Stephanie
Maingat ang mga galaw na tuluyan na akong bumaba mula sa kotse ko. Nandito pa ako sa parking lot at panay ang tingin ko sa labas. Baka kasi mamaya nyan ay nandyan pala naka abang lang ang mga alepores ni Ms. Sungit at bigla na lang akong e korner mahirap na. Dami pa namang bantay yun na akala mo naman ay kung sino kung maka kilos dito sa school. Eh pareho din lang naman kami na estudyante nito dito at nag babayad ng tuition fee. Okay lang sana kung mas malaki ang binabayaran niya para mag yabang siya na feeling niya ay sya ang may ari nito.Kung yung anak nga ng Dean namin dito ay hindi nag yayabang ng ganyan. Tapos sya dinaig pa niya ito. Hindi lang sya Ms. Sungit na ngayon para sa akin dahil isa na siyang Monster.Nang masiguro ko na walang mga nakakalat na mga dwende ay mabilis na akong umibis sa sasakyan ko at nag mamadali na pa punta sa room namin.Medyo ma la late na kasi ako pag hindi pa ako nagmadali. Kanina pa nga nag message sa akin si Avril kung nasaan na daw ako. Si Ma'am Jane pa naman ang teacher namin ngayon. Pinaka ayaw pa naman nun ang na la late sa kanyang subject.Patay talaga ako nito kat Ma'am Jane kapag mas nauna ito na makapasok sa akin. Baka mapahiya pa niya ako pag nagkataon. Specialty pa naman nun ang mamahiya ng mga estudyante niya.Pag liko ko sa may paselyo ay bigla na lang may humarang sa daraanan ko. Isang naka ngisi na maganda sana kaya lang ay ubod naman ng sama ng ugali ang nakaharang sa daraanan ko.Si Samantha aka Ms. Sungit/Monster. Kasama na naman nito ang mga minions nya na ewan kung anong ginawa niya sa mga ito at napapasunod nya.Sabagay mukha naman mga tanga ang mga ito dahil sa mga itsura nila na parang clown dahil sa kapal ng make up ng mga ito."Hello nerd, mukhang nagmamadali ka ngayon ah? Hmmm bakit may tinatakasan ka ba?" Nakangisi na tanong nito sa akin. At talagang binati pa ako ha. Akala mo naman close kami nito duh"Nag mamadali talaga ako. Kaya pwede ba Ms. Samantha ay baka naman pwede tumabi ka po sa daraanan ko at nagmamadali ako. My god ayaw kong ma late kay Ms Jane." Sagot ko naman dito sabay pakiusap ko pa ng maayos sa kanya. Malay mo naman ay madaan ito sa pakiusapan.Nginitian ko pa ito ng matamis at nag pa cute pa ako sa kanya. Sana lang ay madaan ko siya sa pag papa cute kong ito. Pero sino ba ang niluluko ko eh si Monster yan na puro ang e ka papahamak ko ang nasa isip niya. Ang maka ganti daw kuno sa akinTinaasan lang naman ako nito ng kilay sa sinabi ko."At sa tingin mo talaga ay makakadaan ka ng hindi pa ako nakakapag simula ng araw ko sayo?" Nakangisi na muling sagot nito sa akin."Tsaka tigilan mo nga yang sa pag papa cute mo na yan at mas lalo ka lang pumapangit. Yuck hindi mo bagay no. Para kang asomg ulol sa ginagawa mo." Pang lalait pa nito sa akin.Hindi ko naman maiwasan na mapa simangot sa sinabi nito sa akin. Ang ganda ko kaya at alam ko na ang cute cute ko no.Palagi ko nga nakukuha ang gusto ko pag ginagamitan ko ng technique na yan ang parents ko eh. Tapos sasabihin niya na mukha akong asong ulol. Duh hindi lang sya maalam tumingin ng mga magaganda.Maya lang ay tinawag na nito ang kanyang mga minions."Girls! Simulan na ang pag papaligo kay Nerd. Mukhang kailangan kasi niyang maligo ngayon at tignan mo naman ang itsura parang hindi naliligo." Utos nito sa kanyang mga alagad.Mabilis naman na nagsipag sunuran ang kanyang mga alagad at naramdaman ko na lang ang lamig sa aking katawan dahil nga sa binuhusan na nila ako ng tubig. Kainis naman talaga oh. Doble na ang kailangan ko na pag mamadali nito dahil nasa kotse ko pa ang aking spare shirt at basa na naman ako. hayst mga utak talangka talaga ang mga ito.Itsura