The Auctioneer’s Billion-Dollar Revenge

The Auctioneer’s Billion-Dollar Revenge

last updateLast Updated : 2026-04-16
By:  L. BossUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
2views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Habang nag-aagaw buhay si Astrid at ang kanyang anak, ang asawa niyang si Santi ay busy sa pakikipag-reunion sa ex-wife niya! Matapos ang trahedya ay naglaho siya na parang bula. Years later, a goddess took the world by storm. Astrid Nieves Alcasid became the legendary auctioneer, the woman who can sell anything for billions. Santi thought he could buy her back with his wealth, but he realized too late. She’s now the world’s most powerful auctioneer. "Please come home, Astrid!" he roared, offering his multi-billion dollar empire. She didn’t flinch. She gracefully smiled and handed him an invitation. "Sorry, Mr. Saint Thorne Romanov. High-quality items are only for those who know their value. And you? You're nothing but a cheap mistake. The bidding is over, Mr. CEO. You’ve been outbid." The gavel has fallen, Santi. The bidding for her heart is officially closed!

View More

Chapter 1

Chapter 1

Chapter 1

Isang linggong namalagi si Astrid sa loob ng ospital. Sa araw ng kanyang discharge, hindi niya sinasadyang marinig ang bulungan ng mga nurse sa station habang naglalakad siya sa hallway.

"Siya 'yong mag-isang nagpa-abortion, 'di ba? Isang linggo na siya rito pero wala man lang kahit isang pamilya na bumisita sa kanya. Sobrang nakakaawa naman," sabi ng isang nurse habang nakatingin sa chart.

Sumagot naman ang isa pa na tila may halong panghuhusga sa tono, "Baka naman kireda lang na hindi mailabas sa publiko. Sabi-sabi rito, nung nalaman daw ng legal wife, wala siyang choice kundi tumakbo rito para ipalaglag ang bata at tapusin ang gulo."

Hindi na lamang kumibo si Astrid. Ang kanyang mga kamay na nakalaylay sa gilid ay dahan-dahang napa-kuyom habang pasimpleng sulyap sa kanyang puson. 

The doctor said I’m recovering well, but why can I still feel that pain of my flesh being torn apart? tanong niya sa kanyang sarili. 

Isinuot niya ang kanyang sunglasses para itago ang pagod at pait sa kanyang mga mata bago tuluyang lumabas ng ospital.

Pagdating sa mansyon, dumiretso si Astrid sa kanyang kwarto sa second floor. Walang nagbago sa ayos ng silid, isang indikasyon na hindi man lang umuwi o pumasok doon si Santi simula noong huling pagkikita nila. Pero sa puntong ito, wala na siyang lakas para pakialaman pa kung nasaan ang asawa o kung saang kama ng ibang babae ito natutulog.

Pagod na pagod na siya. Kumuha siya ng ilang melatonin pills at nilunok ang mga ito para lang makatulog nang mahimbing. 

Sa kanyang panaginip, bumalik siya sa madugong eksena isang linggo na ang nakararaan. Naalala niya ang agos ng dugo sa kanyang mga hita at ang phone number na kailanman ay hindi sinasagot.

"Baby!" malakas na sigaw ni Astrid habang nagigising mula sa bangungot.

Hingal na hingal siyang napadilat at natagpuan ang sarili sa pamilyar na silid. 

Tulala siyang nakatitig sa kisame sa loob ng mahabang oras habang dinaramdam ang sakit na mula sa kanyang puson ay tila gumagapang na sa buong katawan niya.

Isang katok ang umalingawngaw, at bago pa man makasagot si Astrid ay bumukas na ang pinto.

"Madam, tumawag po ang asawa niyo. Sabi niya ay uuwi raw siya ngayong gabi. Bumangon na kayo riyan at ihanda ang dinner," utos ni Consuelo habang nakatayo sa may pinto.

Mabilis na pinahid ni Astrid ang luha sa kanyang mga mata at sumagot sa paos na boses. 

"Masama ho ang pakiramdam ko. Hayaan mo na ang mga nasa kusina ang maghanda."

Tumagilid si Astrid at tinalikuran ang katulong. Subalit hindi sumuko si Consuelo at lumapit pa sa gilid ng kama.

"Naku, hindi pwede 'yon! Alam niyo naman na si Raica, gustong-gusto ang luto ninyo. Bihira lang din umuwi si Sir, kaya dapat samantalahin niyo na ang pagkakataon na makuha ang loob ng mag-ama niyo," giit ng katulong. 

Akmang hahawakan ni Consuelo ang braso ni Astrid para hilahin ito pabangon. Napakunot ang noo ni Astrid at agad na iwinaksi ang kamay ng katulong. 

