Share

12 - We're a real couple now.

Chyna’s POV

Hindi ko na alam anong mararamdaman ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakangiti pa ‘tong lalaking ‘to sa harap ko. Feeling ko hindi totoo ‘to, baka nagha-hallucinate na lang ako.

“Matagal ko na napapansin na may gusto ka sa ’kin Chy, ‘yung mga ngiti mo noon na simple lang, umaabot na hanggang mata kapag kaharap mo ko. Minsan pa nga naririnig kita na tumitili sa kwarto mo, nakikita ko paano ka nabibigla kapag may ginagawa akong kakaiba para sa ’yo . . . oo Chy napapansin ko lahat. Paanong hindi ko mapapansin kung sa ‘yo lang din naman nakatuon ang atensyon ko?” tanong niya, unti-unti namuo ang luha sa mata ko, tang*na namang hormones ‘to, nagiging sobrang emotional akong tao kahit hindi naman.

“Pero hindi mo naman ako gusto,” sabi ko at napaiyak na nga.

Tinakpan ko ang mukha ko habang umiiyak naramdaman ko naman ‘yung kamay niya at tinanggal ang takip sa mata ko, hindi matigil ang pagtulo ng luha ko kaya kahit nakatingin na ako sa kaniya ay tumutulo pa rin ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status