Samantha
Nandito na ako sa may kotse ko at hinihintay ko na dumating ang aking boyfriend. Wala kasi ako sa mood na manood ng praktis nila ngayon. Dahil naiinis ako kanina pa.Paano naman kasi tinataguan na ako ng Nerd na ito. Paano ko pa siya mapag lalaruan kung ganyan ang ginagawa niya?Oo alam ko na napaka immature ang ganun pero kasi nakakatuwa lang kasi siyang tignan habang ganyan na parang masyado siyang affected sa mga ginagawa namin sa kanya. Sabagay kahit sino naman siguro ang ganunin ay mag re react din.Ah basta natutuwa lang ako sa kanya. Ang sarap kasi niyang inisin eh. Bakit ba pakialam nyo. Kanya kanya tayo ng trip sa buhay.Baka gusto mo pag tripan din kita eh. Ikaw na nga lang ang nag ba basa ng sinulat ni author reklamo ka pa.Maya lang ay natanawan ko si Stephanie na nag lalakad na at mukhang pa punta na ito sa kanyang kotse.Bigla naman akong napa ngiti ng malaki dahil doon. Sa wakas na tyempuhan din kita. Sa isip isip ko.Tamang tama at hindi na nito kasama ang best friend niya na si Avril. Kainis din yun eh. Masyadong palaban. Kahit sa akin hindi takot. Maya lang pag nainis ako doon patitikimin ko yun ng sampal. Tignan lang natin kung makapag yabang pa siya sa akin.Baka pag minalas pa siya itulad ko rin kay Nerd ang gawin ko sa kanya. Masyado siyang pakialamero. Pero bago ang lahat ito munang si Stephanie ang uunahin ko.Mabilis naman na nilapitan ko ito. Mukhang hindi pa niya naman ako napapansin. Nang makalapit na ako sa kanya ay mabilis na hinawakan ko ang kamay nito na bigla ko din naman inalis dahil para akong na kuryente na ewan. Hindi ko na lang pinansin ang pakiramdam na yun. Dahil ang nasa isip ko ngayon ay ang ma corner siya.Nabigla naman ito ng makita na ako ito pag lingon niya sa akin.Agad naman akong ngumiti dito ng nakakaluko. Pang inis lang dito.Gusto ko pa nga sana sabihin dito na pag lumingon ka akin ka. Pero gross yuck kadiri. Si nerd yan tapos babae pa. Duh hindi ako pumapatol sa kapwa ko may kepay no. Nakakadiri kaya yung mga ganung klase ng tao na same gender ay karelasyon nila. Yuck talaga. (Guys pasensya na sa mga word ko dito ha. Ms. Homophobic kasi ito so may mga ganito talaga na mentality ng tao na hindi na natin mababago pa. Binalaan ko na po kayo na medyo may mga hurtful word at nakakabwisit na salita akong maba banggit dito ha.)Hindi ba sila nahihiya na ipangalandakan pa sa harap ng mga tao ang ka imoralan na ginagawa nila. Sobrang nakaka walang gana at nakakainit ng ulo pag nakakakita ako ng mga ganoong tao.Bakit hindi na lang sila ma kuntinto sa kung ano ang binigay sa kanila na kasarian? Kaya nga kung minsan bigla na lang ako nawawalan ng gana lalo na pag nama masyal ako sa mall. Tae ang dami kung nakikita na ganun na magkahawak kamay pa. Minsan nag lalandian pa habang nag lalakad. Nakakainis sana hindi na lang sila lumalabas ng kanilang bahay at baka makahawa pa sila sa mga matitino na tao na katulad ko. May time pa nga na habang kumakain ako sa isang mamahalin na restaurant tapos bigla na lang pumasok ang dalawang magandang babae. Akala ko nga mga model ang mga ito dahil ang gaganda at ang class pa nilang kumilos kaya naman nakatingin lang ako sa kanila at sa may bandang unahan ng table ko lang sila naka pwesto ko.Akala ko nung una ay mag best friend lang sila at sweet lang sila sa isat isa kasi nga ganun din naman kami minsan ng mga kaibigan ko. Pero nagulat na lang ako ng bigla silang maghalikan sa harapan ko.Nawalan talaga ako ng ganang kumain nun. As in sa harapan ko pa talaga sila nag tukaan na dalawa. Hindi man lang nila iniabot sa kanilang bahay ang kaanuhan nilang dalawa. Hanga pa naman sana ako at magaganda sila at mukhang may mga class. Wala naman palang pinag kaiba sa mga pa class lang dyan. Pero hindi alam ang salitang moral."Ikaw po pala yan Ms. Samantha. Ano po ang kailangan nyo sa akin.?" Mabait na tanong naman