"Sinabi nang masama ang pakiramdam ko, eh!" Iminuwestra niya ang pinto at sumigaw, "Lumabas ka!"

Nagulat si Consuelo sa biglaang pagsiklab ng galit ni Astrid. Padabog niyang binitawan ang kumot at lumabas ng kwarto habang nagbubulong-bulong.

"Bakit sa akin ibinubuhos ang init ng ulo? Kapag naman dumating ang asawa niya, kulang na lang ay lumuhod siya para lang mapansin," sambit ni Consuelo na sadyang narinig ni Astrid.

Napapikit na lang si Astrid. Alam niyang totoo ang sinabi ng katulong. Alam ng lahat na kapag nandiyan si Santi, para siyang aso na inaasikaso ang lahat mula pagkain hanggang sa gamit ng mga ito, umaasang kahit isang tingin ay mabigyan siya ng lalaki.

But that man never looked up to her. Ang kasalang ito ay isa lamang business arrangement. Kailangan ng mga Romanov ng asawang may tamang social standing, kailangan ni Santi ng magandang asawa na ipaparada, at kailangan ni Raica ng isang ina na mag-aalaga sa kanya.

Astrid curled up into a ball, tightly hugging her empty lower abdomen. But for today, I just want to be a woman who lost her child... 

Muling gumana ang gamot sa kanyang sistema at dahan-dahan siyang nilamon ng antok. 

Nang muli siyang magising pagkalipas ng ilang oras, isang kaluskos sa loob ng kwarto ang kanyang narinig.

Mabilis na dumamba sa kanya ng lalaki. Ang mga halik nito ay mainit at puno ng awtoridad habang ang malalaking kamay nito ay mabilis na hinubad ang kanyang bathrobe. Ganito naman palagi si Santi. He never considers her feelings. Ang katawan niya ay isang kagamitan lamang na maaari nitong angkinin kailanman nito gustuhin.

"No... Santi, huwag muna ngayon. Bitawan mo ako," pakiusap ni Astrid. 

Pilit niyang itinutulak ang matigas na dibdib ng asawa, ngunit parang pader ito na hindi natitinag.

"Stop playing hard to get, Astrid. Isang linggo akong wala, alam kong hinintay mo ito," bulong ni Santi sa kanyang tenga, ang boses ay puno ng nakakalunod na pagnanasa. 

Hinawakan nito nang mahigpit ang kanyang pulso saka itinaas iyon sa ibabaw ng kanyang ulo, at muling hinalikan ang kanyang malambot na labi.

Dahil sa posisyon nila na tila ba wala siyang laban, naramdaman ni Astrid ang matinding hiya. Iniwas niya ang kanyang mukha para hindi na maabot ng lalaki ang kanyang mga labi.

Isang bahid ng inis ang rumihestro sa mga mata ni Santi. Nang mapansin niyang talagang ayaw ni Astrid, bigla ring nawala ang interes nito. He wouldn't go so far as to force a woman. 

"Fine. Kung ayaw mo, huwag. I don't have time for your dramas," malamig na sabi ni Santi.

Tamad na gumulong ang lalaki palabas ng kama saka mabilis na kinuha ang bathrobe sa tabi, at kampanteng itinali iyon sa baywang. Umupo ito sa couch malapit sa bintana at nagsindi ng sigarilyo.

Gulo-gulo na ang suot ni Astrid kaya agad siyang bumangon para ayusin ang kanyang sarili. Huminga siya nang malalim bago nagsalita.

"Santi, let's get a divorce!" mariing sambit niya.

Dahan-dahang nagbuga ang lalaki ng usok. A layer of coldness appeared on his outstanding and otherworldly face.

Tiningnan siya ni Santi.

"Divorce?" ulit ni Santi. Bahagya itong natawa na parang nakarinig ng isang malaking biro. "Sa tingin mo ba ay makakatayo ka sa sarili mong mga paa? Kung hindi ka isang Romanov, you are nothing."

Siniyasat ni Santi ang asawa mula ulo hanggang paa gamit ang kanyang mapanghusgang tingin. Bahagya niyang itinaktak ang kanyang hintuturo kaya nalaglag ang abo ng sigarilyo sa malambot at mamahaling carpet.

"Ilang araw lang akong nawala para ipasyal ang bata sa abroad, at pagbalik ko, ito agad ang isasalubong mo sa akin? Nakakarindi ang mga eksena mo. Sabi ni Consuelo, isang linggo ka ring hindi umuwi. Ano ito? Naglalayas ka na para lang makuha ang atensyon ko?” kutyang tanong ng lalaki. “Or are you trying to threaten me by running away from home? Stop acting like a teenager." 