lang ang meron sila pero ang laman ng utak ga monggo na lang sa liit. Mga papansin na ewan. Kainis. Masama na tinignan ko naman ang panay lang ang tawa na ni Monster. Tama mas maganda na pangalan nito ay ganyan dahil masama ang ugali nito. Parang bata pa.Paano na hindi ko masabi na parang bata sya eh ganyan siya mag ki kilos. Sa ganyang edad ba naman ay may mag ga ganyan pa. Yang mga pa pansin lang ang gumagawa ng ganyan.Hindi siguro masarap ang ulam nito sa kanila kaya ako ngayon ang pinag babalingan niya ng kanyang inis. O baka naman na bitin na naman ito sa make out nila ng kanyang jowang pangit. Sing pangit ng ugali niya."Ano tapos na ba kayo mag pa pansin? Sa tingin nyo nakakatuwa na kayo sa ginawa nyong yan? Ano masaya na kayo?" Inis na tanong ko sa mga ito. Sabay talikod na at wala na akong balak pa na pahabain pa ito at tiyak na malalagot na ako sa dragon na Professor namin. Mas natatakot ako dito kaysa kay demonyeta.Mabilis na tinakbo ko sa sasakyan ang aking damit at doon na rin nag bihis. Mabuti na nga lang at tubig ng mineral water ang binubuhos ng mga ito sa akin at hindi sa kung saan lang nila kinuha. Mga maaarte din kasi eh.Agad ko ng pinunasan ang medyo basa ko ng buhok. Mabuti nga at hindi naman nabasa ang pang ibaba kong suot kaya damit lang ang pinalitan ko.Next time nga mag susuot na lang ako ng jacket na waterproof para naman hindi panay ang change ko ng damit. Medyo nakakahiya na rin kasi sa aming taga laba at dumarami ang nilalabhan nitong gamit ko.Nang ma sure ko na okay na ako ay nag mamadali na akong tumakbo na parang nasa isang karera ako. Bahala na kung sino man ang masagasaan ko. Ang kahihiyan ko ang nakasalalay dito. Sana naman ay wala pa doon ang dragon na si Ma'am Jane.Halos magkasunoran lang kami na Ma'am Jane na dumating. Mas nauna pa nga ito sa akin eh. Nilagpasan ko lang siya. At nagmadali na ngang pumasok sa loob ng room at agad na akong tumabi kay Avril na ngayon ay nag e star na naman ang mga mata na nakatingin sa bagong dating na si Ma'am.Hayst Avril masyado ka ng halata girl. Sana lang ay mapanindigan mo yang pag titig mo na ganyan kay Ma'am pag ikaw ay napansin nyan Patay kang bata ka.Maya lang ay nag discuss na si Ma'am at nakinig na lang muna ako at hindi na muna pinansin pa ang aking katabi na ganun din ang ginawa ngayon.Matapos ang classes namin ay lumabas na kami ng room ni Avril at niyaya ko na lang ito sa library. Mas maganda na tumambay na muna kami doon kaysa ang mag pakalat kalat kami dito sa campus tapos maka encounter na naman namin ang grupo nila Samantha na Wala ng ginawa sa buhay ko kundi ang bwisitin ako.Mabuti na nga lang at sumangayon ito sa akin. Kaya naman pumunta na lang kami doon. Hindi nga namin naka salubong ang grupo ni Samantha. Ang grupo naman ng mga dyosa na professor ang nakasalubong namin na parang mga rumarampa sa catwalk. Shit lang lahat sila crush ko. Hehehe oo crush ko din yung crush ni Avril. Wala naman sigurong masama doon no. Humahanga lang naman ako sa kagandahan na nakikita ko.SamanthaNandito na ako sa may kotse ko at hinihintay ko na dumating ang aking boyfriend. Wala kasi ako sa mood na manood ng praktis nila ngayon. Dahil naiinis ako kanina pa. Paano naman kasi tinataguan na ako ng Nerd na ito. Paano ko pa siya mapag lalaruan kung ganyan ang ginagawa niya?Oo alam ko na napaka immature ang ganun pero kasi nakakatuwa lang kasi siyang tignan habang ganyan na parang masyado siyang affected sa mga ginagawa namin sa kanya. Sabagay kahit sino naman siguro ang ganunin ay mag re react din. Ah basta natutuwa lang ako sa kanya. Ang sarap kasi niyang inisin eh. Bakit ba pakialam nyo. Kanya kanya tayo ng trip sa buhay. Baka gusto mo pag tripan din kita eh. Ikaw na nga lang ang nag ba basa ng sinulat ni author reklamo ka pa. Maya lang ay natanawan ko si Stephanie na nag lalakad na at mukhang pa punta na ito sa kanyang kotse. Bigla naman akong napa ngiti ng malaki dahil doon. Sa wakas na tyempuhan din kita. Sa isip isip ko. Tamang tama at hindi na nito kasama a