nito. Pero hindi naman sa akin nakatingin ng diritso na para bang iniiwasan akong tignan nito.Tsaka nag tataka ako ngayon dito at bakit parang bigla naman yata na bumait ito ngayon sa akin. Dati kasi ay palagi itong parang hinahamon ako kaya tuloy mas lalo akong na cha challenge na pasukuin ito sa kanyang pagiging palasagot sa akin.Baka strategy nya lang kaya ito para hindi ko na siya guluhin pa? Hahaha sa tingin naman niya madadala niya ako sa ganyan."Pinag tataguan mo ba ako ha?" Wala ng paligoy ligoy pa na tanong ko kaagad dito.Huwag siyang ano dyan lalo pa nga at ilang araw ng mainit ang ulo ko sa kanya dahil sa hindi ko siya ma tyempo tyempuhan. Pasalamat siya at uwian na ngaun at ku kunti na lang ang tao dito.Bigla naman itong parang napipi dahil sa pag prangka kong tanong sa kanya ng ganyan. Hahaha"Bakit naman po kita iiwasan eh wala naman pong dahilan para iwasan kita." Sagot naman kaagad nito sa akin at mukhang bumabalik na kaagad ang pagiging pala sagot niya."Kaya nga, wala ka naman dapat na iwasan kasi hindi pa ako tapos sayo. Hindi pa ako nagsasawa na paliguan ka araw araw. Pasalamat ka at palagi mong kasama ang best friend mo. Dahil kung hindi baka lamog ka sa amin ng mga friends ko." Mayabang na sabi ko dito.Napasimangot naman ito. Pero yun lang ang nakita ko na reaction niya. Hindi man lang ito natakot sa sinabi ko na sasamain siya sa amin na mag kakaibigan. Mukhang hindi nga ito natatakot sa amin. Kaya mas lalo lang ako na cha challenge na pahirapan siya.Tignan lang natin kung hanggang saan ang tigas mo na nerd ka."Hindi ko lang maintindihan kung bakit ang laki ng galit mo sa akin eh wala naman akong ginagawang masama sayo na dapat mong ikagalit. Bakit ganun ka na lang ba nabitin sa make out nyo ng boyfriend mo at kung makapag banta ka sa akin ngayon ay parang sobrang laki ng kasalanan ko " inis ng sagot nito.At ang kapal ng mukha nito na sagot sagutin ako ngayon ha. Kaya lalo lang niyang nilulubog ang kanyang sarili dahil sa pagiging ganyan nya eh. Bakit hindi na lang kaya ito manahimik. Para naman pag isipan ko kung dapat na itigil ko na ba nag pam bu bully sa kanya o hindi pa."Wala ka ng magagawa kung anoman ang gusto kung gawin sayo. Dahil habang dito ka nag aaral sa paaralan na ito ay ako ang masusunod. Baka hindi mo pa ako masyadong kilala kaya ganyan ka makasagot sagot sa akin. Tandaan mo hindi pa ako tapos sayo. Kaya humanda ka na lang sa mga susunod na araw." Sabi ko sabay talikod na. Wala na akong plano pa na pahabain pa ang usapan namin na ito.Mukhang na inis ko naman na siya eh. Yun lang naman ang pakay ko kaya ko siya nilapitan at wala ng iba. At saka hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko ngayon dahil parang hindi ako masyado na makahinga pag ganyan na sobrang lapit lang niya sa akin. Ewan ko ba sa sarili kong ito oo.Sa kanya lang naman ako ganito. Pero sa mga friends at boyfriend ko naman na lumalapit sa akin at mas malapit pa dito ay hindi ako nag kakaganito tanging sa kanya lang.May ginawa pa yata sa akin ang nerd na ito. Baka kinukulam na ako nito ng hindi ko pa nalalaman. Lagot talaga siya sa akin kapag ganun nga ang kanyang ginawa.Mabilis na akong sumakay sa kotse ko at pinaharorot na yun. Bahala na si jowa dyan. Ayaw kong mag hintay pa dito sa parking lot ng matagal. Uuwe na ako. Kung gusto niya ay pumunta na lang siya sa bahay at bigla na lang ako nawala sa mood ko ngayon. Wala na rin akong balak pa na makipag date ngayong gabi sa kanya. Dahil mas gusto ko pa ang matulog. Maybe sa ibang araw na lang.Nag chat na lang ako sa kanya na nauna na akong umuwe at biglang sumama ang pakiramdam ko kako.SamanthaPag uwe ko sa bahay ay wala pa sila Mommy. Malamang na mamaya pa ang dating ng mga yun baka nga hindi na naman kami mag sabay kumain eh. Sabagay para din naman sa future ko ang ginagawa nilang yun kaya naiintindihan ko sila. Nang