Napangiti na lang nang mapait si Astrid sa kanyang sarili. 

Is it necessary to bring your female secretary along when taking your daughter on a trip abroad? 

Noong una ay ipakikita sana ni Astrid ang mga social media posts ng babaeng iyon at hihingi ng paliwanag. Pero ngayon, wala na siyang nararamdamang selos, puro pagod na lang.

"Nasa ospital ako buong linggo, Santi. Nag-iisa ako roon dahil masama ang pakiramdam ko," kalmadong sagot ni Astrid, bagama't ang kanyang boses ay bahagyang nangangatog.

Sasabihin na sana niya kay Santi na nawala na ang kanilang anak nang biglang bumukas ang pinto.

"Gising ka na pala? I want to eat the cookies you made for me, ngayon na!" sigaw ng bata. Nakayapak ito habang suot ang kanyang pink na nightgown.

Yumuko si Astrid at tiningnan ang bata nang may lambing. "Raica, may mahalaga lang kaming pinag-uusapan ng Daddy mo. Can you wait? Bukas na lang tayo gumawa ng cookies, okay?"

"Ayoko! Gusto ko ngayon! You're so mean!" giit ni Raica. Dahil lumaking spoiled, wala itong balak sumunod at nagsimula nang magdabog.

Akmang susuyuin pa sana ni Astrid ang bata nang sumingit si Santi. 

"Astrid, gawin mo na ang gusto ng bata. Kanina pa siya nagre-request niyan habang nasa biyahe kami. Why are you making things difficult for a five-year-old?"

Kung dati ay agad na susunod si Astrid para lang mapaligaya ang mag-ama, ngayon ay wala siyang lakas. Galing siya sa operasyon at ang kanyang sinapupunan ay tila ba sinusunog pa rin sa sakit.

"Santi, hindi mo ba ako naintindihan? Masama ang pakiramdam ko! Hindi ko kayang tumayo sa kusina nang matagal! At isa pa, kailangan nating pag-usapan ang tungkol sa anak natin!" sigaw ni Astrid na may kasamang luha.

Agad na nagbago ang ekspresyon ni Santi. Inis niyang pinatay ang sigarilyo sa ashtray at tinitigan si Astrid nang matalim.

"I’ve told you a thousand times, Astrid. Wala na akong balak magkaanak pa sa iyo! Hindi mo ba maintindihan 'yon? Si Raica lang ang kailangan nating alagaan! Huwag kang mag-ilusyon na mabubuntis ka pa at gagamitin ang batang iyon para itali ako sa iyo!" bulyaw ni Santi.

Kumuha siya ng isang black card sa kanyang wallet at padabog na inihagis iyon sa lamesa. "Take this. Bilhin mo lahat ng gusto mo, but stop making a scene. Nakakawalang-gana ka."

Walang lingon-likod na lumabas ng kwarto si Santi. Si Raica naman ay umatras at binigyan ng distansya si Astrid, ang mukha ay puno ng pangungutya.

"Umiyak ka na naman? Sabi ni Daddy, bad ka raw kaya palagi kang malungkot," sabi ng bata. 

Naningkit ang mata ng bata bakas sa mukha ang parehong kawalan ng pakialam at kayabangan na nakuha niya sa kanyang ama.

"Bleeeh! Ayoko na rin ng cookies mo, mas masarap 'yong binili ni Daddy sa Paris!"

Dinilatan muna siya ni Raica bago ito mabilis na tumakbo palabas ng silid.

Sa wakas ay tumahimik ang kwarto. Isang malamig na hangin ang umihip mula sa bintana Lumingon si Astrid sa labas.

Kinuha niya ang isang invitation mula sa kanyang bag. Isang malaking auction ang gaganapin sa Enderun sa susunod na buwan, Ang tanging dahilan kung bakit hindi siya pumayag agad noon ay dahil alam niyang dadalo si Santi roon.

Kinuha niya ang isang invitation mula sa kanyang bag. Isang malaking auction ang gaganapin sa Enderun sa susunod na buwan at gusto siyang kuning auctioneer ng mga organizer. Noon, tinanggihan niya ito dahil pinagbawalan siyang magtrabaho ni Santi.

Masyado niyang pinahalagahan si Santi na halos gawin na niyang mundo ang lalaki at talikuran ang kanyang career.

Pero ngayon, naalala niya ang sinabi ni Santi kanina na kung wala ang titulong Romanov ay wala siyang silbi.

Since that's the case, then I won't accept this title anymore. Determinado na si Astrid na bawiin ang sarili niyang pangalan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status