SamanthaPag uwe ko sa bahay ay wala pa sila Mommy. Malamang na mamaya pa ang dating ng mga yun baka nga hindi na naman kami mag sabay kumain eh. Sabagay para din naman sa future ko ang ginagawa nilang yun kaya naiintindihan ko sila. Nang makasalubong ko si Manang ay nag utos na lang ako dito na dalhan niya ako ng meryenda sa taas at tuluyan na akong umakyat sa room ko. Busy ako sa pag scroll sa social media accounts ko ng maisipan ko na e search si Stephanie. Wala lang curious lang ako sa kanya. Tsaka huwag nga kayong ano dyan. Gusto ko lang makita ang account nito at baka may mahalukay ako doon na pwede kong magamit laban sa kanya. Yun naman talaga ang totoong reason ko ha. Kung hindi lang ay bakit ko naman pag aksayahan ang isang katulad nito na isang nobody lang naman. Pasalamat nga ito na pinag a aksayahan ko siya ng precious time ko. Akalain mo isang sikat sa school ay ini stalk ang social media accounts ng isang nerd na yun. Type ko na kaagad ang name nito sa search engine
StephanieNandito na ako sa school. Medyo maaga kasi ako pumasok ngayon para maka iwas na rin ng tuluyan kay Samantha the monster. Tumuloy muna ako sa cr at kanina pa ako tinatawag ni kalikasan. Habang umiihi ako ay may narinig ako na pumasok din dito sa cr. Pag labas ko ay sakto na nakita ko ang isa kong stalker. Yes may stalker ako na ewan ko ba dito sa babaeng ito ang ganda ganda naman at mukhang hindi ito ka rainbow pero kung makahayag ng pag ibig niya sa akin ay wagas. Hindi ito alam ni Avril dahil pag kaming dalawa lang naman ito nagpapahayag ng kanyang nararamdaman daw kuno sa akin. Hindi ko naman pinapansin dahil nga kahit sobrang ganda pa niya ay wala naman itong dating sa akin. Wala akong nararamdaman para sa kanya. Tanging pagkakaibigan lamang ang kaya kung ibigay dito. "Stephanie baby sa wakas ay na corner din kita. Alam mo ba na sobrang miss na kita. Masyado mo na akong binabaliwala." Nag tatampo na sabi nito sa akin.Maya lang ay tuluyan na siyang lumapit at kaagad n
StephanieHumihingal na pumasok na ako sa classroom namin. Mabuti na nga lang at wala pa ang Prof kaya naman nakahinga ako doon ng maluwag. Mabilis naman na umupo ako sa katabing upuan ni Avril na naka kunot ang noo na nakatingin sa akin. Nagtataka siguro ito at bakit kay aga aga eh ito ngayon at pawis na pawis tapos hinihingal pa. Maya lang ay nagsalita na ito. Hindi na yata nakatiis na hindi mag usisa sa akin. "Oh anong nangyari sayo at ganyan ang ayos mo ngayon? Pinag tripan ka na naman ba nila Samantha? Mag sabi ka sa akin ng totoo Stephanie." May paghihinala na tanong nito sa akin. "Galing lang ako sa cr at naiihi na ako. Akala ko ay late na ako kaya tumakbo ako mula doon pa punta dito." Sagot ko sa kanya.Hindi ko sasabihin dito ang nangyari no. Mahirap na at baka kung ano pa ang masabi nito kay Samantha at saka hindi ko kayang sabihin sa kanya na hinalikan ako ni Jade at baka mag tanong pa ito ng mag tanong tungkol doon. Ayaw ko pa naman na masyadong nag kwe kwento lalo pa