makasalubong ko si Manang ay nag utos na lang ako dito na dalhan niya ako ng meryenda sa taas at tuluyan na akong umakyat sa room ko. Busy ako sa pag scroll sa social media accounts ko ng maisipan ko na e search si Stephanie. Wala lang curious lang ako sa kanya. Tsaka huwag nga kayong ano dyan. Gusto ko lang makita ang account nito at baka may mahalukay ako doon na pwede kong magamit laban sa kanya. Yun naman talaga ang totoong reason ko ha. Kung hindi lang ay bakit ko naman pag aksayahan ang isang katulad nito na isang nobody lang naman. Pasalamat nga ito na pinag a aksayahan ko siya ng precious time ko. Akalain mo isang sikat sa school ay ini stalk ang social media accounts ng isang nerd na yun. Type ko na kaagad ang name nito sa search engine
StephanieNandito na ako sa school. Medyo maaga kasi ako pumasok ngayon para maka iwas na rin ng tuluyan kay Samantha the monster. Tumuloy muna ako sa cr at kanina pa ako tinatawag ni kalikasan. Habang umiihi ako ay may narinig ako na pumasok din dito sa cr. Pag labas ko ay sakto na nakita ko ang isa kong stalker. Yes may stalker ako na ewan ko ba dito sa babaeng ito ang ganda ganda naman at mukhang hindi ito ka rainbow pero kung makahayag ng pag ibig niya sa akin ay wagas. Hindi ito alam ni Avril dahil pag kaming dalawa lang naman ito nagpapahayag ng kanyang nararamdaman daw kuno sa akin. Hindi ko naman pinapansin dahil nga kahit sobrang ganda pa niya ay wala naman itong dating sa akin. Wala akong nararamdaman para sa kanya. Tanging pagkakaibigan lamang ang kaya kung ibigay dito. "Stephanie baby sa wakas ay na corner din kita. Alam mo ba na sobrang miss na kita. Masyado mo na akong binabaliwala." Nag tatampo na sabi nito sa akin.Maya lang ay tuluyan na siyang lumapit at kaagad n
StephanieHumihingal na pumasok na ako sa classroom namin. Mabuti na nga lang at wala pa ang Prof kaya naman nakahinga ako doon ng maluwag. Mabilis naman na umupo ako sa katabing upuan ni Avril na naka kunot ang noo na nakatingin sa akin. Nagtataka siguro ito at bakit kay aga aga eh ito ngayon at pawis na pawis tapos hinihingal pa. Maya lang ay nagsalita na ito. Hindi na yata nakatiis na hindi mag usisa sa akin. "Oh anong nangyari sayo at ganyan ang ayos mo ngayon? Pinag tripan ka na naman ba nila Samantha? Mag sabi ka sa akin ng totoo Stephanie." May paghihinala na tanong nito sa akin. "Galing lang ako sa cr at naiihi na ako. Akala ko ay late na ako kaya tumakbo ako mula doon pa punta dito." Sagot ko sa kanya.Hindi ko sasabihin dito ang nangyari no. Mahirap na at baka kung ano pa ang masabi nito kay Samantha at saka hindi ko kayang sabihin sa kanya na hinalikan ako ni Jade at baka mag tanong pa ito ng mag tanong tungkol doon. Ayaw ko pa naman na masyadong nag kwe kwento lalo pa
StephanieNandito ako sa bar ngayon. Kasama ko ang aking mga pinsan na hindi ako tinigilan hanggang hindi ako sumasama sa kanila. Katwiran ng mga iyo ay wala naman daw pasok bukas eh kung bakit ayaw kong lumabas sa lungga ko. Duh hindi lang naman ako mahilig sa mga night life no. Mas gusto ko na mag basa na lang kaysa yung nandito ako. Sumasakit lang ang ulo ko kapag nakakaamoy kasi ako ng mga usok ng sigarelyo eh. .Hindi ko nga malaman sa mga pinsan ko na ito kung ano ang nagustuhan nila sa ganitong lugar. Ang ingay ingay na nga. Ang dami pa akong nakikitang mga lasing. Sabagay saan kaba nakakita ng bar na walang lasing tanga lang Stephanie? Maya ay bigla na lang ako hinila ng pinsan kong si Sabrina. "Tumayo ka nga dyan Stephanie. Para kang ewan dyan na naka pangalumbaba lang eh. Halika at mag sayaw tayo e enjoy natin ang gabing ito." sigaw nito sa akin. Sabay sayaw nito sa harap ko. Napipilitan na rin lang naman ako na sumayaw. Medyo tipsy na rin kasi ako sa dami ng alak na na
