gana at umiiwas sa kanya. Hanggang sa may mga narinig siyang agam-agam na nagpupunta ito sa mga club upang magbayad ng babae na magpapaliyaga sa kanya. Ngunit kahit na may naririnig siyang ganoon, mas pinaniwalaan niya ang asawa. Lumabas si Zephorah mula sa bar nang biglang bumuhos ang ulan. Di niya alintana ang lamig na nararamdaman dahil namanhid na ang kanyang katawan sa sakit na nagmumula sa kaniyang puso nang marinig niyang iniiwasan siya ng asawa. “Kaya pala…” Mapait na ngumiti si Zephorah. “Kaya pala sa tuwing anniversary namin bilang mag-asawa ay lagi niyang sinasabing may flight siya.” Kahit sila ay mag-asawa na, hindi sinasabi ni Arthur ang kaniyang schedule sa asawa. Biglang naalala ni Zephorah ang mga litrato na nakatago sa opisina ni Arthur sa kanilang bahay. Kahit basang-basa siya sa ulan, ay di niya iyon alintana. Sumakay siya sa kaniyang kotse at mabilis na pinaharurot ang sasakyan pauwi sa kanilang bahay. “Ma’am Z. Andito na po pala kayo—Diyos ko po, bakit basa kayo ng ulan?” tanong ng ginang na kasambahay nila, ngunit di na niya muna ito sinagot at nagmadali siyang pumasok sa opisina ng kanyang asawa at hinanap ang susi sa tukador na nakasarado. Nang mahanap ang susi, agad niyang nabuksan ang tukador na laging nilalock ni Arthur at ayaw niyang pabuksan sa kanya. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak-hawak ang mga litrato. Tila may punyal na tumusok sa kanyang puso nang malaman kung sino ang nasa litratong iyon. Mga litrato ng isang babaeng nakasuot lamang ng lingerie at tila nang-aakit sa litrato. Halos masuka si Zephorah nang malaman kung sino ang babaeng iyon. Iyon lamang ang mga litrato ng asawa ng kuya ni Arthur na si Cheska.“Sir, nakita ko po sa pub si Ma’am Zephorah kasama ang kaniyang mga kaklase.” Paalam sa kaniya ng kaniyang sekretarya.Nasa opisina si Jake. Sa main headquarters ng kanilang kompanya sa Singapore at kaasalukuyang may kausap itong isang investor na interesadong mag-invest sa kanilang aircraft, nang biglang lumapit ang sekretarya nito upang ipaalam kung nasaan si Zephorah.“Okay, thank you for your time, Mr. Lee. We are looking forward to deal business with you.” Iniangat niya ang kaniyang kamay upang makipagkamay sa investor, na agad namang tinanggap ni Mr. Lee iyon.“Thank you, for doing business with you.” Tugon ng lalaki.“Magbook ka ng VIP room doon.” Utos ni Jake sa kaniyang sekretarya. “Dalhin mo rin ang maskara ko. Ayokong malaman ni Z na andun ako.” Dagdag niya.Tumango ang sekretarya at agad na tinawagan ang may ari ng pub upang ipaalam ang pagdating ng nag-iisang Jake Zamora.Sa business world, kilala si Jake na isang misteryosong business tycoon na si Mr. J. Tanging ang kani
Napatulala na lamang si Sandra sa sinabi ni Zephorah.“Sa akin ito?” Di makapaniwalang tanong niya, habang hawak ang Villa Cebu.Tumango ng nakangiti si Zephorah bilang sagot sa tanong ng kaibigan. Tiningnan naman ni Sandra ang susi sa kaniyang palad. At agad na umiling.“Naku! Huwag na! Alam mo namang sa iyo binigay iyan. Baka mamaya hanapin ni Madam. Isa pa, malayo ito sa trabaho ko.”“Wala din akong balak na tirhan ito. Kaya ko ito kinuha ay para sayo.” Saad ni Zephorah.“Eh, bakit mo ito hiniling sa kanila kung di mo din titirahan?” Tanong ni Sandra.“Para ibigay sayo.”Napaikot ang mata ni Sandra sa sinabi ni Zephorah.“Tyaka kung dito ako titira, baka guluhin pa ako nina Arthur at lalo na ni Cheska.”“Bahala ka. Pero kung ayaw mo, ibenta mo nalang. Kasi ako… Hindi ko iyan tatanggapin. Pera nalang ibigay mo sakin, sugar mommy.” Pang-aasar ni Sandra na ikinatawa ni Zephorah.“Bukas di mo pala ako masasahan.” Tumango si Sandra.“Pero susubukan kong humabol. Bakit hindi mo tawagan s
Napatingala si Arthur sa bandang hagdanan nang makita mula sa kaniyang peripheral view si Zephorah, habang siya ay nakaupo sa kanilang sala. Nakasuot ito ng damit pang-alis at tila papasok na sa kaniyang trabaho. Lingid sa kaalaman ni Arthur na hindi na nagtatrabaho ang asawa, bagkus, nag-aaral ito.“Hindi ako dito matutulog mamaya. Sa bahay ako ni Sandra makikitulog.” Sabi ni Zephorah ng makababa ito. Hindi na din nakapagsalita si Arthur, sapagkat umalis na rin si Zephorah. Wala din namang pakialam si Zephorah sa sasabihin ni Arthur. Dahil noon pa man, alam na niyang di alintana ni Arthur kung aalis man siya o hindi. Kahit nga ang pagkawala ni Z ng isang linggo ay hindi siya hinanap nito. Nakaalis na lamang si Zephorah ay hindi pa rin mawala ang tingin ni Arthur sa pintuan kung saan lumabas si Zephorah. Ang kaniyang pagkatulala ay napansin naman ni Cheska.“Gusto mo sundan mo.” Sarkastikong saad ni Cheska.Napabuntong hininga si Arthur sa narinig. Tinalikuran niya si Cheska at dume
Sumakay ng kotse si Sandra at namataan niya ang katahimikan ng kaibigan sa kaniyang tabi. Habang pinapaandar ang kotse, biglang nagsalita si Sandra.“Kamusta ka?” Nag-aalalang tanong ng kaibigan. Huminga ng malalim si Zephorah bago lingunin ang kaibigan at nginitian ito.“Okay lang naman. Bakit mo natanong?” Tanong nito.“Girl… I bet you’re not okay.”“Oo nga. Bakit ba hindi?” Pagkumbinsi ni Zephorah.“Syempre… Yang magaling mong ex-husband na walang alam na hiwalay ka na pala sa kaniya ay nagbigay na naman ng sakit ng ulo sa iyo.”“Sanay na ako. Kung dati, bulag ako sa mga nangyayari, ngayun… Malinaw pa sa sikat ng araw ang mga ganap sa buhay ko… Ang mga ginagawa niya. Hindi naman na para mag-expect pa ako mula sa kaniya. Kaya hindi na ako magtataka. Bahala na lang siyang linisin ang kalat na ginawa niya.”“Sabagay… Tingin ko naman he can pull strings para hindi lumabas ang balita sa kamag-anak niyo.” Tumango si Zephorah bilang pag sang-ayon sa hinuha ni Sandra.“Tama. Marami naman












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.