StephanieNandito ako sa bar ngayon. Kasama ko ang aking mga pinsan na hindi ako tinigilan hanggang hindi ako sumasama sa kanila. Katwiran ng mga iyo ay wala naman daw pasok bukas eh kung bakit ayaw kong lumabas sa lungga ko. Duh hindi lang naman ako mahilig sa mga night life no. Mas gusto ko na mag basa na lang kaysa yung nandito ako. Sumasakit lang ang ulo ko kapag nakakaamoy kasi ako ng mga usok ng sigarelyo eh. .Hindi ko nga malaman sa mga pinsan ko na ito kung ano ang nagustuhan nila sa ganitong lugar. Ang ingay ingay na nga. Ang dami pa akong nakikitang mga lasing. Sabagay saan kaba nakakita ng bar na walang lasing tanga lang Stephanie? Maya ay bigla na lang ako hinila ng pinsan kong si Sabrina. "Tumayo ka nga dyan Stephanie. Para kang ewan dyan na naka pangalumbaba lang eh. Halika at mag sayaw tayo e enjoy natin ang gabing ito." sigaw nito sa akin. Sabay sayaw nito sa harap ko. Napipilitan na rin lang naman ako na sumayaw. Medyo tipsy na rin kasi ako sa dami ng alak na na
SamanthaHalos mag dilim naman ang paningin ko ng sakto na pag pasok ko sa cr na ganyan ay makita ng dalawa kong mata ang pag hahalikan ni Nerd at nitong si Jade na malandi na ito. Matagal ng pinag iinit ng babeng ito ang ulo ko eh. Sukat ba naman makipag paligsahan sa akin na maging isang Queen bee dito sa campus para lang tanga ito. Ni hindi man lang lumamang sa akin ng ganda ito eh. Mukha siyang paa na tinubuan ng mukha. Hindi ko alam pero galit na galit ako dahil sa naabutan ko na ginagawa nilang dalawa. bakq kung hindi pa ako dumating dito ay baka kung ano pa ang gawin ng dalawang ito. Pakiramdam ko ay gusto ko ng ubusin ang buhok ng Malandi na ito eh. At pag sa sampalin naman si Nerd na parang tanga ngayon na naka tingin sa akin.Dahil sa nakaka rimarim na ginagawa nila ay hindi ko na napigilan pa ang aking bunganga na mag rant sa mga ito. Napaka hayop talaga nila. Hindi ko alam kung bakit may nga ganyang klase ng tao na hindi ma kuntinto sa kung ano ang ipinag kaloob sa kan
SamanthaHindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa tunog ng aking phone. Tumatawag na si Mica ko at nasa baba na daw siya. Mabilis naman na napa balikwas ako ng bangon sabay tingin ko sa oras. at napa hilamos na lang ako ng aking mukha ng makitang 9:30 na pala ng gabi. Hayst mukhang napa sarap ang tulog ko. Napagod kasi talaga ako sa totoo lang at isa pa ay medyo hindi ako masyado nakakatulog nitong mga nakaraang linggo at hindi ko alam kung bakit palagi ko na lang naiisip itong si Nerd na ito. Kaya nga inis na inis ako sa kanya eh. Mukhang kinukulam yata ako ng immoral na yon. Mabilis naman na nag reply ako dito na umakyat na muna siya sa unit ko dahil hindi pa kako ako nakakapag ayos. Kakagising ko lang din. Alangan na pag hintayin ko ito ng sobra eh. Alam ko naman sa aking sarili na ang tagal ko mag ayos. Syempre ganun talaga kapag masyado kang maganda. Lahat mapapansin sayo. Kaya dapat sa tuwing lalabas ako ay always good look dapat ako. Nag madali
Samantha Nagising na lang ako na may malambot akong yakap yakap na unan at ang bango pa. Tsaka ang sarap din sa pakiramdam ng binibigay nitong init sa akin. Kaya naman mas lalo lang akong nag sumiksik sa unan na yun. Hayst hindi ko alam na may nabili akong ganitong unan na kasing laki ko din lang. Ang alam ko ay hindi rin ganito ang amoy ng mga unan ko sa kwarto ko. Pero hindi ko na lang pinansin pa yun at mas sumiksik lang dito. Ang init din kasi nito eh. Nakaka relax at mas lalo pa kasi akong inaantok. Maya lang ay yumakap din sa akin ang unan na yun kaya naman mas lalo ko lang naramdaman ang init nito ng ikulong ako saga bisig niya. Pero tika. Kailan pa nagkaroon ng bisig ang unan at kailan pa kumikilos ang unan? kaya naman bigla na lang akong napa mulat ng aking mata dahil doon. At biglang bumungad sa akin ang natutulog pa rin na si Nerd. Kaya naman bigla akong natigilan dahil doon. Anong ginagawa ng Nerd na ito sa room ko? Baka mamaya may ginawa na itong masama sa akin. Kay