SamanthaHalos mag dilim naman ang paningin ko ng sakto na pag pasok ko sa cr na ganyan ay makita ng dalawa kong mata ang pag hahalikan ni Nerd at nitong si Jade na malandi na ito. Matagal ng pinag iinit ng babeng ito ang ulo ko eh. Sukat ba naman makipag paligsahan sa akin na maging isang Queen bee dito sa campus para lang tanga ito. Ni hindi man lang lumamang sa akin ng ganda ito eh. Mukha siyang paa na tinubuan ng mukha. Hindi ko alam pero galit na galit ako dahil sa naabutan ko na ginagawa nilang dalawa. bakq kung hindi pa ako dumating dito ay baka kung ano pa ang gawin ng dalawang ito. Pakiramdam ko ay gusto ko ng ubusin ang buhok ng Malandi na ito eh. At pag sa sampalin naman si Nerd na parang tanga ngayon na naka tingin sa akin.Dahil sa nakaka rimarim na ginagawa nila ay hindi ko na napigilan pa ang aking bunganga na mag rant sa mga ito. Napaka hayop talaga nila. Hindi ko alam kung bakit may nga ganyang klase ng tao na hindi ma kuntinto sa kung ano ang ipinag kaloob sa kan
SamanthaHindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa tunog ng aking phone. Tumatawag na si Mica ko at nasa baba na daw siya. Mabilis naman na napa balikwas ako ng bangon sabay tingin ko sa oras. at napa hilamos na lang ako ng aking mukha ng makitang 9:30 na pala ng gabi. Hayst mukhang napa sarap ang tulog ko. Napagod kasi talaga ako sa totoo lang at isa pa ay medyo hindi ako masyado nakakatulog nitong mga nakaraang linggo at hindi ko alam kung bakit palagi ko na lang naiisip itong si Nerd na ito. Kaya nga inis na inis ako sa kanya eh. Mukhang kinukulam yata ako ng immoral na yon. Mabilis naman na nag reply ako dito na umakyat na muna siya sa unit ko dahil hindi pa kako ako nakakapag ayos. Kakagising ko lang din. Alangan na pag hintayin ko ito ng sobra eh. Alam ko naman sa aking sarili na ang tagal ko mag ayos. Syempre ganun talaga kapag masyado kang maganda. Lahat mapapansin sayo. Kaya dapat sa tuwing lalabas ako ay always good look dapat ako. Nag madali
Samantha Nagising na lang ako na may malambot akong yakap yakap na unan at ang bango pa. Tsaka ang sarap din sa pakiramdam ng binibigay nitong init sa akin. Kaya naman mas lalo lang akong nag sumiksik sa unan na yun. Hayst hindi ko alam na may nabili akong ganitong unan na kasing laki ko din lang. Ang alam ko ay hindi rin ganito ang amoy ng mga unan ko sa kwarto ko. Pero hindi ko na lang pinansin pa yun at mas sumiksik lang dito. Ang init din kasi nito eh. Nakaka relax at mas lalo pa kasi akong inaantok. Maya lang ay yumakap din sa akin ang unan na yun kaya naman mas lalo ko lang naramdaman ang init nito ng ikulong ako saga bisig niya. Pero tika. Kailan pa nagkaroon ng bisig ang unan at kailan pa kumikilos ang unan? kaya naman bigla na lang akong napa mulat ng aking mata dahil doon. At biglang bumungad sa akin ang natutulog pa rin na si Nerd. Kaya naman bigla akong natigilan dahil doon. Anong ginagawa ng Nerd na ito sa room ko? Baka mamaya may ginawa na itong masama sa akin. Kay
SamanthaMabilis na tumayo naman na ako mula sa pag kaka higa ko dito sa kama ni Nerd. Baka mahawa pa ako ng sakit ng mga ito. Hayst ang tanga tanga ko talaga kainis. Hinanap ko naman kaagad ang aking shoulder bag. Alam ko na dala ko ito nung lumapit ako sa kanya kagabi eh. Nang makita ko ito sa may table nito ay mabilis na nag dial ako. Nag dial ako sa bahay. Tinawagan ko ang driver namin. Mag papa sundo sana ako dito kaya lang ay hindi ko nga pala alam kung saang lugar ito. Pero nag bilin na lang ako dito na huwag aalis at tatawag ulit ko kaagad sa kanya. Hayst lahat na lang talaga naman ng katangahan sa buhay oh. Kasalanan talaga ng nerd na ito eh. Hindi ako na niniwala na hindi ako kinulam nito. At kung sa tingin niya ay hi hingi ako ng sorry sa kanya ay hindi mangyayari ang bagay na yun. Kahit mag lupasay pa siya dyan sa sahig Eh ano naman kung tinulungan niya ako at dinala dito sa condo niya. Sana nga hindi na lang nito ginawa yun dahil sure naman ako na hindi ako papa bay