Share

Kabanata 26

"Hindi ako tututol na ligawan mo ang anak ko iho, pero sana ayaw kong maging dahilan ang anak ko upang mag-away kayo ng kuya mo alam mo na ang sitwasyon at sana ay naiintindihan mo iyon."

Muling bumalik sa isip ko ang mga sinabing iyon ni Mrs. Tan sa akin kanina, alam ko naman na ang tungkol sa bagay na iyon dahil nangyari na nga dahilan para magbangayan kami ni kuya. Ngunit bago pa man umalis si kuya sinabi ko na sa kaniya na kung sakaling umalis siya wala na siyang babalikan.

Wala na rin naman magagawa pa siya kapag nalaman niyang nililigawan ko ang ex niya, hindi na niya iyon mapipigilan lalo pa at nasa ibang bansa na siya.

Matapos kong makapagpalit ng uniporme ko ay muli na akong lumabas ng silid ko upang maghanap sana ng makakain sa kusina, ngunit naagaw ng atensiyon ko ang ingay dala ng pag-uusap nina mom at lola sa isang kwarto, ayaw ko mang pakinggan iyon ay ginawa ko pa rin dahil mapapansin sa tono

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status